Nakapasok na kami ngayon sa warehouse ng weapon shop ni Roberto del Vera. Wala masyadong tao rito kundi kami lang tatlo. Si Lourd ngayon ang naglalagay ng mga baril at rifle sa truck. Tapos si Roberto ay nakamasid sa amin dalawa na parang binabantayan ang kilos namin. Hingal na hingal lumapit sa akin si Lourd habang pinupunasan niya yung pawis niya.
"That's too f*****g many," he said. Nakita ko na lumapit na sa amin si Roberto at sabay lahad sa amin yung susi ng truck.
"There's a GPA inside of that truck. Follow the direction," ani Roberto.
Tumango ako. "Is that all?"
"Yes. Like what I've said... do your job properly."
"Noted," si Lourd habang kinuha niya yung susi ng truck kay Roberto. Naglakad na siya pasakay sa truck. Palihim ako napangisi nang pagkatalikod ko. Sumakay na rin ako sa truck at sinuot ko na yung seatbelt.
Binuksan ko na yung GPA device at bumungad sa amin yung mga lugar hanggang sa lumabas na yung arrow. Binuhay na ni Lourd yung makina at pinaandar niya na ito. Tiningnan ko sa salamin si Roberto at napansin ko na may kausap na siya ngayon sa phone. Nakahinga ako ng maluwag nang makalabas na kami sa underground. Alam ko na nakikiramdam si Roberto sa amin.
"Call them now," Lourd declared. He was too focus driving and I decided to get my phone. I need to contact them now. We're on the way to the other place, where we can see the possible location of Joseph del Vera.
I dialed Haiper's phone and he immediately accepted the call. I cleared my throat and scanned the whole truck to see if there's a hidden cam that might lead to our mission fail.
"Tell me the details," Haiper said over the line.
"Track my phone now. We're going to deliver the unregistered weapon."
"Sarge is on it. Where is Sawyer?"
I glanced at Lourd. "He's beside me. Driving."
"Good. Sarge is on the way to follow you behind. Be careful."
Then he ended the phone call. Kinalikot ko yung GPA device at pinagmasdan ko yung mapa na tinatahak namin ngayon. Medyo malayo pa at masasabi ko na sa liblib na lugar kami pupunta mamaya. Tiningnan ko si Lourd ngayon na tahimik na nagmamaneho. Ngayon ko naappreciate yung side view niya, lalo na't nakasuot siyang salamin tapos ang tangos ng ilong niya.
"You love what you're seeing?" he exclaimed.
I blinked. s**t! Mukha ba ako tanga na pinagmamasdan siya mula sa kinauupuan ko? Pakiramdam ko nag-init yung buong mukha ko sa kahihiyan. Nilingon niya ako ngayon at ang gilid ng labi niya ay umangat. Iniwas ko yung tingin ko sa kaniya. Nakakahiya naman 'yun. Hindi naman kami masyadong close talaga ni Lourd. We're like civil before... until we became partner now.
"Just drive," I hissed. Ayaw ko talaga na tinutukso ako. Nakakahiya rin kasi nahuli niya ako na tinitingnan siya. "Don't mind me."
He smirked. "Don't be shy. You can stare at me for all you want."
"Do you want to taste my knuckles? I would love to punch you in the face."
"Relax..." nahihimigan ko na natutuwa siya sa nangyayari. Kapag may mga importante na event ang mga Montepalma, palagi siya ang tahimik sa gilid. Ngayon ko lang siya nakikita na ganito. "You can talk to me. It's too boring."
I rolled my eyes. "Hindi ako madaldal na babae."
"Fine. But I'm kind of sleepy right now. Just talk to me, talking non-sense to me."
"Like what? Ano ba gusto mo sabihin ko sa'yo?"
His eyes is still on the road. "Tell me about yourself. The moment I saw you... I am very fascinated about your life."
"Wala naman maganda nangyari sa buhay ko, Lourd," I said, in a low tone. I laid my back on the backrest. "My parents and I are not in a good terms. I became independent woman when I was 18 years old. I work so damn hard to feed myself everyday and to get my liscence degree."
"Awesome..." he muttered. "You've work hard so well, huh? No doubt that Damon is proud to have you as his assassin. You can handle yourself. Hindi ka rin dumedepende sa ibang tao. You're so f*****g awesome, I swear."
"You're bluffing..."
His face went serious and replied, "I don't joke around to anyone, Cypher. To me... you're my ideal woman."
"Thanks..." kinagat ko yung labi ko. Hinawakan ko yung mukha ko dahil namumula nanaman ako. Bakit ba ang dali lang kila Lynch at Lourd na pamulahin ang pisnge ko? "If I'm an ideal woman... why my ex-boyfriend find another woman?"
"He's stupid," mabilis niyang sagot. "Why would a guy let you go if they're already holding a f*****g gold?"
For some reasons... Lourd made me feel like I'm appreciated. Simula na niloko ako ni Joshua ay palagi ko nalang tinatanong sa sarili ko kung ano ang kulang sa akin? Alam ko na hindi ko binigay sa kaniya yung gusto niya, pero sapat ba 'yun na rason para magloko ka? Kapag kasi mahal mo ang tao, kahit may maghubad pa sa harapan mo ay ikaw pa rin ang iniisip niya. Noon ay palagi ko sinisisi ang sarili ko na dapat binigay ko nalang kay Joshua yung gusto niy apara hindi na niya makilala si Chloe.
Until I realized that I wouldn't be in this position if he didn't hurt me. Mas lalo ko lang nalaman kung sino nagmamahal sa akin at kung sino may pakielam sa akin. Nakapagtapos ako ng pag-aaral na hindi humihingi ng tulong kila Mama at Papa. Mataas talaga yung pride ko. Grabe ang pananakit na ginawa nila sa akin. Mabuti nalang ay hindi ako suicidal dati, mabuti nalang ay nakayanan ko ang pangyayari na 'yun sa buhay ko.
"So, you're saying that he chose the silver over the gold?" I asked.
"Yup... he is too stupid to let you go. May mga tao talaga hindi marunong makuntento sa kung ano meron sila. Hanggang sa pagsisishan nila yung ginawa nila," he responded.
Nagkwentuhan lang kami dalawa ni Lourd. 'Di na namin na namalayan na nakarating na kami sa mala-gubat na lugar. Tama nga ang hinala ko sa gubat ang papunta namin dalawa. Nagvibrate yung phone ko at nakita ko ang message sa akin ni Sarge.
From: Sarge
I'm just right behind you. I got you both.
Hindi na ako nagreply sa kaniya at pinasok ko na yung phone sa bulsa ko. Napansin ko na may dalawang armado na lalaki lumapit sa amin. May hawak na isa ng flashlight at inilawan yung mukha namin dalawa.
"Name?" the man asked.
"Delivery from Roberto del Vera," I replied.
"Get inside, then."
Tumango si Lourd at pinagbuksan na kami ng gate. Pinagmamasdan ko yung buong lugar dahil maraming mga lalaki na armado. Akala mo'y bootcamp nila dito. Pinapanood nila ang pag-andar ng truck na sinasakyan namin ni Lourd. Nang makarating kami sa tapat ng warehouse, napapalibutan na kami ngayon ng mga lalaki. Bumuntong-hininga muna ako bago bumaba sa truck. Hindi naman ako takot sa senaryo na ganito, sanay na sanay na ako dati pa.
"Open it," sabi ng lalaki.
Ngumisi ako sa kaniya at binuksan na yung likod ng truck. Pagkabukas ko ay bumungad sa akin ang mga baril do'n na nakalagay sa lagayan. Yung iba ay tumatango-tango pa.
"That's your packages," I said while pointing out the guns behind me. "The money?"
"Here..." binigay na sa akin yung isang brief case. Medyo mabigat 'yun at masasabi ko na malaking halaga na pera ang nakalagay do'n. Ningisihan ko silang lahat at kinuha na 'yun. "Tell him that I'll order again next time."
"Makakarating," sabi ko habang ngumingisi sa kanila.
Tumabi na sa akin ngayon si Lourd at naglakad na kami palayo. Iniwan na namin do'n yung truck dahil isa rin 'yun sa inutos ni Roberto. Seryoso lang ang tingin ni Lourd habang naglalakad na kami palabas. Pinagbuksan na kami ng gate at lumabas na rin sa bootcamp nila.
Napansin ko na yung itim na sasakyan. Hudyat na si Sarge 'yun na naghihintay sa amin dalawa. Sumakay na ako sa likod dahil gusto ko na talaga magpahinga. Nakakapagod ang araw na ito ngayon. Ala una na ng umaga at nilapag ko na yung brief case.
"How's your mission?" Sarge began.
"It was pretty tiring," I said, yawning.
"Go to sleep. Let me give that money back to Roberto," si Lourd. "Get rest and let me finish this mission today."
Hindi na ako tumanggi pa sa offer ni Lourd. Dahil wala naman na talaga ako lakas para bumalik pa sa underground. Okay lang naman kay Lourd bumalik do'n dahil nandoon naman yung mga computer niya. Hanggang sa 'di ko na namalayan na natulog na ako sa sasakyan at nag-uusap sila Sarge at Lourd sa harapan ko.
Kinabukasan ay naghanda na kaagad ako. Ginawa ko na lahat ng morning routine ko at inaayos ang sarili sa harapan ng salamin. Tapos ko na rin pakainin si Deces. Nakakatuwa nga, e, dahil mas lalo lumalaki si Deces. Kumunot noo ko na marinig ko na may nagbuzzed sa pad ko. Binuksan ko yung CCTV at nakita ko na si Lynch 'yun. Nakatayo siya sa harapan ng pad ko.
What the hell is he doing here?
Kunot-noo ko binuksan yung pintuan at bumungad siya sa harapan ko. Nakacorporate attire pa siya parang papasok na sa opisina. Kung gano'n... bakit nandito siya?
"What are you doing here?" I asked, while arching my eyebrow.
"Yeah, good morning," he replied. I almost rolled my eyes at his sarcastic remark. "Binibisita ko lang naman ang fiance ko."
"Nagkita naman tayo kahapon, ah?"
"I just miss you so bad, sweetheart," malambing na usal nito. Lumapit pa siya sa akin at hinalikan niya ako sa labi. Gumuhit na isang ngiti sa labi niya nang gawin niya 'yun sa akin. "Gusto rin kita ihatid sa work mo. Gagawin ko na 'yun sa'yo araw-araw."
My eyes widened. "For real?"
"Yes... hindi ka pwede tumanggi dahil kahit ayaw mo pa ay pupuntahan pa rin kita. Tara na?"
"Baka malate ka sa ginagawa mo, Lynch."
He chortled. "I'm the boss. Huwag ka nalang tumutol basta hayaan mo nalang ako ihatid ka."
Hindi nalang ako pumalag. Lumabas na ako sa pad ko kasama siya. Biglang sumulpot ulit yung babae na palaging nagbabantay sa akin. Nang dapuan niya ako nang tingin, ningisihan niya pa ako. Napailing nalang ako at tahimik na hinintay ang floor na lalabasan namin ni Lynch.
Mayamaya'y pagkasakay palang namin ni Lynch sa sasakyan niya, alam kong ibababa niya ako sa Montepalma Hills Hospital. Nilabas ko yung phone ko para itext si Lourd na baka malate pa ako. Mahihirapan talaga ako kapag ganito na ang routine namin araw-araw.
"Thank you. I appreciate it," I said. Tinanggal ko na yung seatbelt ko pero napansin ko na nakatitig lang siya sa akin. Tinaasan ko siya nang kilay. Para kasing baliw nanaman siya, e. "I have to go, Lynch. Thanks for the ride."
"Where's my kiss, sweetheart?" he replied.
I stilled. Ilang beses ako napakurap sa sinabi niya. Bigla niya nilapit ang sarili niya sa akin. Tinagilid niya yung ulo niya at dinampi niya yung labi niya sa akin. Pakiramdam ko nagsiwalaan ang mga paru-paro sa tiyan ko. Damn it.
Our kiss lasted for 5 minutes. Ayaw ko man aminin pero nagustuhan ko yung halik na pinagsaluhan namin. Nag-iinit nanaman yung pisnge ko sa kahihiyan. Bumaba na ako sa sasakyan niya at hindi ko na siya nagawan ilingon pa. Para akong nagnakaw ng isang bagay at tinatakasan ko 'yun. Binati ako ng mga guard pero tinanguan ko lang sila.
"Good morning, Dr. Dawson!" the nurse greeted.
"M-Morning..." nilagpasan ko na sila lahat. Kainis naman! Siguro napansin nila na namumula yung pisnge ko! Para naman ako teenager sa ginagawa ko, e. Bakit ba ganito ang epekto sa akin ni Lynch?
Kahit nanginginig ang kamay ko, nilabas ko pa rin yung phone ko. Hinanap ko yung number ni Lourd para sunduin niya na ako rito. Hindi ko kasi dala yung motor ko. Hinatid pa kasi ako rito ni Lynch, e. Syempre 'di ko naman pwede sabihin sa kaniya na may misyon kami sa mafia. Mahigpit na pinagbabawal ni Damon na ipagsabi sa kahit kanino ang ginagawa namin.
Nang sagutin ni Lourd yung tawag. Parang nagtaasan pa mga balahibo sa katawan ko. Sa sobrang lalim ng boses niya. Yung tipo na tamad na tamad siya magsalita.
"Where are you?" he asked. "I've been waiting for you again."
"Sunduin mo ako rito sa Montepalma Hills Hospital. Hinatid kasi ako rito ni Lynch, e," I replied.
"Oh, how sweet is your fiance."
I rolled my eyes. "Shut up. I have no time for teasing. Sunduin mo na ako ngayon."
"On the way, Cypher..."