Gaya ng sinabi ni Andrew ay natanggal ang mga empleyadong pasaway at ang kaibigan niyang si Cherry at Gia ay nailipat sa bagong bukas na kumpanya sa Tagaytay.Nalungkot sila pareho dahil hindi nila inasahan na magkakalayo silang tatlo.Alam niyang sinadya ito ni Andrew.
Dahil sa insidenteng iyon sa bar.
Galit na pumunta siya sa opisina ni Andrew para sitahin ito.Kahit ba boss niya ito eh nobya nman siya nito.Rebelde
"Au revoir l'amour l'autre jour, nous nous rencontrons à nouveau."anang babaeng blonde na hindi naman niya maintindihan bago sumenyas ng flying kiss.
Lalong sumiklab ang galit niya dito.
Ano to harap-harapan siyang bastusin ni Andrew?
"Nananadya ka ba Andrew!"galit niyang sabi dito.
"Inalis mo dito at inilipat ang dalawa kong kaibigan na nakasama ko sa bar.Alam kong sinadya mo iyon.At sino ang babaeng iyon?Ang lagkit ng tinginan niyo ah.Bakit mo ba to ginagawa,hindi ka naman ganyan dati,anong nangyari sayo?"sunod-sunod na bato niya ng salita.
"Lia, don't you see that everything I do is for your safety? At the bar, did your friends do anything when the man was harassing you? They will only bring you closer to disaster."anito sa kanya.
"Labas ka na doon.Mabuti nga nandoon sila eh ikaw?Wala ka,sila ang naroon para damayan ako."sumbat niya dito.
"For what? Why did you get drunk that night? "natameme naman siya sa tanong nito.Hindi niya puwedeng sabihin dito na dahil dito kaya siya nagpakalasing ng gabing iyon.Baka lalong tumaas ang ego nito.
"Teka nga bakit sa akin ang sisi ngayon,hindi ba ikaw ang tinatanong ko?"aniya.
"Because everything is for your safety Lia. There is nothing more to explain there. "anito sa kanya.
"Puwede ba huwag mo ako maenglish-english.At sino ang babaeng iyon kanina ha?"
"Nagseselos ka ba?"anito.
"Karapatan ko Andrew,nobya mo ako!"histerikal niyang sabi.
Natatawang tumayo ito at tinapik siya sa balikat.
"Alam mo ang mas mabuti Lia?Kaligtasan mo.Kaya mas pagtuunan natin iyon ng pansin sa ngayon."anito bago tuluyang lumabas.
Anong gesture iyon?Para akong baby sister.Mababaliw na talaga siya sa pinapakita nitong cold treatment.Kung ang pagpapasaway niya ang magiging way para mapansin siya nito,di sige.Fine!
Palabas na siya ng kumpanya ng makita niyang may humintong kotse sa di kalayuan.Hindi bumababa ang sakay niyon.Nagugulumihanang hinintay niya na makaalis iyon.
Nakita naman niyang papalapit si mr.Lucas kasabay si Andrew papuntang parking area.Ang mga babaeng empleyado ay kilig na kilig naman dito.Bakit ngayon oarang naiinis na siya sa tuwing may titingin at magpapapansin dito samantalang dati hindi.Palibhasa dati all eyes ni Andrew ay sa kanya lamang nakatuon.Nakita niyang ngumiti at kumaway ang huli sa mga ito.Nakakainis.Bago pa man makalapit ang mga ito ay napansin niya ang kotseng pula na mabilis na sumibad palayo.Ikinibit-balikat na lamang niya iyon.Baka nagkataon lang.
"Get in Lia, I'll drop you off. I'll be home early today, so we can go around muna. If that's okay with you."ani Andrew na nakasilip sa windshield ng sasakyan.Kanina pa pala ito nakasakay ng kotse at ngayon ay nasa tapat na niya.
Nainis lang siya sa pagpapaalam nito.Boyfriend naman niya ito pero bakit ganoon kung magpaalam ito.
Naiinis na tinalikuran niya ito,pero nagbago ang isip ng makita niya ang pulang kotse na naroroon na naman sa di kalayuan.
Nagulat naman si Andrew sa mabilis niyang pagsakay.
It was also the right time for them to talk about the two of them and what their situation really is. Because she was confused by his coldness towards her. Maybe something had just changed and that's what she needed to know.
"Is there something bothering you? You can tell me. It's just the two of us here Lia."anito na palingon-lingon sa kanya.
Bakit ang manhid-manhid mo?Aniya sa isip.
"Y..yung tungkol sa atin."nahihiya at tipid niyang sabi dito.
"What it is?"inosente pa rin nitong sabi.
Nadagdagan amang lalo ang inis niya dito.
"Alam mo,nagtataka lang ako kung bakit ganito ang trato mo sakin.Parang may nagbago sayo.Parang hindi na ikaw ang Andrew na m..minahal ko d..dati."aniya.
Narinig niya ang pagbuntong-hininga nito.
"You know Lia, a lot has happened in the past one year since the accident happened. And there are things that I don't want to go back to and I want to bury in the past.Pero alam kong hindi ka mapapanatag hanggat hindi ko sinasagot lahat ng tanong mo."
Ibaon sa limot.Ulit ng isip niya.Kasama ba siya doon?Kaya cold ito sa kanya?
"Sorry kung ngayon lang ako nagpakita sayo pero may mga dahilan ako,para na din sa kaligtasan ng la..lahat especially to you."anito.
"Pero akala ko...akala ko..wa..wala ka na eh,nakita ko yung tubig pumula..na..nawalan na ako ng malay."naiiyak niyang sabi ng maalala ang tagpong iyon.Akala niya nakalimutan na niya lahat pero hindi pa pala,parang muling sumariwa ang pakiramdam niya ng mga oras na iyon.
Tiim bagang naman ito at di nakaligtas ang pagkuyom nito ng kamao.
Hanggang sa maihatid siya sa apartment ay wala silang imikan.Ni hindi na rin niya nagawa pang kausapin ito dahil noon niya lang nakita na seryoso ito.Hindi nila napansin ang isang pulang kotse na kanina pa nakasunod sa kanila.
Ilang oras na nakaalis si Andrew ay hindi pa rin ito maalis sa isipan niya.Maging sa pagpapaalam ay sa noo lang siya nito hinalikan.Nasasaktan ito sa cold treatment nito sa kanya.
Mag-isa lang siya ngayon dahil ang kanyang kaibigang si Stacy ay sa boyfriend daw nito matutulog.
Sanay naman na siya dahil hindi iisang beses nito iyon ginawa.Malapit din lang ang mga kapitbahay nila na nangungupahan din.
Hihiga na sana siya ng maramdamang parang may tao sa labas.Marahan siyang patingkayad na lumapit sa bintana.Dahan-dahan niyang hinawi ang kurtina na nakatabing doon.May isa ngang bulto ng tao na pasilip-silip sa kanilang apartment.Lumakas ang kabog ng kanyang dibdib.
Kaagad niyang hinagilap ang cellphone at akmang pipindutin na niya ito ng maramdaman niyang tila binubuksan ang kanilang pinto.Naghanap siya ng bagay na maihahampas dito.
Hindi niya macontact si Stacy.Si Andrew ang tanging tao na matatawagan niya ng mga oras na iyon.
Andrew's pov
Abala siya sa pagpapalaki ng muscle ng magring ang kanyang cellphone.Si Briana siguro.Si Briana kase ay ang kanyang kaibigan na tumutulong sa kaso upang mahuli ang may gawa ng insidenteng iyon.Isa itong private detective peroay gusto ito sa kanya.Ito din ang babaeng nakita ni Lia sa kumpanya.French ito,nakilala niya noong mga panahong nag-aaral pa siya doon.Oo nag-aral siya sa Germany.Doon siya pinatapon ng ama dahil masyado siyang pasaway kumpara sa kakambal niya.Siya ay si Clay Anghelo Collins,ang kakambal ng kanyang kapatid na si Andrew Steven Collins.Nangako siya sa kanyang kapatid na aalagaan niya si Lia at poprotektahan ano man ang mangyari.Kung hindi lang ito nobya ng kapatid ay niligawan na din niya sana ito.Maganda kase si Lia,mahinhin at tipi ng babaeng puwedeng iharap sa altar.Pinalis niya iyon sa isip at napatingin ulit sa cellphone niya.
Nakatatlong ring din ito bago tumigil.Naiiling naman na punagpatuloy niya lang ang ginagawa.
Lia's pov
Naiiyak na nagkubli siya sa cabinet na naroon.Hindi sinasagot ni Andrew ang kanyang tawag.Kinalma niya ang sarili kahit nanginginig pa rin sa takot.Mahigpit ang kanyang hawak sa baston na nahagip niya sa isang sulok.
Narinig niyang nakapasok na ito at ang mga kaluskos.Hindi lang pala iisang tao kundi ilan ang mga ito.
"Sabihin mo sa boyfriend mo na humanda siya dahil mahuhuli na namin siya.At magiging bonus ka pa namin.Sa ngayon hindi muna sayang pagkakataon na sana namin pero iyon ang bilin ni boss Menard eh."palatak at malakas na boses nitong sabi.
"Kung tayo lang ang masusinod pre,kinuha ko na yang babae na yan para may malalaro naman tayo."anang naman ng isa at mga nagtawanan ito.
Nanindig ang kanyang balahibo.Narinig niyang pinagbabasag ng mga ito ang kanilang mga gamit bago tuluyang umalis ang mga ito.Nanginginig pa rin siya ng lumabas mula sa tinataguan.Napalupasay siya ng iyak sa sahig.
Andrew's pov
Naisipan na niyang magpahinga para makatulig na din at maaga pa kinabukasan.Chineck muna niya ang cellphone para lang magulat sa nakita na si Lia pala ang tumatawag sa kanya!Mabilis siyang nagbihis at pinasibad ng mabilis ang sasakyan.
He couldn't forgive himself when something bad happened to Lia. He promised his twin that he would protect her but because of him something bad might happen to her. He scolded himself, why didn't he think that Lia might be the one calling to him?
Pagkadating sa apartment ni Lia ay nagulat siya sa nakita.Nagkalat ang mga basag at sirang gamit na naroroon.Si Lia!Patakbong umakyat siya sa hagdanan at tinawag si Lia.Binuksan niya ang isang kuwarto doon,narinig niya ang paghikbi ng isang babae,medyo madilim kase at tanging ilaw lang ng piste ang sumisinag sa loob.
"L..Lia?"nag-aalalang tawag niya.
Hinanap niya ang switch ng ilaw at nakita niya si Lia na nakasuksok sa isang sulok habang takot na takot na umiiyak.
Kaagad niya itong dinaluhan at niyakap.Mahigpit din itong yumakap sa kanya.
"B..bakit ngayon ka lang Andrew,k..kanina pa kita tinatawagan."hagulhol nito na mahigpit na nakayakap sa kanya.
"I'm sorry, I was so stupid that I didn't pay attention to the call on my cellphone. I promise it won't happen again,sshh don't cry. I'm here, you're safe."
Nang makalma si Lia ay muling nagsalita si Andrew.
"You're not safe here. It's better that you stay in my condo first so I can make sure you're safe. At least you won't be scared by anyone because it's a private condo. And I don't take no for an answer."
"Sinabi nila na babalikan ka nila.Narinig ko din na Menard ang pangalan ng boss nila."ani Lia na kumalas na sa kanya.
Ipinaayos na ni Andrew ang mga gamit ni Lia.Lumabas muna siya sandali para may tawagan.
"They say the name of their boss is Menard. Make sure you find information. Hurry up because they are causing too much trouble. They have to pay for what they have done."tiim-bagang na sabi ni Andrew sa kausap sa kabilang linya.
Gaya ng sinabi ni Andrew ay sa condo unit nito siya pinatuloy.She couldn't stop the excitement despite the disaster that happened earlier. Thinking that she would be with Andrew every day. Even if she refused, Andrew didn't agree. He said it was better that he always look after her for her own safety.
Dahil ang condo ni Andrew ay parang isang buong bahay na sa laki nito at may sariling sala,bar at kuwarto ay nagdesisyon itong sa sala na lang matutulog habang siya ay hinayaan nito sa kuwarto.
Ilang araw na din na ganoon ang set up nilang dalawa.
Oo nga pala ginagalang siya ni Andrew.
Pero nakukulangan pa din siya dahil sa pinapakita nitong panlalamig sa kanya.Nasasaktan siya sa pagiging cold nito sa kanya.Ang dating malambing niyang nobyo ay napalitan ng parang isang estranghero.Kaya napagpasyahan niyang siya na mismo ang gagawa ng paraan bumalik lang sila sa dati.Paglabas niya ay nakita niyang nakaupo ito sa sofa habang sumisimsim ng kape at nagbabasa ng diyaryo.Day off nila kung kaya magkasama sila ng araw na iyon bagay na ikinasiya niya.
Lumapit siya at palambing na niyakap niya sa leeg nito ang kanyang mga braso at mabilis na ikiniss ito sa pisngi.Miss na miss na niya ito! Nagulat ito sa ginawa niya at biglang tumayo.
"A..anong ginagawa mo!"gulat na sabi ni Andrew sa kanya.
Nagulat si Lia sa reaksyon nito.Para bang may nakakahawa siyang sakit kung makaasta ito.
"Naglalambing lang naman ako sayo.I should be the one to be surprised by your reaction. I'm your girlfriend,did I do something wrong?Will anyone be angry? "sunod-sunod na tanong niya dito.
"Im so sorry, I'm just not in the mood right now. By the way, I need to fix something important..Uhm..Don't wait for me maybe I'll be home later tonight."iwas ang tingin ani Andrew.
Naiwang tulala si Lia hindi niya inakala ang inasta ni Andrew sa kanya.
Andrew's pov
He gasped when he stopped the car next to him for a moment. He wanted to tell Lia everything but they were careful for the sake of Andrew, his twin. He was starting to feel sympathy for Lia and he didn't want that to happen.Mahalaga ang binitiwan niyang salita sa kanyang kakambal.
Gabi na nang makauwi si Andrew,Sinadya niya iyon para pagdating niya ay tulog na si Lia.
Tahimik na nga sa condo at nagdesisyon na din sya matulog.
Pagkagising ni Lia ay wala na si Andrew.Nauna na ito sa opisina kaya nagdesisyon na din siya na maghanda na pagpasok.
Nagulat pa siya ng nagrequest pa ito na kunin na ulit siya ni mr.Lucas.Nalaman niya ito sa bagong secretary nito
Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman.Gusto niyang umiyak ng mga oras na iyon.Bakit ganoon si Andrew sa kanya?
Sa halip na umuwi ng condo ni Andrew ay nagpunta siya sa bahay ni Gia.Bumiyahe siya ng tagaytay oara mapuntahan ito sa tinutuluyan.Gusto niya munang palipasin ang sama ng loob.Dahil day off naman bukas ay tamang-tama.Bahala na si Andrew maghanap sa kanya kung mahalaga ba talaga siya.
Maingat siya na walang sumusunod sa kanya na tauhan ni Andrew para hindi nito malaman kung nasaan siya.
Ang sakit lang ng pambabalewala nito sa kanya.Bakit ba kasi hindi pa sabihin kung ayaw na nito sa kanya.Ang totoo nadamat lang naman talaga siya sa nangyaring aksidente dito pero ayaw niyang isumbat iyon dito.
Maghahanap na lang siya ng bagong trabaho,yung malayo kay Andrew.Tutal nakaya naman na niya na wala ito sa loob ng isang taon.Masakit pero iyon lang ang tanging paraan para makalimutan niya si Andrew.Wala na din pala ang inaasahan niyang dating nobyo.
Matuling lumipas ang mga araw hanggang naging buwan.Umaasa siya na may isang Andrew na susulpot pero wala.Inalis niya ang pumatak na luha sa kanyang mata.Wala na talaga.
Nagpatuloy siya sa pagtatrabaho kahit ang kanyang puso ay sugatan.
Andrew's pov
Gulong-gulo ang ayos at parang wala sa sarili si Andrew,mahaba na din ang kanyang bigote na hindi na siya nag-abala pang ayusin.Ilang buwan na ang nakakalipas ay hindi pa rin natatagpuan si Lia.Naiipit na siya sa sitwasyon.Ang pangako niya sa kanyang kakambal at ang nararamdaman niyang unti-unting sumulpot sa nobya ng kanyang kakambal.
May nagdoorbell sa kaniyang pintuan.Nang silipin niya sa monitor ay si Briyana ang nakita niya.May ipinapakita itong sobre.
Pinindot niya ang open kaya maya-maya ay nakapasok na ito ng pinto.
"Qu'est-ce qui t'est arrivé?"gulat na tanong nito na ang ibig sabihin ay anong nangyari sayo,nang makita ang kanyang ayos.
"Do I look like trash?Maybe so.Come join me."nagbibirong sabi ni Andrew kay Briyana.
"You will definitely come back to your senses when you see the contents of this envelope."ani Briyana.
Inilapag nito ang brown envelope na hawak nito.Bago ito nagdesisyong umalis na.Dinampot naman iyon ni Andrew.Nakita niya ang larawan ni Lia,mga piktyur na kinuha ng hindi nito alam.Nagtatrabaho na pala ito.Nabuhayan siya ng loob.I need to find Lia.
Nag-overtime si Lia ng araw na iyon.Nightshift naman si Gia.Lagi niya itong ginagawa dahil para mabilis siyang makalimot.
Pasado alas nuwebe na ng makauwi siya.Bumili pa kasi siya ng mga pang-ulam nila ni Gia.Alternate sila sa pagbili ng grocery nito.
Pagbukas niya ng pinto ay nagulat siya ng may bulto ng tao,anino sa gilid ng bahay.Kinakabahang naghagilap ang kanyang mga mata ng mahahawakang matigas na bagay.Gusto niyang tumakbo palayo pero napakaimposible niyon.
Mula sa pusikit na liwanag na nagmumula sa poste sa labas ay naaninag niya ang isang bulto ng taong pamilyar sa kanya!
"A.. Andrew?Ikaw b...ba yan?"nangangatal na sabi niya.
"Lia...lia tulungan m...mo a..ako.."anito na unti-unting lumapit sa kanya.
Nakatalikod ito sa kanya.
Gulantang na nakatitig lang siya dito.Dahan-dahan inabot ng nanginginig niyang kamay ang mukha nito para iharap sa kanya.Ang lamig at bigla itong humarap,duguan ang mukha at puting-puti!