Episode 9

2555 Words
HINDI pumasok sa trabaho si Clarissa dahil medyo nagkapasa ang bibig niya dahil sa sampal ng kanyang Tatang,tumungo din naman ito sa bukid pagkatapos siyang pagalitan dahil ayaw daw nitong makita ang pagmumukha niya kaya umalis kahit galit pa rin ito. "Patawarin nyo po ako Nanang"aniya pagkatapos niyang magdamit. "Nagagalit din naman ako Clarissa pero kailangan kitang intindihin kahit mahirap" "Salamat po Nang"mahina niyang wika. "Clarissa sana wala kang pagsisisihan sa ginawa mo" Tumingin siya sa kanyang Ina sabay hinawakan sa kamay. "Nang galit po ba kayo kay Dominic? "Nagagalit pero wala akong magawa dahil ginusto mo kung ano man ang nangyari sa inyo" "Mahal ko po siya Nang" "Alam ko pero anong magagawa natin nangyari na yan" Niyakap niya ang Ina at sa isip niya ang Ina ay Ina talaga na nakakaintindi sayo pero nag aalala pa rin siya sa kanyang ama dahil nagagalit pa ito sa kanya. Samantala sa Department Store ay hinanap ni Dom si Clarissa sa kaibigan nitong si Monica. "Is Clarissa not here yet?tanong niya sa dalaga. "Hindi pa nga eh ewan ko ba sa babaeng yon"sagot ni Monica. "Okay thank you"aniya saka umalis na. Diretso siya sa parking lot upang puntahan ang dalaga sa bahay nila,habang sa daan ay tumunog ang kanyang cellphone at sa tao sa Mansion ang tumawag. "Yes?sagot niya. "W-what?aniya. "Okay!okay I'm going home now..bye!aniya. Saka diretso umuwi ng Mansion at hindi na pinuntahan ang dalaga dahil sa matinding pag aalala.Ilang minuto pa ay nakarating na siya sa Mansion at may ambulance ng nakaparada sa gate ng kanilang Mansion.Kaya mabilis siyang pumasok sa loob at nakita niyang abala ang Doctor at nurse nag aasikaso sa kanyang Papa Gustavo. "M-mama what happened?tanong niya sa Ina. "Inatake nalang siya bigla Dominic"ani ng kanyang Ina. "We need to bring Papa to the hospital right now Ma"aniya. Ipinasok na sa Ambulance ang kanyang ama at sumakay na sila upang samahan ang amang naka oxygen na.Pagdating sa hospital kaagad dinala sa emergency room ang Don at naghintay lang din sila sa labas kasama ang Ina. "Mama how did this happened? "Hindi ko rin alam Dom wala naman siyang nabanggit na may sakit siya" Hindi na siya sumagot pa dahil nag aalala siya sa kalagayan ng kanyang ama at ni hindi na naalalang tawagan ang dalaga na kanina ay laman ng kanyang isipan. Samantala tinawagan ni Monica si Clarissa upang tanungin kung anong nangyari sa kaibigan.Ilang sandali pa ay sumagot na si Clarissa. "Hello?ani ni Clarissa. "Uy girl saan ka hindi ka ba papasok ngayon? "Hindi eh medyo masama pakiramdam ko"sagot ng kaibigan. "Hala!hindi naman ba malala ang sakit mo? "Hindi naman baka bukas maging okay na ako" "Ganon ba sana nga maging okay ka na,siyanga pala tinanong ka ni Dominic"anito sa kanya. "Bakit daw?kunway wala pa siyang alam tungkol sa binata hindi pa din naman niya nasabi sa kaibigan ang tungkol sa kanila ni Dom. "Hindi ko rin alam girl pero umalis din naman pagkasabi kong ewan" "Ah ganon ba?sige salamat sa tawag mo girl"aniya. "Okay lang inalam ko lang kung maayos ka ba basta inom ka ng gamot ha para gumaling ka na" "Salamat Monica sa pag alala" "Ano ka ba bestfriend kaya tayo" "Sige na baka marami kang costumers ngayon" "Sige na bye"ani ng kaibigan. "Okay bye"aniya saka pinatay na ang tawag. Napabuntong hininga siya pagkatapos nilang mag usap ng kaibigan at inaasahan niyang pupunta ang binata sa bahay nila kaya maghihintay siya at habang naghihintay ay naglilinis sa loob ng bahay dahil namalengke ang kanyang Ina. Sumapit nalang ang gabi pero hindi nagpunta sa kanila ang binata ni hindi rin siya tinawagan nito kahit paulit ulit siyang tumawag.Hindi rin naman kasi siya makaalis dahil nahihiya siya sa kanyang itsura ngayon na may pasa.Dumating man ang kanyang ama galing bukid pero hindi siya nito kinausap at huwag umano niya itong kausapin kung ayaw niya masaktan dahil masama pa rin ang loob ng ama sa kanya.Kahit ang kapatid niya hindi rin siya nito kinibo ng malaman ang nangyari sa kanya bukod tanging ang Ina nalang ang kumakausap sa kanya pero ayos lang yon kasalanan niya saka isa pa hihingi't hihingi pa rin siya ng tawad sa ama at kapatid hanggang sa maging okay na sila. "Dominic anong nangyari sayo bakit ngayon ka pa hindi nagpakita kung kailan ngayon kita kailangan"aniya habang nakatingin sa cellphone niya. Lumabas siya sa kanyang kwarto at pinuntahan ang ama sa labas ng bahay dahil nasa labas ito nagpapahangin habang naninigarilyo.Dahan dahan siyang lumapit sa ama at umupo sa tabi nito pero hindi siya tiningnan ng ama kahit alam nasa paligid lang siya. "Tang?aniya dito. Pero hindi ito nagsalita humihithit lang ng sigarilyo. "Alam ko po masama ang loob ninyo sa akin Tang kaya sana po mapatawad ninyo ako sa ginawa kong pagkakamali"aniya sa ama. Pero hindi pa rin ito nagsasalita ni hindi siya nito tinitingnan,akmang hahawakan niya ang kamay ng ama pero iniwas nito atsaka kaagad tumayo at mabilis pumasok ng bahay,napapabuntong hininga niyang sinundan ang amang marahil malaki ang galit nito sa kanya,tahimik siyang umiyak at ilang saglit pa ay pumasok na siya sa loob ng bahay nagkasalubong sila ng kanyang kapatid na galing ito sa kusina. "Brian?pansin niya dito. "Matutulog na ako maaga pa akong papasok bukas"ani ng kapatid at mabilis ng pumasok sa silid nito. Hahabulin sana niya pero kaagad din nagsara ng pinto kaya hindi nalang siya tumuloy,pumasok na siya sa kanyang kwarto dahil nasa silid narin nila ang Ina.Paghiga niya sa katre ay kinuha ang cellphone nagbabakasakilng may text mula kay Dominic pero wala pa rin kaya sinubukan niyang tawagan ulit pero makailang ulit na siyang tumawag hindi nito sinasagot ang tawag niya,kaya nag text ulit kahit marami na siyang text mula pa kanina pero ni isang reply wala siyang natanggap. KINABUKASAN maaga siyang nagising at kaagad tiningnan ang kanyang phone pero nagtataka na talaga siya dahil hanggang ngayon pala hindi pa siya nirereplyan ni Dominic ang tumawag pa kaya?Pero binaba nalang ulit ang hawak niyang phone saka inayos ang sarili dahil ipagluluto pa niya ng agahan ang mga magulang at kapatid.Paglabas niya siyang paglabas ng kanyang Ina mula sa silid. "Nang magandang umaga po ang aga ninyo naman nagising Nang? "Magandang umaga din anak oo kasi maaga akong ginising ng Tatang mo dahil maaga siyang tumungo sa bukid"sagot ng Ina. "Wala na po dito si Tatang? "Kanina pa nakaalis nak" Tiningnan niya ang orasan sa dingding sa pag aakalang nahuli siya ng gising pero hindi pa nga ng alas sais ng umaga sa isip niya talagang iniiwasan siya ng kanyang ama dahil dati rati alas siyete pa ito aalis o di kaya lagpas sa alas siyete. "Si Brian po Nang?tanong nalang niya. "Maaga din pumasok sa paaralan nagbaon lang ng kakainin niyang agahan" "Galit po talaga sila sa akin Nang"aniya sa Ina. "Hayaan mo muna sila Clarissa mawawala din ang galit nila sayo" "Salamat sayo Nang at hindi mo ako hinayaang mag isa kahit may kasalanan ako sa inyo" "Kahit anong mangyari anak pa rin kita nagagalit ako oo pero hindi naman kita kaya tikisin,siguro ang Tatang at kapatid mo nagtatampo lang sayo pero naniniwala akong konting panunuyo mo pa mapapatawad ka rin nila"ani ng Ina. Tumango lamang siya sa kanyang Ina at ngumiti dito,ilang sandali pa ay tumungo na siya sa kusina upang kumain ng agahan dahil maglilinis at magluluto pa siya bago papasok sa trabaho. Kinahapunan ay naghanda na siya upang pumasok sa trabaho niya dahil gusto niya rin makita ang binata kung anong nangyari dito at kung bakit hindi ito nagparamdam sa kanya mula pa kahapon ayaw naman niyang mag isip ng masama dahil hindi pa naman niya alam ang dahilan nito. Malayo pa lang ay sinalubong na siya ng kanyang kaibigan mabuti medyo hindi na gaanong halata ang pasa niya. "Uy girl kumusta na ang pakiramdam mo?bato ni Monica sabay beso beso sa kanya. "Ayos na ako girl ikaw kumusta ka na?aniya sa kaibigan. "Okay lang naman medyo sad lang ako kahapon dahil wala ka nga" "Sensya ka na..ahm nakita mo na ba si Dominic? "Dominic?kayo na ba? "H-hindi pa"mahina niyang wika. "Sus naglihim pa..halata namang parang close ka na sa kanya sa paraan ng pagbanggit mo ng name niya" "Alam ko na ang lahat"aniya. "Lahat ng ano?tanong ni Monica. "Na siya ang anak ng mga Fuentabella na siya yung napagalitan mo dati na muntik ka ng tanggalin sa trabahp at siya ang head manager dito" "Oh ganon ba?sensya ka na girl ayaw kasi niyang sabihin namin sayo eh" "Okay lang yon hindi naman ako galit" "Thanks!so nililigawan ka ba niya Clarissa? "Ha?hindi ah" "Sigurado ka?tanong ni Monica. "OO nga" Mabuti at hindi na siya kinulit ng kaibigan kaya kunwari nagpapaalam siya para tumungo sa comfort room pero gusto niyang puntahan ang opisina ng binata.Kumatok siya pagdating niya sa head office pero walang sumagot mula sa loob kaya nangahas na siyang buksan ang pinto pero wala ang binata sa upuan nito kaya kaagad din siyang lumabas at tinawagan ang number ni Dominic pero hindi pa rin ito sumasagot sa mga tawag niya.Ewan niya pero kinakabahan na siya kung bakit ganon ang binata kung bakit tila iniindyan siya nito.Mabilis siyang bumalik sa kanyang pwesto at nagpaalam sa kaibigan. "Monica aalis muna ako ha? "Bakit saan ka pupunta? "May pupuntahan lang ako importante" "Nagpaalam ka na ba sa boss natin? "OO tapos na sige na babalik din ako"aniya kahit hindi naman nagpaalam. Pumara siya ng taxi upang magpahatid sa Mansion dahil doon lang ang alam niya kung saan puntahan ang binata,ilang minuto pa ay dumating na siya sa Mansion at pagkabayad ay agad lumapit sa gate upang mag door bell pero hindi pa man niya nagawang pindutin ang doorbell ay bumukas na ang gate.Kaya naghintay siya sa pag aakalang may lalabas ng sasakyan ng mga ito pero wala at nakita niya si Dominic palabas mula sa loob ng Mansion at bihis na bihis ito kaya nagmamadali siyang lumapit sa binata. "Dominic?aniya. Tumingin sa kanya ang binata pero wala itong reaksyon yung parang hindi siya kilala ng binata dahil nakatingin lang ito at hindi nagsasalita?Kaya dahan dahan siyang lumapit kay Dom at tiningnan ito mula ulo hanggang paa saka ngumiti sa binata. "Dom nag aalala ako sayo mula pa kahapon dahil hindi mo sinasagot ang mga tawag ko at hindi ka rin nag reply sa mga text ko sayo akala ko kung ano na ang nangyari sayo"aniya sabay akmang yayakapin ang binata pero umurong ito. "No!ani ng binata. Nagtataka siya sa kinikilos ng binata pero ngumiti pa rin siya dahil nasanay na siya sa ugali nitong palabiro kahit mukhang seryoso. "Bakit Dom?mahinahon niyang tanong. "Because I need to go now baka mahuhuli ako sa flight ko!matigas na wika ni Dom. Nagulat siya sa sagot ng binata flight?aalis ba si Dom pero bakit?ah hindi baka may kailangan lang itong asikasuhin at babalik naman kaya lumapit parin siya at hahawakan sana sa kamay ang binata pero iniwas niya ito at naglakad patungo sa kotse. "Dom sandali lang babalik ka naman dito di ba?tanong niya sabay hinabol ang binata. Lumingon ito sa kanya at akmang yayakapin niya pero muling umurong ang binata na tila bang may nakakakahawa siyang sakit. "Hindi na ako babalik!anito sa kanya. "D-Dom?usal niya pero nagsalita pa rin naman. "Dom anong sinabi mo? "Narinig mo ako Clarissa hindi na ako babalik dito kaya huwag ka ng umasa pa! "Hindi totoo yan..paano ako Dom iiwan mo na ba ako? "As I said I need to go now"ani ng binata. Hinawakan niya ito sa kamay ng akmang bubuksan nito ang pinto. "Dominic hindi ko alam kung anong kasalanang nagawa ko sayo at bakit mo ginagawa sa akin to" "Wala ka na bang sasabihin?then get your hand off me! "Gusto kong malamang kung anong dahilan kaya ka aalis Dom" "Dahil gusto ko" "Paano ang relasyon nating dalawa?paano ako Dom? "Bahala ka na sa buhay mo atsaka nakuha ko na ang gusto ko sayo kaya hindi na kita kailangan pa" "H-hindi totoo yan!Dominic sinabi mong mahal mo ako di ba at nararamdaman kong mahal mo ako Dominic kaya bawiin mo ang sinasabi mo ngayon!aniyang nagbabadya mg umiyak dahil kanina pa siya naiiyaka eh. "Hindi kita mahal Clarissa sinabi ko lang yon sayo para maniwala ka at naniwala ka naman?sa tingin mo ba magugustuhan kita sa itsura mo na yan?come on Clarissa mataas ang standard ko pagdating sa mga babae at wala ka ni kalingkingan sa babaeng gusto ko! Pinagpawisan siya sa mga salitang binitiwan ni Dominic pero hindi pa rin siya nakumbinsi sa mga sinasabi nito. "Hindi Dom alam kong nagbibiro ka lang"aniyang niyakap ng mahigpit ang binata. Pero marahas siyang tinulak ng binata kaya napasubsob siya sa semento. "Dominic..." "Sinabi ko na sayong hindi kita mahal hindi ba?kailangan mo bang ipagsiksikan ang sarili mo ha?hindi nga kita mahal!!asik ng binata. "Dominic hindi ako naniniwala sayo alam kong mahal mo ako Dom kaya please huwag mong sabihin sa akin yan"aniyang tuluyan ng umiyak. "Bobo ka nga talaga bagay lang sayo ang kinalalagyan mo ngayon dyan sa lupa!ani ng binata at papasok na sana sa kotse. Pero mabilis niyang nayakap ang binata upang pigilang umalis. "Dom please mahal kita kaya huwag mo akong iiwan mahal na mahal kita Dominic"aniya habang mahigpit niyapos ang binata. Hinawakan ni Dominic ang kamay niya saka tinulak ulit ang dalaga at muli itong napaupo sa semento.Pero bumangon siya at lumuhod sabay hinawakan sa paa binata habang umiiyak siya. "H-huwag Dom huwag mo akong iiwan utang na loob gagawin ko ang lahat huwag mo lang akong iiwan Dom"hagulgol niyang wika. "Ang cheap mo talaga!ani ni Dom sabay pumasok na ng tuluyan sa kotse. Humabol siya at bubuksan sana ang pinto pero nakalock na ito at kumatok sa windshield ng kotse pero hindi binaba ng binata ang salamin at hindi niya na ito makita dahil tented ang salamin. "Dominic please maawa ka huwag mo akong iiwan,mahal kita Dominic!aniya habang hinahabol ang kotse na nakalabas na sa gate. Naaawa si Mang Tado sa dalaga pero wala din siyang magawa dahil driver lamang siya dito.Nakita pa niya sa front mirror na humabol ang dalaga pero wala na talaga. "Dominiiiic????hagulgol ni Clarissa sabay napapaluhod sa kalsada habang papalayo ang kotseng kinalulunanan ng binata. Ng makahuma ay nagmamadali siyang pumasok ulit sa Mansion at hinanap ang mga magulang ng binata.Pero wala siyang makitang tao sa loob ng Mansion kahit sa kusina ay wala ding tao pati mga katulong ay wala din.Hinanap niya kung saan saan pero wala siyang makita.Dahil wala din dito ang kanyang Ina dahil pinasasabi ng Doña na hindi na ito pupunta ng Mansion at iyon ang hindi niya alam kung bakit sa isip niya baka walang maruruming damit ang mga ito kaya hindi na muna kailangan ang Ina sa Mansion pero ngayon bakit?anong nangyari?bakit biglang naglaho ang mga tao dito dahil maging ang mga guard ay wala na rin sa labas. Lumabas siya ulit ng Mansion upang hintayin ang pagbabalik ni Mang Tado dahil ito nalang ang inaasahan niyang makakapagsabi kung anong nangyari.Tinawagan siya ni Monica pero hindi siya sumagot dahil gulong gulo pa ang isip niya ngayon,gusto niyang sumunod sa airport pero malas naman dahil ni traysikel walang nagdadaan dito. Hanggang sa gabi na ay walang Mang Tado ang bumalik sa Mansion,lumingon siya sa Mansion at madilim ang sa loob dahil walang taong nagpapailaw nito ngayon siya naniniwalang wala na ngang tao dito pero bakit?malaking katanungan sa kanya ang lahat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD