"Here's your keys" sabi ni Mike at binato sakin ang susi ng sasakyan ko
Masaya ko namang sinalo iyon saka nagdirediretso sa kotse ko at sumakay dito
Malawak ang ngiti ko habang hinihimas-himas ang manibela ng sasakyan
"I miss you baby" bulong ko
"Wala man lang thank you? naka-ilang beses ka nang nagpaayos ng sasakyan mo dito ng walang bayad ah?" nagtatampong saad ni Mike who interupted my precious reunion with my car habang nakadungaw ang mukha nito sa nakabukas ng bintana sa Passenger seat
Mike Thorne, Ang may-ari ng Talyer na lagi kong pinagdadalhan ng kotse ko tuwing may sira ito and at the same time he's my cousin sa mother side
Sabado ngayon at balak ko sanang mag-mall dahil masyado na akong nasusuffocate sa mansion ng magaling kong ama, pero paalis palang ako ay nakareceive ako ng tawag galing kay Mike telling me that my baby is already fixed kaya't agad na dumiretso ako dito sa Talyer ni Mike, bigla nalang kasing tumirik ito last last week lang, medyo matagal narin kasi ito sakin at gamit na gamit pa kaya hindi na ako magtataka kung isang araw sabihin sakin ni Mike na bumili na ako ng bagong kotse
Nilingon ko si Mike na mukhang abnormal na nakatingin sakin
"What are you looking at? tumabi ka nga dyan, aalis na ako" pagtataray ko dito
lalo naman umasim ang kanina niya pang maasim na mukha
"Haayy naku, Kung lagi kang ganyan Andi, tatanda ka talagang dalaga" iiling-iling na saad ni Mike tapos ay nagtaas pa ito ng mga kamay na parang sumusuko at lumayo na sa kotse ko
"Maging mabait ka naman minsan, kaya natatakot sayong lumapit yung mga lalaki eh, mukha ka kasing nangangain ng tao" tumawa ito ng malakas kaya't sinamaan ko ito ng tingin
ginawa ba namang katatawanan yung pag-iwas sakin ng mga lalaki? badtrip talaga itong lalaking ito kahit kailan
kung hindi nila kayang tapatan yung kamalditahan at katarayan ko then no one deserve me at all. they should accept all of me kung gusto nilang magstay sa buhay ko
hindi ko nalang pinansin pa si Mike at pinaharurot na ang kotse ko without saying a word, sanay naman na iyon sakin, she knows me too well, tsaka hindi yun madaling magalit when it comes to me
binuksan ko yung bintana ng Driver's seat at dinama ang lakas ng hangin galing sa labas ng kotse. nakakamiss din palang magdrive, kahit dalawang linggo lang iyon, it feels like years of being away from my car
tinapakan ko pa lalo yung gas ng kotse kaya't lalo pang bumilis ang takbo niyon
I feel so free, free from those people who keeps on hurting me
~~~~~~~~~~~~~~~~~
"Andi" I heard my father called me as soon as I step inside his Mansion
nilingon ko ito at nakita ko ang dahan-dahan nitong pagtayo mula sa pagkakaupo sa sofa at nilapag pa nito sa coffee table yung hawak nitong newspaper
iniwas ko ang tingin sakanya at nagpatuloy nalang sa paglalakad patungo sa kwarto ko
I heard him call my name again but this time hindi ko na siya nilingon pa
"You shouldn't be that harsh to Daddy Andz, matanda na iyon, can't you just forgive him? forgive us?" sabi ni Kuya Ceph nang makasalubong ko ito on my way to my room, pinagdikit ba naman yung room namin eh malamang lagi ko itong makikita kahit ayaw ko
"I wish I can" sabi ko nalang bago ako pumasok sa kwarto ko at pabagsak na sinara ang pinto
napahawak ako sa dibdib ko nang makaramdam ng kirot iyon, nahihirapan narin akong huminga
sh*t! Not now! habol ang hiningang nagmadali akong pumunta sa kama ko at umupo dito, hinalughog ko yung bag ko at nang makita ang hinahanap ay mabilis na kumuha ako ng dalawang tabletas at linunok yun
Napapikit ako ng mariin, kung bakit ba naman kasi from being too excited dahil naayos na yung kotse ko eh bigla naman naging sobrang drama pag-uwi ko dito! too much emotion is a poison for me, it will kill me.
Nang gumaan kahit papaano ang pakiramdam ko ay dahan-dahan kong inihiga ang sarili sa kama at hinayaang lamunin ng pagod at antok
~~~~~~~~~~~~~~~~
"Bro? anong balita? May progress na ba sainyo ni Andromeda?" tanong ni Gab pagkapasok na pagkapasok ko palang sa Condo ko
kunot noong napatingin ako sa mga apat na mokong na kasalukuyang feel na feel at home sa condo ko
Si Matt na nakahiga sa Sofa habang nagcecellphone, si Adam na nakaupo sa paanan banda ni Matt at nagbabasa ng magazine with matching patong ng paa sa coffee table, si Zeke na nakahilata na may yakap yakap pang unan sa Carpeted floor ng Living room ng condo ko at si Gab na nakaupo sa sahig, habang hawak yung remote at pinapalipat-lipat ng channel yung T.V.
"Ano nanamang ginagawa niyo dito? wala ba kayong bahay at dito kayo lagi pumupunta" naiinis na sambit ko at pinagbabato ng unan ang mga ito
"Bro wag kang selfish, nakikitambay lang eh" natatawang saad naman ni Zeke habang umiiwas sa mga unan na binabato ko
"Kaya nga! damot neto" pagrereklamo ni Adam na umiiwas din sa mga bato ko
bigla namang may isang nilalang na lumabas galing kusina kaya't napatigil kami sa pagbabatuhan at agad kaming napalingon dito
It's Noah. and he's walking as if this is his condo habang may hawak hawak pang beer sa kanan nitong kamay
"long time no see bro! what are you doing here?" tanong ni Noah sakin nang makita ako
"ikaw pala yung dahilan kaya biglang umingay" parang wala lang nitong saad at pinaalis si Gab sa sofa dahil kasalukuyan itong nakatayo dun,
obviously napunta si Gab doon dahil sa pag-iwas at para hindi matamaan ng lumilipad na unan kaya wag na kayong magtaka bakit siya nakatayo doon
"I should be the one asking that!" galit kong turan about his question! because this is my Condo for pete's sake!
They're hopeless, sumusukong sumalampak nalang ako sa sahig
rinig ko parin ang malakas at mabilis na t***k ng puso ko, at hindi ko alam kung dahil ba iyon sa pagod sa pagbabato sa mga kaibigan ko o dahil bigla nalang lumitaw sa isipan ko ang mukha ni Andromeda habang nakangiti
since yesterday ay hindi na mawala-wala sa isipan ko ang nakangiti niyang mukha
I never thought any girl can be that gorgeous whenever they smile
mabilis na pinilig ko ang ulo ko upang tanggalin ang isipang iyon
ano bang pinag-iisip ko? she's really not that pretty! nagulat lang siguro ako dahil never ko pa siyang nakitang nakangiti
"Don't be so hopeless romantic Draven! hindi bagay sayo" bulong ko sa sarili ko
The 4 idiots look at me as if I have four heads kaya't tinaasan ko ng kilay ang mga ito
"bro nababaliw na siya" bulong ni Gab kay Adam na tumatango naman at sumasang-ayon sa sinasabi ni Gab
hindi makapaniwalang tinignan ko si Gab, bumubulong pa pero rinig na rinig ko naman
"Oo nga, feeling ko nasiraan na ng ulo yan" mahina ring sambit ni Adam
"Tingin mo sintomas yan ng HIV? dami kasing babae eh" sabi ni Zeke kaya't napailing-iling ang mga ito habang nakatingin sakin na para bang awang-awa
WHAT?! HIV?!?
napatampal nalang ako noo ko, these guys never failed to make my head hurt, sakit talaga sa ulo mga ito eh
"Hindi ka namin malilimutan pre" nagdadrama namang saad ni Matt kaya't hindi na ako nakapagtimpi at sinimulang pagbabatuhin ulit sila ng unan
"MGA UL*L! MAGSILAYAS NA NGA KAYO DITO!" sigaw ko sakanilang apat
tatawa-tawa naman silang nagtatakbo palabas ng Condo at nung magsara iyon ay napabuntong hininga nalang ako
buti naman at nagsilayas na ang mga iyon, pampagulo lang ang apat na iyon eh
dumiretso ako sa kusina at kumuha ng isang pack ng potato chips, hindi ko mapigilang mapangiti at mapailing-iling ng maalala ko kung paano ako apakan ng babaeng iyon dahil lang sa potato chips
she's more different than what I expected
"if she isn't that hard to tame, I will really be disappointed" sabi ko sa sarili bago nagtuloy-tuloy sa sofa
Agad na napatingin ako kay Noah na komportableng nakaupo sa sofa nang biglang magsalita ito
"I heard may pustahan kayo ah? pupusta din ako" napakunot ang noo ko sa sinabi niya
that's new, hindi siya mahilig makisali samin kapag ganitong mga pusta-pustahan, lagi niya kasing sinasabi na kawawa kami dahil lagi lang siyang mananalo
"Don't tell me pupusta ka rin na hindi ko kayang mapaamo ang misteryosang babae na iyon?" I boredly said at umupo na sa tabi nito
I saw him smirked that made me raised my right eyebrow
He looked so Confident
"You can tame her at ipupusta ko ang buong kompanya ko, inexchange Kapag nanalo ako ay saakin mapupunta ang bahay at lupang ipinusta ni Adam" sabi niya na nakapagpagulat sakin
Now it's getting more interesting....
"Sure, buti naman at may kakampi na ako, be ready to take that house and lot" I confidently said at nakipagkamay pa sakanya
Noah is a business man, he always closes a deal with a shake hands.