LUHAAN siyang umuwi sa kanilang bahay dahil hindi niya alam kung anong nangyayari,kung bakit bigla nalang siyang iniwan ni Dom samantala ramdam na ramdam niya kung gaano siya nito kamahal o baka totoo ang sinasabi nitong pinapaniwala lang siyang mahal siya nito pero hindi naman talaga.Lalong sumikip ang dibdib niya ng maalala ang sinabi nitong nakuha na ang kailangan nito sa kanya kaya hindi na siya kailangan ni Dom.
"Kung alam ko lang Nanang"aniya sa kanyang Ina habang umiiyak pa rin.
Dahil nasabi niya na sa kanyang Ina ang nangyari at ngayon ang kanyang Ina na lamang ang naging buhusan niya ng kanyang nararamdaman.Masakit dahil iniwan siya ni Dom ng ganon ganon lang ni hindi niya alam kung anong nagawa niyang pagkakamali,pagkatapos ng lahat ganon na lang yon?
"Hindi mo nga talaga malalaman ang mangyayari,napakawalang hiya niyang ginawa niya yon sayo Clarissa"ani ng Ina habang yakap siya nito.
"K-kung alam ko lang sana kung bakit siguro maiintindihan ko siya pero wala eh iniwan lang ako ng walang dahilan"
"Tama na Clarissa hindi mo dapat iniiyakan ang walang kwentang tao,hindi pa katapusan ng buhay mo kahit nawala siya sayo o kahit iniwan ka pa niya"ani ng kanyang Ina.
"Nang!aniya dahil hindi niya na kayang magsalita pa.
Sobra siyang nasasaktan sa ginawa ni Dom kung kailan may namagitan na sa kanila saka naman nangyari to,p********e lang ba niya ang gusto ni Dom sa kanya at ngayon nga nakuha na nito iniwan na siya dahil wala ng kailangan ang binata sa kanya.Bakit hindi niya naisip yon na siguro yon lang talaga ang habol ng binata.Manloloko!Sobrang manloloko!At nagpapaloko naman siya.
KINABUKASAN nagtrabaho pa din siya sa bahay tulad ng nakasanayan niya kahit na nga ba para siyang namamatayan at walang pakialam sa kanya ang Tatang at kapatid niya ni hindi siya tinanong kung okay lang ba siya kung ayos lang ba siya kahit batid niyang alam na ng mga ito ang nangyari.
"Tang nakahanda na po ang agahan ninyo"aniya sa ama na kasalukuyan itong naghahanda ng gamit nito para dalhin sa bukid.
"Pinaghanda na ako ng Nanang mo"malamig nitong sagot na hindi man lang siya tiningnan.
"Tang patawarin nyo po ako hindi ko po kayang magalit kayo sa akin"aniya sa ama.
Hindi ito sumagot bagkus tinalukuran lang siya nito pero hinawakan niya ito sa kamay.
"Tang maawa na po kayo kausapin nyo na po ako Tang"aniyang nagbabadya na namang umiyak.
"Mas maraming mahalaga akong bagay na gagawin sa bukid kesa sa makikipag usap sayo Clarissa!matigas nitong wika sabay alis.
"Tang"mahina niyang wika saka dahan dahanh napapaupo sa bangko at umiiyak.
"Bakit ganito ang nangyayari sa akin?tanong niya sa sarili.
Bigla siyang nakaramdam ng galit ng maalala si Dominic dahil ito ang simula ng lahat pero tama bang si Dominic lang ang kanyang sisisihin sa nangyari sa kanya?di ba dapat siya rin?pero nagmahal lang naman siya at naniniwala sa kasinungalingan ni Dom na buong akala niya totoong mahal siya nito pero hindi pala.Ngayon niya pinagsisihan ang kanyang ginawa sana hindi siya agad bumigay sa gusto ng binata pero anong magagawa niya mahal niya eh.Mahal niya ang binata pero iniwan lang siya ng ganon ganon lang.Ang sakit!
Pagsapit ng hapon ay gumayak na siya upang tumungo sa department store kailangan niya pa ring magtrabaho kahit hungkag ang kanyang nararamdaman ngayo at tila pasan ang mundo dahil sa bigat ng kalooban.Tahimik siya habang nakasakay sa taxi at nakatingin lang sa labas na parang wala sa sarili.Bumalik lang siya sa reyalidad ng magsalita ang taxi driver.
"Ma'am saan po kayo?
"Po?aniya sabay nagpalinga linga.
Ayon nakalagpas na pala siya ng ilang kilometro.
"Pasensya na po Manong dito na po ako"aniya sabay binigay ang bayad.
"Nakalagpas po ba tayo Ma'am?
"OO pero okay lang malapit lang naman ang lalakarin ko"
"Pasensya na po Ma'am"
"Okay lang po yon Manong kasalanan ko naman"aniya sabay bumaba na.
Nagmamadali na siyang lumakad patungo sa Department Store ng hindi sinasadyang nahagip ng kanyang mata si Mang Tado malamang galing ito sa Department.
"Mang Tado!Mang Tado!tawag niya sa driver ng binata.
Huminto naman si Mang Tado at medyo nagulat pa ng makita siya.
"Mang Tado salamat naman at nagkita tayo"aniyang humihingal pa.
"Clarissa may kailangan ka ba?
"Opo sana Mang Tado dahil gusto kong tanungin kung anong problema ni Dominic kung bakit siya umalis kung bakit walang tao sa Mansion?
"Dinala nila sa state ang Don kahapon ng madaling dahil biglang inatake sa puso"ani ni Mang Tado.
"G-ganon po ba?pero bakit po wala na ang mga katulong sa Mansion at mga security guard?
"Dahil hindi na sila babalik dito sa Pilipinas,pinababantay na lang sa isang kamag ng Doña ang Mansion"
"P-po?h-hindi na babalik?
"Iyon ang sabi ng Doña"ani ni Mang Tado sabay umalis na.
Napahawak siya sa kanyang dibdib sa nalaman mula kay Mang Tado,totoo bang hindi na babalik ang binata?kung ganon talaga ngang iniwan na siya nito ay posibleng kalimutan na siya ni Dom.Umaasa pa naman siyang babalik din ito kapag okay na ang Don pero maaaring hindi na nga kung pati Mansion ay pinababantay nalang sa kamag anak nila.Hindi niya alam kung paano na siya nakapasok sa loob ng Department dahil parang wala siya sa sarili ngayon.Namalayan nalang niyang nasa harapan niya na si Monica habang tiningnan siya nito.
"Girl anong nangyari?tanong ni Monica.
Hindi siya nagsalita at tahimik lang umiyak habang nakaharap sa kaibigan.
"Clarissa ayos ka lang ba anong nangyari sayo?
"Monica?aniya.
"OO ako nga to may amnesia ka ba?tanong ni Monica sabay hinawakan siya sa balikat.
"Monica"ulit nito.
"C-Clarissa ano bang nangyayari sayo bakit ka nagka ganyan ha anong problema mo sabihin mo sa akin"anito na nag aalala din sa nakikita ngayon sa kaibigan.
"B-bakit ganon?
"Diyos ko halika nga dito maupo ka"aniya sa kaibigan at pinaupo sa maliit na bangko na naroon.
"Sabihin mo sa akin anong nangyayari sayo?
"Si Dominic"aniya.
"Anong nangyari sa kanya at bakit anong koneksyon sayo?
"Patawarin mo ako kung naglihim ako sayo Monica sasabihin ko rin naman sana sayo pero ang bilis ng pangyayari"aniya kay Monica.
"Bakit anong nangyari?
At sinabi niya nga ang lahat kay Monica kung paanong naging sila ni Dominic sa maikling panahon at kung paano may namagitan sa kanila ng binata at hanggang sa nangyari nga yung eksena kahapon at sa balitang nalaman ngayon mula kay Mang Tado.
"Girl"ani ni Monica sabay niyakap siya nito.
"Ang sakit pala Monica"aniyang umiyak habang yakap yakap siya ng kaibigan.
"Masakit talagang magmahal Clarissa"
"Sana hindi ko nalang siya nakilala,sana hindi naging kami at sana...sana hindi ko agad isinuko ang p********e ko sa kanya Monica"
"Tama na hindi mo na dapat sisihin ang sarili mo,nangyari yon dahil mahal mo siya at naiintindihan kita.Isipin mo nalang na hindi ikaw ang nawalan kundi siya dahil pinakawalan niya ang babaeng nagmahal sa kanya ng tapat"
"Kung sana ganon lang kadaling kalimutan nalang ang nangyaring ito sa akin Monica"
"Maniwala ka..makakalimutan mo rin siya basta huwag mong palaging iisipin.Maglibang libang ka para hindi mo na siya maisip pa"
"Mahal ko siya Monica"
"Mawawala din yan dahil bago pa lang naman kayo kahit nga matagal na ang relasyon nyo kung sinaktan ka lang at niloloko makakalimutan mo rin siya"
"Paano na ako ngayon Monica wala na akong virgin may tatanggap pa ba sa akin?
"Virgin lang yan girl atsaka kung mahal ka ng lalake tatanggapin ka niya kahit wala ka ng virgin dahil hindi naman yon mahalaga sa taong tapat at tunay na magmamahal sayo"
"Hindi ko rin alam kung magmamahal pa ako pagkatapos nito"
"Hindi pa naman katapusan ng kaligayahan mo kahit sinaktan ka't iniwan Clarissa"
"Gagamutin ko muna ang sugat sa puso ko Monica"
"Nandito lang ako girl para tulungan kang makalimot at maging masaya ulit"
"Salamat Monica at tanggap mo pa rin ako bilang kaibigan mo"
"Ano ka ba lahat naman tayo nagkakamali,tao ka lang din Clarissa"
Niyakap niya ang kaibigan at nagpapasalamat pa rin siya dahil may kaibigan siyang katulad ni Monica na nakakaunawa.
Lumipas ang ilang linggo at buwan mula ng iniwan siya ni Dominic pero nagpatuloy pa rin naman ang buhay niya sa tulong ng kanyang kaibigan at ang kanyang Ina bagamat hindi pa rin siya kinakausap ng ama pero ang kapatid niyang si Brian ay ayos na sila.Pero kinakausap parin naman niya ang ama kung sasabihing handa na ang pagkain,tatanungin kung gustong uminom ng kape,at kung ano ano na kahit kadalasan ay binabaliwala lang siya ng ama na para bang hangin lang siya.Pero okay na siya dun atleast sinasagot naman siya minsan.
ARAW ng linggo at naghahanda sila para magsimba pero masama ang pakiramdam ni Clarissa.
"Anak hindi ka ba makakasama sa amin magsimba?tanong ng Ina ng pumasok ito sa kwarto niya.
"Masama po ang pakiramdam ko Nang"
Dinama ng Ina ang kanyang noo"wala ka namang lagnat nak,ano bang nararamdaman mo?
"Hindi ko po maintindihan Nang hindi naman ako nilalagnat pero pakiramdam ko nanghihina ako"sagot niya habang nakahiga pa rin.
"Dadalhin kita sa hospital para matingnan ka"
"Huwag na po Nang magsimba nalang po kayo"tanggi niya dito.
"Sandali ikukuha kita ng pagkain mo para makainom ka ng gamot baka pagod lang yan"anang Ina.
"Salamat po Nanang"
Lumabas na ang kanyang Ina upang ikuha siya ng pagkain at gamot daw,pumasok naman ang kanyang kapatid sa silid niya.
"Brian may kailangan ka ba?
"Wala Ate sinabi kasi ni Nanang masama daw pakiramdam mo"
"Mawawala din to baka dahil naulanan ako kahapon pag uwi ko"
"Ate sorry kung matagal ako nagtampo sayo"
"Ayos lang yon bunsoy naunawaan kita at salamat dahil nagka ayos na tayo"
"Ikaw naman kasi Ate nagpadalos dalos ka sa disisyon mo"himig tampo ng kapatid.
"Nagsisi nga din ako Brian pero wala na akong magagawa ngayon kundi ang tanggapin na hanggang dun lang ang lovelife ko"
"Hayaan mo makakahanap ka rin ng higit pa sa manloloko na yon"
"Sana nga pero kung wala okay lang sa akin basta nandyan parin kayo na pamilya ko"ngiti nitong wika.
Ilang sandali pa ay pumasok na ang Ina at may dala ng pagkain para sa kanya kaya inalalayan siyang bumangon ng kanyang kapatid.
"Salamat bunsoy"ngiti niya.
"Wala yon Ate..sige na kumain ka na"
"Nak kayo nalang ng Tatang mo ang lumakad maiwan na ako sa bahay para may kasama ang Ate mo"ani ng kanilang Ina.
"Nang sumama na po kayo okay lang naman ako atsaka kaya ko na ang sarili ko"aniya sa Ina.
Sabay sumubo ng lugaw na may halong itlog saka maggie curry pero amoy pa lang ng lugaw ay parang babaliktad na ang kanyang sikmura.
"Bwaaah"aniya sabay takip ng kanyang bibig dahil parang nasusuka siya.
Tiningnan naman siya ng Ina at kapatid.
"Nak bakit?tanong ng Ina.
"Nasusuk....bwaaaarrrkkkk!aniyang tuluyan ng nasuka sa tuwalya na malapit sa kanya.
Dinamayan naman siya ng Ina at hinagod hagod ang kanyang likod habang nagsusuka siya pero wala naman siyang maisuka dahil hindi pa naman siya kumain.
Kinutuban si Aling Maritess habang pinapanood ang anak atsaka tumingin sa bunsong anak na malamang nagtataka din.Ng mahimasmasa si Clarissa ay nilinisan nito ang bibig saka tumingin sa Ina at sa kapatid na nakatuon ang tingin ng mga ito sa kanya.
"B-bakit po Nang?aniya sa Ina.
"Anak anong nararamdaman mo ngayon?
"Nasusuka po ako sa pagkain na hinanda nyo Nang at ayoko po ng amoy dahil parang babaliktad ang sikmura ko"
Ayaw man isipin ni Aling Maritess pero baka buntis ang kanyang panganay dahil paborito ni Clarissa ang lugaw na may halong maggie at itlog pero bakit ngayon ayaw nito?
"Brian lumabas ka na muna"aniya sa anak.
"Bakit po Nang dito lang ako"
"Nak sige na"
Kakamot kamot ito ng ulo saka tumayo na upang lumabas ng kwarto ng Ate.Paglabas ni Brian saka hinarap ni Aling Maritess si Clarissa.
"Clarissa ilang buwan ka ng hindi dinatnan?
Medyo nagtaka siya sa tanong ng Ina at ngayon niya naalala hindi pa nga pala siya dinatnan ngayong buwan.
"Isang buwan na po pero Nang hindi naman ako buwan buwan dinadatnan"inosente niyang wika.
Dahil hindi naman talaga regular ang menstruation niya.
"Magbihis ka dahil ipapa check up kita"ani ng Ina.
"Nang huwag na po makakaabala pa ako sa inyo ayos lang ako"
"Clarissa sige na sumunod ka nalang sa gusto ko"
"Sige po Nang"aniya at napipilitan ng magbihis kahit tinatamad siya.
Sa labas naman ay kinausap ni Aling Maritess ang asawa na dadalhin muna sa malapit na center si Clarissa bagay na pumayag naman si Mang Carlito kaya lumakad na ang asawa at bunso nila.
Pagkatapos magbihis ni Clarissa ay lumakad na sila ng kanyang Ina at ilang minuto pa ay nakarating na sila at kaagad nagpa check up si Clarissa,habang si Aling Maritess naman ay panay ang dasal na sana hindi totoo ang kanyang hinala dahil mahirap man sabihin may napapansin siyang pag iiba ni Clarissa nitong nagdaang mga araw,palagi itong matamlay at hindi magana kumain minsan sa umaga ayaw magising,gigising lang ito kapag papasok na sa trabaho at hindi na nga nito nagagawa ang mga ginagawa dati dahil tamad na.
Ilang minutong paghihintay ay lumabas na ang resulta at ayon positive ngang buntis siya.
"B-buntis po ako Doc?tila hindi siya makapaniwala.
"Yes you're pregnant and congratulation hija"ani ng Doctor.
Nagkatinginan sila ng kanyang Ina at hindi niya alam ang sasabihin,kaya nanatili siyang tahimik at hindi niya inaasahang mangyayari to dahil isang beses lang naman nangyari yon paano nangyaring nabuntis siya?
"Nang?aniya sa Ina ng makalabas na sila.
"Buntis ka Clarissa"ani ng Ina at parang may takot sa mukha nito.
"A-anong gagawin ko Nanang?
"Hindi ko rin alam Clarissa madadagdagan ang galit sayo ng iyong ama kung malaman niyang buntis ka"
"Nang tulungan nyo po ako sabihin nyo kung anong dapat kong gawin"aniyang gusto ng umiyak.
"Huminahon ka..uuwi na tayo dalawa tayong magsasabi sa ama mo"
"Salamat po Nang"aniya.
Pag uwi nila sa bahay ay wala pa ang kanyang ama at palakad lakad ang kanyang Ina marahil nag aalala rin ito sa kung anong mangyayari ngayong araw oras na sabihin nila ang kalagayan niya ngayon.Siya naman ay pinilit ang sariling magluto kahit tinatamad siya kaya pala tamad siyang kumilos at parang mahina dahil buntis pala siya at idagdag pa na parang mahihilo siya kapag maagang gumising.Tinulungan din naman siya ng Ina sa kusina,pagkatapos nilang makaluto ay umupo na sila sa sala at balisa pa rin ang Ina kahit siya man ay natatakot din perp kailangan niyang harapin to.
Kaagad siya tumayo mula sa kinauupuan ng dumating na ang kanyang ama at kapatid saka tumingin sa Inang tumingin din sa kanya.Lumapit siya sa kanyang ama at magmano hindi naman ito umiwas pero hindi siya kinausap ganon naman palagi eh.
"M-mano po Tatang"aniyang medyo nanginginig.
"Maritess nakahanda na ba ang pagkain?bagkus wika ng ama.
"OO Carlito nakahanda na"ani ng Ina sabay tumingin sa kanya.
Napalunok siya at nagyuko ng ulo saka muli niyang narinig magsalita ang Ina.
"Carlito gutom ka na ba maghain na kami ni Clarissa para sabay na tayong kumain"
"Sige na maghain ka na"ani ng ama sa Ina.
Naghain na sila at sabay sabay ng kumain na tanging siya lang ang hindu kinakausap ng ama.Pagkatapos nilang kumain ay muling nagsalita ang Ina.
"Carlito may sasabihin ako sayo"ani ng Ina.
"Ano yon?tanong nga ama.
Tahimik lang din siya at hinanda na ang sarili sa gagawin ng kanyang ama.
"Huwag kang magagalit Carlito"
"Ano nga yon sabihin mo na"medyo naiirita ang asawa.
"Si Clarissa...buntis siya"ani ng Ina.
Nakita niyang natigilan ang ama at gayundin ang kapatid niya.Napalunok siya habang nakatingin lang sa kanyang ama,tingin ng paghingi ng pasensya at tawad.
"T-Tatang patawarin nyo po ako Tang"aniya saka dahan dahang lumapit sa ama.
"Umalis ka sa harapan ko ngayon din Clarissa!matigas na wika ng ama.
Mabilis siyang lumuhod sa ama habang nakatingin lang din ang Ina at kapatid sa kanya.
"Tatang patawarin nyo po ako hindi ko po inaasahang mangyayari sa akin to"aniyang humagulgol ng iyak.
"Maritess ibigay sa kanya ang mga gamit niya at palayasin sa pamamagay ko!
Nagulat silang lahat sa sinabi ng kanyang ama.
"C-Carlito!?ani ng Ina.
"Tatang!?ani naman ng kapatid.
Umiling iling siya sabay niyakap ng mahigpit ang ama.
"Huwag po Tatang maawa kayo sa akin huwag nyo po akong paalisin Tatang parang awa nyo na"aniyang niyakap ng mahigpit ang ama habang umiiyak.
Kaagad siya sinampal ng kanyang ama kaya napaupo siya sa sahig.
"Kinahihiya kita Clarissa!matagal na pero pinakikisamahan parin kita bilang anak ko kahit nagagalit ako sa ginawa mo.Ngayon ganyan ang kalagayan mo hindi na kita kayang makita pa kaya umalis ka na at huwag ka ng babalik pa bahala ka na sa buhay mo tutal yan naman ang gusto mo hindi ba!??
"T-Tang hindi po Tang ayoko po ayoko po umalis Tang hindi ko kaya maawa kayo sa akin"luhaan niyang wika.
"Hindi na kita anak at simula sa araw na ito wala akong anak na Clarissa,tinatakwil kita kaya lumayas ka na habang matino pa ang isip ko!aniya sabay umalis na.
"Carlito sandali maghunos dili ka maawa ka sa anak mo!habol ng Ina.
"Ang sabi ko palayasin ang babaeng yan dito!!!sigaw ng kanyang ama.
Natakot din si Aling Maritess dahil ngayon lang nagalit ng ganito ang asawa kaya hindi niya na sinundan pa sa kwarto nila bagkus ay binalikan ang anak habang yakap ito ng bunso.
"Clarissa anak"aniya sa anak.
"N-Nanang tulungan nyo ako..Brian maawa kayo sa akin"pagmamakaawa niya.
"Hindi ka aalis Ate basta dito ka lang"
"Tama anak huwag kang makinig sa Tatang mo"
Hindi pa man siya nakasagot ay muling bumalik ang ama sabay hinawakan siya sa braso at kinaladkad palabas ng bahay.
"Tatang huwag po maawa kayo sa akin Tang"umiiyak niyang wika.
"Carlito huwag mong gawin sa anak mo yan maawa ka sa kanya!ani ng Ina.
"Tatang maawa kayo kay Ate huwag nyong gawin to"ani naman ni Brian.
"Hoy kayong dalawa huwag kayong makialam dito ha kung ayaw nyong pagsama samahin ko kayo!!muling asik ng ama sa kanila.
Sabay tinulak si Clarissa sa labas ng bahay at mabilis sinara ang pinto kaya walang nagawa si Aling Maritess at Brian.
Narinig nilang kumakatok si Clarissa sabay humingi ito ng tawad at nagmamakaawa pero hindi pinakinggan ni Mang Carlito.
"Subukan nyong buksan ang babaeng yan malilintikan kayo sa akin!bilin ng ama sabay pumasok sa kwarto.
Nagkatinginan sila ni Brian at walang may lakas ng loob na suwayin ang asawa kahit naaawa siya sa anak.