Episode 8

4286 Words
NIYAKAP niya ang kanyang sarili habang nagsusuot ng damit ang binata,hindi naman niya ito tinitingnan kasi naiilang pa siyang makita ang bagay na yon siguro hindi pa siya sanay.Kinuha ni Dominic ang mga damit niyang hinubad nito atsaka lumapit sa kanya. "You okay?tanong ng binata sabay hinawakan siya sa mukha. "Dapat ba talagang nangyari to? "Nagsisisi ka ba? "H-hindi naman kaso natatakot ako sa Nanang ko paano kung malaman niya? "Wear your clothes first baka lamigin ka"ani ng binata. At tinulungan siya isuot ang kanyang bra at ito na ang nagkabit ng hook sa likod niya,then tinulungan din siyang isuot ang panty niya nahihiya siyang makita ulit ng binata yon pero no choice siya mapilit eh.Saka pa sinuot ang damit niya inalalayan siyang tumayo ni Dominic at nakaramdam siya ng kirot sa ibabang parte ng kanyang katawan kaya napangiwi siya. "Ah" "Are you alright? "M-medyo makirot eh"mahina niyang usal. Kinulong ng binata ang mukha niya saka hinalikan sa noo"you will be fine later on sweetheart it's just because you've lose your virginity" "Uhm"tango niya sa binata. "I'm sorry okay? "Ginusto ko rin to Dom" "Yeah and thank you for trusting me" "Dahil mahal kita" "Mahal na mahal din kita sweetheart"ani ng binata at dinampian siya ng halik sa labi. "Uuwi na ba tayo? "Gusto mo na bang umuwi?we can stay kung gusto mo pa dito" "Sige papanoorin natin ang papalubog na araw" "Yeah okay"ani ng binata saka muli siyang inalalayang umupo. "Oh wait"ani ng binata sa kanya. "Bakit?tanong niya sa binata. "Come this side gonna get some tissue okay? Nagtaka tuloy siya kung napapaano ang binata mabuti nalang sinundan niya ng tingin ang tiningnan nito at nakita niyang may konting bahid ng dugo sa mat. "Sorry"aniya. "No don't say sorry it's normal"ani ng binata at tumungo na ulit sa kotse. Pagbalik nito ay may dala ng wipe at tissue. "Ako na ang maglilinis nyan Dom"aniya. "No just sit there I can clean it myself"anang binata at nilinisan na nga nito ang dumi. Humanga naman siya sa pinapakita ng binata at mas lalong tumindi ang nararamdaman niyang pagmamahal kay Dom,sana hindi maling isinuko niya ang kanyang puri dahil mahal niya ito at nararamdaman niyang mahal din siya ng binata.Tumabi ito sa kanya pagkatapos sa ginagawa nito at tiningnan lang din niya ang binata. "What's wrong?tanong ng binata sabay kinuha ang kamay niya at hinalikan. "Ang swerte ko kung ikaw ang maging asawa ko Dom"aniya. "Hindi ka ba swerte na nobyo mo ako ngayon? "Pareho na rin yon swerte ako dahil nobyo kita,pero mas swerte ako kung maging asawa na kita" "I can make you mine and you can make me your hubby" "Alam ko at magagawa ko yan pero gaya ng sinabi ko huwag muna" "May nangyari na sa atin and I guess hindi na natin kailangan ng mahabang panahon" "Hindi ko nga din alam kung paano sasabihin sa mga magulang ko ang nangyari" "Don't worry kasama mo akong magpaliwanag" "At paano mo sasabihin sa mga magulang mo kung sakali? "I can handle my parents so don't worry ang importante ang mga parents mo" "Salamat Dom"aniya. "For what? "Sa pagmamahal at malasakit na binibigay mo" "It's because I love you Clarissa" Niyakap niya ang binata at naramdaman niyang gumanti din ito ng yakap,naiyak nalang siya bigla kaya hinawakan ng binata ang mukha niya sabay pinahid ang kanyang luha. "Don't cry sweetheart it breaks my heart seeing you in tears" "Masaya lang kasi ako" "Then you can laugh why crying? "Loko loko" "Kidding!tears of joy right?ngiting wika ng binata. "Uhm"aniya saka paulit ulit tumango" "Oh Clarissa why I'm so inlove with you"ani ng binata sabay niyakap siya nito ng buong higpit. Masaya siya ngayon kahit may bahagi na ng kanyang katawan ang nawala at hindi siya nagsisi kung isinuko niya sa binata ang kanyang puri dahil mahal niya ito kahit nakaramdam siya ng takot oras na malaman ng kanyang mga magulang dahil kasama naman niya ang kanyang nobyo. 7:00 pm na sila umuwi at doon lang sila sa tabing dagat nagpalipas ng oras at magkayakap habang pinapanood ang papalubog na araw,parang sila din ng kababata niya noon magkasama nilang pinapanood ang araw,katunayan si John Carlo ang nagsabi sa kanya na masarap tingnan ang araw kapag lulubog na ito dahil medyo mas may isip ang kaibigan dahil siguro mas matanda ito sa kanya.Kaya mula noon gusto na niyang papanoorin ang araw. "Bigla kang natahimik?tanong ng binata habang nagmamaneho ito. "May naalala lang ako Dom" "Yung kababata mo? "Uhm"tango niya. "Just be happy for him sweetheart" "Ikaw ba anong karanasan mo noong bata ka?tanong niya sa binata. "Me? I don't have that much experienced when I was young" "Bakit? "I don't have a lots of friends back then" "So anong karanasan mo bilang mag isa? "Yung buhay ko kasi noon school to home..then home to school..study..playing computer games and most all the time sitting alone" "Sabagay mayaman ka naman kasi kaya ganon" "And that really gave me suck memories for being a rich kid" "Bakit? "Cause ang daming bawal,bawal ito bawal yan in short kontrolado ang buhay ko noon at hanggang ngayon and I want my freedom" Bigla naman siyang nalungkot hindi niya alam may pinagdadaanan din pala ito kahit nakikita niyang parang happy go lucky lang at parang walang problema sa buhay dahil nga mayaman na ito.Hindi mo talaga malalaman ang buhay ng isang tao o kung anong pinagdadaanan nito hanggang hindi mo makikilala at makasama. Kinuha niya ang kamay ng binata saka hinalikan ito. "Nalulungkot ako para sayo Dom at hindi ko alam na ganyan ang buhay mo"aniya saka hinaplos ang pisngi ng binata. "I'm okay sweetheart I used to live with it already" "Akala ko kung mayaman ka na wala ka ng problema sa buhay" "Mas maraming problema ang mayayaman Clarissa,problema kung anong negosyo ang gagawin nila para lalo pang yumaman,problema kung sinong babae o lalake ang pwede nilang ipakasal sa anak nilang kapwa mayaman,problema dahil malulugi na yung isang branch ng company nila,problema kung anong gagawin nila kung sakaling maghirap sila at marami pang mga bagay bagay" "Kung ganon mas okay na pala ang buhay ko bilang mahirap at least wala kami masyadong inalala,makapagsaing lang at makaulam okay na" "That's the way of life I want to live for..nagsasawa na ako sa buhay ko" "Swerte ka pa rin dahil nakukuha mo lahat ng gusto mo kahit hindi ka na magtrabaho" "I'm not into material things Clarissa,Mas masarap ang buhay mo dahil masaya kayo ng pamilya mo I can see it Clarissa kung gaano kayo kasaya na hindi ko nakikita sa mga magulang ko dahil palaging busy sa trabaho,I think yung last s*x ng mga magulang ko the day na ipinagbubuntis ako ng Mama ko"seryoso nitong wika. Napatawa nalang siya sa sinabi ng binata seryoso ito at parang may galit talaga sa mga magulang pero hindi parin talaga nawawala ang kalokohan nito kahit seryoso na. "Why?tanong ng binata. "Nakakatawa ka lang kasi"ngiti niyang wika. "Am I look like a clown? "Hindi naman I mean sa sinabi mo seryoso ka naman di ba? "Yeah of course" "Parang hindi naman eh" "Yes I do I just don't take it seriously sweetheart" "Kaya ba matigas ang ulo mo dahil nagagalit ka sa parents mo? "Actually hindi naman ako nagagalit I am thankful that they raised me well ang gusto ko lang enough of controlling me kaya minsan matigas ang ulo ko at hindi na nakikinig dahil alam ko na ang ginagawa ko" "Mga magulang mo pa rin sila Dom" "I know..but there is a limitation for being a parents" "Pagkaalam ko wala namang limitado sa pagiging magulang" "For me there is..like..don't choose a girl for me to marry with..don't choose a girlfriend for me cause that's my personal life" "Sabagay tama ka rin naman..bakit hindi ba ako gusto ng parents mo? "Ahm hindi naman anyway hindi ko pa nasabi kay Papa" "Nasabi mo na sa Mama mo? "Uh-huh!and no problem sa Mama ko ang relasyon natin" Kinabahan siya paano kung ayaw ng Papa nito mukha pa namang istrikto hindi katulad ng Mama nito mukha lang mataray pero mabait naman. "Don't worry sweetheart hindi naman ako makikinig sa Papa ko" "Paano kung ayaw ng Don? "As I said I don't give a f**k to listen to him this is my life Clarissa" "Kahit na Papa mo pa rin siya" "He have a limits for being my father" Hindi na siya sumagot pa dahil nag aalala din siya para sa kanila ni Dominic.Ilang minuto pa ay dumating na sila sa bahay nila pero hindi muna sila lumabas. "Let's go"anang binata. "Ahm huwag muna natin sasabihin ngayon Dom" "Why not? "Basta hindi pa ako handa saka natatakot pa ako sa ibang araw nalang" "Sure ka? "Ano ako nalang ang magsabi kay Nanang kung may mahanap akong pagkakataon" "Sweetheart you don't have to face this alone nandito ako kasama mo sasamahan kita okay?ani ng binata sabay haplos ng mukha niya. "Alam ko pero gusto ko ako muna ang magsasabi sa kanila" "Clarissa..." "Please Dom hayaan mo muna ako okay? "Paano kung sasaktan ka ng Nanang mo at wala ako sa tabi mo Clarissa no please don't do this" "Kaya ko naman Dom saka natural sa kanya kung magalit at masaktan niya ako kaya okay lang sa akin" "Why do you have to do this alone sweetheart wala ka bang tiwala sa akin? "No hindi ganon Dom kaya may nangyari sa atin dahil malaki ang tiwala ko sayo pero ngayon gusto kong tumayo sa sarili kong paa gusto kong patunayan sa sarili kong kaya kong harapin ang galit ng mga magulang ko kahit wala ka sa tabi ko" Hindi ito kumibo at nakatingin lang sa kanya kaya hinawakan niya sa mukha ang binata sabay hinalikan sa noo. "Please Dom?aniya sa malambing na tinig. Kinuha ni Dom ang kamay niyang humawak sa mukha nito saka hinalikan ng paulit ulit. "I'm always here for you Clarissa tawagan mo ako kung kailangan mo ng tulong ko okay? "Uhm"aniyang sabay tumango. "Ihahatid na kita sa inyo" "Kaya ko naman maglakad saka huwag mong sabihing bubuhatin mo ulit ako papunta sa bahay namin? Aniya dahil binuhat lang naman siya ni Dom kanina patungo sa kotse. "I can do that" "Ayoko nakakahiya sa mga tao saka na kapag okay na talaga tayo" "You really have so many reasons" "Please? "Alright alright let's go sweetheart" Ngumiti nalang siya sa binata eh kung hindi ba sila dito sa lugar nila bakit niya tatanggihan ang binata kaso nahihiya nga siya.Magkahawak kamay silang naglakad papasok sa looban medyo mahina siyang maglakad dahil makirot ang ibabang bahagi niya pero kaya naman. Kinakabahan siya ng dumating na sila sa bahay,kumatok siya at ang bunsong kapatid niya ang nagbukas ng pinto pero nagulat siya ng biglang lumapit si Dominic saka hinawakan ito sa kwelyo ganon din yata ang bunso nabigla din sa ginawa nito. "Dom!?aniya. "What are you doing here ha!??asik ni Dom kay Brian at nanggigil ito sa galit. Hindi maintindihan ni Clarissa kung bakit ito nagagalit. "S-sino ka ba a-at bakit ka nagagalit sa akin?tanong ni Brian at pilit inalis ang kamay ni Dom. "You better get your ass out of this house bago pa kita kakaladkarin palabas at huwag na huwag ka ng babalik dito naintindihan mo!??asik ulit ni Dominic. "Gago ka pala eh"ani ni Brian saka buong lakas tinulak si Dominic. Akmang uundayan niya ng suntok si Brian ng sumigaw si Clarissa. "Dominic tama na ano ba!!!!sigaw niya sa binata. Natigilan naman si Dominic at lumingon sa kanya,nilapitan niya ito at saka hinampas sa dibdib ang binata. "Ano bang problema mo ha bakit gusto mong saktan si Brian??asik niya sa binata. "Because I don't wanna see my rival inside your house and it makes me crazy in mad Clarissa!!asik din ni Dominic. "A-ano?mahina niyang tanong. "Eh Ate baliw naman pala yang loko na yan sayang pogi pa naman sana"ani ni Brian. "W-what?ani ni Dominic na tila hindi makapaniwalang magkapatid ang dalawa dahil akala niya babae ang kapatid ng dalaga. "Dominic siya si Brian kapatid ko"aniyang pinigilang mapatawa. Diyos ko nagseselos ang kumag sa maling akala pero aminin niyang natakot siya kanina dahil nakikita niya ang galit ng binata na parang kakain na ng tao at natakot siya para sa kanyang kapatid. "I-I don't know"mahinang wika ng binata at kumalma na. Sabay tumingin kay Brian"I'm sorry dude hindi ko alam akala ko.." "Akala mo manliligaw ako ng Ate ko? "Yeah something like that really I don't know sorry"aniya kay Brian. "Ayos lang yon sa susunod magtanong ka muna ha bago ka manakit ng tao" "Yeah I'm sorry..anyway I'm Dominic Rox Fuentabella"aniyang sabay nilahad ang kamay. "Ano anak ka ng amo namin?tanong nitong inabot naman ang kamay ng binata. "Yeah ganon na nga"ngiting wika ni Dom. "Talaga at nililigawan mo ang Ate ko? "Girlfriend ko na ang Ate mo so you can call me Kuya" "Ganon ka bilis?Ate sa tagal na wala kang manliligaw ganon naman kabilis magkaroon ng nobyo? "Brian pasensya ka na pinigilan ko naman ang sarili ko pero mahal ko na si Dominic" "Alam na ba to ni Tatang at Nanang? "Alam na nila Brian"si Dominic ang sumagot. "Huwag kang makisawsaw ha hindi ikaw ang kinausap ko! "Brian huwag mo namang ganyanin si Dominic"saway niya sa kapatid. "Ate payong bunso lang ha pero wala akong tiwala sa kanya iiwan ka rin nyan dahil mahirap ka lang" "Brian..." "Brian I'm not like that patutunayan ko sa inyo na totoo ang hangarin ko kay Clarissa" "Hah!talaga?patutunayan mo?sige nga paano?paano kung ayaw ng mga magulang mo sa Ate ko kaya mo bang ipaglaban?hoy alam ko na ang ugali ng mga mayayaman at ikaw mukha mo pa lang sunod sunuran ka na sa mga magulang mo! "Brian pwede bang tumigil ka na?medyo tumaas ang boses niya. "Anong kaguluhan yan?tanong ng kanilang Tatang na lumabas galing silid nila. "Tang alam nyo naman palang nakikipag relasyon si Ate sa lalakeng yan bakit hinayaan ninyo?ani ni Brian. "Brian wala naman kaming karapatang panghimasukan ang Ate mo lalo na kung mahal niya si Dominic" "Sana kung nakikipagnobyo ka rin lang Ate doon sa kagaya natin para wala kang maging problema" "Anong magagawa ko kung mahal ko siya Brian pwede ko bang turuan ang puso ko na huwag siya dahil mayaman siya ha?pwede ko bang turuan ang puso ko na yung iba nalang ang mahalin ko dahil mahirap yon katulad ko?aniyang gusto ng umiyak dahil nasasaktan siya sa ipinapakita ng kapatid kay Dominic. Kinabig siya ng binata saka hinagod ang kanyang likod. "Shhh..it's okay it's okay don't take it too hard Clarissa" "Brian naiintindihan ka namin kapatid mo si Clarissa nagmamalasakit ka sa kanya pero huwag naman tayong manghusga agad ng kapwa natin"ani ng kanilang Tatang. "Hindi pa natin nasusubukan si Dominic paano kung kaya naman niyang ipaglaban ang Ate mo"ani ng kanilang Nanang. Hindi kumibo si Brian at matalim ang tingin kay Dominic sabay umalis ito at pumasok sa silid nito. "Dominic pasensya ka na sa bunso namin malapit kasi sila ng Ate niya kaya ganon yon"ani ni Mang Carlito. "Okay lang po ako Tatang naiintindihan ko siya kaya don't worry" "Pero sana mali ang bunso namin tungkol sayo Dominic"ani ng kanyang Ina. "Mahal ko po si Clarissa Nanang at handa ko siyang ipaglaban kahit sa mga magulang ko pa" Nagkatinginan lamang ang mag asawa sa sinabi ng binata nakikita naman nilang seryoso ito sa anak nila sana nga lang walang hadlang sa dalawa dahil sa kanila maayos naman nilang tinanggap ang binata kahit medyo alanganin sila dahil nga sa katayuan nito. Sa kanila na kumain ng hapunan ang binata pero inutusan nitong bumili ng pagkain sa labas ang driver nila upang ihatid sa bahay.Habang naghihintay sila ng pagkain ay pumasok naman sa kwarto si Clarissa upang magbihis ng damit,pinilit niyang kumilos ng normal kahit nakaramdam pa rin ng kirot sa ibabang parte.Naisip niya ganito ba talaga kapag nakuha na ang virgin ng ang isang babae.Mabuti nalang at hindi nahalata ng mga magulang niya at sila lang ni Dominic ang nagkatinginan. Pagdating sa silid niya ay hinubad na ang damit saka nagpalit ng pambahay,kumuha din ng panty upang palitan ang sinuot niya ngayon at muli ng lumabas ng silid upang magbanyo.Nasa sala lang din ang binata habang nakikipag usap ito sa mga magulang niya at ng makita siyang patungo sa kusina ay palihim pa itong kumindat sa kanya,napangiti tuloy siya sa kapilyuhan nito. Pagkatapos niyang magbanyo siya namang pagdating ng driver ng binata nagdala ng pagkain na pinabili pa ng binata sa labas. "Mang Tado dito nalang kayo kakain"ani ni Aling Maritess. "Huwag na nagmamadali ako kasi may pupuntahang meeting ang Don"anito at tumingin sa binata. "Ganon ba sige salamat" "Thank you Mang Tado"aniya sa kanila driver. "Walang anuman po Señorito..tutuloy na po ako" "Okay mag ingat ka"ani ng binata saka umalis na ang driver. Hinanda na ni Aling Maritess ang mesa kasama si Clarissa medyo hindi masyado makakilos ng tama si Clarissa at hindi niya alam kung bakit makirot pa rin kahit kanina ay may nakita siyang dugo sa hinubad niyang panty hindi na nga gumamit ng feminine wash dahil baka mahapdi. "Clarissa ayos ka lang ba?tanong ng Ina. "Po?ah oo Nang ayos lang po ako"aniyang umiiwas ng tingin. "Sige tawagin mo na sila upang kumain"ani ng Ina. Tumango lang siya at lumabas na sa kusina. "Tang,Dominic nakahanda na ang mesa"aniya. "Sige mauna na kayo tatawagin ko lang ang bunso mo"ani ng kanyang Tatang. "Sige po Tang"aniya at sabay na sila ni Dominic tumungo sa kusina. "Sweetie you okay?mahinang tanong ng binata. "Uhm"mahina din niyang sagot dahil nakalapit na sila sa mesa. Magkatabi silang umupo ng binata at magkatabi naman ang Nanang at Tatang niya at kumain din naman si Brian yon nga lang hindi nito kinakausap ang binata kaya hinayaan nalang nila si Brian. "Brian kailangan mo na bang bayaran ang balance mo sa school ninyo?tanong niya kausapin lang siya nito. "Sasabihin ko rin kung kailangan na ng advicer namin"malamig nitong sagot. "Ibibigay ko nalang sayo bukas papasok ka naman di ba? "Sasabihin ko nga lang di ba?ani ulit ng bunso. "Okay"sagot nalang niya saka tumingin sa binata. Tumingin din naman ito sa kanya sabay hinawakan ang kamay niya ng palihim.Tumango lang siya saka nagpatuloy ng kumain hindi narin nila kinausap pa si Brian at nauna na itong umalis pagkatapos kumain. Pagkatapos nilang kumain ay at nakapagpahinga ang binata ay nagpaalam narin ito upang umuwi dahil may pasok pa siya bukas sa department store at maging ang binata na alam na niyang ito ang head manager nila.Nasa silid narin ng mga ito ang magulang niya. "Sabihin mo sa akin kahit anong mangyaro okay?ani ng binata. "Huwag kang mag alala hindi ako sasaktan ng kapatid ko" "I know just in case" "Okay sige na umuwi ka na gusto ko naring magpahinga" "Okay lang ba ang pakiramdam mo?you look so weak Clarissa did I hurt you that much?ani ng binata sabay haplos sa pisngi niya. Umiling siya ng paulit ulit at ngumiti sa binata"hindi!okay lang ako Dom pagod lang siguro to" "But you sure you okay?you don't feel any pain down there? "Wala okay lang talaga ako"aniya sa binata. "Come here"ani ng binata sabay kinabig siya nito at niyakap ng mahigpit. "Tell me kung hindi ka okay hmm?anito sabay halik sa ulo niya. "OO sige na umuwi ka na gabi na eh" "My God parang ayoko ng mahiwalay sayo sweetie" "Ikaw talaga magkikita pa rin naman tayo bukas Sir Dominic"ngiti niyang wika. "I will punish you if you call me that way again" "Joke lang mahal kong Dominic" "That's better..okay I gotta go now take rest okay? "Okay po mag ingat ka" "Okay I will..I love you" "I love you too" Hinalikan muna siya ng binata sa labi bago ito tuluyang umalis,pero kahit sa labas lumingon pa rin ito sa kanya at kumaway.Gumanti naman siya ng kaway at ng makatalikod na ito ay isasara na sana ang pinto pero nagtawag ang binata. "Clarissa!tawag nito. Kaya sumilip siya ulit at niluwagan ang pagbukas ng pinto ng makita niyang muli itong bumalik sa isip niya baka may naiwan ito. "Ano yon Dom?tanong niya. Bigla siyang siniil ng halik ng binata na hindi niya napaghandaan at ng makahuma ay tinugon din naman ang halik nito,medyo matagal magkahinang ang mga labi nila ng maya't maya ay dahan dahan siyang pinakawalan ng binata sabay tumingin sa kanyang mga mata. "Dom? "What did you do to me Clarissa?mahinang wika ng binata habang kulong nito ang mukha niya. Umiling lang siya dahil hindi naman niya alam ang isasagot sa binata. "Don't you know that I'm inlove with you na gusto kong hindi ka na mawala sa tabi ko?God this is insane Clarissa please I wanna marry you"ani ng binata sabay dampi ng halik sa labi niya saka nag nose to nose sila. "I'm inlove"anas ng binata. Hinalikan niya ito sa labi saka niyakap ang binata. "I love you Dom"aniya. "I wanna stay here sweetheart" "Hindi pa pwede ngayon Dom kaya umuwi ka na sa Mansion baka hinintay ka ng Mama at Papa mo"aniya sa binata. "What can I do?ani ng binata sabay humakbang na ulit. Ngumiti siya dito at kumaway..ngumiti din sa kanya ang binata at ngayon nagpapasalamat siya at tuluyan ng umalis. Nasapo niya ang kanyang sariling dibdib dahil sa sobrang sayang nadarama,sapat na ang mga ipinakita sa kanya ng binata upang masabi niyang mahal talaga siya nito.Ramdam na ramdam niya kanina habang sinasabi nitong I'm Inlove na tila bang nagsusumamo ang tinig nito dahil hindi nito kayang mawalay sa tabi niya. "Mahal na mahal din kita Dom kung alam mo lang parang ayoko na ring mahiwalay pa sayo"wika niya sa sarili at tumungo na sa silid niya upang magpahinga na rin. Nakatulog siyang si Dominic ang laman ng kanyang isip. KINABUKASAN medyo nahuli siya ng gising na hindi niya kinaugalian dahil sa bahay nila siya ang unang nagigising sa lahat siguro napagod siya mula kahapon at sabihin pang parang masama ang pakiramdam niya.Kung hindi pa siya pinasok ng kanyang Ina hindi pa siya magigising tuloy nakalimutan na may pasok siya sa trabaho. "Nanang?nabigla niyang wika dahil nasa kasarapan siya ng tulog. "Pinasok na kita dito dahil hindi ka pa gumising" "OO nga po Nang napasarap ang tulog ko pasensya na po"aniyang dahan dahang bumangon. "Okay ka lang ba? "Okay naman po ako Nang"aniya kahit medyo hindi naman. Tinalian ang kanyang buhok saka kinuha ang tuwalya sa lalagyan nito dahil magbabanyo siya at hindi na napaghandaan ang mga magulang ng almusal. "Nang nakaalis na po ba si Brian at Tatang? "Kanina pa nak" "Kayo po hindi pupunta ng Mansion? "Nakalimutan mo na ba Lunes ngayon? "Ah oo nga po pala"aniya kapag Lunes hindi pupunta ng Mansion ang Nanang bukas pa. Akmang lalabas na siya at dala dala na ang tuwalya ng tinawag siya ng Nanang niya. "Anak? "Po?sagot niya. Nakita niyang lumapit sa kanya ang Ina kaya medyo kinabahan siya. "Bakit namumula yang leeg mo?tanong ng Ina habang nakatingin ito sa leeg niya. Diyos ko bakit hindi niya nakita yon baka yong bakas ng halik ni Dominic kahapon.Napalunok siya ng wala sa oras at muli siyang binalot ng takot. "W-wala po to Nang baka nakagat lang ng langgam"kaila niya dahil natatakot siya. "Clarissa mula pa kagabi napansin na kita alam kong may nagbago sayo,sagutin mo ako may nangyari na ba sa inyo ni Dominic?tanong ng Ina. "N-Nang"aniya at umiyak na. "Tama nga ang hinala ko"ani ng Ina. "Nang mahal ko po si Dominic kaya ako pumayag" "Paano kung malaman ng Tatang mo na may nangyari na sa inyo ni Dominic? Paano nga kung malaman palagi pa naman nitong sinasabi na huwag basta basta isuko ang sarili kahit mahal mo pa ang isang lalake,dahil para sa Tatang niya okay lang makipag nobyo pero hanggang nobyo lang gayundin naman ang Nanang niya sadyang matigas talaga ang kanya ulo. "Anong nangyari?tanong ni Mang Carlito na bumalik pala sa bahay. "Tatang?natatakot niyang tawag sa kanyang ama. "Carlito bakit ka nandito?tanong ng kanyang Ina. "Galing ako ng Mansion para kumuha ng abono at dumaan na ako dito dahil nakalimutan ko ang bihisan ko" Nagkatinginan sila ng kanyang Ina at hiniling niya sana hindi na magtanong pa ang kanyang ama.Pero patay mali yata siya. "Anong narinig kong may nangyari?anong nangyari?tanong na ama. Tumingin siya sa Ina at hindi ito nagsalita kaya muli siyang tumingin sa kanya Tatang na naghihintay ng sagot niya. "Tatang patawarin nyo po ako pero sinuway ko po kayo Tang"naiiyak niyang wika. "Bakit? "T-Tang may nangyari na po sa amin ni Dominic"aniya sa mahinang tinig. Nakita niyang biglang namula ang pisngi ng Tatang niya na alam niyang kapag ganon nagagalit ito. "Ano kamo? "P-patawarin nyo po ako Tang dahil maha..." Paakkk... Napasubsob siya sa lakas ng sampal ng kanyang ama. "Aaahh.."aniyang sapo ang pisngi. "Carlito!! "Hinayaan kitang makipag nobyo sa lalakeng gusto mo Clarissa pero mahigpit ko ring sinabi sayong ingatan mo ang sarili mo pero sinuway mo pa rin ako!!asik ng kanyang ama. "Patawarin nyo po ako Tang mahal ko po si Dominic kaya ko nagawang ibigay sa kanya ang sarili ko"humagulgol niyang wika. Bigla siyang nilapitan ng ama at pilit pinapatayo. "Tang tama na po"aniya habang umiiyak. "Carlito tama na nasasaktan mo na ang anak mo"saway ng kanyang Ina. "Saan kami nagkulang ng pangaral sayo ha?ginawa mo yon dahil mahal mo siya?letse!pwede kang magmahal kahit hindi mo ibigay ang sarili mo ang sabihin mo matigas talaga ang ulo mo at hindi ka nakikinig sa amin ng Nanang mo!!ulit ng ama saka muli siyang sinampal nito. "Aaahhh..t-tama na po Tang"aniya sa ama. "Carlito ano ba tama na!!ani ng Ina. "Ilayo mo yang anak mo sa harapan ko Maritess baka mapatay ko pa ng wala sa oras!!!asik nito. "Clarissa tumayo ka na dyan sige na pumunta ka na ng banyo para maligo"ani ng Ina sabay giniya siya palabas ng kwarto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD