"Lia!..Lia wake up!"mulagat na nagmulat siya ng mata.Butil-butil ang pawis niya sa noo.Nagising siya sa yugyog sa kanya ng kaibigang si Gia.
Nayakap niya ito habang umiiyak ng umiiyak sa kaibigan.Parang totoo ang panaginip na iyon.Nakita niya ang lungkot sa mga mata ni Andrew.Humihingi ito ng tulong sa kanya.
"Ssshh... it's just a dream."alo nito sa kanya.
Bakit parang totoo lahat ng iyon.Ramdam niya ang lungkot ni Andrew.
Dahil sa napanaginipan ay hindi siya nakapasok ng araw na iyon.Kailangan niyang makita si Andrew.Baka pahiwatig ito sa kanya.
Nagmamadaling inayos niya ang sarili papunta sa Maynila para puntahan si Andrew.
Papaalis na siya ng may humintong sasakyan sa tapat.
Sa wakas ay nakarating na si Andrew sa Tagaytay.Hindi naman mahirap hanapin ang lugar.Pagdating niya ay nakasarado ang pinto.Susubukan sana niyang kumatok pero bukas naman pala iyon.Pagpasok niya sa loob ay tinawag niya ang pangalan ni Lia pero hindi ito sumasagot.Parang walang tao sa loob.Maayos naman ang lahat ng gamit na naroon.
Nagtatakang tinawagan niya si Gia.May number ang mga empleyado sa kumpanya kaya madali lang niya itong nakuha lalo na at sa kumpanya nila sa Tagaytay ito nagtatrabaho.
Nalaman niyang hindi pumasok si Lia sa trabahong pinapasukan nito at balak lumuwas sa Maynila para daw sana puntahan siya?
Kunot-noong nag-isip siya.Baka naman nagkasalisi lang silang dalawa.Miss na niya ito.Alam niyang mali pero hindi niya mapigilan ang sarili na umibig sa dalaga.
Kahit nangako siya sa kakambal nung hindi pa nangyayari ang aksidente at kusang nagbalik sa kanya ang nakaraan.
"Tol,kapag wala ako pakibantayan mo muna para sa akin si Lia."anang kakambal niyang si Andrew sa kanya habang naglalaro sila ng table tennis sa kanilang mansyon.
Natatawa namang sinagot niya ito.
"Saan ka naman pupunta?All your life you have done nothing but work for the company. It is impossible for you to leave."natatawang untag niya dito.
"Basta, you'll take care of Lia if I'm not here, promise me."anitong seryoso naman.
"Okay,okay kung matatalo mo ako."aniyang pabirong sagot dito.
Bumalik sa kanya ang kasalukuyan.Nangako siya sa kanyang kakambal at tutuparin niya iyon kahit kapalit naman ay kanyang kaligayahan.Pagkatapos ng lahat ng ito ay magpapakalayo-layo na siya.
Kapag nakita na nila ang kapatid niya.Hanggang ngayon ay on going pa rin ang paghahanap dito pero hindi nila iyon isinasapubliko dahil masyadong delikado.Kaya nagpasya sila ng mga magulang na magpanggap bilang ang kanyang kakambal.
Kaya hindi sila tumitigil hanggat hindi nahahanap ang kanyang kakambal.Hindi rin muna nila pinapaalam kay Lia dahil masyadong delikado at pribado ang kaso ng kanyang kakambal.Pero nararamdaman niyang malapit na at mahuhuli na nila ang may kasalanan ng lahat.
Nagpasya siyang bumalik na ng Maynila baka nandoon na si Lia at hinihintay siya.
Tahimik ang condo ng dumating siya,walang tao.Nagtatakang tinanong niya sa staff kung may babaeng nagpunta sa condo niya.Chineck din niya ang cctv pero walang Lia na sumulpot.Inalam din niya kung nahpunta ito sa kumpanya pero wala ding Lia na sumulpot doon.Kinakabahang tinawagan niya si Briyana para icheck ang cctv malapit sa inuupahan ni Lia.
Ilang minuto siyang pabalik-balik,di mapakali.Lahat ng puwedeng tawagan na tauhan niya ay inutusan niyang hanapin si Lia.Maya-maya ay may isenend sa kanyang cctv footage si Briyana.Isang berdeng sasakyan ang pumasok at lumabas malapit sa inuupahan nina Lia.Tinawagan niya ito at sinabing icheck lahat ng cctv footage kung kailangang magbayad sila ng malaki ay gagawin niya.
Hindi siya mapakali hanggat hindi tumatawag si Briyana.Napapahilqmos na siya sa mukha.Sana pala ay maagap siyang pumunta para puntahan si Lia.He was so stupid because he let Lia alone despite the danger that he was benefiting from. The only thing he wondered was why the enemy knew his every move. Only a few people knew their plan. A plan was formed in his mind. .Could be one of his people the one who betrays him? He has to be careful with his every move before all their plans are foiled.
"Hey Briyana, what's the news? Do you know where Lia is?"aniya kay Briyana ng tumawag ito.
"Sorry but others don't want to release some cctv footage.They say they are protecting their credibility. Let's just wait for Lia's call if she is in good condition then we will take action."ani Briyana sa kabilang linya.
"I'm the only one who will say when we will act. Do everything to find out where Lia is!"matigas niyang sabi.Gagawin niya ang lahat para makita si Lia.
Nagsekreto si Andrew na kumilos mag-isa,gusto niyang masigurong hindi mabubulilyaso ang kanilang mga plano.Tatlong araw na nawawala si Lia pero wala pa rin siyang hint.Nakiusap siya sa may-ari ng cctv na mahingi ito at nagbayad siya ng malaki para mapapayag ito.Kalaunan ay pumayag na din ito.Wala siyang pinagsabihan kahit sino.
Habang pinapanood niya ang cctv ay nakita niya nga ang green na sasakyan na dumaan malapit sa apartment nina Lia.Ilang araw itong paali-aligid at nung araw nga na nawala si Lia ay tuluyan itong pumasok sa may apartment nina Lia.
Medyo blurred ang plaka nito pero madali lang iyon dahil may kilala siyang magaling sa ganoong larangan.Tinunton niya kung sino ang may-ari ng plate number at pinuntahan ito.Nakarating siya sa isang lugar kung saan maraming nakatambak na basura,mga sasakyang sira na,mga appliances na sira na.Kinatok niya ng malakas nag pintuan nito.Muntik pa ngang masira iyon,lumabas ang isang may edad na lalaki.Gulat ito ng walang patumanggang hinawakan niya ang kuwelyo ng damit nito.
"T..teka sino ka ba..a..anong kasalanan ko?"maang na sabi nito sa laki ng pagkagulat.
"Nasaan si Lia!"bulyaw niya dito na lalo namang ikinatakot nito.Sa itsura kase niya ay talagang kaya niyang ibalibag ito.
"Sinong Lia!Wa..wala akong alam sa s..sinasabi mo!"depensa ng matanda.
"Sigurado ka?!Dahil kung hindi mananagot ka talaga!"gigil niyang sabi dito.
"A...ano bang itsura ng L...lia n..na sinasabi mo!"
Kapit ang isang kamay sa kuwelyo nito ar ang isa naman ay dumukot sa bulsa niya.Agad niyang inilabas ang cellphone at hinanap ang picture ni Lia doon kasama ang kaibigan nitong si Gia.Ipinakita niya iyon dito.
Napakurap-kurap naman ang matanda wari ba'y may inaalala.
"O..oo natatandaan ko ang babaeng iyan!"anito sa kanya.
"Talaga,itong babaeng nasa kanan?"aniya dito.
"Hindi..iyong babaeng nasa kaliwa!"ang tinutukoy nito ay si Gia.
Nagulat siya sa sinabi ng matanda.Papaanong si Gia ang kasama nito.Idinayal niya ang numero ni Gia,may numero siya nito dahil lahat ng may kaugnayan kay Lia ay palihim niyang ipinakuha ang impormasyon.
Pero puro tunog lang ang knyang naririnig.Senyales na hindi na active ang simcard nito.
"Natatandaan ko na binayaran niya ako sa lumang kotse na iyon.Ayaw ko nga sana ibigay pero mapilit,mas dinagdagan pa niya ang bayad.Kailangan ko din naman kase ng pera."nagpaparinig na sabi nito sa kanya.
"Alam mo ba kung saan siya daw pupunta?"maang na sagot niya dito.Hindi niya akalaing si Gia pa.Hindi niya ito pinaghinalaan.
Umiling ang matanda.Pero bago pa ito magsalita ay sumakay na siya ng sasakyan at mabilis na pinaharurot iyon.
Kaagad niyang kinontak ang lahat ng puwedeng makapagturo kung nasaan si Gia.Naghire din siya ng magagaling na private investigator para mapabilis ang paghahanap kay Lia.
Nakahalukipkip siya sa tapat ng kanyang laptop ng magring ang kanyang cellphone.Si Briyana ang tumatawag.Sinadya niyang hindi ipaalam dito ang ginagawa niyang paghahanap kay Lia.Hindi niya alam pero parang kakaiba ang kanyang kutob.
"Hey Briyana whats up."
"Is there something I should know Andrew?"anito sa kabilang linya.
Sandali siyang natahimik bago nagsalita.
Kailangan niyang maging maingat sa mga kilos niya.Hindi na niya alam kung sino pa ang kanyang pagtitiwalaan.
"Why?Meron ba Briyana?Why did you think that?"
aniyang ibinalik ang tanong dito.
Sandaling katahimikan ang dumaan.
"Never mind.Just let me know if you want me to do something."anito bago nagpaalam na.
Madilim ang paligid ng magising si Lia.Ang huli niyang naalala ay sinundo siya ng kaibigang si Gia.Tapos wala na siyang maalala.Ipinilig niya ang ulo.Napag-alaman niyang nakapiring siya.Pero bakit?Sinakmal siya ng kaba ng marealize ang sitwasyong kinalalagyan niya.Hindi niya maintindihan ang mga nangyayari.
"Gising ka na pala."anang boses babae na hindi siya puwedeng magkamali si Gia!
"A..anong nangyayari Gia?Prank ba 'to?"aniyang umaasang baka niloloko o pinagtitripan lang ng kaibigan.
Napatawa ng pagak si Gia.Gumapang ang kilabot sa kanyang katawan.Kakaiba ang tawa nito
Nagugulumihanang napalingon siya sa pinanggagalingan ng boses nito.
"Oh,the princess is finally awake, it's good that you're awake. I'm sure you're ready to know why you're here."
Walang pag iingat na tinanggal nito ang piring sa kanyang mata..
Nagtatakang nakatitig lang siya dito.Ubang-iba ang itsura nito sa Gia na nakilala niya.Mahinhin ang alam niya dito at mabait.Takang kumunot ang kanyang noo.
"Nagtataka ka ba?"nakangising sabi nito.
"Bakit ako narito Gia,a ..anong ibig sabihin ng lahat ng ito?!"aniya na gulong-gulo pa rin sa nangyayari pa kanyang paligid.
"Eh boba ka pala!Syempre kinidnap kita,oh ..namin pala."anito.
"S...sinong ...pa...paano?!"
Lumapit ito sa kanya at hinila ang kanyang buhok sa q dahilan para mapatingala sya.Nakagapos sya sa isang upuan.
"Alam mo Lia,kung ako lang ang masusunod,hindi na ako nagpakahirap pa na magpanggap na isang mabait mong kaibigan.Kaso mabubulilyaso ang aming plano eh."anito na may gigil.
"S...sinong kami?"aniya sa nag aalalang boses at pagkabigla sa nalaman.
Maya-maya ay nakarinig sya ng yabag papalapit sa kanila.Nakita niya ang isang lalaki na parang mas may edad lang ito ng konti sa kanya.Pumulupot ang braso ni Gia dito.
"Job well done Christine aka Gia.Siguradong si Andrew na ang mismong lalapit sa atin.
Kahit naguguluhan sa mga nangyayari ay may nabubuo na sa kanyang isipan na ito ang namaril sa kanila ni Andrew sa Batanggas.Gumapang ang takot sa kanyang dibdib pero hindi sya nagpahalata sa mga ito.
Ayon sa nakalap na impormasyon ay sa may isang lumang resthouse sa zambales nakita ang sasakyan ayon sa matandang kanyang napagtanungan.
Ang mga private investigator na hinire niya ay nagsend sa kanya ng mga picture at kumpirmadong ito ang mga lalaking nang-ambush sa kanyang kapatid at kay Lia sa Batanggas.Kuyom ang kamaong nagsimula syang mag isip ng plano.
Nagkakasayahan ang mga tauhan ng lalaking kasama ni Gia.Maya-maya pa ay mga lasing na ang mga ito.Walang tigil siya sa pagdadasal na sana ay makalabas pa siya ng buhay sa lugar na iyon dahil mga mukhang halang ang kaluluwa ng mga dumukot sa kanya.Hindi na puwedeng maulit pa ang nakaraan kung saan namiligro ang buhay nilang dalawa ni Andrew.
Ilang sandali pa ang lumipas at tahimik na marahil ay mga lasing na ang mga ito.Umalis na din sina Gia at ang kasama nitong lalaki at pinabantayn siya sa mga tauhan.Dalawang lalaki ang nakabantay sa kanya sa loob medyo lasing na din.Pinakiramdam naman niya ang gapos pero imposible siyang makalabas dahil nakakadena ang kanyang mga kamay.Pinanghihinaan na sya ng loob.Pero kailangan niyang umisip ng paraan.
Nakaisip siya na ano kaya kung mag ccr,pero bulok na ang teknik na yun.Pero wala siyang choice kailangan niyang subukan.
"Ahm..k... kuya..."hintatakot na tawag niya sa isa sa mga bantay doon.
Dahil hindi pa naman lasing ay nilapitan siya nito.
"Bakit miss?"
"A..ano kase...ka..kailangan ko pumunta sa cr na...nadudumi ako."nabubulol na sabi niya.
Kumunot ang noo nito na tumingin sa kanya.
"Naku miss lumang uso na yan eh."anito na hindi naniniwala sa kanya.