bc

For Keeps

book_age18+
343
FOLLOW
1.8K
READ
band
student
popstar
city
wife
husband
actor
classmates
passionate
stubborn
like
intro-logo
Blurb

Nanaginip ka na ba ng SPG tungkol sa idol mo habang lango ka sa alak? At pag-gising mo kinaumagahan, totoo pala na nakipag-one-night stand ka sa kaniya! Makalipas ang ilang buwan, matutuklasan mong nagdadalang tao ka na sa baby ng iyong idol. Will you give him the right to know that he's the father of your baby? Will you adjust your life for him? And, will you accept the consequences of being with him?

( Inspired by BTS ^_^ as your humble author here is a fan. #army )

***

GAB, also known as GP, is a member of the famous Infin8 boyband that recently went on hiatus. This only proved his father was right about the importance of completing his education. But instead of taking heed to his father's request, the rebellious Gab accepts a new project offered to him in the Philippines. He returns in his homeland to make sure that he will still have a career and maintain his popularity, despite his group on hiatus.

KITKAT ROMUALDEZ is a fan girl who has lots of opportunities awaiting for her out of the country. Taking those opportunities meant a lot to her to please her parents. But everything comes to a halt when she finds out that she is pregnant.

Kitkat escapes the bashing and hate of Gab's fans, but he wouldn't let her slip away from him just like that.

chap-preview
Free preview
One
After the announcement of Infin8 boyband's hiatus, GP of Infin8 decided to accept the offer to do a fantasy television series and return back to Philippines. Kitkat as the general of the Infin8 soldiers PH gathered at the airport to show their support to GP. However, they were not able catch a glimpse of their idol. Kitkat received a tip that GP would go straight to his hotel. She books a suite just to see him. ~~~~ Gabriel "Gab, I heard the news that you're coming home here in the Philippines! What time will you arrive in Manila? :) " Binasa ni Gab Ponce ang text message ng kaniyang pinsan na si Yunna Dominique sa kaniya. Sigurado siyang nagfi- fish ito ng information para sa best friend nitong tagahanga niya bilang siya ay ang sikat na si GP of Infin8 boyband hindi lamang sa Asya kungdi sa buong mundo. "Tsk! Dom talaga." Napailing siya sa text message ng kaniyang pinsan na kasing edaran lamang niya. Ipinagpatuloy ni Gab ang pagbasa sa mga sumunod na text message ni Dominique sa kaniya. "By any chance, kasama mo din ba si Vinci? Magbabakasyon ba siya sa Manila? Kailan mo ba ako papa-date sa kaniya? Hehe!" Bahagya siyang napatawa sa sunod-sunod na tanong ng kaniyang pinsan. Matagal na ito nagpu-pumilit na ireto niya ito sa kanyang matalik na kaibigan na si Vinci. Patay na patay kasi si Dominique kay Vinci. Nag-reply siya sa text message ng kaniyang pinsan. "Asa kang ipakilala kita kay Vinci! Wag na yon, Dom! Iba na lang." Pinindot niya ang send, bago niya nilagay sa airplane mode ang kaniyang mobile phone. Gab hoped Dominqiue would stop asking him about Vinci, because he would be forced to put his best friend in a bad light, just so his cousin would understand why he would rather not encourage her. Matalik na kabigan ni Gab si Vinci. He knew Vinci so well as they practically grew up together ever since they trained and joined the Infin8 boyband managed by their South Korean MM Management Agency. Mabait si Vinci, ngunit playboy ito at takot sa commitment. Wala din itong balak mag-settle down in the future. Kaya naman gustuhin man niyang pagbigyan ang kaniyang pinsan ay hindi niya magawa. Naga-alala siya para dito lalo na ang gusto lamang gawin ni Vinci ay i-enjoy ang pagiging buhay binata. Baka umasa at masaktan lang ang kaniyang pinsan. As the saying goes, "birds of the same feather flock together". Gab and Vinci secretly observed that women would come to them naturally because of their good looks, fame, and fortune they've earned as famous members of Infin8 boyband. They admit that it was arrogant of them to think that way, and they were sure they would even get a beating from the senior members of the Infin8 boyband to think of women as a way to pass the time. But, these two youngest members of the group think they were not to blame. They had witnessed how women flocked and offered themselves to the members of Infin8 a thousand times, as they rose to fame in the entertainment industry. Ladies naturally gravitated towards bachelors with good looks, fame, and fortune. But, deep inside Gab's heart, he still secretly hoped he was wrong. He still wanted to have the kind of love that his parents had for each other as he would often wonder how it felt like-- to be very happy and contented. It was something he knew would be impossible for him to achieve with the kind of life he led. Sa tingin niya, ito ay isang pangarap na mahirap makamit. The fame and fortune that GP of Infin8 achieved through the entertainment industry came with a very high price to pay. He had to give up his time for relationships. Gab, unfortunately, did not have time to be with loved ones. He did not have time to grow up like normal boys do- nage-explore, nagloloko, nagkakamali, nagdi-discover, naga-adventure, natututo, bumabangon muli, at tinatanggap ang sarili sa pagkakamali. Sa industriya na kanyang ginagalawan, walang room for error. Otherwise, it could become his instant downfall. What was worse would be the great possibility that he would unintentionally drag Infin8 boyband down, as well as those working for them, and because of this, many people may lose their jobs and affect their families. He never would want such a thing to happen. Baka hindi siya makatulog sa sobrang konsensiya. Nakakatakot man ang responsibilidad ng pagiging celebrity, mas gusto niya itong panindigan para sa mga production team, body guards, make up team, creative team, choreographers at iba pang umaasa na magkatrabaho dahil sa pagtangkilik ng mga fans ng Infin8. Isa pa ay ayaw niyang mapahiya sa kaniyang ama na nagsabing unahin niya ang paga-aral. Gusto ng kaniyang ama na siya ay mamuhay na katulad ng regular na binata. "I don't want to be a regular kid, Dad. I have a dream and I want to pursue it!" Gab remembered that he adamantly screamed at his father, Ardy Ponce, in frustration at the very young age of seventeen years old. "What's wrong with being a regular kid -- for now?" His father tried to point out. "Your dream is important to us, too. But you can chase that dream after college. Mag-aral ka muna, anak." Pakiusap ng kanyang ama. "Walang mangyayari sa buhay mo kung ibubuhos mo ang oras mo sa pagbo-boyband. Pupunta ka sa South Korea, magte-training sumayaw at kumanta, at pagkatapos ano ang mangyayari sa'yo kung hindi pala para sa'yo ang pagbo-boyband?" "I will still take my chance." Aniya. "You said it yourself. Whatever happens, I should not fear failure. And, if I do fail, I should fail forward. Diba, Dad? Yan po ang sabi mo sa amin nila Kuya at mga Ate? Bakit nirereject mo po ang dream ko?" "We are after your welfare, son!" Halata sa mukha ang frustration ng kanyang ama sa kaniya. Pakiramdam niya na ang tingin sa kaniya ng kaniyang ama ay isa siyang failure, kahit hindi pa man nagsisimula ang pakikipagsapalaran niya para sa kaniyang pangarap. Hinding-hindi niya makakalimutan ang nabitawan na salita ng kaniyang ama. Para sa kaniya, hindi mahalaga para sa kaniyang ama ang pangarap niya. Nasaktan siya kung kaya't sinuway niya ang kaniyang ama. Itinuloy pa din niya ang pag-alis ng bansa upang mag-training sa South Korea, kahit pa walang kasiguraduhan noon na ang Infin8 ay sisikat hindi lamang sa Asya kungi sa buong mundo. Ngunit sa kasalukuyan, nag- hiatus ang mga miyembero ng Infin8 boyband. At dahil dito, palihim siyang inaatake ng anxiety sa mga pagbabago sa kaniyang buhay. Marami siyang naging agam-agam sapagkat ang dati niyang buhay na parating nasa international tours at nagpe-perform sa entablado ay biglang natigil. Nakakapanibago ito para sa kaniya at ito ay nagdulot din sa kaniya ng palihim na depresyon. Naalala tuloy niya ang kanta ng kaniyang ama para sa kaniya nang umuwi siy para sa Christmas vacation at nag-videoke ang kaniyang pamilya. Ito kasi ang parating ginagawa ng pamilya nila sa tuwing nagsasalo salo. Kinanta ng kaniyang ama sa videoke ang 'Batang Bata Ka Pa' ng Apo Hiking Society. At that time, he took offense at the meaning of the song. But as things were not going well for him at this time, it broke him apart even more as he listened to it. Kinakain na siya ng mga self-defeating thoughts sa kaniyang kakayahan sa pagkanta at pagsayaw kaya naman nang alukin siya na subukin mag-teleserye dito sa Pilipinas ay tinanggap niya iyon. Ito ay dahil sa takot niya na malaos o matengga. He opted to change the music he was listening to as he was en route from Hong Kong to Manila. Gab instantly felt the loneliness after being separated from the members of the boyband who he considered his family, as some of them disconnected because they started to feel burned out, longed for their families, and loved ones, and just wanted change in their life. Ang pangako pa naman nila sa isa't isa noon ay magsasama- sama sila hanggang sa pagtanda. Ngunit sa kasalukuyan, hindi nangyari iyon. This led Gab to wonder about what it would feel like to have a special someone in his life, too. "Haist!" Gab disheveled his hair. He was feeling ill again due to acid reflux. He almost blamed the song he was listening to as he boarded the private plane. "Will it be a pavement or a sidewalk when I finally lay my eyes on you? Someone I've already loved. Will you find your way out of the blue? Will it be my flat or your apartment, when I finally realize I do? Will we meet on Baker Street or find ourselves on Melrose Avenue? I don't know who you are, but I'll save you a seat. Hung my coat on a chair next to me. I tried to reassure the waiter, said you're down the street. He laughed at me. So here's to you...the most beautiful thing that I have never seen...." Gab tried to relax as he listened to the song, and while he was in transit from Hong Kong to the Philippines via private plane. It was not the turbulence that was making Gab's heart pound fast, but the anxiety attack that he was having because of the changes in his life. In a few minutes, he would be back in the Philippines to take on a new chapter in his life and it was something that made him terribly uncomfortable. But, when did change ever become comfortable to anyone? All I can do is try to adapt... Gab reminded himself of one of the many learnings his father told him when he was younger-- when they were still on good terms with each other. At the thought of his father and the rift between them because of his chosen career, he felt the acid in his stomach which gave him reflux and he hated it. The reflux often gave him chest spasms. *** Paglabas pa lamang niya ng airport ay naroon na ang mga reporters at kaniyang mga fans. Halos hindi siya makausad sa paglalakad. Mabuti na lang at naka-abang na ang mga bodyguards na padala ng Royal Entertainment para sa kaniya. Naroon na din ang manager at handler niya upang i-assist siya. Agad siyang pinasakay sa van bago pa man siya tuluyan dumugin ng mga reporters at taga-hanga. "Welcome home, Sir GP." Bati ng kaniyang lalaking manager na si Lez. Sa kaniyang pagtantya, ka-edaran niya itò. Nasa 20-22 taon gulang. Pansin din niya na pino ang kilos nito at metrosexual manamit. Nakaupo ito sa kaniyang tabi ngunit ito mismo ang naglagay ng distansya sa kanilang dalawa. Lez is professional, he thought. Kung sakali man na matapos na ang kaniyang kontrata sa Royal Entertainment ay gusto niya pa din i-hire si Lez bilang manager niya. "It's truly an honor to meet you-- the Filipino golden boy of the famous international group Infin8 boyband! The Philippines is so proud of you." Batid niyang bahagya itong kinilig sa kaniyang presensya. Sa limang taon niyang nakisalamuha sa mga tao dala ng kaniyang naging trabaho, hindi na bago sa kaniya ang ganoong reaksyon. "Salamat po." Magalang niyang tugon. Force of habit, he thought. "At saka Gab na lang, Sir Lez." Aniya at inilahad niya ang kaniyang kamay upang makipag- shake hands dito. "Bansag lang sa akin yung GP. But to my family and friends and people who work with me or know me personally, I'm just Gab." Dugtong niya upang ipaliwanag na ayos lang sa kaniya na kaswal ang pakikipag-usap ni Lez sa kaniya. Wala kasi siyang isyu sa mga ganuong bagay. Napangiti si Lez. "Okay, Sir Gab." Anito. "Gab na lang... wala ng Sir." Nahihiya niyang reiterate. "Okay then. You may also call me Lez. Wala na ding Sir." Anito at nakipag-kamay sa kaniya na tila kinikilig at kumukutitap ang mga mata. He tried not to blush as well at the obvious expression on Lez's face. Ayaw kasi niyang nakakapahiya ng tao dahil lamang nasa-starstruck ang mga ito sa kaniya. Ito ang isang natuklasan niya sa entertainment industry. Yung illusion. Everyone in the industry are just regular and normal people that appear larger than life just because of glitter and glamour. "May pagbabago nga pala sa plano natin. Hindi ka na tutuloy pansamantala sa suite that we leased for you to stay dahil nag-leak ito sa mga reporters at fans mo. Some of them got inside the hotel and were searching for your suite. It was unexpected that they would go to that extent just to see you." Balita ni Lez sa kaniya, habang may binabasa itong text message. "And Ms. Liza went there to personally see you, too. Were you expecting her today, Gab?" Nagtatakang tanong nito. "Isn't she my leading lady for this project?" he clarified. "I haven't met her yet." Kibit balikat niya. "Baka gusto niya akong i-welcome?" Sinabi na lang niya bilang pag-galang kay Liza, ngunit sa isip niya ay tila alam na niya ang mga pakay ng nagpupuntang babae sa hotel room niya. Hindi na bago sa kaniya ang mga ganitong sitwasyon dahil naransan na din niya ito lalo na pag nasa tour siya noon. "Do we have an alternative place for me to stay then?" malumanay niyang tanong. Umiling si Lez. "I doubt it, Gab." Bumuntong hininga ito. "Anyway, the President of Royal Entertainment offered his condo unit at Alpha Suites..." "Naku! Nakakahiya, Lez. 'Wag na. I can go straight to my own condo at Bel-air." He respectfully declined. "Some of the fans and reporters are also waiting there for you." Sagot ni Lez. Napahilamos siya ng mukha. Tila wala siyang ibang choice kungdi umuwi sa Tagaytay-- sa bahay ng kaniyang mga magulang. Mahirap puntahan ang lugar nila at malayo ang gate sa mansion. Bago pa makarating ang mga reporters at fans sa kanilang bahay ay napigilan na ang mga ito ng mga bodyguards. Matatakot din ang mga ito na lumapit dahil trained ang mga doberman. Naging mahigpit ang security sa bahay ng kaniyang magulang dahil sa mga naranasan na threats sa kanilang pamilya noong bata pa siya. He suddenly missed and felt guilty for leaving his parents and siblings. Kailan ba kami huling naging kumpleto sa bahay gayong lahat ng mga kapatid niya ay nasa abroad nag aaral o nagma-masters? Gab called his mom to inform her that he was coming home. As he expected, his mom was so excited to learn that he was coming home--- for good, his mom emphasized. Tila nagbabandya na ito na mahihirapan na naman siya na mangumbinsi sa kaniyang ina upang payagan siyang muling lumbas ng bansa kung sakaling magkaroon ulit siya ng projects sa ibang bansa. Lez and his entourage stayed at a nearby hotel after they dropped him off at his parents' house. *** Agad na bumukas ang pintuan at bumungad ang kaniyang ina na si Shayla Ponce. Niyakap siya nito ng mahigpit at napapikit siya. Ninamnam niya ang pamilyar na amoy ng kaniyang ina at ang init ng yakap na iyon. "Miss na miss kita, Mom!" Yumakap na din siya dito. "Oh, my boy! I missed you so much! Your dad and I missed you...longed for you...worried about you. Please tell me you are staying for good." Lumuluha nitong sabi sa kaniya. "Please, my son. I beg you." Hindi siya kaagad nakasagot. Marami siyang agam-agam, pero para sa ikakapanatag ng loob ng kanyang ina ay tumugon siya. " Yes, Mom." He replied as he closed his eyes-- as if it would hide what he truly felt. *** Kiara Samantala, walang kaalam-alam si Gab na ang General ng Inifin8 Philippine chapter na si Kitkat Romualdez ay naka-camp out naman sa labas ng condominium building ni Gab. Kasama ni Kitkat ang ibang mga soldiers na fans ng Infin8. They had been anticipating the arrival of Gab in his condominium unit. Ito ang pinakahihintay nilang araw simula ng mabalitaan nilang uuwi na si Gab sa Pilipinas. Suot ang kaniyang "Marry Me, GP" na t-shirt kasama ng mga miyembro na nakasuot din ng 'Marry Me, GP' t-shirt ay magkakasama silang nag-chant ng mga kanta ng Infin8. She was hoping that Gab would see how much he was loved by his fans and supporters. "Lakasan pa natin ang pagkanta para maramdaman ni GP at ng Infin8 members ang suporta natin para sa kanila! " Aniya sa megaphone, habang pinapanood din ang dedikasyon ng mga kapwa niya supporters, at kumanta ng mga kanta ng Infin8, kahit nasa gitna ng araw at pawisan na ang mga ito. Nakaramdam siya ng awa sa mga kapwa niya supporters at tahimik na nanalangin na sana makita ito ni GP. She hoped that GP would show himself even through his window just to wave at them and acknowledge them. Bumaling siya sa kasama niya na Secretary ng Infin8 PH na si Cynthia. She pulled out her wallet from her shoulder bag and gave Php 10,000.00 upang maka-order ng mga bottled water at snacks na maari nilang pagsaluhan. She used her own money because she secretly felt bad that they had been waiting for GP to arrive since 6:00 am, and it was already 11:00 am. Naawa na siya sa mga kapwa miyembro niya. She opted to call one person that could get her intel regarding GP at ito ay si Dominique, na pinsan ng super idol at love niyang si GP. She would share everything she knew to the soldiers, except for her source of information for Dominique's privacy. "Dom, kanina pa kami dito ng mga soldiers pero wala pa din sign na dadating si GP. Naawa na ako sa mga members..." nalulungkot na siya at nawawalan ng pag-asa. "Sis, it's a good thing you called. I just ended my call with Aunt Shayla. She shared with me na she sent personal bodyguards for GP's arrival sa airport. Nakarating na si Gab sa Manila, pero hindi tutuloy si Gab sa condo unit niya. He's going to transfer to another hotel." Nang malaman niya kung saang hotel tutuloy si GP ay agad siyang tumawag sa hotel upang magpa-book doon ng kuwarto. She wanted to make sure that the hotel would accommodate her so that they will not block her for coming in and asking GP to at least wave to his fans. She informed her fellow soldiers about what she learned. Nag-usap silang magkita sa tapat ng hotel. Sumakay na siya sa kaniyang scooter at nauna na siyang nag-park at pumasok sa hotel. She went to the recepionist and was told that the last room available was the suite. Pikit mata niyang kinuha ang room na iyon, magkaroon lamang siya ng pagkakataon maabangan si GP mula sa loob ng hotel at maki-usap dito na bigyan naman ng kahit kaunting panahon ang mga nagsakripisyong soldiers makita lamang ito. As the receptionist handed the key card to her, she overheard that the receptionists were also expecting GP's arrival. Nag- retouch pa ng make-up ang mga ito. She kept the key card in her shoulder bag and waited in the lobby. Nakita niya mula sa glass panel ng lobby ng hotel na nagsi-datingan na ang kaniyang mga kasama at pumwesto na ito sa driveway upang hawakan ang mga banners ng picture ni GP, pangalan ni GP, at mga messages na nagpapaabot ng pagmamahal nila sa kanilang idol. Ngunit, halos 30 minuto na ang nakakalipas nang mapansin niyang hindi pa dumadating si GP. Muli siyang lumapit sa gawi ng mga mga receptionist at na-overhear niya na sa 32nd floor pala ang magiging suite ni Gab.Napagdesisyunan niyang gamitin ang key card upang makasakay sa elevator at makarating sa 32nd Floor. Inisa isa niya ang mga room numbers doon sa pagnanais na baka malaman niya kung nasaan ang kuwarto ni GP, nang makatanggap siya ng tawag mula kay Dominique. Sinabi nitong napagdesisyunan ng agency ni GP na ihatid ito sa bahay ng mga magulang nito. Nanlumo siya at napasandal sa dingding. Nag-indian sit siya sa sahig at napapikit sa lungkot. Naga-alala siya sa disappointment na mararamdaman ng mga soldiers. Siya mismo ay na-disappoint dahil ang ilap ilap ni GP at tila walang paki-alam sa mga naga-abang na fans nito. "Huwag kang mag-alala...makukuha din kita..." malungkot niyang kanta. "Makukuha din kita..." nangingilid ang luha niyang kanta. That song used to be cute, GP. Do you hear me? Ngayon, sSad and bitter song na ito.. .dahil sa'yo! Buset ka! "Kaunti na lang my love... maiinis na ako sa'yo!" Hindi porke't mahal kita, I am not gonna hate you for being so hard to reach!" Sigaw niya habang parang baliw na nagta-tantrums sa sahig, kese hodang may security camera sa kanto ng hallway na iyon. Ngunit naalala niya ang kaniyang magulang at kahihiyang maidudulot nito sa kanila kaya umayos siya ng upo sa sahig. Napahigit siya ng malalim na hininga. "Hay, Kitkat! Lagot ka na naman sa parents mo!" Nasambit niya. "You just spent Php 55,000.00 just for GP. Huwaw ha? Estudyante ka pa lang, gorl!" Naiinis niyang sambit. "Stop with this foolish fangirling! Sumuko ka na." Aniya nang tumunog ang kaniyang mobile phone. Sinilip niya sa screen kung sino ang tumatawag at nakita ang pangalan ng kaniyang Mommy. Napakagat labi at nakaramdam ng pagpapawis sa kaniyang kili-kila sa kaba bago niya sinagot ang kaniyang mobile phone. "Kiara Mayumi, where are you?" galit na tanong ng kaniyang ina na si Katniss Romualdez. "Mom, I'm at school." Pagsisinungaling niya. "I'm just accomplishing my clearance for graduation." Pag-imbento pa niya upang huwag siyang mabuko ng ina. Pihado kasing magagalit ito kapag nalaman nito na umattend na naman siya ng general assembly ng Infin8 PH soldiers at narito siya ngayon sa hotel kung saan magchecheck-in si GP. "Kiara, pati ba naman ako ay pagsisinungalingan mo? I have a tracker here in my phone and it says here that you're in the hotel where GP of Infin8 is staying." "Mom, hindi nga po? Tracker po talaga? You're bluffing, ano po?" Pagdududa niya dahil kilala niya ang kaniyang ina na hindi ito techy sa mga ganoong bagay. Kung Dada pa niya ang magsabi nito ay maniniwala siya. "Fine! Pinasundan kita kay Richard dahil umalis ka daw sa airport. Ang paalam mo lang sa akin, sasalubong ka lang dyan sa crush mo sa airport. Ni hindi ko nga maalala na pumayag ako. Ba't nandyan ka naman ngayon sa hotel niya?" "Mommy, hindi ko po siya crush. Mahal ko po siya." Pagtama niya. "Umuwi ka na dito sa Tolosa nang mapingot ko ang iyong tenga, mapalo kita sa puwet, at makurot sa singit!" Matinis at mataas na ang boses ng kaniyang ina. Inilayo niya sa tenga ang kaniyang mobile phone. "Si Mommy talaga! Mapang-verbal abuse... Hmph!" Simangot niya. "Uhm... Mommy... ano po? Hindi na po kita marinig... krrrrr...shhhhrrrwwrrrr.... Mommy, end ko na po ang call. Nagcha-choppy na po. Ba-bye! Love you!" Pilya niyang sabi habang naririnig pa din niya ang kaniyang ina na nagtatanong kung bakit daw hindi niya ito marinig samantalang maayos naman daw sa ang reception nito. She bit her lip as she stared at her mobile phone. She felt sorry that she had to end the call with her Mommy. Nami-miss na niya ito, ngunit may misyon pa siya na hindi nagagawa at iyon ay ang masilayan sa personal si GP of Infin8. "Failed mission," malungkot niyang sambit. She stood up from the floor and started to walk with heavy footsteps. Wala sa sariling tinahak niya ang hallway nang bigla siyang may nakabangang babae. Wavy ang mahaba nitong buhok, maganda, makinis ang balat, maputi, at balingkinitan ang katawan na tila siansadya naman talaga nitong ipakita sa suot nitong silk at fit na damit. "I'm sorry." Hingi niya ng dispensa sa babaeng abala sa pag linga sa paligid. "It's okay." Ngiti ng babae ngunit halata sa mata nito ang irita sa kaniya. Bumaling ito sa kasama nitong babae din. "Miss Liza, kaka-text lang sa akin ni Lez. Hindi na dito magi-stay si Sir GP. Doon na sa Tagaytay." "What? Why didn't you tell me? Hindi tuloy ako nagka-chance na magkaroon ng time alone with GP." Naiinis na sabi ng babae. "Eh, Miss Liza, kaka-text lang ni Lez." "If I know, kaya hindi kaagad sinabi ng Lez na yan kung nasaan na si GP, gusto niya solohin! Nakakainis! Tara na nga!" Nagsimula na maglakad ang babae patungo sa elevator. "I mean, what's the rush, diba? It's not like GP won't like me, right? Sa tagal namin na magkakasama, I know it's just a matter of time, and it'll be officially us." Nanlaki ang mga mata niya sa narinig at pinakatitigan sa di kalayuan ang babaeng nakabangga kanina. Agad siyang binalutan ng selos. "Ms. Liza, mag-ingat po kayo at baka marinig po kayo ng mga Infin8 soldiers. Baka ma-bash po kayo." Babala naman ng assistant nito. Gusto niyang harapin ang babae at sabihin na hindi ito bagay kay GP at hinding-hindi magiging sila ng babaeng nagnga-ngalang Ms. Liza. "Wala kang karapatan mang-away, Kiara!" Pigil niya sa sarili. "Una, mahal mo si GP. Kapag mahal mo ang isang tao, hindi mo siya pipigilan pumili ng mamahalin niya. Pero hindi naman ibig sabihin niyon, hindi mo siya puwede agawin diba? Ay, bad! Bad yon! Basta! As the saying goes, ..if you love someone, set him free. If he returns, he is yours. But first, make sure he has been yours to begin with." At that thought, nalungkot siya dahil alam niyang hibang siya kung iisipin niyang may chance siya kay GP. "As if naman bagay ka kay GP..." paalala niya sa sarili. "Walang kahit sinong bagay kay GP because he's like those Greek myth gods. Unreachable. He's a super duper mega ultimate star! Mag-move on ka na. Humanap ka na lang ng kamukha ni GP pagpunta mo sa Amerika. Basta importante yung hindi imaginary." She sighed and was on the verge of tears. She hugged herself as she continued to walk in the hallway. "Kaya mo yan, Kiara. " She tapped herself. "Makaka-move on ka rin. Malay mo may mami-meet ka pala na kamukha ni GP at lahat ng qualities na nagustuhan mo kay GP nasa kaniya din. Ipagtirik mo ng pink candle, sabi nila effective yon. Kung ayaw mo ng pink candle, magdownload ka na lang ng dating app. Malay mo nagti-Tinder pala si GP." At sa nasabi niyang iyon ay napangiti siya. "Baliw..."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Belles and Saints 1: RAVISHED R-18

read
39.3K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
129.6K
bc

The Sex Web

read
134.5K
bc

THE BILLIONAIRE'S AMNESIA (COMPLETED)

read
91.6K
bc

DELA COSTA EMPIRE SERIES 1: DEBT

read
12.5K
bc

NANNY FOR THE BILLIONAIRE'S TWINS

read
66.9K
bc

Escaping My Mafia Boss Fiance

read
35.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook