Chapter 4

1917 Words
NAGSUOT ako ng white crop top at fitted black jeans. Pinatungan ko ng leather jacket ang katawan ko. Tapos kinuha ko yung pistol sa ibabaw ng vanity table at nilagyan ng magazine. Pinasok ko siya sa loob ng leather jacket ko. Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Gusto ko ipakita kay Mama ngayon na ibang Gwen na ang kaharap niya. Hindi na yung sunod-sunuran na Gwen na kilala nila. I like being Cypher. Everyone feared me. Kinuha ko na yung aviators ko at sinuot ko na 'yon. Nagsimula na ako maglakad palabas ng condo unit ko. Taas nuo lang ako naglalakad papasok sa elevator. May isang lalaki ako na nakasama ro'n. Ngunit hindi ko siya dinadapuan ng tingin. Naghintay ako ng mga ilang minuto bago kami makarating sa ground floor. Kapagkuwan lumabas na ako nung pagdating na sa ground floor. Naglalakad lang ako papunta sa parking lot, nandoon kasi yung Ducati Corse ko. Inangat ko yung kamay ko para tingnan ang oras hanggang sa makita ko sa relo na yung lalaki na nakasama ko sa elevator kanina. Ayaw ko kaagad pag-isipan ng masama baka nagkataon lang. Kaya may gagawin ako para malaman kung ako ba ang sinusundan niya. Imbes na dumiretsyo ako papunta sa motor ko, diretsyo lang ang lakad ko at bigla ako kumaliwa. Pinapakiramdaman ko ang paligid. Naririnig ko pa rin yung mga yabag niya malayo saakin. Nagtago ako sa gilid para tingnan siya. Nakasandal ako sa pader at hinihintay ang pagdating nung lalaki na 'yon. "s**t! Nasaan na 'yon?" ani lalaki. Napangisi ako. Kaagad ko kinuha yung pistol ko mula sa leather jacket. Hinahanda ko na ang sarili ko para pagdaan niya sa harapan ko. Gusto ko rin malaman ang pakay niya kung bakit sinusundan niya ako. Nang dumaan na siya sa harapan ko bigla ako lumabas at kinasa ko yung baril ko. Natigilan naman siya at dahan-dahan niya ako nilingon. Namutla ang mukha niya. Tinutok ko sakaniya yung baril ko. "Looking for me?" tanong ko. Napalunok naman siya. "H-Hindi, ah!" Naglakad ako palapit sakaniya at nanatili na nakatutok ang baril ko. Napapansin ko na nanginginig na rin ang kaniyang kamay. Napangisi ako. "You're not good at lying..." "M-May nag-utos lang po saakin!" bigla ito lumuhod at tinaas niya yung kamay niya. Tiningnan ko siya. "Spare my life!" "Who ordered you to follow me?" Nilapit ko yung nguso ng baril sa ulo niya. Mas lalo namutla ang mukha niya. "H-Hindi ko alam!" I arched my brow. "Hindi ka talaga magsasalita?" "Trabaho ko lang po alamin kung sino pumatay kay Chloe!" umangat ang tingin niya at tiningnan niya ako sa mata. Mas lalo nagdilim ang mukha ko dahil sa sinabi niya. "At matagal na kita minamanmanan! Alam ko ikaw ang pumatay sakaniya." I clenched my jaw. "Then you're next." With that, hinila ko na yung gatilyo nung baril. Tinutok ko mismo sa ulo niya. Bumagsak siya sa sahig at naglabasan na yung dugo mula sa ulo niya. Hindi pa rin talaga tumitigil ang pamilya nung malandi na 'yon, 'no? Masasabi ko na magaling siya at nahanap niya ako. Pero lahat 'yon ay paparusahin ko. Masasabi ko na meron na siyang alam saakin, kaya kailangan ko na siya linisin para wala na muli hadlang sa buhay ko. "Poor you..." I muttered. Nakadilat ang mata niya pero patay na siya. Napangisi ako. Mabuti nalang at walang cctv dito. Alam kong hindi nila malalaman na ako ang pumatay. "Who stands in my way will get killed, like Chloe." Tinalikuran ko na yung katawan niya. Dumiretsyo na ako sa motor ko at sumakay na ako. Nilabas ko yung phone ko para tawagan si Haiper. I need someone to clean my mess right now. Mga ilang ring at sinagot niya 'yon kaagad. "Haiper," I called. "What do you want?" "I want you to clean my mess right now. I'm in a hurry. Sa condominium ko at sa dulo ng parking lot." "Got it." I hang up. Mahina ako na natawa at sinuot ko na yung helmet ko. Kahit anong gawin nila, mamatay din sila sa kamay ko, matutulad lang sila kay Chloe na mang-aagaw ng boyfriend. Binuhay ko na yung makina ng motor ko at pinaharurot ko na papunta sa bahay ng magulang namin. Mayamaya'y nakarating na ako sa tapat ng bahay nila Mama at Papa. Napakunot noo ko nang makita ako sa lamborghini veneno na kulay pula na nakaparada sa gilid. Siguro ayon na yung bisits ni Mama. Panigurado ayon ang magiging asawa ko. Pinarada ko nalang sa gilid at tinanggal ko na yung helmet at pinasok sa loob ng upuan. Sinimulan ko na maglakad papasok at may nakasalubong ako na kasambahay. Huminto siya sa paglalakad at tiningnan ako. "Ma'am Gwen?" tawag nito. I stared at her blankly. "Where's my parents?" "N-Nasa garden po." Hindi ko na siya sinagot at nilagpasan ko na. Mukha kasing natatakot sa presensiya ko, e. Sa totoo lang... Malambot pa rin naman ang puso ko. Kahit nasaktan ako sa ginawa saakin ng magulang ko. I'm here, helping them to revive their own company. Gayunpaman, nandito pa rin ang sakit sa puso ko. It's been 9 years... Habang naglalakad ako papunta sa garden. Nililingon ko yung paligid at wala naman masyado na nagbago, gano'n pa rin. Hanggang sa makarating na ako sa garden, may naririnig ako na nagtatawanan. Dahan-dahan ako naglalakad sa gawi nila. Nang makita ko si Mama na nay hawak na tea cup, lumingon siya saakin. Mas lalo naging malamig ang ekspresyon ko. Diretsyo ako naglakad sa gawi nila. Biglang nanahimik ang paligid nung naglalakad na ako palapit sakanila. Mabilis naman nilapag ni Mama yung tea cup sa lamesita. "You came..." she smiled. Tumayo rin si Papa at tiningnan ako. Napalunok ako. Matagal ko na sila hindi nakikita. "Welcome back, Flare," ani Papa. "Yeah..." tumango ako. May ginang na tumayo at hinarap ako. May malaki na ngiti sa labi niya. She looks elegant but she has a light aura around her. Tiningnan niya ang kabuuan ng katawan ko bago niya ibalik ang tingin niya sa mukha ko. "Hi, you must be Gwen?" she asked. I folded my arms over my chest. "The one and only..." "You're so beautiful." Napangisi ako. "I already know that." Bigla siya napatingin sa gilid ko. Mas lalo lumawak ang ngiti niya. May naririnig ako na yabag mula sa likod ko pero hindi ko 'yon hinaharap. Gusto ko siya mismo lumapit saakin. "My son is here..." aniya. "Lynch! Come here! Introduce yourself to your future wife." "Mom, I don't want t—" Hinarap ko yung lalaki na tinawag ng kaniyang ina. Biglang nalaglag ang panga ko nung makita ko ang mukha niya. Maski siya ay nagulat nung makita ako. Ito ba yung magiging asawa ko?! "Ikaw?" tinaasan ko siya ng kilay. Napalunok siya at pabalik-balik ang tingin niya sa kaniyang ina at saakin. "A-Ako nga..." "Ano nga ulit 'yong sabi mo?" tanong ng kaniyang ina. Tumikhim ito. "I said this is great idea. I would gladly marry her in order to save their company." Inirapan ko siya. Lumapit si Mama saakin at hinawakan niya ang braso ko. Napasimangot ako dahil nakangising aso si Lynch sa harapan ko. Talaga bang nang-aasar ang tadhana saamin dalawa? "Isn't she beautiful, Lynch?" tanong ng ina niya. "She is, Mom..." he smiled at me. I rolled my eyes. "I couldn't believe this..." "Why anak?" tanong ni Mama. "Do you know him?" "Nope..." umiling ako. Narinig ko siya tumawa sa likod ko. Sinamaan ko siya ng tingin. Totoo naman na hindi ko siya kilala, e. Nagkita lang kami nito sa bar pero hindi ko naman siya kaibigan o ano. "She's lying..." he chuckled. "We actually met the other day, Mrs. Dawson." Nagliwanag naman ang mukha ni Mama. "Oh, really?" Ngumisi si Lynch at tiningnan niya ako. Tinaasan ko siya ng kilay. Bakit ba ang malas ko ngayon? Naiirita ako dahil nagkita nanaman kami nito. "Yes, Mrs. Dawson," he answered, formally. "She's pretty tough and beautiful." "Asshole," I mumbled. Namilog mata ni Mama sa sinabi ko. Pasimple niya ako siniko sa tagiliran. Nagsalubong ang kilay ko dahil sa ginawa niya. Bakit? I was just saying the truth. "That's not how you called your future husband!" ani Mama. I heaved a deep sighed. "Can we go straight to the point? I want to know what's our rendezvous." "Naiinip ka naman agad, sweetheart," tukso ni Lynch. Napasimangot ako. "Time is important to me, Lynch." "Don't you want to stay a little with me?" "In your dreams!" I scoffed. "Gwen!" sita ni Mama. Tinalikuran ko na sila at naghila na ng upuan. Kinuha ko yung muffin na nakalagay sa plato at kinain ko 'yon. Panigurado na hindi ko makakausap ng matino si Lynch. Puro kaharutan ang nasa isip, e. Until I saw in my peripheral vision that he pulled a chair beside me and sat down. He cleared his throat and anchored his light blue eyes on me. "Oh, I can't believe that we will see each other again," he grinned. "What a small world, isn't it?" "Shut your mouth." Imbes na mainis siya sa sinabi ko, mas lalo siya natawa. Umirap ako sa hangin. Ano ba nakakatawa sa mga sinasabi ko? Hanggang sa may nagring ang phone niya. Sinilip niya 'yon at sinagot. Tahimik lang ako na kumakain ng muffin habang masaya na nag-uusap sina Mama at ang Mama niya. "What?!" he asked, disbelief. Nagulat ako dahil sa sigaw niya. Tiningnan ko siya sa mukha. Nawala na yung mapaglaro na ngiti sa labi niya. Napalitan na ang galit ang kaniyang mukha. "He can't be dead! Damn it!" he dropped the phone call in frustration at nilapag sa lamesa. Curiosity ate me. Hindi ko alam kung bakit naging ganito ang reaksyon niya. Fury is very evident etched on his face. "Bad day, huh?" pang-asar ko. Huminga siya nang malalim at sinandal niya ang kaniyang likod sa upuan. "You're right..." Tumayo na ako at hinarap sila Mama. "I will marry him." Nagliwanag ang mukha ni Mama, parang nanalo siya sa lotto. "Really?" Ngumisi ako at tiningnan ang nanay ni Lynch. "Just save my parents company. Do you understand?" Napalunok naman siya. "I-I will..." "Then it is settled..." ngumisi ako. "Nasaan ang singsing ko?" "Here," ani Lynch. Naglakad siya sa harapan ko at nilabas niya yung engagement ring. Kinuha niya yung kamay ko at sinilid niya ro'n yung singsing sa daliri ko. "Nice seeing you today, fiance." I curved a smile, the wicked one. "Likewise, my future husband." Kapagkuwan nilagpasan ko na siya. Alam ko na nasa akin ang tingin nila. Kahit sinaktan ako ng mga magulang ko nuon, tutulungan ko sila. Para na rin tantanan na rin nila ako. Binati ako ng mga kasambahay sa bahay pero ni isa sakanila ay wala ako binati pabalik. Umakyat na ako patungo sa dating kwarto ko. Binuksan ko 'yon at mabilis ko sinarado. Malinis na ngayon ang kwarto ko. Gano'n pa rin ang mga ayos. Napatingin ako sa daliri ko, may singsing na ako. Napaka-unexpected na magiging fiance ko ngayon si Lynch. Parang pinaglalaruan ata kami ng tadhana. Huminga ako ng malalim at dumiretsyo ako sa book shelves ko. Dahil inventor ako, marami ako pinaggagawa nung bata ako. Hinanap ko yung paborito ko na libro at hinatak ko 'yon. Biglang bumukas yung hidden door. Hindi alam 'to ng magulang ko. I kept it as a secret. Binuksan ko 'yon at pumasok na ako sa loob at sinarado. Then a waves of nostalgia filled my veins. Nandito yung mga tinago ko na gamit. Hanggang sa napa-angat ang tingin ko sa malaki na frame sa gitna. Napangisi pa ako habang tinititigan 'yon. "Oh, Chloe..." I snickered. Naglakad ako palapit sa malaking frame. Yung damit ni Chloe na duguan ay nandito. Nilagyan ko siya ng frame dahil siya ang unang biktima ko. Nakalagay ang pangalan niya sa baba. Hindi ko 'yan nilabhan at nandoon pa rin yung bakas na natuyo na dugo. Tiningnan ko sa gilid yung unang baril ko. Ito yung baril na ginamit ko kay Chloe. Lahat ay tinabi ko rito. Napangisi ako. Kinuha ko lahat ng mga pruweba laban saakin. No one will know my darkest secret in this room, it is only me. My favorite souvenir from my first victim.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD