Chapter 3

770 Words
Point of View   - Adrian Joseph Lee –   Hindi ko inaasahan na muli kong makikita ang isang babae sa aking nakaraan, matagal ko na siyang kinalimutan at ang sakit sa puso na iniwan niya.   Ako si Adrian Joseph Lee, no’ng bata pa lamang ako ay likas na mataba ang aking katawan, tampulan ng katatawanan at madalas i-bully ng aking mga kaeskwela, ngunit nabago ang lahat nang makilala ko ang isang babae na tumulong at nagtanggol sa akin — si Emma Addison.   Dahil sa kahinaan ng aking loob, naging sandalan ko siya at hindi naglaon, nahulog ang loob ko kay Emma. Alam kong wala akong pag-asa sa kanya dahil sa aking hitsura, ngunit nilakasan ko ang aking loob. Nang tumapak kami sa kolehiyo, inamin ko sa kanya ang aking nararamdaman. Sinabi ko na gusto ko siya at nais ko siyang maging nobya, tinanggap niya ang aking pagmamahal at simula noon, binuhos ko ang aking atensyon sa kanya, ngunit hindi ko akalain na ang desisyon ng aking pamilya na paglipat sa Inglatera ang magiging dahilan ng aming paghihiwalay. Naghintay ako ng mga mensahe mula kay Emma. Hinanap ko siya at pinilit kong kontakin ang kanyang pamilya, ngunit tila naglaho siya na parang bula. Gayunman, patuloy pa rin akong kumapit sa aming pagmamahalan at umasa na balang araw, makatatanggap ako ng mensahe sa kanya.   Hanggang sa nalaman kong, isang taon na siyang kasal sa iba.   Isang lagok pa ang aking ginawa sa hawak kong alak, ang maingay na tunog ng musika ay bumalot sa loob ng club kung nasaan ako. Bakit ba ang mga alaala na ‘yon ay pilit bumabalik sa aking isip? Nais kong kalimutan ang sakit, nais kong aliwin ang aking sarili kaya ako pumunta sa lugar na ito, ngunit habang lumalalim ang pag-inom ko, lalong lumalim ang alaala na hinahagilap ng utak ko. Marahan kong inilagay ang aking kamay sa bulsa ng aking polo, kinuha ko ang isang pocketwatch na simula kolehiyo ay lagi kong kasama. Ito ang huling regalo na ibinigay sa akin ni Emma, ang huling regalo na tanging pinanghahawakan ko at simbolo ng aming pagmamahalan. Inilapat ko ang aking labi sa pocketwatch at tila isang labi na aking hinagkan, sabay sa pagtulo ng aking luha.   Paano mo nagawa sa akin ito? Paano mo nagawang kalimutan ang pangalang, Joseph Lee? sambit ko sa aking sarili.   Isa, dalawa, at maraming lagok pa ang aking ginawa. Hindi ko balak kumuha ng babae sa loob ng club na ito upang parausan, ang gusto ko lang ay malunod sa alak upang makatulog nang maayos, pero paglingon ko sa paligid. Hindi ko akalain na makikita ko ang babae na una at huling nagpatibok ng aking puso.   Anong ginagawa niya rito? saad ko sa aking sarili. Anong ginagawa ni Emma at bakit ganito ang kaniyang hitsura?   Tila nahihiya siya sa suot nya, dahil panay ang himas niya sa balikat na nais niyang takpan. Hindi ko alam kung ano ang kanyang binabalak at kung bakit siya nandito. Napangiti ako dahil sa aking iniisip, tila nilamon na ng espirito ng alak ang aking buong sistema.   Ininom ko ang huling lagok sa loob ng aking baso saka dahan-dahang lumapit sa kanya, kitang-kita ko ang gulat at takot sa kaniyang mga mata, hinawakan ko ang kanyang balikat. Sa pagtitig ko sa kanyang mukha, muling nanumbalik ang sakit na aking naramdaman siyam na taon nang nakalilipas, nagsimulang bumalot ang galit sa aking puso at ang nais ko lamang ay angkinin ang kanyang katawan. Kinuha ko siya, walang alinlangan na sumama siya sa akin sa isang hotel.   Ang lahat ng nangyari noong gabing iyon ay hinding hindi ko malilimutan, kahit nakaw lamang ang mga sandaling iyon.   Ngunit ang aming ginawa ay nagbunga, nalaman kong siya ay nagdadalang-tao at ako ang ama. Hindi ko alam kung saya o lungkot ang dapat kong maramdaman, pero isa lang ang nais ko, nais kong makuha ang aking anak sa kanya at hindi ako papayag na hindi mapapasa’kin ang bata.   Inilingon ko ang aking ulo, nasulyapan ko ang magandang mukha ng babaeng kalapit ko sa loob ng limousine. Wala pa rin siyang ipinagbago, siya pa rin ang babaeng minahal ko. Naikuyom ko ang aking kamay nang maalala ang pangako namin sa isa’t isa at ang huling araw na dapat kami ay magkikita, ngunit hindi siya dumating sa aming usapan.   Nais ko siyang tanungin at nais ko siyang sigawan. Nais kong ipamukha sa kaniya na ako ito, si Joseph Lee, ang lalaking sinabihan mo na ako ang pakakasalan mo. Pero sa ngayon, wala na itong halaga at ngayong nasa puder ko na siya, hindi na niya ako matatakasan pa.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD