Eight

1281 Words
"Sweetheart naman, kaninang umaga mo pa ako hindi kinakausap! kausapin mo naman ako!" pagdadrama ni Draven sa likod ko na kanina pa nakabuntot sakin, I can't help but to mentally facepalmed ano bang trip ng lalaking ito? wala na siyang ibang ginawa kundi guluhin ako at sundan ako kung saan man ako pumunta Breaktime, Vacant time and kahit yung unexpected event katulad ng absent yung teacher ko sa isang subject kaya't wala kaming klase ay alam niya I can really classify him as a stalker, at sobrang creepy niya pa, lagi niya akong inaabangan sa labas ng classroom namin, yung mga classmate ko naman tuwang tuwa, kilig na kilig pa, yung iba naman ang sama ng tingin sakin, sarap pagtutusukin sa mata eh. nandito kami ngayon sa napakalawak na field ng L.A. at dirediretso lang akong naglalakad, naghahanap ng pwedeng tambayan habang wala pang klase, while on the other hand si Draven naman ay nakasunod lang saakin, nagkaroon pa tuloy ako ng instant buntot. "Sweetiepie! Talk to me! Galit ka ba sakin?" sabi nito at tuluyan nang humarang sa dinaraanan ko ewan ko ba dyan sa abnormal na iyan, galit agad? hindi ko naman talaga siya madalas na kinakausap eh, parang may bago naman doon linagpasan ko nalang siya at nilibot ang paningin sa paligid, nakakita ako ng hammock na nakasabit sa dalawang puno sa hindi kalayuan kaya't agad na dumiretso na ako doon.. "Babyyyyy!" don't mind him Andi, mapapagod din yan "Darlinggg" don't mind him, dumiretso ka lang sa paglalakad "Loveeeee" don't mind him, isipin mong wala kang kasama "Babeeeeeeeee!!!" nagtitimping huminto ako sa paglalakad, I just can't, napipikon na ako sa kaingayan niya tuluyan ko nang nilingon ang istorbong nilalang na ito napaka-ingay niya talaga kahit kailan! "Pwede ba?! ako tigil-tigilan mo ah? wala akong panahong makipaglokohan sayo, I'm tired of your B*llsh*t! now get lost!" inis kong bulyaw sakanya at nagsimula na ulit maglakad pero ang mokong hindi parin nagpatinag at pinagpatuloy parin ang pagsunod sakin "Didn't I warned you na dapat masanay ka na sa presensya ko? at hinding hindi kita lulubayan kaya mapapagod ka lang kakataboy mo sakin" sabi ni Draven at inakbayan pa ako inis na siniko ko siya kaya't natanggal ang pagkakaakbay niya sakin at nagsimula na akong maglakad muli ngunit agad din akong napatigil nang marinig ko ang bell na hudyat na magsisimula na ang next class, muntik pa akong magtatalon sa tuwa dahil dito It's the only time na hindi ako kayang pestehin ng mokong na ito, well simply because may klase siya at may klase ako, hindi naman kami classmates so we need to part our ways during this time, hindi ko tuloy mapigilang mapangisi atlast matatahimik muli ang buhay ko "You look happy" Draven said sarcastically kaya't agad akong napalingon dito "Is it too obvious? well I really am happy and I'm not denying it" masaya kong turan Sinimangutan naman ako nito bago ako nito mabilis na iniwan, nagtampo yata? I don't really care though dumiretso nalang ako sa building ng Psychology Dept. at pumasok na sa room How I love my peaceful life! sana ganito araw-araw, walang asungot na pinipeste ako. but I immediately rolled my eyes ng maramdaman ko ang pag-upo ng kung sino sa bakanteng upuan sa tabi ko, Ang bilis naman yata kuhanin sakin ang kapayapaan. Napatingin ako sa bakanteng upuan sa tabi ko at napakunot-noo nang makakita ng hindi pamilyar na babae sa tabi ko Who is this girl? "You look lonely that's why I decided to sit next to you" agad na sabi nito nang hindi tumitingin sakin at patuloy na nagsusulat ng kung ano sa notepad niya okey? what does she mean by that? "I'm not lonely" inis kong saad bago inirapan ito at itinuon nalang ang pansin sa librong hawak hawak ko na hindi ko naman binabasa dahil sa lalim ng iniisip ko ngunit agad din naman akong napaangat ng tingin ng biglang may lalaking may matinis na boses ang nagtitili papasok ng classroom "CHELSEA THE FROOOOGGGG!" napatakip ako sa tenga sa sobrang lakas niyon what the hell?!? nakalunok ba ito ng microphone? "Tumahimik ka nga Rodolfo!" galit naman na sigaw pabalik nung babaeng katabi ko so her name is Chelsea? "Iiwww tigil mo nga iyang pag-call sakin ng Rodolfo! It's Rhian Girl! R-H-I-A-N, Rhiaaaaaaann" I can't help but to roll my eyes, gosh their so loud "Ano namang masama sa Rodolfo? yun naman yung pangalang binigay sayo ng Nanay at Tatay mo?! Napakaarte neto! Pa-Rhian Rhian ka pang nalalaman Rodolfo" napatakip ako sa bibig ko nang pakiramdam ko ay may kakawalang tunog mula dito dahil sa pagpipigil ng tawa I can't help it! Tunog lalaking-lalaki yung pangalang Rodolfo and yet yung nagmamay-ari nito sa harap ko ngayon ay daig pa ako sa kakapalan ng lipstick with matching contact lense pa! hahahahahahahahahaha I Kennat! iiling-iling habang nakangiti paring binalik ko ang tingin sa librong hawak at nagbasang muli they're crazy and funny, bagay silang magsama dalawa, but not beside me, maingay eh, sasakit lang tenga ko sakanila napansin kong tumahimik yung paligid at hindi na nagbabangayan pa yung dalawang nasa tabi ko kaya't agad akong nag-angat ng tingin sakanila napataas ang kilay ko ng makitang nakatulala sila saakin "Staring is rude" I said at binaba kong muli ang tingin sa libro ko act like you don't care Andi, Act like you don't care! "Did you saw that froglet? Andromeda just smiled??" gulat na tanong ni Rodolfo kay Chelsea napabuntong hininga naman ako what's so big deal about me smiling? masama bang ngumiti? "Yeah" Chelsea said, still in the state of shocked kaya't napaangat ako ng tingin sakanya then nagulat ako ng bigla niya akong akbayan "Let go of me!" kunyari'y galit kong saad at mahina pang tinatapik ang kamay niyang nakaakbay sakin na hindi naman niya tinatanggal "I've decided Rodolfo! Sasama na siya saatin everyday, Welcome our New Friend, Andromeda!" excited nitong saad kay Rodolfo na nagpagulat sakin ng husto Wait?!? WHAT?!?? tinanggal ko yung braso ni Chelsea na nakaakbay sakin and I crossed my arms bago sila seryosong tinignan "I don't need a Frie...." inangat ni Chelsea ang kamay niya kaya't napahinto ako sa pagsasalita did she just stop me from talking? "We don't care Andromeda, We want you to be our friend and you can't do anything about it" and my jaw-dropped because of that "Realtalk lang ha?, bagay talaga sayong magsmile girl, kaya't leave it to us, wag kang mag-alala because lagi ka naming pangingitiin at patatawanin nitong froglet na ito!" pumapalakpak pang saad ni Rodolfo HAAAAAA???? Hindi pa ako pumapayag ah? "My name is Chelsea Suzara and this gay beside me is Prince Rodolfo Bautista and we will be your new friend" sabi ni Chelsea at nakangiting nilahad ang kamay niya hindi ko naman iyon inabot kaya't siya na ang kumuha sa kanang kamay ko at shinake iyon "Correction lang girl sa name na sinabi niya, it's Princess Rhian Bautista, please don't use that mabahong name to me like this froglet" sabi ni Rodolfo at inirapan pa si Chelsea bago kinuha ang kanang kamay ko at shinake iyon "T-teka lang, hindi pa ako pumapa...." I mentally facepalmed ng hindi nanaman natuloy ang balak kong sabihin dahil agad na pinutol iyon ni Chelsea "We don't need your approval, friendship is not about signing a contract or both parties agreed or what, kusa iyon kaya wala ka nang magagawa pa" saad ni Chelsea "P-pero....." "YIEEEE WELCOME TO THE CLUB AndyBabyyyy!!!" tili ni Rodolfo kaya't napatakip nalang ako sa tenga ko I'll never win in an argument with them
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD