bc

Unintentionally Yours.. 1st story

book_age0+
4.7K
FOLLOW
33.5K
READ
billionaire
forbidden
possessive
teacherxstudent
second chance
goodgirl
gxg
bisexual
like
intro-logo
Blurb

Hyanth Winter Snow Giudevaun unexpectedly fell inlove with her hot english professor, Miss Hollier. Hanggang sa isang araw, umamin ito sa kanya na mahal din siya nito but things started to get complicated. Nagpakalayo siya para ayusin ang problema niya, she came back after three years at gagawin niya ang lahat mapasakanya lang ulit ang puso ni Miss Hollier. Will she succeed or not? Hindi siya papayag na hindi ito ulit mahulog sa kanya pero paano kung ito na mismo ang lumapit sa kanya? She's willing to sacrifice her everything for her. Just for her.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Winter SNOW Maaga siyang nagising ngayon dahil tapos na ang bakasyon. Back to school again and gladly, fourth year college na siya ngayon. She took Architecture Engineering. First day niya ngayon at ayaw niyang ma-late. She's a very responsible student. A week ago she turns twenty and she's independent simula nong nag'seventeen siya. She's been living alone for three years now sa kanya mismong sariling bahay. Yup! She got her own mansion. A three story glass mansion. Her mommy Amethyst died dahil sa panganganak sa kanya. May sakit daw kasi sa puso ang kanyang mommy at nilihim nito sa daddy niya lalo na't nalaman lang nito ang kalagayan niya nong buntis na ito sa kanya. The doctor told her na delikado pero hindi pa man siya nakikita ng mommy niya. Her mom already choose her to live kapalit ng sariling buhay nito. Iyon na siguro iyong tinatawag nilang unconditional love ng isang ina. Lumaki siya sa mansion nila dati kasama lang ng mga katulong, bodyguards at ang yaya niya. Kasabay ng paglaki niya ay ang pagkamuhi ng daddy niya sa kanya. Her father never look at her at kung aksidente mang mapansin siya nito. A disgust is always visible in his grey eyes. Minsan dinadalaw siya ng kanyang lola sa mother side niya from France kasama nito ang nag-iisa din niyang pinsan na si Risen Fall Giudevaun. Nag-iisang anak naman ng uncle Troy niya ito, ang baby brother ng mommy niya. She's Hyanth Winter Snow Giudevaun Kiefer. She's 5'10 tall. Maputi. Balingkinitan ang katawan. Saksakan ng ganda at talino pero kilala lang siya sa school bilang Winter Snow and yep! She owns the school. When her grandmother died four years ago. Lady Haxel Giudevaun, her mommy Amethyst mom, gave three fourth of her wealth to her. It was stated in her last will and testament na sila ng pinsan niyang si Risen ang tagapagmana ng Hyanth Fall University. Sa kanya din iniwan ng lola niya ang shipping lines nito, some parts in Asia at bilyong dolyar sa bangko. Dahil sa hindi maayos na pakikitungo ng kanyang daddy sa kanya. At the age of sixteen. Kamamatay lang ng grandmother niya noon ng magdecide siyang magpatayo ng sarili niyang mansion. Pinayagan din naman siya ng Attorney niya na galawin ang perang para sa kanya na nasa bangko dahil wala namang age limit kung kelan iyon pwedeng galawin. Hindi alam ng daddy niya noon at hindi naman ito naging interesado sa kanya kahit kailan. By the age of seventeen ay lumipat na siya sa kanyang bagong mansion. Hindi siya nagpaalam sa daddy niya. Naglayas na lang siya and for that three years. Ni hindi ito nagtangkang hanapin man lang siya. Her dad's a heartless businessman na somehow parang namana niya. Hindi kasi siya iyong klase ng tao na ngumingiti. She was cold and distant and not interested sa mga bagay na nangyayari sa kanyang paligid. Her father treated her so bad. He never hurt her physically, not at all. Ni hindi nga siya nito tignan, ang hawakan pa kaya? A BIG no! Pinakamahirap sa lahat ay ang masaktan emotionally. Kapag basag na mahirap ng buoin na ang taong dapat makaunawa sa sitwasyon at unang magmamahal sa iyo ay siya pa mismo ang mananakit sa iyo. Malaki ang epekto non sa pagkatao niya. Hindi siya nakikipagkaibigan except sa apat na babaeng estudyante rin na kagaya niya pero mga bodyguards niya ang mga iyon sa school. They were the so called unique agents. Magaling makipaglaban pero high school lang ang narating. She hired them kapalit non ay papag-aralin niya ang apat ng Engineering gaya sa kanya para lagi siyang mababantayan ng apat kapag magkakaklase sila, not that she hates the attention but she hates when someone or everyone approached her and tried to befriend her. Libre naman ang apartment na tinutuluyan ng apat niyang bodyguards s***h friends malapit sa mansion niya. Amber, Jennifer, Xen and Swan receive their monthly salary from her. Every week din ang supply ng groceries sa kanila at binigyan niya ng tig-iisang kotse ang apat for transportation. Obviously nahihiya na rin ang mga ito sa kanya dahil sobra sobra na daw ang naibibigay niya kaya kahit minsan sila na ang naglilinis sa mansion niya at ang pool niya. Light work kumbaga dahil lahat ng gamit niya ay hightech. Meron nga iyong kitchen niya pero hindi naman nagagamit. hindi niya alam kung paano magluto kaya puro order lahat ng kinakain niya or madalas sa labas na lang siya kumakain. Iyong refrigerator niya puno lang ng fresh milk. Pineapple and mango juice in can. Yogurt and fruits. Meron siyang special na tagalaba at hardinero at tinatawagan na lang niya ang mga ito kapag may ipapagawa siya. Wala siyang gwardiya na nagbabantay sa gate niya. She doesnt need one dahil sa taas ng bakod at gate non ay siguradong walang makaka-akyat o kung may magtangka man ay may tutunog na alarm sa compound niya. Cctv cameras in four angles at hindi basta basta makakapasok sa loob ng mansion without the gold card o kung hindi alam ang passcode at kung minsan pwede niyang ishift iyon into eye scanner kapag boring siyang magpindot. Kapag pwersahang buksan iyon ay mag-aalarm talaga. Hindi din basta basta mababasag ang mga salamin na ginamit sa glass mansion niya dahil bullet proof pa ang mga iyon made to order from US. Malawak ang bakuran ng mansion niya at maayos ang pagkaka-landscape sa frontyard. Sa likuran ng mansion ay nandon ang malaking swimming pool niya na shape of a guitar pa talaga that's because she love music kaya may design pa iyon para magmukha talagang gitara. Sa gilid kasi ang garahe niya. She have a red and black lamborghini. Black lykan hypersport at black ferrari. Ang salamin ng kanyang mansion ay silver para hindi kita sa loob kapag umaga dahil halos lahat ay salamin na. Sa gabi naman ay makikita talaga kapag hindi sinara ang mga naglalakihang kurtina dahil sa naglalakihan at maliwanag na ilaw sa loob. Sa first floor kasi ng mansion ay doon makikita ang malawak na kitchen, sala set, bar, living room at study room. Sa second floor ay may cinema room, hindi kalakihang gym at tatlong malalaking guest rooms. Sa third floor naman ay ang buong place niya. Sala set, own bathroom, own closet, own library and own music room. May elevator naman siya hindi nga lang kalakihan dahil limang katao lang ang pwedeng magsabay sabay doon but she always prefer the glass crystal stairs na nagrereflect ang kulay rainbow kapag tinamaan ng sinag ng araw. And that's her life, living alone. Napabuntong hininga na lang siya matapos makita kung anong oras na. It's 5 in the morning pero kailangan na niyang bumangon dahil schedule niya ngayon ang mag-gym. Bumaba siya sa second floor para mag-exercise pagkatapos ng halos isang oras ay naligo na siya at nagbihis. She wore a ripped skinny jeans, white fitted shirt and white adidas shoes. Hindi siya naglalagay ng make up dahil natural ang ganda niya. Pink lips, pointed nose, perfect eyebrows, long eyelashes that match her brown eyes na parang sa isang manika and rosy cheeks. Nilugay lang niya ang mahabang light brown niyang buhok. Bagsak iyon pero curly ng malalaki sa bandang dulo na lagpas balikat. She grabbed her bag, car key, phone and wallet saka na dumiretso sa garahe. She'll use her lykan hypersport. Ng makapasok sa loob ay in-start niya ang engine para magwarm up. Nilagay niya ang bag sa kanyang tabi since two seater lang naman ang sasakyan niya. She turned on her phone at may missed call doon from her cousin Risen Fall but instead na mag-return call. Chineck muna niya ang inbox. From Risen Hey dear cous! It's me Rise! Staying in Phils and got a surprise for you! She rolled her eyes. Ano namang bago eh pasulpot sulpot naman talaga ang babaeng ito na parang kabote. Hindi niya ito nireplyan at chineck pa ang ibang messages. From Amber Good morning! First day of school and goodluck to us! We'll be waiting for you here outside your mansion. From Jen Good morning miss! She rolled her eyes again. Isa pa ito, ayaw niyang tinatawag na miss. Winter will do pero nahihiya daw ang mga ito at may respeto sa kanya. Kahit tinuturing naman niyang mga kaibigan na rin niya, alam niyang may limit parin dahil malamig ang pakikitungo niya sa kahit sino. Siguro naiilang din ang mga ito dahil iilan lang silang nakakaalam ng tungkol sa kanya. From Swan Good morning Miss Winter! From Xen Morning Miss! Napailing siya rito. Xen is bubbly, an entertainer, straigthforward at maikli ang pasensya. Ito ang unang humaharang sa mga taong nagtatangkang lapitan siya. She and Amber's over protective when it comes to her. Si Jen at Swan kasi ay medyo tahimik at tumatayang shield sa kanya kumbaga. Last year kasi ay napasubo siya kay Trish at Trix sa isang debate at natalo ang dalawa sa kanya. Sila ang kambal na sobrang bully sa school kaya pagkatapos ng school ay hinantay talaga siya ng dalawa sa may parking lot. Galit na galit si Xen noon kaya nasapak niya si Trix at agad itong nakatulog. Parang walang naganap na away kinabukasan pero mula noon ay lagi silang nagkakainitan sa english subject nila and as usual laging debate na lagi din siyang nananalo. She made the rules in school at kilala siya ng dean at guidance counselor. Secret director siya ng school. Gusto niyang tanggalin si Trix at Trish sa school pero hindi niya ginawa dahil lihim niyang binibigyan ng leksyon ang dalawa through the counselor baka sakaling magtino. She checked the time at 6:30 palang. Almost 25 minutes pa naman ang biyahe papuntang school niya at kailangan pa niyang kumain sa isang restaurant malapit sa school nila. Hindi naman masyadong traffic pero hindi niya gusto ang na-l'late. Her first class is English at 7:30 kaya may time pa siyang kumain. Si Mrs. Linares ang teacher niya dahil iyon ang nakalagay sa schedule niya. Subjects.. Units.. Room#.. Time.. Teacher.. Gustong gusto niya ang english teacher na iyon dahil saksakan ng terror. Na-ch'challenge siya kapag ganun. Dalawang beses na niya itong natalo sa debate, tatlong beses tinama ang maling lecture. She nailed her in philosophy while Mrs. Javier, her college algebra teacher na napag-initan siya noong last year dahil dalawang beses niya rin itong tinama ang maling solving nito sa board at sa inis nito ay binigyan siya nito ng dalawang pinakamahirap na isolve sa board na para sa kanya ay pinakamadali na rin. She excels in everything lalo na sa academics. Ng matapos siyang magsolve ay napanganga si Mrs. Javier sa kanya, tama ang formula at tama ang sagot niya kahit hindi pa nito iyon tinuturo. Siya naman ang naghamon at nagsulat sa board para sagutan ito ng teacher and as expected hindi nito nasagot. It was one of the most difficult problem solving in calculus. She didn't mean to humiliate her pero pinikon siya nito dahil sa lahat ng ayaw niya ay iyong minamaliit siya't minamata. Pinagtawan ito ng mga classmates niya at nagtrending talaga sa school nila ang pangyayaring iyon lalo na't nag-resign si Mrs. Javier noon. Nag-drive na siya at automatic na nagbukas ang gate ng pindutin niya sa loob ang remote control nito. Ng makalabas ay nakita na niyang naghihintay nga ang apat na kotse ng mga kaibigan niya sa kanya. Pinindot niya ulit ang remote at nagsara ang gate saka na niya pinasibad ang sasakyan niya habang nakasunod ang apat sa kanya. Tumigil sila sa Flair Restaurant para kumain pagkatapos ay pumasok sa eskwela.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
5.4K
bc

Wanted Perfect Yaya

read
242.1K
bc

The Sex Web

read
134.5K
bc

My Secretary, Sex-etary [Lee Saunders]

read
273.9K
bc

Every Inch Of You (S.I.O#1)

read
276.8K
bc

Our Cup of Kofie (SPG)

read
456.1K
bc

Just A Taste (SPG)

read
895.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook