"Saan ba pwedeng tumambay dito?" mahinang tanong ko sa sarili habang naglalakad lakad
Nandito ako ngayon sa school at Vacant time ko ngayon, wala yung dalawa dahil naguidance office sila, nag-away ba naman habang may nagtuturong prof sa harap eh, anyways It's been 3 weeks since I've got discharged sa hospital kung saan ako naadmit, so far hindi ko pa naman daw kailangang magundergo ng heart transplant but I still need to take care of my heart, ilayo ko daw yung puso ko sa mga bagay na makakasama dito
napailing-iling nalang ako,
hindi dapat bagay ang sinabi ng doktor na iyon, dapat ay ilayo ko ang puso ko sa mga taong kayang manakit nito
nang makakita ako ng bench sa ilalim ng puno na walang tao ay masayang naglakad ako patungo roon ngunit naunahan ako ng isang babaeng umiiyak, agad na dinaluhan naman siya ng isa pa at tinap ang likod nito na parang pinapatahan
"Wag ka nang umiyak Julie, hindi lang siya ang nag-iisang lalaki sa mundo" sabi nung babaeng pinapatahan ang kaibigang umiiyak
"Pero siya lang ang gusto ko, siya lang ang mahal ko, Si Draven lang Jema, ayoko sa iba siya lang ang gusto ko" pagdadrama naman nito that made me roll my eyes
Siya nanaman ang dahilan, It's the 4th girl na nakita kong umiiyak dahil sakanya ngayong araw, Imagine pang-apat lang yan ngayong araw, how about yesterday tas nung isang araw or last month? tsk tsk tsk If I were to estimate how many girls that Draven Zenzus left crying.... I can count hundreds of them
teka ano namang pake ko kung nagpapaiyak siya ng mga babae? ano namang pake ko kung babaero siya? pakamatay na mga babaero, walang ibang ginawa kundi manakit ng tao!
hindi ba nila alam na they can be a murderer by hurting someone's feelings, ang sakit-sakit kaya, daig pa ang sinaksak ng paulit-ulit sa puso.
Okey wag na nating ilihis pa yung topic, napipikon talaga ako kay Draven nung nakaraan pa!
asking me why?
bwisit na bwisit talaga ako sa babaerong iyon hanggang ngayon dahil biruin mo ba naman matapos iyong araw na kinantahan niya ako at binantayan sa ospital, pinatutsadahan niya pa ako ng mabubulaklak niyang mga salita then biglang hindi na ulit nagparamdam at nagpakita, hanggang ngayon wala akong balita sa hinayupak na iyon
hilig talaga akong iwan sa ere, yung tipong bigla-bigla nalang hindi nagpaparamdam
kaya napakainit ng ulo ko sakanya.
"Ano bang nakita niya sa Andromeda na iyon? he even chooses her over me" sabi pa nito, napatampal nalang ako sa ulo ko
dinamay pa ako at ginawang panakip butas para layuan siya nung mga babae niya
nagsimula na akong maglakad paalis doon, pareparehas lang talaga ang mga lalaki, if they get what they want from you, iiwan ka nalang nila sa ere because wala na silang mahihita sayo, so predictable that I don't understand why many girls are still too stupid enough para magpauto sa mga lalaking iyan, specially that Draven Zenzus
alam ng lahat sa Academy na ito kung gaano kababaero at manloloko yang lalaking iyan but still patuloy paring nagpapauto yung mga babae sakanya, tapos kapag iniwan sila, iiyak iyak, mga tanga, anong feeling nila? sila yung makakapagbago sa babaerong iyon? once a playboy, always a playboy....
yung mga ganoong istorya na may babaeng darating at makakapagpabago sa isang badboy ay nangyayari lang sa mga libro, that kind of story will never happen in real life.
KRING KRING KRING
Time for the next class
~~~~~~~~~~~~~~
"Life is unpredictable, may mga times na nakakaranas tayo ng sobrang hirap, sobrang pasakit to the point that we question ourselves if we deserved this, do you deserve it?" Napakunot noo ako sa sinabi ni Ma'am Sandra na prof namin in FLE.... (Fundamental of Logic and Ethics with Values Education)
do I deserve it?
All my life all I wanted was a complete and a happy family, pero unti-unti nila akong iniwan, they left me all alone at ngayon they created a monster inside of me, they created something that I will be afraid of for the rest of my life, and that monster made me so afraid of everything, sobrang natatakot na akong maiwanan, natatakot na akong masaktan, natatakot na akong magtiwala, at natatakot na akong masanay sa taong mawawala rin bandang huli, hindi naman ako mapaghangad na tao, mali bang hilingin na sana they just choose to stay for me?
deserve ko ba lahat ng sakit? lahat ng hirap? Do I deserve to be this Miserable?
naramdaman ko ang mainit na likidong dahan dahang tumutulo sa pisngi ko galing sa aking mga mata, umiiyak nanaman ba ako? lagi nalang ba akong iiyak nang dahil sakanila?
nagulat ako ng may palad na humawak sa pisngi ko at dahan dahang pinunasan ang luha ko, napatingin ako sa taong may-ari ng palad na iyon, kita sa mga mata niya ang awa at isang emosyong hindi ko mabasa basa na lagi kong nakikita sa tuwing tinititigan niya ako
galit na tinapik ko ang kamay niya upang tanggalin sa pagkakahawak sa pisngi ko
"Don't touch me Zenzus" sabi ko at binalik ang atensyon kay Ms.Sandra
Sa dinami-rami pa ng makakakita ng kahinaan ko ang babaero pang ito
naging unexpected blockmate kami sa FLE ng lalaking ito ngayon lang, He's an I.T. Student, Psychology naman ang sakin, maliban sa subject na iyon, wala na, nagkataon lang talaga na nanganak yung FLE teacher nila at walang ibang magsasubtitute kaya naisipan ng Dean na ihalo ang ibang mga students na professor si Mrs.Grace dun sa ibang course na nagtetake din ng FLE Subject.
at sa kamalas-malasan nga naman, sa klase pa namin napunta ang klase nila, at ang malala pa, ako pa ang naging seatmate niya
Nang marinig ang Bell ay dali-dali na akong nag-ayos ng gamit at lumabas ng Room, I am so embarassed right now, may nakakita saking umiiyak and worst, siya nanaman, why does he always see me during my fragile state?
pababa na sana ako ng hagdan para lumabas sa building na ito at makapaghanap ng tatambayan ng may mga kamay na pumigil sa braso ko at mahinang hinatak ako kaya't napaharap ako sakanya
"Not so fast Gorgeous" sabi ni Zenzus na binigyan pa ako ng kanyang 'oh so famous smile' and that doesn't work on me
doesn't it? bakit bumibilis nanaman yung t***k ng puso mo Andromeda?
"Didn't I told you not to touch me" I said at inis na tinapik ko yung kamay niyang nakahawak sa braso ko
nakita ko naman ang disappointment sa mukha niya habang nakatingin sa kamay niyang dahan-dahan niyang inaalis sa pagkakahawak sa braso ko na agad din namang nawala dahil ngumiti ulit siya ng pagkatamis-tamis
"Let me show you something, It'll cheer you up" sabi niya at hinawakan ako sa kamay at hinatak sa kung saan
"Wait...WHAT?!?" pilit na hinahatak ko ang kamay ko para bitawan niya, ngunit sadyang mas malakas siya sakin kaya't wala akong magawa kung hindi ang magpahatak sakanya
"Saan mo nanaman ba ako dadalhin?" tanong ko dito ngunit hindi ako nakarinig ng kahit na anong sagot mula sakanya
dinala niya ako sa Rooftop kaya awtomatikong napataas ang kilay ko
"Anong gagawin ko dito?" mataray kong saad at hinatak na ang kamay ko na madali ko rin namang nahatak dahil maluwag na ang pagkakahawak niya dito
"Wait till you see" agad na nag-init ang ulo ko, he's just wasting my time....ni-hindi nga kami close kung makahatak siya akala mo kung sino
"Alam mo wala akong oras para sa mga kalokohan......" agad akong napatigil sa pagsasalita ng marinig ko ang paparating na Helicopter
teka?! Helicopter!?!?
Agad na nilingon ko ang pinanggalingan ng tunog na iyon at hindi nga ako nagkamali, Helicopter nga iyon
hinatak muli ako ni Draven upang gumilid dahil mukhang doon maglalanding yung Helicopter, Paano nakapasok iyon dito?!?
Nang makalapag na yung Helicopter ay hinatak muli ako ni Draven at inalalayan akong makasakay dito at hindi ko alam kung bakit hindi ako umaangal.....I am still in shocked
Nang makasakay na kaming dalawa ay agad na lumipad muli yung Helicopter at pumunta sa hindi ko malamang lugar
"What just happened?" I am in total shocked, hindi ako makapaniwala sa bilis ng pangyayari
"You just ride this Helicopter?" patanong niya ring sagot sakin at biglang tumawa ng malakas, is he mocking me? inis na siniko ko siya sa tiyan kaya napatigil siya sa pagtawa at namilipit sa sakit
serves him right
Mahigit 45 mins na ang nakalipas at hindi parin humihinto yung sinasakyan naming helicopter kaya't hindi na ako nakatiis pa at tinanong na siya
"Saan mo ba talaga ako dadalhin? at Paano nakapasok itong Helicopter sa School?" tanong ko sakanya, nakita ko naman ang pagngisi niya bago ako sinagot nito
"Nakalimutan mo na ba? I am Draven Zenzus, I can do anything. tsaka wag ka ngang magmadali malalaman mo rin kung saan tayo pupunta" he said, tss napakayabang, Yes! He is Draven Zenzus, ang lalaking Barumbado, manloloko, Antipatiko at Babaero, kahit na marami siyang negative aspect, one thing is for sure, He can do anything.
I just rolled my eyes, kapag ako nakababa dito magfafile ako ng case, k********g, kinidnap ako ng mokong na ito....
biglang huminto yung Helicopter kaya napakunot noo ako, nasa himpapawid parin ito ngunit hindi umaabante,
nasaan ba kami?
puno ng pagtataka ay tumingin ako sa ibaba ng helicopter at halos malula ako when I saw the ocean....
WTF?!?!