bc

HIRAM NA PAG-IBIG

book_age18+
12
FOLLOW
1K
READ
family
HE
goodgirl
heir/heiress
drama
no-couple
mystery
loser
like
intro-logo
Blurb

Si Lia ay isang babaeng umiibig ng tapat sa kanyang kasintahang si Andrew.Pero nagising na lamang siya na ang Andrew na minahal niya ay hindi ang Andrew na kanyang kasama ngayon!Ngunit isang pangyayari ang hindi niya inaasahan na magbabago ng takbo ng kanyang buhay pag-ibig.

chap-preview
Free preview
CHAPTER ONE
"Nag-enjoy ka ba mahal?"Ang tanong ni Andrew sa kanya habang magkahawak sila ng kamay. Nasa park sila at namamasyal. Day-off kase niya kaya nagkaroon sila ng oras mamasyal. "Oo naman mahal,sobrang saya ko na kasama kita ngayon."Ani Lia.Bakas sa kanyang mukha ang saya. Tatlong taon na silang magkasintahan ni Andrew.Classmate niya ito noong college.Sa mayamang angkan ito nanggaling pero napakahumble nito.Ni hindi ito gaya ng iba na easy-go-lucky sa buhay.May kaya din naman ang pamilya nila pero hindi kasing yaman ng pamilya nina Andrew. Nahulog ang loob niya dito dahil sa napaka down to earth nito.Gusto na nitong ipakilala siya sa mga magulang nito pero siya itong pilit na tumatanggi.Hindi pa siya handa.Ewan ba niya. Basta parang hindi pa siya ready na makilala ang mga magulang ni Andrew. May sarili din naman kaseng condominium si Andrew kaya bihira lang itong umuuwi sa kanila.Sa tagal ng kanilang relasyon,ni minsan ay hindi nagtangka si Andrew na galawin siya.Iyon ang isa din sa pinakahinahangaan niya dito. "Ikaw lang naman ang iniintay ko magkaoras eh para maipasyal kita."Anito sa kanya. Isinandal niya ang kanyang balikat sa kasintahan pagkatapos ay tinitigan niya ito.Mula sa clean cut na hairstyle nito hanggang sa makakapal na kilay,sa malalantik na pilik mata,brown na kulay ng mata,matangos na ilong at hugis pusong mapupulang labi. Sa guwapo nito ay puwede na itong mag artista.Hindi naman mahirap dito kung sakaling gustuhin nito dahil nga mayaman ito.Pero dahil nga sa down to earth ito ay mas pinili nito ang low profile.Hindi rin ito umaasa sa mga magulang,.May sarili itong disposisyon.Kahit sarili ng mga ito ang kumpanya ay pinagsikapan nito ang posisyong mayroon ito.Pero dahil sa kagustuhan ng magulang nito ay tumayo na din itong vice president ng kumpanya dahil ang ama nito ay nagtatrabaho bilang President at CEO. "Pasado na ba ako?"Nanunudyong sabi nito sa kanya. Napangiti naman siya at pinisil ang pisngi nito. "Bakit ba kase ang guwapo-guwapo mo."Lambing niya dito na ikinapangiti naman ng huli. Kinabukasan ay maaga siyang bumangon para pumasok sa trabaho.Nagtatrabaho siya sa isnag supermarket naasign siya sa opisina.Tama lang naman ang suweldo at sapat na para sa kanyang pangangailangan.Di tulad ni Andrew na sa isang condominium nakatira,siya ay nangungupahan kasama ng kanyang kaibing si Stacy.Isa ito sa malalapit niyang kaibigan wayback in college.Ito naman ay nagtatrabaho bilang supervisor sa supermarket na pinagtatrabahuhan niya.Ito din ang nagrefer sa kanya sa trabahong iyon. "Ang aga pa ah bakit gising ka na agad?"Ani Stacy nang madatnan siyang nagkakape na s amay kusina. "May aayusin pa ako sa office eh,tsaka kailangan ko matapos iyon.May usapan kami ni Andrew na magdidinner together."Pakli niya. "Kayo ha,baka mamaya masanay na kayo na laging magkasama,basta kapag nagkabiglaan ako ang ninang."Biro nito sa kanya. "Sira,luka-luka ka talaga no.Hindi mangyayari iyon dahil nirerespeto ako ni Andrew."Nakatawang sabi niya. "Hindi natin masasabi."Dagdag biro pa nito na ikinablush naman niya. Ilang oras na ang nakararaan mula ng nakapag out siya sa kanyang trabaho.Kanina pa siya naghihintay sa lugar kung saan siya susunduin ng kasintahan.Pero pinapak na siya ng lamok ay wala pa rin ang Andrew na hinihintay niya.Maya't-maya ang tingin niya sa kanyang orasan.Hindi naman siya mainiping tao pero ng mga oras na iyon ay para bang sinusubok ang kanyang pasensya. Hindi naman niya ugaling awayin ang kasintahan pero hindi lang kase ito ang unang beses na nangyari iyon.Alam naman niyang baka masyado itong busy sa kumpanya.Baka napepressure dahil nandoon ang ama nito.Sa pagkakaalam naman niya ay paboritong anak ito ng kanyang ama.Iyon lang ang nabanggit nito,bihira lang ito mqgkuwento tungkol sa buhay nito. May iilan-ilan ng empleyado na nakakakilala sa kanya ang nagtatanong. "Mam,may hinihintay kayo?"Tanong ng isang empleyado na nakakakilala sa kanya. Tango lang ang isinagot niya dito.Iniingatan din naman niya ang kanyang private life.Ayaw niyang may ibang manghimasok dito. Ilang sandali pa ay nagring ang kanyang cellphone.Hindi nga siya nagkakamali,si Andrew.Alam niyang di na naman matutuloy ang kanilang planong paglabas. Naiinis na ikinancel niya ang tawag nito.Alam naman niya kung ano ang sasabihin nito kaya bakit pa siya mag-aabalang sagutin iyon. Naisipan na lang niyang umuwi na. "Hindi mo ba sasagutin ang cellphone mo?"ani Stacy ng tinititigan niya lang ang kanyang cellphone habang nakatalungko sa kanyang tuhod. "Hayaan mo siyang manawa sa kakatawag."hinampong sabi niya. "Sus maya-maya ay okay na naman kayo."ansabi nitong sumisimsim ng kape. Restday niya ulit ngayon,ilang pagpapaliwanag at paghingi din ng pasensya ni Andrew sa kanya bago siya pumayag na makipagkita dito. Inaya siya nitong magpunta sa bakasyunan nito sa Batangas.Pumayag naman siya.She also couldn't bear to not talk to him because she loved him so much. He was also always looking for a way to get back at her. That was one of the things she liked about him. He was handsome yet very caring. "Nagtatampo ka pa ba sa'kin?"ang tanong sa kanya ni Andrew. "Hay nako palagi na lang ganyan.Pero lagi ka naman may pangbawi.''irap niya dito. "Bakit ka nga pala hindi nagdala ng sasakyan?"dagdag tanong niya dito.Napilitan tuloy silang magcommute ng bus. Sa pagod siguro ni Andrew sa trabaho ay agad itong nakatulog na nakahilig ang ulo sa kanya.Hinayaan niya lang ito sa ganoong posisyon.May namataan siyang isang lalaking tingin ng tingin sa kanila. Kunot-noong ibinaling niya sa ibang lugar ang kanyang paningin baka naman nagkakataon lang. Hanggang sa mamataan niya ang senyasan ng mga ito. Marami itong kasama at ewan ba niya na tila may kaba ang nararamdaman niya ng mga oras na iyon. Baka mga holdaper at dahil nga mayaman ang kanyang boyfriend eh kung ano ang gawin. Kinakabahang marahan niyang ginising si Andrew. "Babe m..may mga taong k..kanina pa nakatingin sa atin.Parang sila din yung nakasabay natin sa may sakayan kanina."hintakot na sabi niya sa kasintahan. Pupungas-pungas naman na pasimpleng tiningnan ito ni Andrew. Minabuti nilang pumara sa may mataong lugar para na rin sa kanilang kaligtasan. Nakahinga sila ng maluwag ng nakitang hindi na sumusunod ang mga ito. "Baka naman nagkataon lang babe."pagkalma sa kanya ni Andrew. "Pero malinaw ang kanyang mga mata,kitang-kita niya ang senyasan ng mga ito. "Itutuloy pa ba natin ang lakad natin."parang nawala sa ganang sabi niya. "Oo naman,alam mo babe basta kasama mo ako walang mangyayaring masama sayo."ani Andrew sa kanya. Kahit napipilitan ay tumango na lamang siya. Magtatanghali na ng makarating sila ng Batanggas.Nagpahinga muna sila bago siya iginala ni Andrew.Namangha siya sa lawak ng lupain ng mga ito.Nawala ang kaninang pangamba niya. Inilatag naman ni Andrew ang dala nilang picnic mat.May mga dala din silang pagkain. Sinubuan siya nito ng hinati nitong mansanas. "Mamaya ipapasyal kita sa may talon."anito habang matamang nakatitig sa kanya.Namilog ang kanyang mga mata.Unang pagkakataon na makakakita siya ng talon.Excited na tumingin siya dito. "Thank you so much mahal.Pasensya ka na inaway kita nung nakaraan."Kunwa'y nananampong sabi niya. "Okay lang kasalanan ko naman eh.Kaya nga bumabawi ako sayo ngayon."anito na dinampian siya ng halik sa labi. Tila ba parang paraiso ang lugar na iyon ng marating nila.Marami pang nagliliparang makukulay na paro-paro.Ipinikit ni Lia ang mga mata habang nakadipa at sinasamyo ang ihip ng sariwang hangin. This is the life that she want.If Andrew proposes to get married,she will choose to stay here. Apart from being away from crowded places and pollution,she also wants to raise their future children there. It's different when they are in the city. This is her dream place for their future family.Iyong simple lang naman,malayo sa mga mata ng mapanghusgang tao.Naramdaman niyang niyakap siya ni Andrew sa likod. "I love you,tandaan mo na kahit anong mangyari ikaw lang ang babaeng iibigin ko Lia." Napangiti siya dito bago masuyong hinawi ang buhok na nasa noo nito. Gumanti siya ng yakap. "Kapag ikinasal tayo,gusto ko dito natin bubuuin ang ating magiging pamilya."nakangiting sabi niya kay Andrew. Ngumiti lang ito sa kanya.Alam niyang hindi pa ito nag tamang panahon para pag-usapan iyon dahil sa mahal nito ang trabaho.Gaya ito ng ama na workaholic.Isa kase ang ama nito sa kilalang business tycoon.Susubukan niya.Tyaka sa tinagal nilang magkasama ni wala pa itong binabanggit tungkol sa pagpapakasal.Mas priority nito ngayon ang kumpanya dahil ito na ang sunod na maghahandle niyon.Napabuntong-hininga na lamang siya. Kahit kailan ay hindi niya pinangarap ang magpadami ng pera kung hindi naman magiging masaya ang kanilang pamilya. Muli niyang tiningnan si Andrew.Maybe other women prefer a man who is rich and can provide material things. But Lia is different, she prefers a simple and quiet life. She idolizes her parents because they are happy even though their lives are simple. And for her that is the most important thing. Money can't buy long-lasting happiness. Natigilan sila ng makarinig ng helicopter,helicopter na sobrang baba?At sobrang lakas ng hangin kaya napaupo sila. Sabay silang napalingon ni Andrew sa helicopter at kapwa nagulat ng may makitang may hawak na malalaking armas na naroon at nakatutok pa sa kanila! "Lia talon!"ang sigaw ni Andrew na hindi na siya inintay pang makapagsalita pa at hinila na siya nito patalon sa talon na naroon sabay narinig niya ang sunod-sunod na putok ng baril. "Tinamaan mo ba!"ang sigaw ng lalaking bigotehin sa isang payat na lalaki. "Sigurado ako boss tinamaan ko."anito. "Hanapin niyo!"sigaw naman nito.Maya-maya ay sumigaw ang inutusan. "Boss positive,nagkulay pula ang tubig na kanilang tinalunan."nakangising sabi nito. "Ayos!"hagalpakan ang mga kasamahan nito sa helicopter. "N...nasaan ako?"ani Lia na hirap pang kumilos.Nagpalinga-linga siya,nasa isang puting silid siya.Bigla siyang napangiwi ng madama ang masakit sa bandang ulo at paa. "H..huwag kang masyadong maggagalaw anak.Hindi ka pa nakakarecover sa nangyari sa iyo."napatingin siya sa ina. "B..bakit..anong ginagawa ko dito a..at..."sumasakt ang ulo niya habang iniisip kung ano ang ginagawa niya sa silid na iyon. Biglang gumuhit sa kanyang isipan ang nangyari. "M..ma..s..si Andrew asan siya?"humihikbing sabi niya sa ina. "Magpagaling ka muna anak bago mo isipin si Andrew."naaawang sabi ng kanyang ina. "Sagutin niyo ako ma,asan si Andrew?Please ma..at tsaka iang araw na ako nandito?"nagugulumihanang sabi niya. "Limang araw kang na-comatose anak.S..si Andrew..di pa siya nakikita hanggang...hanggang ngayon."malungkot na sabi ng kanyang ina. "Hindi!"umiiyak niyang sabi. "Ma tulungan niyo ako kailangan kong hanapin si Andrew,hindi puwedeng mawala siya."nagmamakaawang sabi niya sa ina. Naaawang niyakap siya ng ina. Matuling lumipas ang mga araw.Wala pa ring balita sa kanyang kasintahan,pero ang alam niya ay ginagawa lahat ng pamilya nito ang lahat para makita ang kanyang nobyo.Ni hindi rin siya makakain ng ayos.Wala siyang gana.Hindi na rin siya nakabalik pa sa trabaho.Malungkot na tiningnan niya ang picture nila ng nobyo.Bakit nangyari ang ganoon?Sa pagkakaalam niya wala namang kagalit ang kanyang nobyo dahil nga sa mabait ito.Umiiyak na isinubsob niya ang sarili sa kama.Ang sakit-sakit.Para siyang pinapatay sa sakit sa bawat araw.She doesn't know how she can survive a day. Not a day goes by that she doesn't cry. If there was a medicine for heart disease, she might have taken it all. The pain killers she was taking are no longer effective. Lumipas pa ang mga araw,hanggang sa maging buwan at taon.Mag-iisang taon na siyang nangungulila sa kanyang nobyo.Pero kahit paano ay bumalik na ang dating takbo ng kanyang buhay.Pero sa tuwing maaalala niya ito ay hindi niya maiwasang umiyak. Nakapagtrabaho na din ulit siya sa isang kumpanya sa Makati. "Siya nga pala,may mag-iinvest sa ating company,isang sikat na kumpanya.Malalaman niyo ito sa welcome and thanksgiving party this coming weekend."ani sir Lucas ang kanilang boss at ceo ng kumpanya. Masayang nagngitian ang kaniyang mga kaofficemate.Bukod tangi sa kanya.Wala siya sa mood makipagoarty dahil hanggang ngayon eh sumasagi pa rin sa isipan niya si Andrew at hindi pa niya nakakalimutan ito. "Huwag kayong mawawala and one more thing please wear formal attire.Malaking kumpanya at mga big bosses ang ating makakaslaamuha."dagdag pa nito. "Yes sir!"sabay-sabay na sabi ng mga ito. "Lia,cancel all your plan this coming weekend,secretary kita kaya hindi ka dapat mawala doon."nakangiti nitong sabi sa kanya. "O..okay sir."tutol sa loob na sabi niya. Ang daming bisita ng oras na iyon,mga bigating tao ang dumalo at nakisaya sa thanksgiving at welcome party nila.Hinahanap ng kanyang mga mata si mr.Lucas Rix ang kanilang boss.Sa di kalayuan ay nakatayo ito at may kausap na isang bulto ng tao na parang pamilyar sa kanya.Kinakabahang hindi niya halos maihakbang ang mga paa dahil sa nanginginig iyon. Ngunit bago pa siya makalapit ay sumenyas na si mr.Lucas na magsiupo na ang lahat dahil mag-iistart na ang program. She can't be wrong, because in the years they've been together, she already knows him well. Moreover, he even became her classmate. She feels mixed emotions at this time.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The CEO’s Nerd Secretary

read
44.0K
bc

My Evil Stepbrother Is My Ex

read
72.3K
bc

In Bed with The Governor-SPG

read
257.5K
bc

Rain Alcantara :The Boss Thunder

read
9.1K
bc

Bedroom Series 1: IKAPITONG LANGIT (Rated SPG/ R18+)

read
51.1K
bc

The Blind Billionaire (Las Palmas Series 2)

read
96.2K
bc

The Mayor's Secret Obsession (SPG)

read
61.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook