dahan-dahan akong nagmulat ng mga mata at sinalubong ako ng nakakasilaw na liwanag galing sa flourescent light
I slowly roam my eyes around, puro puti ang nakikita ko, nasa ospital ba ako?
pinilit kong makaupo para sana kunin yung phone ko na nakita ko sa side table ng bed na hinihigaan ko to check the time, pero hindi ko magawa, sobrang nanghihina ako kaya't napabuntong hininga nalang ako
"Anong ginagawa mo?" seryosong tanong sakin ng isang pamilyar na boses kaya't agad akong napalingon dito
at sinalubong naman ako ng seryosong mukha ni Draven, even though I'm irritated sa tuwing nakangisi siya sakin at nakangiti ng malawak, ayoko parin siyang nakikitang seryoso, I just can't read him kapag nasa ganitong state siya, hindi ko alam kung galit ba siya or malungkot or what, all I know is that he's serious
"Kukunin ko lang sana yung phone ko" I said bago umayos ng higa at tinitigan nalang siya habang naglalakad palapit sakin
kinuha niya yung phone ko sa side table at napakunot ang noo ko ng ibulsa niya iyon
"Hey that's mine!" sigaw ko dito, he remained calm at umupo sa natitirang space ng hinihigaan ko
"No phones allowed, bawal ka munang mag-isip ng kung anu-ano, please Andromeda kahit ngayon lang makinig ka naman sakin" he pleadingly asked
I smirked when I finally understood the situation, alam na siguro niya yung sakit ko kaya ganyan siya makareact
pinilit kong umupo at balak na sana niya akong tulungan nang tinampal ko ang kamay niyang papalapit saakin
Nang makaupo ako ng maayos ay pinukulan ko lang siya ng seryosong mga tingin
"I don't need your help, kung naaawa ka sakin dahil sa sakit ko, I don't need it, nabuhay akong walang tulong na natanggap mula sa kahit na sino kaya makakaalis ka na" sabi ko dito saka binaling ang paningin sa ibang direksyon
how Ironic that I told him to leave when I don't want to see him leave in the first place
"Why can't you accept me Andromeda?" puno ng hinanakit nitong saad kaya't napalingon ako sakanya
"Can't you just accept me?, I want to help you, mahirap bang pagkatiwalaan ako?" tanong nito, gusto ko siyang sagutin ng Oo, ngunit parang napipi ako at hindi makapagsalita
"Ganoon ka ba talaga katakot saakin that you don't even want me to help you?" saad nito
Oo, ganoon ako katakot, I am afraid that one day masanay akong nandyan siya, one day masanay akong nasa tabi ko siya palagi and then one day bigla nalang siyang mawala at lahat ng nakasanayan ko ay biglang magbago, I think hindi ko kakayanin kapag nangyari yun
"Let me help you, Tumaya ka naman saakin oh? Take a risk on me Andromeda and I promise you na hinding hindi ka magsisisi" iniwas ko ang mga tingin ko sakanya
his eyes and the way he speak sounds so sincere, baka madala ako sa mga sinasabi niya at pagsisihan ko sa huli. narinig ko siyang bumuntong hininga bago ko naramdamang umalis ito sa pagkakaupo sa kama
"May gusto ka bang kainin? gustong ipabili? lalabas na muna ako may bibilhin lang, may ipapasabay ka ba?" tanong nito na hindi ko pinansin at nanatiling nakatingin sa ibang direksyon
narinig kong muli ang pagbuntong hininga nito bago ito nagsimulang maglakad papunta sa pinto, ang huling narinig ko nalang ay ang pagbukas at sara ng pinto
napatingin nalang ako sa pinto na nilabasan niya and just smiled bitterly on what suddenly came up with my mind
"Can I really take a risk on you?" bulong ko sa sarili
~~~~~~~~~~~~~~~~
"Ate!!!" rinig kong tili ni Cass pagkabukas na pagkabukas ng pinto
agad na napabangon ako, nakita ko siyang tumatakbo papunta sakin kaya't inispread ko ang mga braso ko to give her a hug
agad na umakyat naman siya sa kama at niyakap ako ng mahigpit
"Namiss ko ang baby Cass ko" sabi ko at pinanggigilan ang pisngi nito
"Ate bat hindwi ka umuwe?" tanong nito na kunot na kunot ang noo
napangiti nalang ako at pinisil ang pisngi nito
"Sick si ate eh, kailangan ko munang magstay here para magpagaling, tas kapag magaling na ako, magp-play na tayo ulit" sabi ko dito, nagliwanag naman ang mukha nito at niyakap ulit ako
"Talaga ate?" tanong nito at nag-angat ng tingin
"Syempre, ikaw pa ba? malakas ka kaya kay Ate" sabi ko at pinisil naman ang ilong nito
"Tama na yan Baby Cassy, baka mapagod si Ate" napatingin naman ako kay kuya Cepheus ng magsalita ito
"Eh gutto ko kay Ate eh" Cass pouted and look at Kuya Ceph with her puppy eyes saka mahigpit akong niyakap
"That wont work, sige ka kapag napagod si Ate matatagalan yung pag-uwi niya" wala pang segundo ay bigla na itong bumaba sa higaan at nagpunta kay Kuya Ceph at humawak sa kamay nito
"Ate uwi ka agad ah?" malungkot nitong saad, ngumiti naman ako saka siya tinanguan
"Gusto ka lang makita ni Cass, nag-iiiyak kaya sinama ko na, ipapahatid ko lang si Cass sa Driver pauwi, babalik din ako" saad ni Kuya Ceph bago lumabas ng kwarto habang buhat buhat si Cass
kumaway nalang ako sa kumakaway ding si Cass habang unti-unting nagsara ang pinto at hindi ko na ito nakita pa
mag-isa nanaman ako
which is a good thing, tahimik na ulit ang buhay ko, walang maingay, walang problema
pero bakit parang ang lungkot?
bakit parang may ineexpect akong tao darating na aawayin nanaman ako, na mag-iingay at bubusugin nanaman ako sa mabulaklak niyang pananalita
dahan dahan akong nahiga sa kama at nakipagtitigan nalang sa ceiling
"Hindi ko na maintindihan pa ang sarili ko Draven, ano bang ginawa mo sakin? What did you do to me to make me miss you so bad?" bulong ko sa sarili
bigla namang bumukas ang pinto at pumasok si Kuya Ceph na may dala-dalang isang supot ng mga prutas at kung anu-ano pang pagkain
"Draven stopped by, nakita ko siyang papasok ng ospital, He told me to give you these baka daw nagugutom ka na, sabi ko nga siya na ang magbigay eh but he told me na baka ayaw mo pa daw siyang makita, nag-away ba kayo?" hindi ko sinagot si kuya at kinuha lang yung potato chips na kasama dun sa supot ng mga pagkain, nang makuha iyon ay saka ko binalik sakanya yung supot
kinuha naman niya iyon saakin at inilagay sa lamesang nandoon
napangiti nalang ako habang pinagmamasdan ang hawak kong potato chips, it just reminds me of something.