Chapter 3

1802 Words
PAPUNTA na ako sa seaside kung saan kami magtatagpo ni Lynch. Kanina pa ako hindi makapag-isip ng maayos kung kinalikot niya pa laman ng phone ko. Kung may malaman siyang impormasyon mula sa phone ko, may solusyon naman ako ro'n. I will kill him if ever discover something confidential in my phone. I will show no mercy to anyone, especially him. Mabuti nalang ay nakiligo ako kila Ajax at hiniram ko yung damit ni Maih. I poinytailed my hair and wore my aviator. Nang pagkarating ko sa seaside sa starbucks, umupo ako sa labas. Nakasandal ang likod ko sa upuan habang pinagkrus ko yung binti ko. I put my arms on each armrest while patiently waiting for him. Sinilip ko yung wristwatch ko at 4 pm na. Magkasalubong ang dalawang kilay ko habang hinihintay siya. Sana hindi tumawag do'n si Damon, maaring malalagot ako kay Patron. "Hi, sweetheart." Napapitlag ako nang may nagsalita sa gilid ko. Nilingon ko siya sa gilid ko. Malapit ang mukha niya sa pandinig ko habang may ngiti sa labi niya. Tinanggal ko yung aviator na suot ko at tinaasan ko siya ng kilay. "Where's my phone?" I asked, firmly. Tumayo ako at hinarap siya. I wore my stoic expression over my face. I should show my real expression to him, earlier was a big mistake. Parang ang kausap niya kanina ay isang mahina na Gwen. "You're too cold, sweetheart," he grinned. Pinasok niya yung kamay niya sa bulsa at nilabas niya ro'n yung phone ko. Napalunok ako. Bakit kasi 'di ko nalagyan ng password 'yon? Akmang kukunin ko mula sa kamay niya yung phone ko nung bigla niya 'yon tinaas. "Na-ah..." My eyebrows furrowed. "I'm not playing with you, Lynch." "Who told you I'm playing with you, Gwen?" he took a step forward and we're now inches apart. Tumingala ako dahil medyo matangkad siya saakin. "How did you know my name?" Ngumisi siya. "You already forgot what happened last night, don't you?" "I was drunk," I hissed. He brought his hand on my cheeks. Nanatili na walang emosyon ang mukha ko. Mas lalo lamang lumalawak ang ngiti sa kaniyang labi. "Really?" he showed me his loopsided smile. I arched my brow. "Give it back." Mas nilapit niya ang mukha niya sa pandinig ko. Yung mainit na paghinga niya ay nagbibigay na mainit na epekto sa katawan ko. Ngunit hindi ko pinapakita na naapekto ako. "What if I don't?" he whispered. Kinuyom ko yung kamay ko. Alam ko na nakikipaglaro 'to saakin. Dala ko pa naman ang pistol ko. Kahit anong oras pwede ko siya patayin rito, pero magagalit lamang saakin si Patron. Ayaw ko magkalat dito sa seaside. "Stop playing, Lynch..." nilingon ko siya. "I need my phone now." Mahina siya na natawa at bigla na lumayo saakin. Hindi ko mawari kung ano nakakatawa. Nagmumukha na ba akong clown sa harapan niya? "Teasing you is fun, sweetheart," he chortled. I rolled my eyes. "My phone?" Nilahad ko yung kamay ko sa harapan niya. Tiningnan niya 'yon. Hinawakan niya yung kamay ko at namilog mata ko nung hinalikan niya ang kamay ko. He grinned against my hand. Kaagad ko naman nilayo sakaniya yung kamay ko. Ano ba gusto nito?! Malapit na talaga ako mapikon! "Ibibigay mo ba o hindi?" iritado na tanong ko. "Relax, sweetheart..." he looked at me intently. Then I saw his light blue, there's something in his eyes. "I just want to hang out with you more." Sumimangot ako. Mabilis ko inagaw sa kamay niya yung phone ko at binulsa ko na kaagad. Kanina pa kasi siya nang-iinis, e. Mabilis pa naman ako mapikon. "Good bye, Lynch," usal ko. Tatalikuran ko sana siya nung bigla niya hinawakan yung braso ko, kaagad ko hinuli yung kamay niya at inikot ko 'yon. Narinig ko ang pag-aray niya. Ako naman ang napangisi ngayon. "You're not allowed to touch me," I warned. Tapos binitawan ko kaagad yung kamay niya. Namimilipit kasi siya sa sakit, e. Huminga siya ng malalim. "That's for playing with me first before you give me my phone," "H-How could you do that?" he asked. "You're f*****g strong even though you're just a girl." I clicked my tongue. "Minamaliit mo ba ang mga babae?" Mabilis naman siya umiling. "No... I was ju—" "I don't need your useless explanation." I cut him off. He recollech himself first before he stood properly in front of me. His hands on his both sides. Mababasa ko sa mga mata niya na marami siyang katanungan saakin. "Who are you?" Napangisi ako. Lumapit ako sakaniya at hinawakan ko ang panga niya. Mas lalo ko nakita kung gaano kaganda ang mata niya sa malapitan. I got mesmerised by his light blue eyes. "I'm Gwen..." I bit my bottom lip. My eyes drifted on his kissable lips. "I'm the dangerous woman, better not mess with me boy." With that, kaagad ko binitawan ang panga niya at diretsyo na ako naglakad palayo. I left him dumbfounded. Muli ko sinuot ang aviator ko habang naglalakad. Hindi na mawala ang malaki na ngiti sa labi ko habang naglalakad. Nakakatuwa kasi pakinggan ang reaksyon niya kanina, e. His face was priceless. Hindi naman ako basta-basta na babae. Kaya ko ipagtanggol ang sarili ko. At alam ko yung mga teknik na ginagawa niya kanina. Ayaw ko na patagalin pa. Dahil gano'n naman silang lahat, e. Lahat sakanila ay laro. Mayamaya'y nakarating na ako sa condo ko. Walang buhay ko binuksan ang pintuan at pumasok na ako sa loob. Binuksan ko yung ilaw at mabilis ako dumiretsyo sa sala. Nilabas ko yung phone ko at mabilis na sinuri yung phone ko. Tiningnan ko yung history pero contacts lang 'yon. Nakahinga naman ako nang maluwag. Hindi naman kasi halata sa itsura niya na pakielamero, e. Dahil stress ako sa mga nangyayari ngayon, tumayo ako at binuksan ang red wine. Sinalin ko siya sa goblet at hinawakan ko 'yon. Nagtungo ako sa kwarto ko at umupo sa gilid ng kama. Hanggang sa marinig ko na may tunawag sa phone ko. Sinilip ko kung sino 'yon, si Mama lang pala. Bumuntong hininga ako. Matagal ako napatitig sa number ni Mama. Hindi kami masyado okay nito. Hindi kasi siya natuwa sa pagbiglaang pagbabago ko. Hinahanap niya yung mahinhin at mabait na Gwen. Pero matagal na patay ang Gwen na 'yon. Nagbago na ako simula nung mapatay ko si Chloe. Kalaunan ay sinagot ko naman kaagad yung tawag ni Mama. Nilapat ko 'yon sa tenga ko. "What is it, Ma?" tanong ko. "You need to go here." Kumunot naman nuo ko. "For what?" "I arranged you with someone." Nagtagis naman ang bagang ko dahil sa narinig. Mahigpit ang pagkakahawak ko sa goblet. Masyado kasi importante ang negosyo sakanila. At talagang matagal na nila balak na i-arrange marriage ako sa lalaki na 'di ko naman kilala. "It is still no," mariin kong sagot. "Bakit ganiyan ka na katigas, Gwen?" I gritted my teeth. "I don't want to marry someone yet." "Kelan ba balak mo? Kapag wala na kami?" she said, sarcastically. "You're no longer a teenager, wala ako nakikita na lalaki sa buhay mo ngayon. Maliban nalang kay Joshua. Mahal mo pa ba s—" "Don't you dare mention the cheater, Ma." putol ko. Narinig ko na bumuntong hininga siya sa kabilang linya. "Gwen... Our company is in the brick of bankruptcy." Natigilan ako. Napakurap pa pa ako nang ilang beses. Hindi ko alam ang sasabihin ko dahil sa nangyayari. "So you're selling me to the billionare instead? That's your plan?" mapait na tanong ko. "Hindi mo man lang ba naisip ang mararamdaman ko Ma?" "We don't really have a choice," she replied. "Please anak... This is the only way to save our company." "It's not my company, Ma." I gritted my teeth. "You don't even consider my feeling as a daughter. Ever since I changed myself, you think of me as a rebel daughter." "Gwen..." sambit nito. Mapait ako natawa at nilipat ko sa kabilang tenga ko yung phone. "You think of me as a bad person for being cold and doesn't give a damn to everyone, right?" "Gwen, that was long time ago," she said. "But we need you now." Pagak ako tumawa. "Nagiging mahalaga lang ako sainyo kapag may napapakinabangan kayo saakin. Nasaan nga ba kayo nung panahon na sirang-sira ako?" "Let's not talk about the pas—" "I need to remind you now, Mama!" sigaw ko. "Nung panahon na malungkot at nasaktan ako, kinampihan mo pa si Joshua! Mas kinakampihan mo ang ibang tao kesa sa sarili mong anak!" "I-I'm sorry, Gwen..." she sniffled. I shed a tear and wiped it off my cheeks. "Kaya hindi mo 'ko masisisi kung bakit nagbago ako, Ma." "B-Babawi ako, Gwen..." "You should've done that 9 years ago, Ma..." I snided. "Anyways... Papayag na ako sa hiling mo. Sana malunok mo ang kunsensiya na binenta mo 'ko sa ibang tao para sa pinakamamahal mong kumpanya." Pinutol ko na kaagad ang tawag. Nilapag ko yung phone ko sa vanity table. Mabilis ko nilagok yung red wine. Ito lang ang nagpapakalma saakin. Sobrang pait ang nangyari saakin nuon, na pinapangarap ko na hindi ko na 'yon maalala. Aaminin ko, masakit pa rin sa dibdib kahit matagal na 'yon nangyari. Naalala ko na pinapanood ko pa sa malayuan si Joshua nung umiiyak siya sa libingan ni Chloe. Doon ako nakaramdam ng saya. At laking pasasalamat ko na nandiyan lang para saakin si Damon. Dahil siya lang ang tinuring ko na pamilya. Nung panahon na malungkot at basag ako, do'n ako tinalikuran ng sarili kong magulang. Hindi ko na nga matandaan kung kelan ang huli namin na usap, e. Simula nung nakarecover ako sa sakit sa naramdaman ko kay Joshua, umalis na kaagad ako sa poder nila. Tinulungan ako ni Damon na bumangon at tinuruan niya ako paano maging matapang. Nakakakuha ako ng mga milyones sa underground world. Dahil isa akong inventor. Gumagawa ako ng bomba at mga tracking device, malaki ang kita ko. Kaya nga hindi ko na kailangan pa ang tulong ng magulang ko, e. Mas mahalaga sakanila ang reputasyon kesa sa nararamdaman ng sarili nilang anak. Ayon lang ang mahalaga sakanila at wala na. I became a licensed gynecologist doctor at Montepalma Hills Hospital, an inventor, and I'm the highest rank of being an assassin. I'm Cypher, the dangerous woman. The untouchable woman. No one dared to lay a finger to me, 'cause they will know what will happen to them if they did. Hindi na ako ang mahina na Gwen na kilala nila. Pinatay ko na 'yon kasabay sa pagpatay ni Chloe. Napangisi ako nung maalala ko kung paano ko binaril si Chloe. Mabilis ang pangyayari at bulagta nalang siya sa harapan ko. Tinulungan ulit ako ni Damon na linisin ang nagawa kong kalat. Kinuha ko yung damit niya at inuwi ko bilang souvenir. Nakatago na siya sa secret room ko, she's so special because she's my first victim. Ang laki nung ngiti ko nang ibalita sa telebisyon na ginahasa raw siya at binaril. At hindi pa nila mahanap kung sino ang pumatay. Malakas ang kapit ni Damon sa gobyerno. He did everything to scare them if they help her family. Nilapag ko yung goblet ko sa vanity table at naglakad ako patungo sa teresa. At napatitig ako sa kalangitan. Nagkukulay kahel na. However, I feel guilty. Guilty of not feeling guilty about Chloe's death. And it made me even further stronger.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD