Nine

1605 Words
"WHAT?!?! NILILIGAWAN KA NG CASSANOVA KING?!" hindi ko mapigilang mapatakip sa tenga ng malakas na sumigaw si Chelsea ngunit agad ding napakunot ang noo ko ng marinig ko kung ano ang tinawag niya kay Draven "Cassanova King?" hindi ko mapigilang tanong I heard what Cassanova means, marami na akong librong nabasa tungkol sa mga ito, but being a King of Cassanova is beyond my knowledge Kasalukuyan kaming nandirito sa room at nagkukwentuhan silang dalawa, dinamay lang nila ako, kaming tatlo nalang ang nasa room ngayon, breaktime na kasi at may dalang mga pagkain sila Rodolfo at Chelsea kaya ayaw nilang bumaba at pumunta sa Cafeteria and me being their 'New Friend' dinamay nila ako dun kahit ilang beses akong tumanggi, well wala naman talaga akong balak na sumabay sakanila maglunch, bababa na sana ako kanina kaya lang napakagaling nila pagdating sa pagpupumilit ng gusto nila kaya hindi ako makatanggi hindi ko nga alam paano napunta kay Draven yung usapan namin eh, nagulat nalang ako bigla silang humarap sakin at nagtatanong kung ano ang status namin ni Draven, nabalitaan daw kasi nila yung pag-aaligid sakin ni Draven the past few days and me being an honest person, walang pagdadalawang isip na sinabi kong asungot siya sa buhay ko but then they still insist on hearing a more precise answer so I told them that Draven insist on courting me, but I didn't allowed him to napangisi sakin si Rodolfo na siyang kinataka ko at tinapik-tapik pa ang balikat ko "You are so walang pake sa paligid girl! I'm so pity you" I rolled my eyes nang makarinig na naman ako ng wrong grammar kay Rodolfo sakit sa tenga, sarap sungalngalin ng bibig neto, pa-english english pa pwede naman magtagalog! "Tigilan mo na nga pag-eenglish Rodolfo...." hindi natuloy ang balak sabihin ni Chelsea nang agad na sumabat si Rodolfo "It's Rhian! Ano ba froglet ilang beses ko bang icocorect ka?" inis nang saad ni Rodolfo. kahit naman ako, I don't like to call him Rhian, hindi bagay sakanya hahahaha "at ilang beses ko rin bang sasabihin sayong hindi froglet pangalan ko?!?" galit ding tanong pabalik ni Chelsea ayan nanaman sila pinasak ko nalang yung earphones ko sa magkabilang tenga at nakinig ng music kinuha ko yung isang lunch box ni Rodolfo at kinain yung Chicken Sandwich na laman niyon, kinuha ko rin yung lunch box ni Chelsea at kumain ng Sushi na dala niya, tapos nung nauhaw ako, binuksan ko yung bag ni Chelsea at kinuha yung mineral water niya doon tutal hindi nila ako pinababa para kumain, edi pagkain nalang nila kakainin ko bahala silang mag-away dyan, basta ako busog.... habang abala ako sa pagkain ay biglang may kumalabit saakin kaya't tinanggal ko yung earphones ko at hinarap ito "tapos na kayo?" tanong ko sakanila na kasalukuyang nakasimangot sakin at tumango-tango Bilis naman nilang matapos mag-away, kumakain pa ako eh "saan na ba tayo ulit?" pagtatanong ni Chelsea at humarap kay Rodolfo Nagkibit-balikat lang naman ito at humarap saakin at tinaasan ako ng kilay I just crossed my arms at sumandal sa upuan ko "I'm asking kung ano yung ibig sabihin mo when you said Cassanova King" I said kaya't dahan dahan naman itong tumango na para bang naalala na niya ang lahat "Well you see, Ang Love Academy ay may Pitong naggagwapuhang mga Hari, and We call them, The 7 Deadly Kings" sabi ni Rodolfo na mukhang pinagpapantasyahan pa yung pitong hari na sinasabi niya "First is Ezekiel Monterial, everyone knows him as Zeke the Arrogant King. Bukod sa pagiging mayabang nito, sikat siya dahil sa angking yaman ng kanyang pamilya. The M.C. Inc. o Ang Monterial Construction Incorporated ay pagmamay-ari ng kanyang pamilya and we all know na iyon ang pinakakilalang kompanya sa Construction Industry, He is so Damn Rich to the point that he can buy anything he likes, pinalaki kasi siyang nakukuha ang lahat ng gusto kaya naging sobrang arogante. may sikat pang kasabihan dito sa school tungkol sakanya 'What Zeke wants, Zeke gets' kaya hindi na nakapagtataka bakit napabilang siya sa mga Hari" mahabang saad ni Chelsea, napataas ang kilay ko at napatango tango, I don't know him kaya hindi nalang ako magrereact at magsasalita ng kahit ano "Yieeee next naman is the Envious King, Adam Gonzalez, He's so hot and yummy! last time I saw him nung naglalaro silang pito ng basketball sa court, naghubad siya noon at kita ko 6 packs abs niya, sarap gapangin sa gabi girl! pero bukod sa oh so yummy figure and oh so Gorgeous Face, Siya ang matatawag na Businessman sakanilang pito, cause at the age of 12 ay nakapagpatayo na ito ng sarili nitong Bar, then nadagdagan pa ang negosyo niya when he was 14, gumawa siya ng sarili niyang Alcohol Brand and that is the Mi amore na sikat na sikat ngayon sa buong mundo, but being the most famous brand of Alcohol is not enough for him, unti-unti niyang binibili ang kompanya ng mga kakompetensya niyang brands ng Alcohol, inuubos niya ito hanggang sa mawalan na siya ng kakompetensya, pumasok na rin ito sa Food Industry at binili ang sikat na sikat na Fastfood chain sa bansa at napakarami narin nitong pagmamay-aring mga lupain kaya't tinawag siyang Envious King, 'he wants to have what the world has' ika-nga nila" sabi ni Rodolfo na may nagniningning na mga mata, medyo na-amaze naman ako ng dahil sa sinabi niya bata palang siya may alam na siya sa pagpapatakbo ng negosyo. how did he manage to survive in the Business Industry gayong sobrang bata pa niya? "Ako naman magpapakilala kay Salvador! bakla wag kang sasabat ah, kailangan full details itong sa pangatlo kasi kapag ikaw mageexplain, sasabihin mo lang goodside niya eh!" sabi ni Chelsea at pinandilatan pa ng mata si Rodolfo Maarteng inirapan nalang ni Rodolfo si Chelsea at nangalumbaba "Sa Pangatlong Hari na tayo, and that is Gabriel Salvador, he was called the Lazy King, obviously for being lazy and being too happy go lucky, Sa batang edad, pinamahala na sakanya ng kanyang ama ang pagmamay-ari nitong Casino. Le Emperial Casino, ang pinakasikat na Casino sa Bansang France, na hindi naman talaga niya inaasikaso dahil tumakas ito at pumunta dito sa Pilipinas upang takasan ang responsibilidad na binigay sakanya ng kanyang ama. Gab is a Trickster, he loves playing, at hindi lang basta laruan ang nilalaro niya, pinaglalaruan niya ang mga tao sa paligid niya, kung tatanungin mo kung bakit? dahil bored na bored lang siya sa buhay niya! if I were you, siya ang pinakadapat mong iwasan, he's dangerous, wala siyang pakialam kung makakasakit siya ng damdamin ng iba, all he thinks of is his own satisfaction, paglalaruan ka niya hangga't sa hindi ka niya nakikitang lumuluha" galit na galit na saad ni Chelsea, napakunot-noo naman ako, laki ng pinagdadaanan ah? "Wag ka nang magtaka kung bakit galit na galit si Froglet kay GabbyBabe, She had a Bestfriend once na naging laruan ni GabbyBabe dati, then biglang nagulat nalang si froglet nang sinugod siya nung friendlalu niya at sinabunutan, nalaman laman niya na sinabi pala ni GabbyBabe kay friendlalu ni froglet na si Froglet ang gusto nito at hindi si friendlalu, so ayun nag-friendship over sila at pumunta nang ibang bansa si Girl para mag-move on" medyo magulo ha? friendlalu, froglet at GabbyBabe lang naintindihan ko "So? ikaw pala ang gusto nung Gabriel kaya nagfriendship over kayo nung dati mong bestfriend kaya nagagalit ka ngayon sakanya?" tanong ko kay Chelsea upang malaman kung tama ba talaga ang pagkakaintindi ko sa kwento "No, hindi niya ako gusto, ginawa niya lang yun upang makatakas siya kay Kaye noon nung nagsawa na siya dito" puno nang hinanakit na saad ni Chelsea, nakita ko pang may pumatak na luha sa kaliwa nitong mata na agad nitong pinunasan kaya't hindi iyon napansin ni Rodolfo "Anyways! kalimutan na natin yun si GabbyBabe, let's head to the next King which is Matthew Fortalejo, the Papable Satiate King!" excited na turan ni Rodolfo na tumatalon talon pa at gumigiling-giling na akala mo ay pinasukan ng ipis yung uniform niya "Don't think that because he was called the Satiate King ay matakaw na ito kumain, it's just that tinawag siyang ganyan because he always want a large amount of something, gusto niya ay lagi siyang nakalalamang sa iba sa mga bagay bagay, he always craves for something kahit mayroon na siya nito. but kung tatanungin mo ako, among the seven of them, Matt is the Nicest, siya yung pinaka-Approachable, madali siyang lapitan at palangiti kaya't lagi niyang nakukuha ang atensyon ng mga kababaihan. mayaman din ang pamilya ni Matt, at kilala sila sa Clothing Industry, Ang 'Eleftheria Clothing' na pagmamay-ari nila ay sikat na sikat na Clothing Line sa iba't ibang panig ng mundo, dahil hatid nila ang mga damit na nauuso" pagtutuloy ni Chelsea dahil yung isa hindi na makapagsalita sa sobrang kilig magsasalita pa sana si Chelsea para ipagpatuloy ang kinukwento ngunit biglang bumukas yung pinto at nagsipagpasukan na ang mga kaklase namin, kasabay nang pagpasok nila ay siya ring pagpasok ng prof namin sa General Psychology kaya't napaayos na ng upo sila Rodolfo, ako naman ay nangalumbaba lang.... I even saw Chelsea mouthed at me "Later" na may pa hand gesture pa siya na parang sinasabi na sandali lang, nawiweirduhang tumango nalang ako mukha siyang timang, tsk tsk tsk Sa Seven Deadly Kings, The Arrogant, Envious, Lazy at Satiate King palang ang nababanggit... May tatlo pang hari na natitira... at alam kong isa si Draven dun.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD