Pumasok ako sa Condo ko ng gulong-gulo ang isip, hindi ko na maintindihan pa yung sarili ko, hindi ko na maintindihan pa ang nararamdaman ko
napaupo ako sa sofa at hinilot ang sentido saka sinandal ang likod sa sandalan ng inuupuan kong sofa
Nasasaktan ako, I hate to admit it pero nasasaktan ang puso ko sa tuwing tinatanggihan niya ako
ginawa ko naman ang lahat ah? I tried everything I can, ilang beses kong nilunok yung pride ko, I almost beg for her to accept me
ano pa bang kulang? may mali ba sakin?
D*mn, I'm doomed
hindi ko alam kung dahil pa ba ito sa pesteng bet na iyan o dahil unti-unti na akong nahuhulog sakanya
"hindi mo man lang naramdaman ang pagpasok ko, Let me guess, babae yan ano?" agad na napalingon ako ng may biglang nagsalita sa likod ko
"Kuya Drake?" nagtataka kong saad, ngumiti naman ito saka nagsimulang maglakad palapit sakin at tinabihan ako
"Naaalala mo pa pala ako, ni-hindi ka na nga umuuwi ng bahay eh" nagtatampong saad nito bago ako nito sinapak sa braso ng pabiro
"busy lang ako sa school" pagdadahilan ko naman, binigyan naman ako ng nagdududang tingin nito before he crossed his arms at taasan ako ng kilay
"Busy sa school o sa babae?" napailing-iling nalang ako, kilala niya talaga ako, he's my brother afterall
He is Drake Zenzus, nakatatanda kong kapatid, he should be the sole successor of our family's wealth and company kaya lang tinanggihan niya ito and build his own empire, at syempre dahil doon ang imbes na sakanya dapat ay napunta sakin making me the heir of all the properties we have
napabuntong hininga nalang ako bago seryosong tumingin sakanya
"Kuya paano mo makukuha ang tiwala ng isang babaeng hindi marunong magtiwala?" tanong ko, napakamot naman sa noo si Kuya Drake na parang hindi niya inaasahan ang tanong ko
I want to know kung paano ko ba makukuha ang tiwala niya, kung anong gagawin ko para lang matanggap niya ako, para hayaan niya akong mahalin siya, I am ready to do anything just to make her mine.
"Don't tell me yung babaeng sinasabi mo ay kasama na naman sa mga balak mong paglaruang babae?" nakataas-kilay nitong saad, umiling-iling naman ako
"Kuya iba ito, iba siya sa lahat ng nakilala ko. sa hindi ko malamang dahilan ay nakikita ko yung sarili ko sakanya. her eyes....yung mga mata niya ay katulad nung sakin nung araw na nalaman kong niloloko lang pala ako ni Celine, it's full of doubt.... yung tipong mga mata na gustong humingi ng tulong pero takot magtiwala" agad na nagbaba ako ng tingin, I can't help but to still feel a slight pang in my heart ng maalala ko nanaman si Celine
Celine is my ex-girlfriend, I loved her so much to the point na naging uto-uto na ako sa lahat ng gusto niyang ipagawa sakin, we broke up when I found out that she just used me for her benefit
Siya ang dahilan kung bakit takot na akong magtiwala sa mga babae, instead of loving them why not play with them right?
bago ka pa nila iwan at saktan, dapat unahan mo na.
iyon ang paniniwala ko noon, pero nagbago iyon ng makilala ko ng lubusan si Andromeda
She is the type of person na dapat ay minamahal, inaalagaan at pinapahalagahan, she is the type of person who deserves all the best things the world can offer
Her nightmares that still hunts her had done enough pain for her kaya gusto kong palitan ang mga bangungot niya ng isang magandang panaginip, I want to stop her nightmares, I want to help her forget the pain and make her move on
Sobra na yung sakit na nararamdaman niya, she deserve to be happy at handa akong tulungan siya para mangyari iyon
wala sa sariling napangiti ako at napailing-iling, d*mn ganito ko siya kagusto, gustong-gusto ko siya to the point na kahit ipagtulakan niya ako palayo, I still found myself running towards her
mukhang imbes na siya ang mahulog sa bitag ko, ako pa yata ang nahulog sakanya,
I tried to climbed the wall that she created that made a lot people stay away from her and while climbing, I unconciously fell for her, I found myself falling without knowing how to climb, at hindi ko alam kung bakit natutuwa pa ako dahil nangyari iyon,
I voluntarily step on the trap that I myself created
naramdaman ko na tinap ako ni Kuya Drake sa balikat ko kaya't agad na napalingon ako sakanya, he gave me a bright smile bago nagsimulang magsalita
"If you like her that much then learn to wait. yan lang sa solusyon sa babaeng takot magtiwala at ayaw magtiwala. it's patience Draven, matuto ka lang maghintay and little by little makukuha mo rin ang tiwala niya" napatango-tango naman ako
patience? I think I can do that.
"Ang trust ay hindi basta-basta binibigay bro, you need to earn it and work hard for it and let me tell you, yung mga babaeng iyan na takot magtiwala? kapag binigay nila ang tiwala nila sayo, buong-buo yun, pati puso nila ay handa nilang ibigay sayo, ganun sila kung magbigay ng tiwala, masasabi mo nalang sa sarili mong worth it ang lahat ng paghihintay at sakripisyo, that's how worthy they are and they don't even realize that" mahabang lintanya ni Kuya Drake bago ginulo ang buhok ko
"Binata na ang kapatid ko! I'm proud of you Draven, sigurado akong magugustuhan siya nila Mommy, so kailan mo siya balak ipakilala samin nila mommy at daddy? atat na atat na yung dalawang iyon na magkagirlfriend ka" panunukso sakin ni Kuya, natatawang napailing nalang ako saka tumayo at dumiretso sa kusina
"Soon kuya, maipapakilala ko rin siya sa inyo" sabi ko bago tuluyang makapasok sa kusina
work hard? earn it? patience? napangiti nalang ako sa sarili, I'll do what it takes to earn her trust
at hindi na iyon dahil sa simpleng pustahan lang but instead it's because of my own personal reason
and that reason is because I've fallen, I have fallen in love with Andromeda Verillo, and I'll do anything to make her mine.