LUMABAS na ako sa secret room ko at inayos ko yung paborito kong libro para ma-lock 'yon. Huminga ako nang malalim at hinubad ko yung leather jacket ko. Pinatong ko 'yon sa upuan at naglakad na ako patungo sa kama. Umupo na ako at sinandal ko yung likod ko sa headboard.
Hanggang sa namataan ko yung picture frame namin ni Joshua. Napalunok ako habang tinitingnan 'yon. Nakaakbay saakin si Joshua habang nakayakap naman ako sakaniya. Ang saya namin tingnan sa larawan.
I felt my heart ache. Umangat ang kamay ko at nilagay ko sa ibabaw ng dibdib ko. Pinapakiramdaman ko ang puso ko. Bakit may epekto pa rin saakin?
Marami kasi kami memories dito ni Joshua, e. Hindi ko maintindihan kung bakit siya nagloko at pinagpalit niya ako kay Chloe. Hindi ko kilala yung Chloe na 'yon dahil nabanggit niya lang saakin.
2 years ang tinagal ng relasyon namin, nasira lang dahil nagloko siya. He was my first love. Pinag-uusapan na nga namin ang future namin, e. Pangarap namin dalawa maging doktor. Ngunit ako nalang nagtuloy mag-isa ang pangarap namin na 'yon.
Masakit maloko. Malaking sampal 'yon sa'yo. Para kasing nakahanap siya na mas better saakin. Yung meron siya na wala ako kaya pinili siya ni Joshua. Tumingala ako at nagtubig yung mata ko.
Dahil sa ginawa ni Joshua... Nag-iwan siya ng malaking sugat sa puso ko. Simula nung pinatay ko si Chloe, binago ko na ang pagkatao ko. Isang linggo pagkatapos ilibing si Chloe, gusto makipagbalikan saakin ni Joshua.
Hindi ako makapaniwala. Dahil wala na yung Chloe na 'yon saakin siya babalik? Kaya umalis ako sa purder nila Mama. Kahit walang kasiguraduhan, pinagpatuloy ko lang. Fortunately, I became one of the successful person in this country. Kumita ako ng pera na hindi humihingi ng tulog sa pamilya ko. Yung mga panahon na 'yon, hindi nila ako kinamusta. Ngayon lang sila nagparamdam dahil malulugi na ang kumpanya.
Gano'n ba talaga ang buhay? Kailangan mo pa mawalan ng isang bagay bago mo pa ma-realize kung gaano kahalaga ang isang tao?
Pinikit ko yung mata ko. Hinayaan ko lang yung mga luha ko na tumulo. Dahil inipon ko 'yon ng 9 years... Hindi ako umiyak sa loob ng taon na 'yon. Simula nung napadpad ako rito ngayon, kusa nagsisibalikan ang mga nakaraan na dapat ko nang kalimutan.
Until my past suddenly flashed in my mind like a movie.
Excited na ako dahil ngayon ang second anniversary namin ni Joshua. Sa totoo lang, nalulungkot ako dahil hindi na gaano nakikipag-usap saakin si Joshua. Palagi na raw siya busy. Kaya napagdesisyon ko na ako ang pumunta sa condo niya.
Dala ko yung regalo na binili ko sakaniya. Binilhan ko siya ng polo shirt. Nakangiti ako habang naglalakad patungo sa unit ni Joshua.
Nang makarating na ako sa harapan ng pintuan ng condo niya, nakaramdam ako ng matinding kaba sa dibdib ko. Sobrang lakas nang t***k ng puso ko at hindi normal. Napalunok ako. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko.
Dahil ba magkikita ulit kami ni Joshua? Isang linggo kami hindi nagkita at nag-usap ni Joshua, e. Huminga ako ng malalim at nilagay ko na yung passcode para makapasok ako. Pinihit ko yung door knob at pumasok na ako sa loob.
Tahimik ko sinarado yung pintuan. Gusto ko kasi masurprise ngayon si Joshua, e. Miss na miss ko na ang lalaki na 'yon. Tapos may namataan ako na heels sa gilid. Kumunot noo ko. Hindi ko naman heels 'yon.
Kahit kinakabahan ako, pinagpatuloy ko pa rin ang paglalakad. Nakakalat ang pantalon at t-shirt ni Joshua. Namilog mata ko nung may makita ako na panty sa carpet.
I swallowed the lump in my throat. Nag-iinit na ang mata ko dahil sa mga luha. May naririnig ako na halinghing mula sa kwarto ni Joshua. Dahan-dahan ako naglalakad papunta sa kwarto niya.
Baka namamalik mata lang ako. Hindi pwede magawa 'yon sa'yo ni Joshua. Dahil alam kong mahal na mahal niya ako. Nangako siya saakin na ako ang papakasalan niya.
Nakita ko na may nakauwang sa espasyo sa pintuan. Kapag papalapit na papalapit na ako sa kwarto niya, mas lalo ko naririnig ang ingay sa loob. Doon na tumulo yung luha mula sa mata ko. Nanginginig na rin ang kamay ko habang naglalakad.
Tinulak ko yung pintuan at natutop ko yung bibig ko dahil sa nangyari. Bumagsak sa sahig yung ireregalo ko kay Joshua. Nakahiga si Joshua habang nakaupo naman yung babae sa ibabaw niya at hubod-hubad.
Bahagya sila natigilan. Namilog mata ni Joshua nung makita niya ako. Mabilis tinakpan ni Joshua yung katawan nung babae.
"B-Babe!" gulat na usal nito.
"Kelan niyo pa 'to ginagawa!" humagulgol ako sa harapan nilang dalawa. Nagmamadali na nagbibihis yung babae. Mabilis naman sinuot ni Joshua yung boxer niya. "Y-You're cheating on me!"
"It's not what you th—"
"Hindi ako bulag!" singhal ko. "You're having an affair with someone! You're cheating on me!"
Nakayuko yung babae habang naglalakad sa gawi ko para makalabas. Kaagad ko hinawakan ang braso niya. Nanginginig naman ang braso nito. Mabilis na lumapit saakin si Joshua.
"You're f*****g slut!" kinalmot ko yung braso niya. Napasinghap naman siya dahil sa sakit at mabilis ko hinablot yung buhok niya. Sumisigaw siya sa sakit dahil sa mahigpit na pagkakahawak ko sa anit niya. "Mang-aagaw!"
"Stop it, babe!" hinatak ako ni Joshua.
Dahil malakas si Joshua, nabitawan ko yung babae niya. Mabilis ito naglakad palayo. Niyakap naman ako ni Joshua. Nagpupumiglas ako at binaklas ko yung pagkakapulupot sa bewang ko. Pagharap ko palang sakaniya ay iginawad ko siya na malakas na sampal.
Bahagya na tumabingi ang mukha niya. Nanlalabo na yung mata ko dahil sa mga namumuo na luha sa mata ko. Ang sakit sa dibdib na makita ang pinakamamahal mong lalaki na may katalik na iba.
"Masaya ka ba, ha?!" sigaw ko. Tinulak ko siya at hinarap niya ako. "Masaya ka na niloloko mo 'ko?!"
"I-I'm sorry..." sinusubukan niya agawin ang kamay ko pero sinampal ko ulit siya. Sa ginawa nila ng babae niya, sorry lang?!
"Kaya ka ba nakikipagtalik sakaniya dahil ayaw ko?" mapait na tanong ko. "Hindi mo ba kayang maghintay, Joshua?"
Pinahid ko yung pisnge ko. Kumikirot yung puso ko habang tinitingnan siya. Ano na nangyari sa Joshua na minahal ko? Dahil ba hindi ko pa kaya ibigay yung hinihiling niya? Sa ibang babae niya 'yon hahanapin?
"I'm sorry, babe..." he sniffled. "Kaya ko naman maghin—"
"Ano tawag mo sa ginagawa niyo kanina? Naglalaro?!" sigaw ko. "Sinayang mo yung dalawang taon na pagsasama natin dahil sa libog!"
Mabilis siya umiling at hinuli niya ang kamay ko. Hinila niya ako palapit sakaniya at mas lalo ako napahagulgol. Dahil kumapit sakaniya yung amoy nung babae.
"H-Hindi ko na uulitin..." bulong niya. "I'm really sorry..."
Dahil sa sinabi niya at tinulak ko siya palayo. I wiped off my tears in front of him. Hindi na maayos ang paghinga ko.
"H-Happy second anniversary, Joshua..." I sobbed. "Mahal na mahal kita. Sinusuway ko yung magulang ko para sa'yo, hindi ako tumitingin sa ibang lalaki dahil ikaw lang ang mahal ko..."
Hinawakan ko yung necklace na binigay niya. Kaagad naman namilog ang mata niya. Tatanggalin ko na ang niregalo niya saakin nung first anniversary namin. Nung natanggal ko na sa leeg ko yung kwintas ay binato ko 'yon sakaniya.
"P-Please... Huwag naman ganito, babe..." he begged.
Mapait ako ngumiti. "I'm breaking up with you."
With that, mabilis ako tumalikod at kumaripas ng takbo. Nagmamadali ako makaalis sa condo niya. Gusto ko na lumabas sa lugar na 'yon at gusto ko na lumayo sakaniya. Maraming nagtitinginan saakin na tao. Ngunit hindi ko sila pinansin.
Mabilis ko hinanap ang sasakyan ko at sumakay na ako. Pagkabuhay ko palang sa makina ay pinaharurot ko na sasakyan ko. Nakita ko na hinabol pa ako ni Joshua. Nanlalabo ang mata ko habang nagmamaneho. Namamanhid na rin ang katawan.
Hanggang sa may narinig ako na malakas na busina, nasa kabilang lane na pala ako. Mabilis ko pinihit paliko pero may bumangga sa sasakyan ko at nabangga ko yung kotse ko sa puno. Malakas ang paghampas ng ulo ko sa manibela.
Tila nahilo ako. Mas lalo nanlabo ang paningin ko. Naririnig ko ang mga tilian ng mga tao. Kumukurap-kurap pa ako. Hindi ko masyado magalaw ang binti ko dahil naipit.
"Tulungan niyo! Tumatagas yung gas!"
Marami ako na naririnig na boses. Pinikit ko na yung mata ko at narinig ko ang pagbukas ng pintuan. Nararamdaman ko na may humahatak saakin.
"Goddamn it! You're bleeding, miss!" rinig kong usal nung lalaki.
Namanhid na ang katawan ko at nalalasahan ko na yung dugo. Hinahatak niya ako palabas at binuhat. Buhat ako ng isang lalaki at nilapag niya ako sa kalsada.
Muli ko binuksan ang mata ko, pero anino lang ang nakikita ko dahil nanlalabo na ang mata ko.
"Can you hear me, miss?" he asked.
Hanggang sa dalawin na ako ng antok. Nawalan na ako ng malay.
Mabilis ako napadilat at hinahapo ako. Pagtingin ko ay nasa kwarto ako. Nakahinga ako ng maluwag.
Ayaw ko na muli maalala yung nakaraan na 'yon. Masyadong mapait para saakin. Tumayo ako ako at mabilis ko kinuha yung picture frame namin ni Joshua at tinapon ko sa trash bin.
Ayaw ko na. Ayaw ko na maalala ang nakaraan namin ni Joshua. Paulit-ulit lang na sinampal saakin na hindi pa ako sa sapat para sakaniya.
Hanggang sa may narinig ako kumatok. Tiningnan ko yung sarili ko sa salamin kung maayos ba ang mukha ko.
"Can I come in?" tanong ni Mama.
Mariin ako napapikit at bumuntong hininga. Kahit anong gawin ko ay hindi ko matiis ang sarili kong pamilya. Kahit tinalikuran nila ako nung panahon na kailangan ko sila.
"Come in," sabi ko.
Diretsyo ang tingin ko sa repleskyon sa salamin. Narinig ko ang pagbukas at sara nung pintuan. Naririnig ko ang malakas na yabag niya sa gilid ko. Huminto siya sa gilid ko.
"What do you need?" I asked, coldly.
"Thank you for helping me, Flare," sambit nito. "You're still our Fl—"
"I'm not the vulnerable Gwen you used to know, Mama."
Hinarap ko siya. Kumikibot ang labi niya mukhang marami siya sasabihin saakin. I can't stop myself for thinking their sake. They're still my parents but they left me a huge scar on my heart.
"Alam ko, anak..." umangat ang kamay niya at akma niya hahawakan ang pisnge ko nung umiwas ako. Pain suddenly glint on her face. "Flare..."
"Mama, I already helped you," matabang na usal ko. "Hindi ko kayo matiis dahil magulang ko kayo."
"Kinagagalak ko naman malaman 'yon, anak." Ngumiti siya saakin ngunit nanatili na blanko ang mukha ko.
"Naisip niyo ba ako sa loob ng 9 years?" tanong ko. Bahagya siya na natigilan at yumuko. "Naisip niyo man lang ba kung kamusta ang kalagayan ko?"
"Flare..."
"Naisip niyo man lang ba nararamdaman ko?"
"Pasensiya na, anak... Alam kong nagkamali kami at babawi kami sa pagkukulang namin sa'yo, anak."
Mapait ako ngumiti. "Babawi kung kelan kaya ko na mabuhay na wala kayo?"
"Huwag naman ganiyan, anak..." she sniffled. "N-Nahihiya lan—"
I crinkled my forehead. "Nahihiya? Bakit nga ba kayo nahiya?"
Matagal siya na nakayuko. Puno ng hinanakit ang boses ko ngayon. Mga ilang minuto siya nanahimik bago muli siya magsalita.
"Alam naman na nagkulang kami." bumuntong hininga siya. "Nagsisisi kami na hindi ka namin dinamayan noon. Nalaman ko lang sa ibang tao yung kalagayan mo."
I chuckled sarcastically. "Mabuti pa nga ibang tao alam yung nararamdaman ko, e. Kayo ba? Syempre hindi. Ang mahalaga lang sainyo yung imahe niyo sa ibang tao at lalo na yung kumpanya."
"We're sorry..."
"Bakit ayaw ako lapitan ni Papa?" I scoffed. "Dahil nahihiya siya sa mga sinabi niya laban saakin? Na kinampihan niya si Joshua dahil yung ama no'n ay isang investor sa kumpanya niyo?"
Naririnig ko ang paghikbi niya. Iniwas ko na ang tingin sakaniya. Binalik ko yung tingin ko sa salamin. Kinuyom ko yung kamay ko. Bakit nakikita ko yung mahina na Gwen?
"Naalala mo ba yung sinabi mo saakin nung naaksidente ako, Ma?"
Mas lalo siya humagulgol. Nagtagis ang bagang ko. Bakit nga ba yung mga tao palaging ganito? Sa huli lang nila mare-realize yung mali nila?
Sa bagay... Wala nga naman nagsisisi sa una.
"I can still remember what you've told me, Ma..." I said, almost in a whisper. "Na sana sinabi mo natuluyan nalang ako sa aksidente dahil pinull out nung Papa ni Joshua yung shares niya sa kumpanya. Diba? Sobrang halaga ng kumpanya sainyo kesa sa sarili niyong anak na nakaratay sa higaan ng hospital. Mas inisip niyo pa rin ang kumpanya!"
Kinuha ko yung vase at binasag ko 'yon sa sahig. Hindi ko tanggap ang trinato nila saakin noon.
Kahit anong masasakit na salita at ginawa nila saakin... Hindi ko sila matiis dahil mahal ko sila. Mahal na mahal ko. Hindi naman nawala ang pagmamahal ko sakanila. Kaya lang natabunan ng purong hinanakit sa puso ko.
"Kayong mga mahal ko sa buhay..." may tumulo na luha mula sa mata ko. Hindi na tumigil ang pag-iyak niya. "Lahat kayo ay palagi kong inuuna at palaging inaalala, pero palagi niyo nalang ako sinasaktan at tinatalikuran."
Mabilis ako naglakad palabas ng kwarto. Nakasalubong ko si Papa at balak niya sana ako batiin nung sinamaan ko siya ng tingin. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa makalabas na ako sa bahay namin.
Huminto ako sa harapan ng motor ko at pinahid ang luha sa mata ko. Ang bigat pa rin sa dibdib, subalit medyo gumaan ng kaunti dahil nilabas ko yung sama ng loob ko sakanila.
"Gwen..." someone called.
Natigilan ako. Kilala ko yung boses na 'yon.