Two

3435 Words
GP felt nervous as he returned home because he would face his father, Gov. Gerard Ponce. He anticipated that his father would scold him again about not prioritizing his education. Kitkat has already boxed all her GP merchandises and planned to give them away. She was set to forgetting her idol GP, and was getting ready to go to the US to set up her new apartment as she prepared for the coming school year for her MBA. However, she couldn't let go of her GP collections and decided to secretly ship them to her apartment in the US. ~~~ Gabriel Gab felt nervous. It had been a long while since he and his father spoke. He reluctantly stepped inside the mansion filled with his happy childhood memories, before he decided to defy his father and chose to chase his dreams. It seemed his mother, Shayla, knew how he felt and held his hand. "He's still in the office, anak." Shayla assured Gab, but he saw sadness in his mother's eyes. Alam niyang malungkot ito dahil nagtatampo siya sa kaniyang ama. He lowered his eyes as if it would hide how he felt about the situation, too. He was starting to have doubts if it was the right decision to stay in their home for tonight. Tila nabatid kaagad ng kaniyang ina ang kaniyang naiisip at agad na siyang inaya nito papasok ng bahay. Inangkla pa nito ang kamay sa kaniyang braso habang naglalakad papasok ng kanilang tahanan upang huwag na siya makawala. He had no choice but to follow his mother. "Look at you, bunso. May muscles ka na! Ang tangkad mo na din. Binatang binata na ang bunso ko!" Naluluha nitong sabi. "Ang bilis ng panahon... I never got to take care of you or bond with you because you were out of the country... training..." Nanghihinayang at nalulungkot na sabi ng kaniyang Mommy. Napatigil siya sa paglalakad at mahigpit na niyakap ng kaniyang Mommy. Ayaw niyang makita itong lumuluha. Pakiramdam niya ay nadudurog ang puso niya at gusto na niyang bumigay sa gusto mangyari ng kaniyang magulang para sa kaniya. "Mom, tahan na." Pakiusap niya at hinimas ang likod nito. He was buying time to muster the courage to look at his mother who was having a hard time with their situation. He hitched his breath so that his mother wouldn't notice the effect it was giving him, too. Then, he looked her eye to eye. "Wag ka na umiyak, Mom. Baka pagalitan pa ako ni Dad, Kuya at ng mga Ate pag nalaman nila na umiyak ka because of me." "Tears of joy ito, anak." Paliwanag ng kaniyang Mommy. "Nagagalak lang yung puso ko, 'nak! Finally, nandito ka na! Imagine! Ilang taon kitang hindi nakasama. Two years? Two years mo kami na hindi inuwian o tinatawagan..." saglit na natigilan ang kaniyang ina. "Kung Daddy mo natiis mo, eh paano ako? Tiniis mo din ako? Sa Youtube ko lang ikaw napapanood." Humihikbing sabi nito. Nadurog ang puso niya sa pag-iyak ng ina, at nakaramdam ng pagka-guilty. "I'm sorry, Mommy." Mahigpit niyang niyakap ang ina. "But I'm here now." Dagdag pa niya na nakangiti. "Kamusta na ang kalusugan mo? Mukhang may muscles ka nga sa braso at abs mo, pero hindi ka naman healthy. Alam mo bang halos magpa- schedule na kami ng Dad mo ng private plane para mapuntahan ka lang sa Switzerland nang mapabalitang tinakbo ka sa ospital two months ago? Mashado kang pinapagod ng talent agency niyo. Concert ng concert kung saan saan. Hindi man lang nila naisip ang kalusugan ninyo." "Mom, I'm ok na. I just pushed myself too hard that time. But, I got out of the hospital the following day naman. I just needed to rest." "And vitamins." Dagdag ng ina, bago siya kinurot sa pinsgi. Napa-aray siya at napahawak sa namumula niyang pisngi. "Naku! Itong bunso ko talaga!" Yumakap ito sa kaniya. " Wag ka na aalis ulit ha, anak? Kung puwede lang kita itali sa bewang ko, ginawa ko na!" Malambing na pakiusap ng kaniyang ina. "Mom, malaki na ako. Bakit sila Ate at Kuya, hindi mo bine-baby? Ako... grabe!" "Eh kasi anak, you're my precious son. Grabe ang hirap ko sa pagbubuntis sa'yo mabuhay ka lang! Tapos ngayon pasaway ka! Ayaw mong tapusin ang pag aaral mo! Natural lang na mas nakatutok kami ng Daddy mo sa iyo." Paliwanag ng kanyang Mommy. "At saka ikaw ang bunso namin!" "Mas malaki pa ako kay Kuya eh." "I know, son. You're 5'11 and your Kuya is 5'10!" Ngiti ng mom niya habang pinagmamasdan ang mukha niya. "Ang guwapo guwapo mo lalo, bunso! Tell me, anong brand pala ng BB cream ang ginagamit mo?" Napatawa siya. "Mom, I leave it to the makeup artists. Most of the time kasi tulog ako pag nilalagyan nila ako ng make up." "Kasi pinapagod ka nila." Nakaka-kunot noong sabi ng Mom niya. Hindi pa rin ito maka-move on sa requirement na kailangan sa kaniyang trabaho. "I understand you wanted to follow your dreams, but if it would affect your health, mas mabuti pang tinigil mo na lang yung trabaho at nagaral ka na lang! Hindi naman tayo nagkukulang sa pera, anak! At ang pera at kasikatan ay nawawala, pero ang edukasyon..." "Uh oh.... insert 'the lecture on importance of education'..." tinakpan niya ang tenga. " Pasok na ako sa room ko, Mom. Maliligo muna ako." Ngisi niya sa kaniyang ina. "Hoy, bata ka! Tumatakas ka na naman sa lecture kaya yung Dad mo nagagalit sa'yo!" "Save the lecture later, Mom." Nakangiti niyang akyat sa hagdan. "Sabay kayo ni Dad pag dating niya. Hehe!" Aniya at nag-heart sign sa kaniyang ina na napapangiti na lang sa kapilyuhan niya. Tumakbo siya pabalik sa ina at humalik sa pisngi. " Love you, Mom!" Flying kiss niya dito at mabilis na pumanhik ng hagdan patungo sa kaniyang kuwarto. Agad siyang naghubad ng damit at inilagay ang mga ito sa laundry basket. This was one of the training he had when he was living in South Korea with the other team members of Infin8. They all lived in one house and did all the chores by themselves. There were times he and the members of the group would have misunderstandings as they loved in together, but it made their brotherhood even deeper and stronger. Napabuntong hininga siya habang naglalakad na nakahubad sa banyo. Nalulungkot pa din siya kapag naiisip ang mga panahon na magkakasama silang walo. Naalala niya ang mga kulitan nila ng Infin8 brothers niya at kung paano nila alagaan at maging concerned sa isa't isa lalo na kapag nagkakasakit o nagkaka-injury ang isa sa mga miyembro ng kanilang grupo. The 7 members of Infin8 was his home away from home. But, all too suddenly, the members decided to be on hiatus, and he was not ready for it. Gab wanted to dismiss the ache he felt. He immediately set the temperature of the shower heater and took a quick bath. As he did, he checked his physique in the mirror. Kahit banat sa physical training ang kaniyang katawan, halata pa din ang nabawas niyang timbang ng halos dalawang linggo din siyang hindi makakain ng maayos at gusto na lang niyang magmukmok sa kaniyang kuwarto. He shook his head and reminded himself that he would focus on gaining a bit of weight. But for now, he would hit the bed immediately because of his jet lag. *** Kakatapos lamang niya mag-shower matapos mag-ehersisyo nang tinawagan siya ni Lez upang magbigay sa kaniya ng update sa schedule ng workshop kasama ang kaniyang makakaparehang si Liza Anderson. "I thought I would still have a week to rest, Lez." Malungkot niyang nasambit, ngunit naintindihan niya and ganitong klaseng schedule. Kahit sa mga tour nila ng mga ka-grupo sa Infin8, wala silang pahinga. Tuloy tuloy ang mga concerts, tv interviews, at biyahe. "Sorry, Gab. Hindi namin na-anticipate na ganito katindi ang mga fans mo. Pati location ng shooting natin ay nag-leak. We have to change location at least for this week." Naawa siya sa kaniyang mga fans. For sure ay maghihintay ang mga iyon at aasa na makita siya sa shooting location na iyon. Hindi man siya pamilyar kung paano ang behavior ng mga fans dito sa Pilipinas, pakiramdam niya ay hindi naman mang-aabala ang mga iyon habang nagshu-shooting. Lalo pa siguro kung mapagbibigyan at makakausap niya ang mga ito, magiging maayos at organized pa din ang lahat. He thought of discussing this with the management for his fans' sake. Pero sa ngayon, magpapahinga muna siya. Inalis na niya ang nakabalot na tuwalya sa kanyang bewang at pinunas ito sa buong katawan. Isinampay niyo ito sa isang hanger at sinukbit sa handle ng cabinet. Tinungo na niya ang kama at dumapa upang matulog. Ngunit tumunog na naman ang kaniyang phone. Tingingnan niya sa phone kung sino ang tumatawag. Si Dominique pala iyon, ang nagiisang babaeng anak nina Uncle Percival na pinsan ng kaniyang Dad, at ang asawa nito na isa sa mga bestfriends ng kaniyang ina na si Auntie Rori. "Dom," sinagot niya ang phone. Narinig niyang tumili si Dominique. Kahit inilayo niya ang mobile phone sa kaniyang tenga ay naririnig pa din niya ang malakas na boses ng pinsan. "Please tell me kasama mo si Vinci!" Napatawa siya sa pinsan. She was a breath of fresh air for him who had been used to being with his male friends twenty-four hours a day. "Dom, hindi ko siya kasama. And thank you for the warm welcome. I'm glad to be home." He patiently answered, while discreetly feeling tempted to grant his cousin's wish to meet Vinci. "Ito naman! Nagbabaka-sakali lang ako na baka naawa ka na sa akin dahil alam mong fan ako ni Vinci, at sinama mo na siya dito sa Pilipinas. Tampo ka kaagad! I called pa naman kasi I wanted to welcome you. I'm hosting a party later at my place here in Laguna with my college friends. I-invite kita. For sure magti-tilian ang mga kaibigan ko." "No, thank you." He declined. "Matutulog ako ng maaga kasi may workshop ako bukas." "What if hindi ko na lang sasabihin sa kanila kung sino ka? Mag-disguise ka na lang na one of my other hunky patootie cousins?" Dominique's offer was tempting. Iniisip din niya na baka makatulong ito na mawala na ang lungkot na kaniyang nararamdaman. Ngunit kinabahan din siya na baka siya ay mabuko, pagkaguluhan, at hindi niya ma-manage ang mga taong gusto magpa-picture, magpa-autograph kung saan-saang parte ng katawan, at mayroon din naman nanakit. Gusto siyang kurutin, sabunutan, kalmutin marahil ay sa gigil. Mayroon din naman iba na binabato siya ng kung ano-ano na minsan ay nakakasakit na. He reconsidered. "Wala ka naman ibang pinsan na lalaki kungdi ako at si Kuya Drew. They will figure it out fast. Nakiki-pinsan ka lang sa mga Pontes family and from what I recall, may crush ka pa nga sa isa sa kanila, diba?" "Bata pa ako noon ha? Iba na ngayon. Si Vinci na ang gusto ko." He sensed that Dominique felt embarrassed by what he said and it made him laugh. "Anyway, change topic. Kung magka -energy ka later, drop by ka na lang. Miss you, cousin! Ang pogi mo dun sa cover na ginawa mo last time. Kinilig ako! Nakaka-nasable. Hahaha!" "What the heck is nasabol? Is it a new word in school?" he got curious. "Nasable. Nasa in english is lust. Nasa + able? Gets?" "Pshh! That's officially creepy and incestuous, Dom. Bye." "Hahaha! Bye, my super popular cousin! So proud of you!" Napangiti siya sa sinabi ng pinsan. It mattered to him that someone in his family appreciated his work because he felt none of his family appreciated his accomplishments. Fame and fortune were not all that matters to his family. It was family and relationships that his family values the most, and which he had seen as his parents make time for family and friends and are protective of them. That was what his parents had been reiterating to him. He understood what they meant, but right now, he wanted to relish and enjoy his fame and fortune and all the perks that come with it. But, he was also slowly realizing that fame and fortune did not last, and they were just temporary cures for boredom and feeling empty. *** Kiara Kitkat started placing the Infin8 and GP merchandises she owned in a box. She was finally decided to dispose of them. Inikot niya ang kaniyang mata sa kaniyang kuwarto upang siguraduhin walang naiwan na kahit anong Infin8 at GP merchandise sa kaniyang puting kama, puting cabinet, side table, dresser at study table. Her room looked bare after she packed all her things in boxes and luggage. She placed all her other stuff inside her luggage as their family driver, Kuya Richard, would bring all of them to Tolosa today. It was already the end of her final semester, and she would be moving to the US for her continued education soon. Before she would leave for Tolosa, she asked permission from her parents that she would go to the party that Dominique hosted for their school batch, and would hold a send-off for her, because she would stay in the US for four years. Kitkat would miss her best friend Dominique and would also surely miss the Infin8's PH soldiers fan group, where she resigned as the General. Anyway, gustong gusto naman ni Cynthia makuha ang puwestong iyon. Dalangin lang niya na sana ay alagaan ni Cynthia mabuti ang grupo at huwag titipirin ang mga soldiers. Kitkat felt the Infin8's PH soldiers' appreciation for her as they gave her well-wishes. Nagi-iyakan pa nga ang mga ito. She could not stand it because it was like saying goodbye to family members who had common interests and that was their love for GP and Infin8. Ngunit, simula nang hindi nag-acknowledge si GP ng Infin8 sa kanilang pagsalubong dito, palihim niyang naramdaman ang pagtatampo sa binatang walang ideya kung gaano siya nasasaktan dito. Sa tingin niya ay makasarili ito at walang pakialam sa nararamdaman ng fans. Batid niyang may pinagdadaanan si GP dahil nagkawatak-watak na ang mga miyembro ng Infin8. Alam Hello, Sir George. She placed all her stuff inside her luggage, as their family driver, Kuya Richard, would bring all her stuff to Tolosa today.din niyang unfair kay GP na i-judge niya ito dahil lamang sa mga sakripisyong ginawa niya para dito. At naiintindihan din naman niya na hindi naman hiningi ni GP sa kaniya na magsakripisyo. Kung ano man ang sakripisyo niya para kay GP ay para sa kaniyang kaligayahan na din at pagmamahal kay GP ang mga ito. Subali't npauunawaan niya ang buhay ng isang pagiging hard-core fan kaya sa tingin niya ay dapat maging sensitibo din naman si GP sa mga fans nito, kahit pa may pinagdadaanan ito. Hindi lang naman sa international arena ang mga supporters niya. Nandito kami na mga kapwa Pilipino niya. Dapat ma-realize niyang we are like a family...it should matter to him too that we appreciate his work and accomplishments. Napabuntong hininga siya sa disappointment kay GP. She took GP's photo from the box and wanted to pinch his face. Nakuuu talaga! Kungdi lang kita mahal, itatapon na kita. On the second thought, itatapon na talaga kita! Tumayo si Kitkat sa kama at inilabas sa kaniyang rented apartment ang box ng mga Infin8 at GP merchandise niya. Nagtaka naman ang driver niya na nasa tapat ng apartment. "Itatapon na ba ito, Kat?" Tanong ni Richard. Saglit niyang tiningnan ng masama ang box. "Tapon na yan!" Irap pa niya. "Akala ko ba die-hard fan ka ni GP?" "Hindi na ngayon. Selfish siya! Hindi niya kami na-appreciate! Hindi niya kami mahal ng mga soldiers... ng mga babies ko kaya mabuti pang tapusin na namin ang relasyon na'to na hindi naman reciprocal!" Madamdamin niyang sagot. "Sus! Sa dami ng mga fans non sa buong mundo, malabo talagang mapansin kayo non." Sagot ni Richard. "Kaya tuloy nagagalit si Katniss sa'yo, e. Ginastosan mo ng Php 55,000.00 yung idol mo." She crossed her arms. All her family and the people close to her parents knew how much she was in love with GP, and it was not surprising to know that her mother had already shared with people they treated as a family about the 'crazy things' she was doing just to have a glimpse of GP. Richard had been their family driver even before she was born. He practically watched her grow up as he was trusted by her parents. He even traveled to Italy with her parents when they stayed there. He knew and tolerated her fangirl activities for GP. Sumimangot siya dahil napapahiya siya habang naiisip ang mga bagay na nag-effort siyang gawin para kay GP na nauwi lang sa wala. "Itatapon ko na itong mga bagay na ito ha? Napadaan yung truck ng basura. " Ani Kuya Richard. Napatitig siya saglit sa box at nagkaroon ng agam agam pero pinigil niya. "Go na Kuya! Hindi ko na kailangan yan." Aniya. "Sure ka?" tanong ni Richard. Saglit siyang napa-isip. "Sure!" Aniya. "Okay..." binuhat na ni Richard ang box at ibibigay na sa basurero. Kaya mo yan, gorl! Let go na! Tapos ka na sa pagfa-fan girl kay GP! Kumbinsi niya sa sarili. Tila parang nasusuka siya at sumasakit ang kaniyang sikmura habang naiisip na mapapahiwalay na siya sa mga bagay na espesyal sa kaniya dahil iyon lang ang nagpaparamdam sa kaniya na parang kasama niya si GP. "Wait!" Pigil niya. Kumaripas siya ng takbo sa direksyon ng box at muli niya itong kinuha sa kanilang family driver na si Kuya Richard. "O, baket? Akala ko ba ayaw mo na yan?" takang tanong nito. "O-oo nga... p-pero pwede ko pa naman ito ipamigay sa mga soldiers ng Infin8's PH eh." Pagdadahilan niya. "Sayang naman. Ang mahahal kaya nito!" Pagsisinungaling pa niya, ngunit ang totoo'y ipapa-ship out niya ito papunta sa kaniyang apartment sa US. Naiimagine na nga niya kung saan niya ipupuwesto ang mga ito sa kaniyang apartment. Naalala pa niya na may nakita nga pala siyang life-size na GP of Infin8 pillow. Agad niyang kinuha ang mobile phone niya sa pocket ng kaniyang pantalon at binuksan ang online shopping application upang i-order ito at ipadala sa kaniyang apartment sa US. "Last na 'to, Kiara!" Sita niya sa sarili. Tinitigan niya ang photo ni GP of Infin8 sa mga selection ng life-size unan at kumanta. "Wag ka mag-alala makukuha din kita. Makukuha din kita... mwah!" Ngiting ngiti siyang habang kinikilig, ngunit natauhan din siya lalo na nang mapansin niyang pinapanood siya ng kanilang family driver na tiyak niyang magre-report sa kaniyang Mommy. " Hehe!" Nginitian niya ito. " Nag-LSS lang ako. Last song syndrome..." aniya. " Nakita ko kung ano ang binili mo. Pag nalaman na naman yan ng iyong Mommy, lagot ka don. Mapapagalitan ka na naman." "Eh, Kuya, secret na lang natin yun. Promise ko last na ito. Kailangan ko lang ng inspiration lalo na maga-aaral na naman ako. Nakakatamad na kaya mag-aral. Walang pahinga." Sibukan niyang kunin ang simpatya nito. "Kung sa bagay... nakakapagod nga naman mag-aral na walang inspiration." Napa-isip ito. "O siya, mag-aral ka mabuti pag dating mo sa Amerika para naman matuwa ang iyong magulang. Ikaw pa naman ang unica hija nila." Sumimangot siya. "Pressure naman yan, Kuya Richard!" Reklamo niya. "Sinasabi ko lang sa'yo ito Kiara dahil ikaw at mga kapatid mo ang pride and joy ng magulang mo. Alam mo naman ang storya nila diba? Mahirap din ang pinagdaanan ng iyong magulang. Nahusgahan na sila noon ng mga tao. Mabuti na lang at sa pagsusumikap nila, pagpapakumbaba at pagkakaroon ng mabuting mga puso eh nabago ang tingin ng mga tao sa kanila. Kaya ikaw, bata ka, protektahan mo din sila sa pamamagitan ng pag-aaral." Sermon ng tinuturing niya at ng kaniyang magulang na kapamilya. "Alam ko naman iyon, Kuya. Maga-aral ako ng mabuti at hindi gagawa ng kahit anong bagay na ikakahiya nila." She sincerely promised. "Mabuti yan, Kiara." Nakipag-appear pa sa kaniya si Kuya Richard "Yung mga maleta na nilagay ko ba sa sasakyan ay kumpleto na? Yayakag na ako baka abutin pa ako ng dilim sa daan. Mahirap na." Anito. "Kumpleto na iyon lahat, Kuya. Ingat ka sa pagmamaneho." Aniya at pinanood na sumakay ito sa Pajero. "Magsara ka ng pinto." Kuya Richard reminded. Kumaway siya dito saka pumasok sa loob ng apartment. Inilapag niya ang box at isinara ang pinto. Mabilis niyang sinapo ang kaniyang noo. "Hay! Tama na, Kiara Mayumi!" Iling niya sa sarili, habang iniisip ang sinabi nito sa kaniya. "Make your parents proud."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD