bc

The Borrowed Wife (Filipino)

book_age18+
34.2K
FOLLOW
228.9K
READ
pregnant
goodgirl
drama
sweet
bxg
betrayal
wife
like
intro-logo
Blurb

Dahil sa isang aksidente, nawalan ng alaala ang dise-otso anyos na si Emma Addison. Hindi na niya naaalala ang kanyang dating nobyo na si Jospeh Lee, pati na rin ang sumpaan nila na sila ay magkikita bago umalis si Joseph patungo sa ibang bansa. Walang alam si Joseph sa nangyari sa kanyang nobya. Nawalan ng komunikasyon ang dalawa, kaya inisip ni Jospeh na pinagpalit na siya nito sa iba, dahilan upang mabalot ng puot ang kanyang puso.

Lumipas ang ilang taon, lalo pang nadagdagan ang galit ni Joseph nang malaman niyang kinasal si Emma sa ibang lalaki — ang binatang si Lance Blair na dati nilang kaeskwela.

Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon, inatake sa puso ang ama ni Emma at kailangan ng malaking halaga para sa operasyon nito. Wala na siyang maisip na ibang paraan, kaya naman napilitan siyang tanggapin ang alok ng isang kaibigan — ang isanla ang kanyang sarili at ilihim ito sa asawa.

Tila pinagtagpo naman ang landas ng dating magkasintahan, dahil ang lalaking nakasama ni Emma sa isang mainit na gabi ay ang lalaking si Joseph Lee.

Malaking halaga ang binayad ni Joseph kapalit ng gabing iyon. Ngunit makalipas ang ilang linggo. Isang balita ang gumimbal at sumira sa relasyon ng mag-asawang Emma at Lance Blair. Nalaman nila na si Emma ay nagdadalang tao at si Joseph ang ama, na dinadala ni Emma ang nag-iisang tagapagmana ng Lee Global Corporation.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Point of View - Emma Blair –   Suot ang mahaba at puting wedding gown, isang huling hakbang ang aking ginawa sa harapan ng altar. Nakatayo sa aking harapan ang lalaki na matagal ko nang iniibig at ang taong makakasama ko habambuhay.   "Ako si Emma Addison, nangangako na mamahalin ang aking asawa, sa hirap at ginhawa, sa sakit at saya. Ano man ang pagsubok ay haharaping magkasama, kahit hanggang kamatayan pa."   Ang mga katagang ito ay sabay namin binigkas ng aking kabiyak na si Lance Blair. Sa edad na bente-siete, pinasok namin ang buhay mag-asawa at hindi alintana kung ano ang aming haharapin. Ang alam lang namin, kami ay nagmamahalan.   Ngunit lumipas ang isang taon, hindi pa rin kami binibiyayaan ng isang supling. Masakit para sa amin na hindi buo ang aming pamilya. Masakit para sa amin na sa loob ng isang tahanan, wala ni isang bata ang tumatawa. Dahil dito, naisipan namin ni Lance na magpa-check-up at napag-alaman namin na mayroon akong PCOS o Polycystic Ovarian Syndrome, isang sakit sa obaryo kung saan mahihirapan akong magbuntis, ngunit hindi imposible.   Ang aking asawa naman, mahina ang production ng semilya. Halohalong emosyon ang aming naramdaman nang marinig ang balita na ito galing sa isang doctor. Ngunit para sa amin, tuloy pa rin ang buhay at hindi kami susuko. Isang malaking biyaya rin na nakapasok si Lance bilang Office Clerk sa malaking kompanya rito sa Pilipinas, ang Lee Global Corporation. Kilala ang kompanya na ito sa buong mundo at sa ibang bansa.   ***   Isang bagong umaga, minulat ko ang aking mata at mabilis na bumaba ng hagdan dito sa aming bahay. Nag-ayos ako ng aming kakainin dahil papasok sa trabaho ang aking asawa. Ako ay nakangiti at humuhuni ng isang magandang awitin habang inaayos ang lamesa, hanggang sa marinig ko ang pagbukas ng pinto mula sa aming silid. Inilingon ko ang aking ulo sa itaas ng hagdan at nakita ko ang mukha ng aking guwapong asawa.   "Good morning, Mahal. Kumain ka muna bago pumasok," saad ko habang nakangiti sa kanya.   Nakita ko ang matamis niyang pagngiti bilang tugon, saka siya naglakad patungo sa aking kinaroroonan. No’ng siya ay nakalapit, naramdaman ko ang paghawak niya sa aking baywang. Kinabig niya ako palapit sa kanyang bisig at binigyan ng mainit na halik sa labi.   "See you later, Mahal," saad niya nang maghiwalay ang aming mga labi.   Matapos kaming kumain, dumiretso na siya sa trabaho. Ako naman ay naglinis muna ng bahay bago pumunta sa palengke at mamili ng aking iluluto mamayang gabi. Ganito ang araw-araw naming buhay, masaya at walang problema. Ngunit hindi ko akalain na susubukin ng tadhana ang tibay ng aming pagsasama.   Nagulat ako nang maramdaman ang pag-vibrate ng cell phone sa aking bulsa. Inayos ko muna ang pagkakahawak sa aking mga pinamili, saka ko ito tiningnan. Ngunit numero lamang ang lumalabas sa screen. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa akin, nakaramdam ako ng matinding takot habang tinititigan ang screen ng aking telepono.   "H-Hello?" pautal kong saad.   "Hello? 'eto ba si Emma? Ang iyong ama, inatake sa puso!"   Nanlaki ang aking mata nang narinig ang sinabi ng lalaki sa kabilang linya. Hindi ko na rin namalayan na ang lahat ng aking pinamili ay bumagsak sa sahig.   Sumakay ako sa taxi at nagtungo sa ospital na sinabi ng taong nakausap ko. Ang luha sa aking mga mata ay mabilis na nag-unahan, habang ang panginginig ng aking katawan ay hindi ko mapigilan.   Sana ligtas ka, Tatay, sambit ko sa aking sarili.   ***   "Mrs. Addison, tatapatin na kita. Barado ang ibang ugat sa puso ng iyong asawa, hindi dumadaloy nang maayos ang dugo rito," paliwanag ng doctor na nasa aming harapan. "Kailangan magsagawa ng Coronary bypass surgery, sa lalong madaling panahon," dugtong niya. Nakatulala lamang kami ni Nanay. Tila ang lahat ng sinasabi niya ay hindi pumapasok sa aming isip.   "Magkano po kaya ang aabutin, Doc?" saad ng aking ina.   "Malaking halaga ang kailangan dito, Mrs. Addison. Nasa pitong daang libong piso, hanggang isang milyon ang estima ko."   Nanlaki ang aming mga mata sa sinabi ng doktor. Halos mapaluhod si Nanay sa kinatatayuan nang narinig ang halaga na kakailanganin. Saan kami kukuha ng gano'ng halaga? Saan namin pupulutin ang pera na iyon? Masakit para sa akin na makita ang aking ina sa ganoong sitwasyon.   ***   Umupo ako sa isang bangkito kalapit ng kama na hinihigaan ni Papa. Habang sinusuklay ko ang kaniyang buhok gamit ang aking daliri, hindi ko mapigilan ang mag-isip kung saan kami kukuha ng kailangan na salapi.   Tinawagan na namin ang aming mga kamag-anak, ngunit maliit na halaga lamang ang naipahiram nila sa amin. Sa mga kaibigan ko naman ay gano'n din, mayroon na kaming naitabing pera ngunit kulang na kulang pa.   Hindi ko maatim na tingnan ang aking mga magulang sa ganoong sitwasyon. Ang luha sa mata ng aking ina ay tila isang libong karayom na tumutusok sa aking puso, nag-iisa lamang akong anak kaya gano'n na lang ang sakit na nadarama ko sa tuwing nakikitang nahihirapan si Nanay.   Lumabas ako ng silid kung nasaan si Tatay, saka ako umupo sa isang silya sa waiting area sa loob ng ospital. Pinagdaumpalad ko ang aking kamay at saka taimtim na nanalangin.   "Diyos ko, h'wag nyo po sana hayaang mawala ang aking ama. Mahal na mahal namin siya."   Nagsimulang lumuha ang aking mga mata. Hanggang sa nakita ko ang pagdating ni Lance, nababakas sa mukha nito ang pag-aalala.   "Kumusta siya?" saad niya.   Agad akong tumayo at mabilis na yumakap sa aking asawa. Naramdaman ko ang paghagod ng kanyang kamay sa aking likod.   Isinalaysay ko sa kanya ang lahat ng sinabi ng doktor at pati siya, nagulat sa laki ng halaga na kailangan.   *** Nagsimulang lumalim ang gabi, sinabihan ko si Nanay na magpahinga at ako na muna ang magbabantay kay Tatay, pumayag naman siya at saka natulog saglit sa sofa na malapit sa silid.       Muling tumunog ang aking cell phone dahilan upang mapatingin ako rito. Kinuha ko ito sa ibabaw ng lamesa at nakita ko ang pangalan ng aking kaibigan at binasa ang mensahe niya.   Emma, alam kong mali pero, may alam akong isang bigatin na club kung saan mayayamang negosyante lang ang pumupunta. Nangangailangan daw sila ng dagdag na babae do’n, baka sakaling makatulong. Ito ang mga bagay na nabasa ko sa kanyang mensahe, mabilis kong itinapon ang telepono nang nakita ko iyon. Kahit kailan ay hindi ko makakayang isanla ang aking katawan.   ***   Ngunit habang lumilipas ang araw, nang kami ay lumabas sa ospital. Tumira muna kami ni Lance sa tahanan nila nanay, nakikita ko pa rin ang paghihirap ni Tatay sa kaniyang puso ngunit pinipilit n'ya pa ring magtrabaho kahit may nararamdaman na siya. Ang mga nakalap naming salapi ang hindi pa rin sumapat, kulang na kulang pa rin ito. Hanggang sa muli nanaman siyang isinugod sa ospital.   hindi ko na makayanan ang nakikitang paghihirap ng aking ama, kaya nagdesisyon akong tanggapin ang offer ng aking kaibigan. Palihim ko 'tong ginawa at pumasok sa club na inirekomenda niya.   Totoo nga ang sinabi niya, halatang mayayaman ang mga tao rito.   Hindi nagtagal, isang lalaki ang lumapit sa akin at nag-offer ng malaking halaga.   Mukhang kaedad ko lamang ito dahil sa matipuno niyang pangangatawan, halata rin na mayaman ang kaniyang kutis at mabango ang kaniyang amoy, nababakas sa hugis ng matangos niyang ilong ang kaguwapuhan ng kanyang mukha, ngunit bakit pakiramdam ko ay Nakita ko na siya dati? Isinama niya ako sa isang hotel at doon nagsimula ang lahat.   ***   Nadarama ko ang malambot na kama na inuupuan ko. Ang mabangong amoy ng silid na ito ay tila nagsasagisag na lagi itong malinis. Ang mga salamin sa gilid ng pader ay nakadadagdag ng kaba sa aking dibdib.   Narinig ko ang pagpatay ng tubig mula sa shower room ng silid na ito, hudyat na tapos na siyang maglinis ng kaniyang katawan. Ang pagpihit ng pinto sa loob ng shower room ay tila isang nakababahalang tunog sa aking tainga, hanggang sa, iniluwa nito ang lalaking kasama ko sa isang madilim na silid. Nakatapis ang maliit na tuwalya sa kaniyang pang-ibaba. Ang isang tuwalya naman ay naka-ikot sa kanyang balikat. Ang maganda at matipuno niyang katawan ay nakadadagdag sa init ng buong silid.   "Your turn."   Naputol ang aking pag-iisip nang narinig ko ang kaniyang tinig.   "S-Sige."   Mabilis kong kinuha ang tuwalya malapit sa akin at tumakbo papunta sa loob ng shower room. Nag-simula akong magtanggal ng mga damit at binuksan ang shower. Ang iba’t ibang kulay sa LED na umiilaw dito ay tila isang spotlight sa loob ng isang bar. Ganito ba talaga rito? Ito ang unang beses na pumasok ako sa isang hotel. Napalingon ako sa pintuan nang marinig ko ang langitngit nito.   "Sandali lang, hindi pa ako tapos," saad ko.   Ngunit tila walang naririnig ang lalaking kasama ko sa loob ng silid. Nakita ko ang dahan-dahan niyang pagbukas ng sliding door na nasisilbing takip sa aking kinaroroonan. Hanggang sa nakita ko ang kanyang mukha. Mabilis kong tinakpan ang aking katawan dahil sa naramdaman kong hiya, ngunit siya ay ngumisi.   "It's beautiful, don't cover it," nakangiti niyang sabi.   Muli siyang naglakad patungo sa aking kinaroroonan. Ihinarap niya ako sa shower at tumapat siya sa aking likuran, naramdaman ko ang matigas na bagay sa kaniyang ibaba na nakatutok sa akin.   Sabay sa pag-agos ng tubig sa aking mukha ay ang paglakbay ng kaniyang kanang kamay. Naglakbay ito patungo sa maselang bahagi ng aking katawan, halos mabaliw ang aking isip dahil sa nadarama kong sensasyon.   Naramdaman ko ang unti-unting panginginig ng aking katawan. Hanggang sa naabot ko ang rurok ng aking pagnanasa, matapos ang bagay na iyon. Hinawakan niya ang aking balikat at marahang ihinarap sa kanya. Ang kanyang mata ay tila isang kalawakan na may bahid ng kamunduhan. Binuhat niya ako patungo sa labas at marahas na ihiniga sa kama. Sinakop niya ang aking labi at ramdam ko ang kaniyang dila na nagpipilit pumasok sa loob nito. Namalayan ko na lamang na tumutugon ako sa kaniyang mga ginagawa at unti-unti ko itong nagugustuhan.   Matapos ang isang mainit na pangyayari sa pagitan namin dalawa. Tumayo siya mula sa aming hinihigaan. Unti-unti akong umupo at tumingin sa kaniyang kinaroroonan. Nakita ng aking mga mata ang isang papel na iniabot niya sa akin.   "Heto ang perang napagkasunduan, kung kulang pa 'yan. Sabihin mo lang sa 'kin," saad niya. “And one more thing.” Napalingon ako sa kaniyang mukha nang muli siyang magsalita.   "Gusto kong gumawa ng kasunduan sa pagitan nating dalawa." Mariin akong napalunok habang nakikinig sa kaniyang mga sasabihin.   "Kung sakaling magbunga ang ginawa natin ngayong gabi, kukunin ko sa'yo ang bata," saad niya.   Marahan akong tumango bilang tugon sa kaniyang sinabi. Alam ko naman na maliit ang tiyansa na ako ay magdalang-tao dahil may PCOS ako. At sa tingin ko naman, hindi magbubunga ang aming ginawa dahil ito ay isang beses lamang.   Hindi ko na naitanong ang pangalan niya, dahil matapos akong tumugon. Isang pailalim na tingin lamang ang kaniyang ginawa, saka siya nagmamadaling umalis.   Inayos ko ang aking sarili at lumabas ng Hotel kung saan kami naroroon. Agad akong tumawag ng taxi at nagtungo sa ospital kung nasaan si Tatay.   Nang ako ay makarating, agad kong ibinayad ang salapi na kailangan upang operahan ang kaniyang puso. Ngunit bago siya ipasok sa operating room, sinulyapan ko muna ang kaniyang mukha habang nakahiga sa puting kama. Iniluhod ko ang aking tuhod saka kinuha ang kamay ng aking ama. Sabay sa pagtulo ng aking luha ay ang paghalik ko sa kaniyang palad.   “Gagaling ka, Tatay. Alam kong gagaling ka,” saad ko.   Lumapit sa akin si Nanay na ngayon ay puno ang mata ng luha, naramdaman ko ang paghagod niya sa aking balikat.   "Ma'am, kailangan na pong simulan ang operasyon," saad ng nurse na aming kalapit.   Marahan akong tumayo at binitiwan ang kamay niya. Ang aking mga mata ay pilit na tinatanaw ang puting higaan na mabilis nilang inilayo sa amin ni nanay. Naramdaman ko ang pagkuha ni Lance sa aking ulo saka niya idinikit ito sa kanyang dibdib, tuloy-tuloy lamang ang pagdaloy ng aking luha. Hindi na rin sumagi sa isip ko ang lahat ng aking nagawa. Hindi ko na inisip ang kahahantungan ng pagtataksil ko sa aking asawa, ang nais ko lang ay iligtas sa kamatayan ang aking mahal na ama.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Mister Arrogant (TAGALOG/SPG18+)

read
832.0K
bc

My Ex, My Client (TAGALOG/TAGLISH)

read
415.9K
bc

Broken Angel

read
3.9K
bc

Unexpected Romance

read
38.4K
bc

Seducing The CEO - (COMPLETED) Filipino

read
549.9K
bc

The Billionaire's Bed Warmer ✔

read
91.6K
bc

The Professor's Wife

read
449.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook