Seventeen

1180 Words
It's been three days simula ng isugod ako dito sa ospital and until now under-examine parin ako at ayaw akong palabasin ng mga doktor at sa buong stay ko dito sa ospital, wala na akong ibang ginawa kundi matulog, kumain, maupo, humiga, manuod ng tv at makipagtitigan sa kisame. I want to get out of here. "Here eat this" napabuntong hininga nalang ako at wala sa loob na tinanggap ang inaalok ni Kuya Ceph na bagong balat na mansanas Siya na ang laging nagbabantay sakin dito sa hospital, minsan isa sa mga katulong namin kapag kailangang-kailangan niya talagang umalis, pero madalas ay siya "Aalis pala ako mamaya, I need to go to school para magpasa ng excuse letter, dadaan narin ako ng bahay para kumuha ng damit natin" sabi nito na hindi ko pinansin at mas tinuonan pa ng pansin sa kinakaing mansanas at sa Titanic na palabas ngayon sa HBO narinig ko nalang siyang magbuntong hininga na parang iniexpect na niyang hindi ko talaga siya kakausapin "Anyways, si Draven muna ang magbabantay sayo, linggo kasi at Day off ng mga katulong kaya walang pwedeng magbantay sayo dahil may kanikaniyang lakad sila ngayon, nakausap ko na si Draven kanina and he was planning to drop off here by 11 am" agad na napalingon ako sakanya sa gulat Si Draven?!? No! Ayoko! hindi pa ako handang makita siya. "B-but I can manage alone, h-hindi ko naman kailangan ng magbabantay sakin" sabi ko dito but he just shook his head na parang hindi sumasang-ayon "No buts, hindi ka pa pwedeng magpagod kaya kailangang may taong magbabantay sayo para kapag may kailangan ka you can ask him na kunin ito para sayo" napakagat nalang ako sa ibabang labi ko paano na ito?! "Nasabihan ko narin siya Andi, nakakahiya kapag hindi natin siya pinatuloy, malay mo may kinancel siyang lakad dahil lang sa sinabi kong walang magbabantay sayo, diba?" napabuntong hininga nalang ako bakit kasi nagdedesisyon siya ng hindi man lang sinasabi sa akin?! nagsimulang bumilis ang t***k ng puso ko ng biglang may kumatok sa pinto, napatingin si Kuya Ceph sa relo niya at saka napangiti "Oh? mukhang siya na yata yan" sabi ni Kuya Ceph at tumayo para pagbuksan ang inaasahang panauhin pagkabukas na pagkabukas ng pinto ay parang nagslowmo ang lahat pagkapasok niya, nawala lahat ng bagay sa paligid at tanging siya nalang ang natitira sa paningin ko He wears a summer floral polo na nakabukas ang unang dalawang butones sa taas kaya medyo narereveal ang kanyang chest, it also compliments his brown khaky shorts and his brown leather shoes. mayroon din itong bitbit na gitara sa likuran niya. Simple lang ng damit niya pero bakit ang gwapo niya sa paningin ko. bigla silang nagtawanan ni Kuya Ceph, pati pagtawa niya ay parang nag-slowmo and his laughter became music to my ears anong nangyayari sakin? nababaliw na ba ako? "Andi mauna na ako ah?" rinig kong sabi ni Kuya Ceph My heart skip a beat ng bigla siyang lumingon sakin "S-sige" nasabi ko nalang pero na kay Draven parin nakatuon ang Atensyon ko Nang lumabas si Kuya Ceph ay agad na iniwas ko ang tingin dito at binaling nalang sa TV ang atensyon lumulubog na ang barko, nasira narin ang main generator ng titanic, hawak kamay na tumatakbo si Rose at Jack dahil hinahabol sila ng fiancee ni Rose at pinapaputukan ng baril... "I missed you" mabilis na napalingon ako kay Draven dahil sa sinabi nito ang straightforward naman ng lalaking ito walang paligoy-ligoy ah? hindi ko tuloy malaman ang sasabihin ko "Ilang araw kitang tiniis alam mo ba yun? gusto kitang tawagan, gustong itext, gustong dalawin kaya lang iniisip ko baka galit ka sakin" malungkot nitong saad Echos neto! Paano niya kaya malalaman kung galit talaga ako sakanya kung hindi niya sinubukan diba? diba? dahil sa wala akong maisip na sasabihin ay binalik ko nalang ang tingin sa TV at pinilit ipokus sa palabas ang atensyon hindi pa man nagtatagal ang panunuod ko ay agad naagaw ni Draven ang atensyon ko ng magsimulang itong magstrum sa gitarang dala niya napatingin ako sa mga mata niyang nakatingin din sakin, hindi ko magawang ibaling sa iba ang atensyon ko sapagkat para akong nahihypnotize ng mga mata niya. then he started singing kaya't lalong hindi ko maiwas ang paningin ko sakanya When I look in your eyes I can see that you want to be with me but you're so scared I am scared dahil hindi ko alam kung totoo ba talaga ang lahat ng pinapakita mo, you are known to be a casanova, a playboy at baka kapag sumugal ako sayo ay masaktan lang rin ako sa huli And I don't know what to say or do but the tears keep falling from your eyes tumigil ito sa pagstrum ng gitara at naramdaman ko nalang ang mainit nitong palad na pinunasan ang mga luha kong hindi ko namalayang nagsipatakan na pala, matapos niyon ay binaba niya ang gitara ngunit pinagpatuloy ang pagkanta habang hawak-hawak niya ang dalawa kong kamay And I know that times won't change my love and I can't do nothing to keep you napatulala nalang ako sakanya ng hinigpitan niya yung pagkakahawak sa mga kamay ko at hinalikan niya ito Oh, I'll give my love Oh when I hold you tight Give my love through kisses oh so bright binigyan niya muna ako ng isang malungkot na ngiti bago kinanta ang sumunod na lyrics And you know that I can't change my love, take my love all through the night. bigla siyang lumuhod sa harap ko na siyang labis na kinagulat ko "I might not be the kindest person in this world, nagkasala ako, nakasakit, nagkamali, but I am ready to change myself para lang tanggapin mo ko" napakagat ako sa ibabang labi ko upang pigilan ang mga hikbing nais kumawala sakin Natatakot ako at hindi ko alam kung kaya ko bang ipagkatiwala yung puso ko sakanya, inagaw ko ang mga kamay kong hawak niya at tumingin sa ibang direksyon "Draven, durog na durog na yung puso ko, ilang beses nang nasaksak ito ng paulit-ulit at baka kapag nasaktan ulit ito ay hindi ko na kayanin pa, kaya wag mo sanang isipin na nagiging unfair ako sayo dahil hindi kita hinahayaang iprove yung sarili mo sakin" nilingon ko siya at tinitigan sa mga mata "Natatakot ako Draven, takot na takot ako, ayokong masanay sa isang bagay na walang kasiguraduhan, ayokong masanay na isang bagay na masasaktan din ako sa dulo" biglang may kumatok sa pinto kaya't mabilis na tumayo si Draven samantalang ako ay pinunasan ko naman ang pisngi kong hilam ng luha "Ma'am it's time for your medicine" binigyan ko lang ng pilit na ngiti yung nurse na pumasok inabot nito sakin ang tatlong klase ng gamot na kailangan kong inumin, binigyan naman ako ng bottled water ni Draven na siyang tinanggap ko at agad na ininom yung gamot pagkalabas ng nurse ay hindi na kami muling nag-imikan pa ni Draven, hanggang sa dumating si Kuya Ceph.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD