Episode 11

3618 Words
HANGGANG sa gumabi na lang pero ni hindi nga siya sinilip ng kanyang mga magulang at kapatid,hindi siya pinagbuksan ng pinto kahit anong katok ang ginawa niya.Naawa din naman ang mga kapitbahay sa kalagayan niya pero wala ding magawa ang mga ito dahil ayaw nilang makialam. "Clarissa doon ka na sa bahay matulog ngayong gabi bumalik ka nalang dito bukas"ani ni Jomari. Na nalaman narin nito ang nangyari sa kanya at ang kalagayan niya.Umiling siya dahil ayaw niyang umalis ayaw niyang sundin ang ama baka kapag aalis siya dito ngayon tuluyang magagalit ang ama. "D-dito lang ako Jomari hihintayin kong pagbubuksan ako ng Tatang ko"aniya. "Gabi na Clarissa buntis ka pa naman"ani ng binata. "B-buntis?oo nga pala buntis ako,binuntis lang ako ng hayop na manlolokong Dominic na yon!!!medyo mataas ang boses niya. "Tama na kaya mo yan magtiwala ka lang"aniya sabay hinawakan sa balikat ang dalaga. "Paano na ako ngayon Jomari paano ko bubuhayin ang bata? "Saka mo na isipin yan sa ngayon tumayo ka na dyan sumama ka muna sa akin sa bahay" "Baka magalit sayo ang Nanay mo" "Maiintindihan ka niya Clarissa" Wala na siyang nagawa kundi ang sumama sa binata dahil babalik naman siya dito bukas.Habang papunta sila sa bahay ng binata ay nakita niyang nagbulung bulungan ang mga kabitbahay na nasa labas ng kani kanilang bahay kahit gabi na.Sabay titingnan siya ng mapanghusga na tingin,iyong parang marumi siyang babae.Pero wala siyang magawa kundi ang kapalan ang mukha,nahihiya naman siya pero nangyari na to eh at wala siyang pakialam kahit huhusgahan pa siya ng mga taong nakakaalam ng kalagayan niya. Pagdating sa bahay ng binata ay nagulat pa si Aling Marta ng makita siyang kasama ni Jomari. "C-Clarissa?anito. "Nay dito po muna magpalipas ng gabi si Clarissa" "Ha?ah s-sige ayos lang"anang Ina ni Jomari. Pero parang napipilitan naman dahil nandon na siya sa pintuan alangan naman papaalisin pa siya nito.Kaya tahimik na siyang pumasok sa loob ng bahay sa isip niya ngayong gabi lang sana dahil wala talaga siyang matutuluyan. Inayos ni Jomari ang maliit nitong silid para sa kanya dahil siya ang gagamit at ang binata naman sa sala matutulog. "Maraming salamat Jomari" "Okay lang yon kaibigan kaya tayo"ngiti ng binata sa kanya. "Pasensya na kayo sa akin at nadamay ko pa kayo sa kaguluhan ng buhay ko" "Huwag mo ng alalahanin yon ang importante maayos ka makakatulog ngayong gabi" "Salamat ulit" "Ay siyanga pala kumain ka muna alam kong hindi kapa naka paghapunan" "Huwag na Jomari hindi naman ako gutom"nahihiya niyang wika. "Ano ka ba dapat kumain ka bago matulog" "Hindi na okay lang ako" "Huwag ka ng mahiya halika na sa kusina sasamahan kita" "Jomari okay lang ako nakakahiya na talaga sa inyo ng Nanay mo" "Clarissa okay lang yon halika na para makapag pahinga ka na rin"pamimilit ni Jomari sa kanya. At dahil nga medyo gutom siya dahil hindi pa naman siya kumain kaya kahit nahihiya sumama nalang sa binata patungo sa kusina.Hindi niya nakita si Aling Marta marahil nasa silid na nito.Pinaghanda siya ng pagkain ng binata at nakaupo lang din siya habang pinapanood ang binata. "Sige na kumain ka na"ani ni Jomari ng mailagay ang pagkain niya sa mesa. "S-salamat Jomari"aniya sabay kumain na ito. Ngumiti lang sa kanya ang binata habang pinapanood siya nitong kumakain dahil close naman sila ni Jomari kaya komportable naman siyang kumain yon nga lang nahihiya siya pero gipit na siya eh.Pagkatapos niyang kumain ay huhugasan sana niya ang platong ginamit niya pero tumanggi ang binata at pinapasok na siya sa kwarto upang matulog.Nagpapahinga na siya pero yung isip niya nasa kanyang pamilya pa rin at hiniling sana bukas matatanggap na siya ng kanyang ama dahil batid niyang kontrolado rin ng Tatang ang kanya Ina at kapatid kaya marahil walang magawa ang mga ito para tulungan siya. Ipipikit na sana niya ang kanyang mga mata pero narinig niyang nag uusap ang mag-ina ayaw naman niyang makinig sana kaso narinig niyang binanggit ni Aling Marta ang kanyang pangalan. "At malakas ang loob mong patuluyin dito si Clarissa kung alam mo ng itinakwil na siya ng kanyang ama?ani ni Aling Marta. "Nay tumulong lang po ako saka kaibigan ko si Clarissa" "Kaibigan lang hindi kayo magkamag anak,pamilya nga tinatapon siya tapos ikaw pupulutin mo? "Hayaan nyo ngayong gabi lang naman Nay saka uuwi din bukas sa kanila" "Basta ngayong gabi lang at hindi na ako papayag kung mauulit pa to naintindihan mo? "Nakakaawa po si Clarissa buntis pa naman" "Hah kasalanan niya yon kung nabuntis lumandi eh" "Sige po Nay matulog na kayo gabi na rin" "Yung sinabi ko kailangan bukas wala na ang babaeng yan dito" "Sige Nay"ani ng binata. At wala na siyang narinig na usapan malamang pumasok na sa kwarto nito ang Ina ng binata kaya dahan dahan siyang bumalik sa higaan kasabay ng paglandas ng kanyang luha.Ngayon pa lang hinuhusgahan na siya ng lahat ng tao dahil sa isang pagkakamali,pagkakamaling mag iiba ang tingin ng mga tao sa kanya,pagkakamaling naging lamat ng samahan nila ng kanyang pamilya at pagkakamaling malamang tuluyang sisira sa buhay niya. "Diyos ko bigyan nyo po ako ng lakas ng loob upang harapin ang problemang dumating ngayon sa buhay ko"usal niya sa sarili. Kahit marami siyang iniisip at nag aalala sa mga mangyayari pa bukas pinilit pa rin niyang makatulog at bukas na bukas aalis din siya dito dahil ayaw niyang magkasamaan ng loob ang mag ina dahil sa kanya kahit alam niyang taos puso ang pagtulong ni Jomari sa kanya,nagpapasalamat siya at hindi siya pinagtabuyan ni Aling Marta kahit nasusuka at nangdidiri na sa kanya. Kinabukasan pinilit niyang bumangon kahit mabigat ang pakiramdam niya siguro dahil buntis nga siya,pagkatapos ayusin ang sarili ay lumabas na siya at nadatnan niyang nasa kusina ang mag ina kaya tumungo siya doon,tumayo naman ang binata pagkakita sa kanya pero walang reaksyon si Aling Marta. "Magandang umaga po Aling Marta,Jomari"aniya. "Magandang umaga rin"ani ni Aling Marta. "Clarissa halika kumain ka muna"ani ng binata. "Ah huwag na Jomari kailangan ko ng umuwi sa bahay para maabutan ko si Tatang"aniya. "Ihahatid na kita" "Hindi na ako nalang..Aling Marta salamat po sa inyo"aniya dito. Tumango lang ito sa kanya at tumingin siya sa binata sabay ngumiti"sige na uuwi na ako salamat Jomari" Hinatid siya ni Jomari hanggang sa pinto at nagpapasalamat siya bago tuluyang umalis.Napapalunok siya habang naglalakad dahil pinagtitinginan siya ng mga tao,sa isip niya mapanghusga talaga ang mga tao ngayon kahit walang alam sa mga nangyayari,pero okay lang as long as hindi siya binabato ng mga ito sige luluwa ang mga mata niyong tumingin,hahaba ang dila nyong mag tsismis wala akong pakialam,yon nalang inisip niya para hindi makadagdag ng bigat na nararamdaman niya. Kaagad siyang kumatok sa pinto ng kanilang bahay pero walang nagbukas ng pinto. "Tatang?Nanang?Brian?pagbuksan nyo ako ng pinto maawa na kayo sa akin"aniya. Pero wala pa ring nagbukas ng pinto kahit panay ang katok niya.Pero hindi siya tumigil habang nagmamakaawa sa mga magulang niya.Ng ilang saglit pa ay bumukas ang pinto at ang Tatang niya ang nasa pintuan. "T-Tatang?aniya sabay niyakap ang ama. "Tatang patawarin nyo po ako Tang hindi ko po kayang umalis ayoko po Tang dahil hindi ko kayo kayang iwan"aniya sa ama. "Gusto mo talagang kakaladkarin kita palabas ng kalsada ano? "T-Tang..." "Halika!!ani ng ama. Sabay hinawakan siya sa braso at sapilitang kinaladkad palabas.At tulad kahapon wala ding nagawa ang Ina at kapatid. "T-Tang huwag po maawa kayo sa akin,parang awa nyo na po Tatang!aniya sa ama. "Nanang!Brian!tulungan nyo ako maawa kayo sa akin parang awa nyo na!aniya sabay nagpupumiglas. "Huwag kang umasang kaawaan kita Clarissa!ani ng ama. Pinagtitinginan na sila ng mga tao pero walang pakialam ang kanyang ama hanggang sa nakarating sila sa labasan at pabalya siyang tinulak ng ama sabay dura sa kanya. "Tatang!aniyang umiiyak. "Kinasusuklaman kita Clarissa at wala akong anak na katulad mo!kaya kung ayaw mong madamay yang mag isa mong anak umalis ka na sa lugar na ito at huwag ka ng babalik pa! "T-Tatang..." "Huwag mo akong tawaging Tatang dahil simula ngayon wala na tayong ugnayan,dahil hindi na kita anak!!matigas nitong wika sabay umalis na. Gusto niyang sundan ang ama pero natakot siya hindi para sa kanyang sarili kundi para sa munting buhay na nasa kanyang sinapupunan ngayon.Bakit nga ba ni hindi niya naisip ipalaglag ang bata kahit ganiti na ang nangyayari sa kanya ni hindi iyon sumagi sa kanyang isipan na gawan ng masama ang pinagbubuntis niya kahit niloloko siya ng ama nito?Dahil bukal sa loob niyang tanggapin ang biyaya ng Diyos at naniniwala siyang wala kasalanan ang bata kung anuman ang ginawa ng ama nito at sa mga nangyayari sa kanya ngayon at sa lahat ng panghuhusga ng mga tao sa kanya. Dahan dahan siyang tumayo at nagpahid ng luha kahit maraming nakatingin sa kanya wala siyang pakialam,inisip nalang na mag isa lang siya ngayon,hindi..sila pala ng kanyang munting anghel.Naglakad siya pero hindi patungo sa kanilang bahay at hindi niya alam kung saan siya pupunta ngayon dahil wala siyang pera,walang damit na dala tanging suot niya lamang ngayon ang damit niya.Habang naglalakad wala ding tigil ang pagpatak ng kanyang luha at hindi talaga maiiwasang si Dominic ang sinisisi niya sa lahat ng ito. "Sana nga hindi na muling magkatagpo ang landas natin Dominic dahil kung mangyayari yon isinusumpa ko matitikman mo ang galit ng inosenteng babaeng niloko mo!galit niyang wika sa sarili. "S-saan ako pupunta ngayon?maya't maya wika niya. Gusto sana niyang tawagan ang kaibigan pero wala siyang dala ni peso para pantawag,kaya naglalakad na muli at tumitingin sa paligid ng may makita siyang taxi ay pinara niya ito at huminto naman ang taxi. "Saan po kayo Miss?tanong ng taxi driver. "Manong sa San Nicholas po" "Sige sumakay ka na"anang taxi driver. Sumakay na siya patungo sa bahay ng kaibigan at ilang minuto pa ay nakarating na siya. "Manong sandali lang po at tatawagan ko ang kaibigan ko para sa pamasahe ko" "Sige"ani ng taxi driver. Bumaba siya at nag doorbell ilang sandali pa ay binuksan na ito ng dalaga medyo nagulat pa ito ng makita siya. "Clarissa!?ani ng kaibigan. "Monica may pera ka ba dyan pamasahe lang sa taxi please" "Ha?okay sige maghintay ka lang dyan at kukunin ko ang pera"ani ng kaibigan. Tumango lang siya at bumalik sa taxi upang humingi ng pasensya dahil naantala ito.Maya't maya ay bumalik na si Monica atsaka binigay ang pera sa taxi driver. "Heto na po Manong salamat po at pasensya na"ani ni Monica pagkabigay ng pera. "Okay lang po salamat din"sagot nito at umalis na. Sabay narin silang pumasok sa loob ng bahay ng kaibigan,nag iisang anak lang si Monica at wala na itong nanay ang ama naman nito ay nasa US isang domestic helper at pinsan lang nito ang kasama sa bahay na nagtatrabaho naman sa salon. Pagkaupo niya agad siya tinanong ng kaibigan kung anong nangyari sa kanya kaya sinabi na niya ang nangyari ayaw na niyang maglihim pa tutal malaki naman ang tiwala niya sa kaibigan. "Diyos ko girl paano na yan?as in hindi ka na tinanggap ng Tatang mo? "Hindi na Monica kahit anong pag hingi ko ng tawad sa kanya" "Anong gagawin mo ngayon buntis ka pa naman din" "Papasok pa rin ako sa trabaho ko Monica at dito na muna ako sayo habang wala pa akong makitang bahay na pwede kong upahan" "Okay lang girl kung dito ka na habang hindi ka pa tanggap ng Tatang mo at least magkasama pa rin tayo" Niyakap niya ang kaibigan saka umiyak dahil kahit papaano hindi pa rin siya kawawa. "Salamat Monica maraming salamat"aniya. "Huwag ka ng umiyak nakakasama sa kalagayan mo" "Hayaan mo kapag nagkapera ako magbibigay din ako sayo" "Sampalin kita dyan eh wala ka pa ngang nakain dito magbabayad ka na?halika sa kusina kumain ka muna" Ngumiti nalang siya sa kaibigan sabay muli itong niyakap ng mahigpit"maraming thank you Monica" "Sus tama na ang dramahan okay kumain ka na tapos maligo dahil mamaya papasok na tayo sa trabaho"ani ng kaibigan. "Pahiram ng susuutin kong damit papunta sa department okay? "Alangan namang hindi eh lubus lubusin ko na ang pagtulong"ngiting wika ng kaibigan. Sabay na silang tumungo sa kusina at pinanonood lang siya nito habang kumakain siya. "Bakit?tanong niya kay Monica. "Nakakahanga ka Clarissa sa kabila ng pinagdaanan mo ngayon hindi mo naisip ipalaglag ang pinagbubuntis mo kahit napakawalang hiyang ama niya ang may kasalanan ng lahat"ani ni Monica. Napabuntong hininga siya sabay mapait ngumiti sa kaibigan. "Wala namang kasalanan ang bata kung bakit siya nabuo sa sinapupunan ko,saka kagustuhan ko rin ang nangyari sa amin ni Dominic hindi niya ako pinuwersa ang mali ko lang naging tanga ako minsan kaya nangyari sa akin to"aniya. Ginagap ni Monica ang kanyang kamay na sinasabing kasama niya ito sa laban niya ngayon. "Dahil dyan mas lalo gusto kitang maging kaibigan at higit pa dahil isa kang huwaran,mabuting huwaran na kahit nagkamali ka kaya mong paninindigan ang pagkakamali mo,kaya mong harapin ang imposible na bihira lang ang nakakagawa nun dahil natatakot sila sa panghuhusga ng mga tao pero ikaw hindi mo inisip yon" Umiyak siya dahil inisip niya may mga tao pa rin na hindi siya hinihusgahan bagkus ay hinahangaan pa siya,tama si Monica wala siyang pakialam sa sasabihin ng mga tao,dahil tao lang din siyang nagkakamali. Pagsapit ng hapon ay sabay na silang pumunta sa department store,diretso sila sa locker upang magbihis ng uniporme pero hindi pa man nasuot ni Clarissa ang uniporme niya ay pinatawag na siya ng Manager nila. "Bakit kaya?tanong ni Monica. "Hindi ko rin alam..sige na mauna ka na pupunta lang ako sa opisina ng Manager"aniya sa kaibigan. Nagmamadali siyang tumungo sa opisina ng Manager nila at nadatnan niyang nakaupo ito at malamang hinintay ang pagdating niya. "G-good afternoon po Sir"aniya. "Miss Moran ito ang sahod mo ngayong buwan at ito na rin ang huling sasahurin mo dito"ani ng Manager. Nabigla siya sa sinabi ng Manager kaya nanatili siyang nakanganga. "Inalis na kita bilang sales lady dito dahil hindi na kailangan ng maraming sales lady ang department store" "B-bakit ako?Sir kailangan ko po talaga ng trabaho ngayon kaya maawa na po kayo huwag nyo po akong tanggalin Sir"pagmamakaawa niya. "I'm sorry pero hindi ka na kailangan dito" "S-Sir..." "You may go now Miss Moran"ani ng Manager sabay bigay ng pera sa kanya. Dahan dahan niyang kinuha iyon saka lumabas na ng opisina habang umiiyak.Napapikit ng mga mata si Anton habang sinusundan ng tingin si Clarissa.Wala siyang magawa inutusan lang din siya. "Patawarin mo ako Miss Moran"aniya. Kaagad siya tumungo sa comfort room at doon umiyak ng umiyak pero sinundan pala siya ni Monica. "Girl anong nangyari?agad na tanong ni Monica. "Monica?aniya sabay niyakap ang kaibigan. "Bakit? "Tinanggal na ako dito Monica" "Ha!?ba-bakit paanong nangyari yon sinong nagtanggal sayo? Nagpahid siya ng luha sabay tumingin sa kaibigan. "Nakakalimutan mo bang pamilya ni Dominic ang may ari nito?malamang sila ang nag utos na tanggalin ako dito.Edi sige hindi ko rin naman gustong papakainin ang anak ko na galing sa kanila ang pera kaya okay lang aalis ako"aniya. "Sorry girl"ani ni Monica. "Okay lang ako mabuti narin yon para hindi na kailanman magtatagpo ang landas namin isa man sa kanila" Umalis nga siya ng araw ding iyon at nagpaalam na mauna ng umuwi dahil mamaya pa naman ang uwi ng kaibigan. "Sasamahan na lang kita Clarissa" "Huwag na kaya ko naman ang sarili ko ayoko din pababayaan mo ang trabaho mo dahil sa akin" "Isang araw lang naman" "Okay lang talaga ako Monica..sige na mauna na ako" "Sige uwi ka kaagad sa bahay ha may susi ka naman" "Sige salamat"aniya. Saka lumabas na ng department store at ito ang huling araw na mapupunta siya sa lugar na ito dahil wala na siyang balak balikan pa ang masasakit na lugar na nagpapaalala sa ginawa ni Dominic sa kanya. Hindi siya diretsong umuwi sa bahay ng kaibigan bagkus ay naghahanap siya ng mapapasukang trabaho dahil mas kailangan niya ang trabaho ngayon para makaipon ng pera para sa kanyang anak habang hindi pa malaki ang tiyan niya. "Anak kaya natin to basta kapit lang ha huwag kang bibitaw dahil ikaw na lang ang nagsisilbing lakas ko ngayon"aniya sabay himas sa manipis pa niyang tiyan. Hanggang sa gabi na ay nasa labas pa rin siya naghahanap ng trabaho pero wala pa rin siyang mahahanap dahil sa wala siyang dala ni anumang kasulatan na may experience na siya,meron naman pero mabigat na trabaho at ayaw niya dahil malalagay sa piligro ang katawan niya at makakaapekto sa pagbubuntis niya. Nagpahinga siya sa isang upuan sa tabi ng kalsada dahil napagod na siya at medyo nagugutom na.Habang nagpapahinga ay bigla siyang inabutan ng medyo may katandaan ng babae ng pera sa pag aakalang namamalimos siya.Parang mayaman naman at may nakabuntot pang dalawang alalay sa likod kaya hinabol niya ito dahil malamang pupunta ito sa kotse nila. "Madam sandali lang po"aniya pero pinigilan siya ng dalawang lalake. "Miss bakit?tanong ng lalake. "Gusto kong isauli to sa kanya"aniya. "Binigay na yan sayo kaya iyo na" "Sandali lang po hindi naman ako manglilimos"aniya. Kaya nilapitan ng isang lalake ang matanda atsaka tumingin ito sa kanya pero ganon na lang ang gulat niya ng makilala ito.Kahit maraming taon ang nagdaan tandang tanda niya ang itsura nito at kahit tumanda pa ang ginang.Hindi siya nakapagsalita hanggang sa nakalapit na pala ang ginang sa kanya at nagtataka kung bakit niya ito tinitingnan ng ganon. "Pasensya ka na hija akala ko kasi manglilimos ka,paumanhin"anito sa kanya. "T-Tita Isabel?aniya. "Kilala mo ako?nagtataka nitong tanong. Ngumiti siya sa ginang sabay tumango ng paulit ulit"Opo kilala kita Tita Isabel" "Bakit sino ka ba? "Ako po to si Clarissa ang kababata ni John Carlo"aniya dito. Nakita niyang natigilan ang ginang kaya bumalik siya sa reyalidad na galit nga pala ito sa kanya hindi na niya naisip yon kanina siguro dahil masaya siyang muling nakita ang butihing ina ng kaibigan noon pero nagalit lang dahil sa nangyari sa anak nito. "P-patawarin nyo po ako Tita Isabel"mahina niyang wika. "Hindi ko akalaing lumaki kang magandang babae Clarissa,kita mo na ni hindi kita namukhaan.Siguro kung buhay pa ang John Carlo ko lumaki din siyang gwapo"may lungkot sa tinig ng ginang. "Patawad po Tita Isabel"muli niyang wika. "Siyanga pala bakit nag iisa ka asan na ang pamilya mo? "Ahm nasa bahay po sila may pinuntahan lang po kasi ako dito" "Ganon ba?saan na kayo nakatira ngayon? "Ho?ahm.." "Huwag kang mag alala hindi ko naman kayo ipapatay" "Pasensya na po"aniya. "Gusto mo bang ihatid ka na namin sa inyo gabi na at babae ka pa naman" "Hindi na po ba kayo galit sa akin?sa amin Tita Isabel? "Hindi na mawawala ang galit ko Clarissa dahil tinanggalan mo ako ng anak pero hindi ibig sabihin nun wala na akong awa" "Salamat po Tita kahit papaano kinakausap nyo pa rin ako at hinayaang tawagin ko kayong Tita" "Tayo na ihahatid na kita sa inyo" "Ano kasi Tita hindi pwede kasi may dadaanan pa ako eh salamat nalang po" "Pwede nating daanan" "Ha huwag na po Tita salamat po"tanggi niya dahil ayaw niyang malaman nito ang nangyari sa kanya. "Sige mauna na ako"ani ng ginang at tumalikod na. Napapalunok siya habang sinundan ng tingin ang ginang,sa isip niya mas lalo pa yatang yumaman ngayon ang mga magulang ni John Carlo dahil sa bayan nila noon ang pamilyang Buenavista ang mayaman ang mga magulang ni John Carlo pero hindi sila matapobre hindi katulad ng ibang mga mayayamang angkan.Sumakay na siya ng taxi upang magpahatid sa bahay ng kaibigan malamang nasa bahay na yon ngayon at ayaw niyang mag alala ang kaibigan dahil wala pa naman siyang cellphone at hindi rin nagsabi na hindi pa uuwi dahil maghahanap pa nga siya ng trabaho dahil tiyak hindi siya papayagan ni Monica. Si Doña Isabel naman pagdating sa kotse ay sinabing susundan ang taxi'ng kinalulunanan ni Clarissa. "Sunda mo ang taxi kung saan sumakay ang kausap kong babae kanina"utos niya sa driver. "Masusunod po Madam"ani ng driver. Sinundan nga nila si Clarissa hanggang sa huminto ang taxi sa isang may kaliitang bahay hindi gaanong maganda at malaki pero malinis naman ang paligid sa isip niya dito na pala nakatira ang mga ito. "Sige na umalis na tayo dito"aniya sa driver. "Opo"ani ng driver. At umikot na upang bumalik kung saan sila galing pero bigla din nakita ni Doña Isabel ang babaeng lumabas galing sa loob at hindi niya matandaang may kapatid na babae si Clarissa dahil pagkaalam niya dalawa lang sila magkapatid lalake at babae "Sandali lang Delfin"aniya. Kaya huminto ulit ang driver,hinintay niyang lumabas ang nanay o tatay ni Clarissa pero hindi lumabas hanggang sa tuluyan ng pumasok si Clarissa at ang babaeng sumalubong dito.Kaya umalis nalang siya ang importante alam niya kung saan si Clarissa. "Tomas paki imbistigahan sa akin ang may ari ng bahay"aniya sa kanyang bodyguard. "Masusunod po Madam"sagot nito. Napapabuntong hininga siya habang nakatanaw sa labas,bigla na namang bumalik sa alaala niya ang lahat na pilit niyang kinalimutan pero hanggang ngayon hindi parin niya magawa,at muling nanikip ang dibdib niya ng magpakilala sa kanya si Clarissa kanina.Sa isip niya kung hindi namatay ang kanyang anak malamang binata ngayon katulad kung paano naging ganap na dalaga na si Clarissa ang kababata ng John Carlo nila. Pero sa nangyari sa anak niya noon nasundan pa pala nung ninakaw ng kasambahay nila ang kanyang huling anak. Tatlong taon noong lumipas mula ng namatay si John Carlo at muli siyang nabuntis ng batang babae,isang taong gulang noon si Joanna Carlota ng ninakaw sa kanila ng pinagkakatiwalaan nilang katulong at mula noon para itong bulang nawawala na hindi na nila mahagilap pa.Kahit marami na silang kinuha magagaling na detective para hanapin ang kanilang bunso pero wala talaga hanggang ngayon. Hindi niya namalayan muli na naman siyang umiyak ng maalala ang masasakit na pinagdadaanan nila noon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD