Three

4900 Words
After a heated discussion with his father, GP decided to just go to the party that Dominique was hosting. He noticed Kitkat by the playground, drinking by herself and he got curious. Kitkat still couldn't move on from feeling frustrated that she did not even get a glimpse of her idol and drunk one bottle of liquor in Dominique's party. ~~~ Gabriel Nang magmulat si Gab ng mga mata ay kaagad niyang tiningnan ang oras sa mobile phone. It was already 7:00 pm. Gab was sure that his father was already home. Timing naman na kumatok si Nana Leah sa pintuan ng kaniyang kuwarto. "Gab, iho, kakain na tayo ng gabihan. Nandito na ang iyong Dad." "Opo , Nana Leah." Tugon niya. It was like reminiscing the past when Nana Leah would call all the kids at night for dinner, and they would come running down. Unahan sila sa pagsalubong ng kanilang Daddy. Ngayon ay hindi ganoon ang pakiramdam niya. Mabigat ang katawan niyang tumayo sa kama upang magbihis at lumabas ng kuwarto. Bumaba na siya ng grand staircase at narining ang kuwentuhan sa dining room. It warmed his heart as he reminisced the old times, when everyone at home were present. Maingay. Magulo. Pero masaya. Ngayon, kinakabahan siya. Wala kasi ang kaniyang mga tinuturing na 'shield'-- ang kaniyang kambal na mga ate na sina Bree at Gwen, at ang kambal na sina Millie at Drew. Sa tuwing family reunions kasi sila nagkikita-kita. Umuuwi ang mga kapatid galing sa US, at ito ang mga nagiging taga-aliw niya sa mga magulang niya na ang target parati ay i-hot seat siya at kausapin ng masinsinan... 'palalahanan' as he remembered the term they use... regarding the value of finishing school. He heaved a deep sigh. As a force of habit, he tilted his head from left to right, as if that would help relieve the tension on his shoulders, as he proceeded to enter the dining room. Pagpasok niya doon ay nakita niya ang malaking 10-seater na dining table. Naroon na ang mag-asawa na sina Nana Leah na naging yaya pa n kaniyang Mommy nung dalaga pa ito at Tata Ambet, at si Tata Ed na head ng security sa lamesa. Naroon na din ang kaniyang ama na si Ardy Ponce, ang Governor ng lungsod, at katabi nito ang kaniyang ina. May lima pang bakanteng upuan. He used to seat beside his mom, while the 4 remaining seats were for his 3 ates and kuya who were now abroad. Tahimik siyang lumapit kina Nana Leah, Tata Ambet at Ed at nagmano sa kanila. "Uy, si GP ng Infin8!" Biro ni Tata Ambet. "Naligaw ka dito, anak." Biro ni Tata Ed. " Magpapa-pirma nga pala ako sa iyo ng picture mo. Request iyon ng anak nung isa sa mga drivers sa office ng Daddy mo." Anito. Napatawa siya sa kaswal na sinabi ni Tata Ed. Sa ibang tao, pahirapan makakuha ng kaniyang autograph. It would have been a 'bloodbath' as the Infin8 fans would say, he thought. Pero pag dating kina Nana Leah, Tata Ambet at Tata Ed, hinding-hindi siya makatanggi. Bagkus, gagawan pa niya ng paraan upang mapabigyan lamang sila. At ang natatawa pa siya ay tila wala lang sa mga ito ang kasikatan niya. Pinupuri siya ng mga ito dahil magaling daw siya kumanta at sumayaw, ngunit hindi dahil sa sikat siya. Para sa kanila, siya pa din si Gab na bunso ng pamilya. He considers them very important part of his life just like his grandparents. He did not want to think about their death as they were old already, but he knew he would cry so hard if he lost them. That was how much they meant to him. " Sure, Tata Ed." He gave him a thumbs-up and slowly turned in6r the direction of his parents. Lumapit naman siya sa kaniyang ama upang magmano. Hindi pa man siya nakakalapit ay ito na niya ang tumayo at yumakap sa kaniya. "Hello, my boy. Welcome home. " Anito at tinapik siya sa likod. "Dad..." tahimik siyang yumakap at pinigil na maiyak. "Halina kayo at kumain." Naluluha man si Nana Leah ay nag-aya na ito upang maputol ang malungkot na eksena. Tahimik siyang kumain sa tabi ng kaniyang Mommy. Pinaghain pa siya ng pagkain ng kanyang ama at ina. "How are you, son?" Putol ng ama sa katahimikan. "Great, Dad. I enjoyed the concert tour." "Did Infin8 really disband?" "I guess you could say that. We went separate ways to explore different offers...opportunities..." he felt like his mouth went dry. Gab's father wasn't the intimidating type, but he had an aura in him that radiated power, charisma, and intelligence. His father was someone that anyone would be gravitated toward and trust. When his dad noticed he stopped talking, he started asking again him again. Tinanong siya nito kung ano na ang kasalukuyang pinagtutuunan ng pansin ng bawat miyembro ng Infin8, hanggang sa tungkol na sa kaniya ang mga tanong nito. Tinanong nito kung may girlfriend na siya at sinabi niyang wala, dahil wala siyang oras at long distance kadalsan ang nagiging problema. "Not even flings, Dad." Aniya na napapangiti na din sa pilyong ngiti ng ama. "That's good, anak." Singit naman ng kanyang ina. "Mas mabuting 'wag mo na lang ligawan o paasahin pa ang babae, kasi kawawa naman. Isipin mo rin na may mga kapatid kang babae, kaya wag kang maging pilyo." "Tama." Hirit naman ng kanyang ama. "Gayahin mo ako." Napatawa ang kaniyang ina. "Hon, bakit ka tumatawa sa sinabi ko?" tanong ng kanyang ama na bahagyang kiniliti sa gilid ang kaniyang ina. "I just remembered how we started back then." Paliwanag ng kaniyang Mom. Napangiti siya sa kanyang magulang. Na-miss niyang mapanood ang pagiging sweet nito sa isa't isa. Ngunit ito ay isa sa mga bagay na hindi niya siguro kayang tuluran, bukod sa maging magaling sa larangan ng pulitika at negosyo. He wasn't sure especially that in his kind of job, everyrthing fleets so fast. "By the way, son, I heard you accepted work for a teleserye?" Pagbago ng topic ng ama. "You know, I support you in everything you do, right? I just have one request from you and I'm waiting." "Hon..." napailing ang kaniyang Mommy. Marahil ay nag-usap ang mga ito na huwag bubuksan ang topic tungkol sa pagtatapos niya ng pag-aaral at pagma-masters. "I'm not pressuring him, Hon." Ani ng kanyang Dad sa kaniyang Mom. "Son, you know how much I love you. Gusto ko mapabuti ka. This fame will go away soon. Money can easily be gone. Ngunit ang edukasyon... yan ang tanging pamana namin sa'yo at sa iyong mga kapatid na hinding hindi makukuha sa inyo ng iba. Please maglaan ka ng panahon para dito." "Dad, gagawin ko naman po yan. Hindi ko lang ma-prioritize dahil may mga offers po. Sayang naman ang opportunity." "Son, kung gustò mo, maraming paraan. Kung ayaw, maraming dahilan." "Haven't we gone over this subject so many times, Dad?" he was feeling frustrated already. "Well, I will keep reminding you about it until I see results." "Dad, isang semester na lang at ga-graduate na ako ng college." "College? Saan? Paano?" napakunot noo ang kaniyang ama. "Online homeschooling." Napabuntong hininga ang kaniyang ama. "While I know that homeschooling is the modern style of education nowadays, I feel it is not enough. I hope you focus on skills that would benefit the operations of our businesses." Napahimalos siya ng mukha. "You know, Dad..." he sighed, feeling frustrated. "Why can't you just accept that maybe... I'm not for running and expanding your stupid business empire?" "Gabriel!" Sita ng kaniyang Mommy. He wanted to air all his frustration out, but he knew it was not right. He knew he was not functioning full well because he was tired, stressed, and deeply bothered by all that was happening in his life which was not right. "I'm done here. Excuse me and I'm sorry." Sabi niya sa kanilang lahat bago nag-walk out sa dining area. Kinuha niya ang phone sa kaniyang bulsa at tinawagan si Dominique. It was an hour drive till he reached Dominique's place in Laguna. From where he was parked, narinig niya ang malakas na tugtog sa bungalo mansion ng pamilya Ponce. He looked at himself in the car mirror. He placed a cap on his head and thick eyeglasses to disguise himself before he went out of his car and walked over to the party. He noticed a girl on the phone alone holding her phone, a goblet, and a bottle of wine. Nagtaka siya bakit mag isa ito at hindi nakikisalamuhansa mga nasa pool area. Napatingin din siya sa paligid kung dafe ba ito mag-isa sa may playground lalo pa't mag isa lang ito umiinom. Inisip niya na marahil nakikipag away ito sa nobyo nito sa phone kaya may dalanl din itong alak. He assumed that she had a boyfriend because she was gorgeous kahit na simpleng itim na spaghetti dress lang ang suot nito. Saglit pa niyang pinagmasdan ang babae nang may lumapit sa kaniya. Kinabahan siya na baka may nakahalata ng kanyang disguise. "I thought hindi ka pupunta." Natutuwang yumakap si Dominique sa kaniya. "Wow ang disguise mo ah. Muntik na kitang hindi makilala. Pero buti na lang kilala komlahat ng nga invited guests ko kaya nagtaka ako kung sino yung suspicious man with a hoodie and thick eyeglasses." "Mahahalata ba ako ng mga kaibigan mo?" "No, they won’t suspect." Dominique assured. "I'm so glad you're here. My gosh! My party would be the talk of the town if they knew you're here. Can I tell them?" Excited na tanong ng kaniyang pinsan. "Dom, I want to have fun tonight. Ayoko muna ng mga anything na tungkol sa trabaho ko, please?" malambing na pakiusap niya sa pinsan. "Nasuya ka ba sa dami ng fans mo?" natatawang tanong ng pinsan niya na pansin niyang lalong gumanda. If Vincii were not just a playboy, he would have wanted to play Cupid between the two since he loves both. Kay Vincii nga niya natutunan ang mga nalalaman niya sa pambobola ng mga babae. "No. It's not that. I just want a break from the pressure I am getting from Dad, because of the career I chose and love." He sighed. "Gusto ko lang mag-chill muna. To live a normal life without people knowing me..." he honestly said. "It's alright cousin. I understand." Dominique held his hand. "Pero puwede ba humingi ng favor? My best friend Kitkat is a super fan of yours. In fact, she's the head of your fans club here in the Philippines. She was hoping you'd come to the party. But since you do not want to reveal yourself, baka puwedeng magpakilala ka na lang na someone else. Basta the most important is that she got to spend time with you." "Eh di ganun din, Dom. I will still work?" Sumimangot siya. "I get it." Pinisil ni Dominique ang pisngi niya na tila naku-kyutan sa kniya. "Pero kahit few minutes lang. I just want her to have a special memory with you. Aalis na kasi siya soon and baka hindi na kami magkita before she leaves for the US. Magma-masters kasi siya doon. This moment with you will be my going away or bon voyage gift for her... Pi-picturan ko kayo then, done na. You can chill na all night long. Please?" "Okay. Fine." He heaved a heavy breath. Tumalon sa tuwa si Dominique. "Thank you so much, cousin!" She said and hugged him before feeling his shoulders and arms. "Ooh! Parang ang tigas na ng bodeeeh ng pinsan ko ah? Yummylicious na telege!" She teased. "Dom!" Sita niya. "Let's just get this task that you're asking me to do, over and done with." He said annoyed. "Oo na! Suplado! Hmp! Kung alam lang ng mga fans mo na masungit ka..." hirit ni Dominique. "Tsk! Kuleeet!" Piningot niya sa ilong si Dominique. "Ouch!" Reklamo nito at hinampas siya sa braso. Napatawa naman siya at naalala ang mga panahon na mahilig silang magharutan ni Dominique nung bata pa sila. This was one part that thankfully did not change after he left for training. "Gawin na natin yung request mo para makapag chill-chill na ako, ok?" "Wait lang ha? I'll just look for her. The last time kasi that I saw her, she took a bottle of wine from Dad's wine cabinet. Nagdadrama kasi disbanded na daw ang Infin8." Nagmabilis maglakad si Dom para hanapin ang best friend nitong si Kitkat. "Diehard fan ba namin siya?" pahabol tanong niya. "Yes, especially you, cousin." *** Kiara "Kitkat Delano Romualdez! I can’t believe you spent your allowance again just to book a suite and for what? A boyband idol? Ano bang nangyayari sa iyo bata ka?" sermon ng kaniyang ina sa mobile phone. "Mommy, end na naman po ng semester. Graduate na po ako. At saka ipon ko po iyon." She tried to explain. Pinilit niyang huwag mag-slur ang kaniyang pagsasalita upang hindi siya mahalata ng ina na tipsy na siya. Paano naman ay kanina pa siya umiinom ng wine. Inangkin na nga niya ang bote ng mamhaling wine na kinuha niya sa wine cellar ng bahay nila Dominique. She would usually ask permission first from Dominique before she would use anything that was not hers. But today she was feeling rebellious, disappointed, and defeated. Alam niyang mali na magtampo kay Dominique ngunit hindi niya kasi mawari kung kanino ba ibabaling ang disappoint. Kay GP ba o sa pinsan nito at best friend niyang si Dominique? She also felt defeated. Titigilan na ba niya ang kahibangan niya katulad ng payo ng kaniyang ina? Push pa ba natin ghorl kahit na sinasabi na circumstances na wala na talagang chance? Inaasahan niya kasi na maiimbitahan ng kaniyang best friend si GP, ngunit hindi daw ito makakapunta dahil sa jetlag. "Mom, dapat nga matuwa pa po kayo kasi mas maliit ang gastos ko po ngayon. Hindi na po ako natuloy bumili ng ticket going to Korea. Hindi na din po ako natuloy bumili ng ticket to watch Infin8's concert, because..." napahikbi siya. "They called off their concert... they disbanded after GP got hospitalized." She felt devastated. "It made the older members realized that they need to stop and rest! For how long? No one knows! Not even the management! It's depressing, Mom! What if final na ito? I just wanted to see him." Naiiyak niyang paliwanag sa ina. "Hay, Kitkat! Itigil mo na yang kahibangan mo sa boyband na yan at mag-masters ka sa US! Hindi ko maintindihan yang depression na pinagdadaanan mo dahil lang nag-disband na yang grupong iyan! You're wasting your life over those people that are milking you of your allowance--" "Savings po, Mom..." malungkot niyang pagtama. "And they were not milking me or anyone from the soldiers fan club." Buntong hininga niya. "It was our way of supporting them." Hikbi niya. " kase mahal namin sila...Huhuhu!" " Your savings came from your allowance that came from our hardearned money!" Naiinis na sagot ng kanyang ina. "Mom, hindi mo po maiintidihan kasi hindi ka soldier..." she felt frustrated. "A what now?" naguluhan ang kaniyang ina sa sinabi niya. "Basta, Mom, uuwi naman po ako bukas sa Tolosa." Gusto na niya tapusin ang pag-uusap nila ng kanyang ina upang mapagpatuloy na niya ang kaniyang pagluluksa. "I just learned na bumalik na si GP dito sa Philippines kaya sinubukan ko lang po na makita siya in person. Kahit from afar lang...kahit abot tanaw ko lang..." she reached out for the star in the sky. "Sinubukan o ginastusan? My goodness Kiara Mayumi! Suite talaga? You didn't even stay in that suite! Instead, you roamed around the hotel kaya tuloy napagkamalan ka na may balak kang masama...and what's worse nag-create ka pa ng gulo doon dahil nagpupumilit gumaya sa iyo yung ibang fans ng GP na yon sa hotel!" "Eh, Mom, hindi ko po kasi sila mapigilan dahil ako ang Philippine General ng fan club namin." "Ay, pisti! Ang alam ko lang Philippine General Hospital. Hay! Mauubusan ako ng dugo sa iyo! Pag nalaman pa yan ng Dada mo, magagalit sa iyo yon." Banta ng kaniyang ina. "Mom, alam mo naman na hindi totoo yan kasi pamangkin ni Uncle Pyke si GP. And Uncle Pyke and Dada are super close. At saka diba , there was once in your life that you had a thing for GP's father? So I'm expecting that between you and Dada, you would know how I feel for GP more. After all, he's got his father's genes. Malay mo naman Mom, kung di natuloy ang love story niyo ni Father-in-law Gerard Ponce, at yung love story ni Dada and mom ni GP na si Mother-in-law Shayla Pontes-Ponce, kami pala ni GP ang magkakatuluyan!" " Wag mo nga mababanggit yan, Kitkat! Baka marinig ni Dominique. Nakakahiya!" Sita ng kaniyang ina. "Sus, mother, she knows that you and Dada are so in love with each other. And past is past. Pero kami ni GP...hinde pa po..." "Kumekerengkeng ka na naman sa imaginary dream guy mo, anak! Malala na yan! Umuwi ka na dito!" Utos ng kaniyang ina. "Opo, Mom. Babbbbbye! Love youuuu. See you tomorrow at lunch time." Pagtatapos nila ng paguusap. She sighed and turned to drink by herself as she looked at the stars when she heard some of her friends singing at the video area. And they were singing the song that was her all-time favorite na 'Last Chance' by Allure. Habang nasa swing ay nakisabay siya sa kanta, kahit tila ba pakiramdam niya ay may nanonood sa kaniya. Napalinga siya sa paligid ngunit madilim. At wala naman siyang paki-alam kung mukha siyang katawa tawa sa mata ng iba. Alam naman ng lahat ng kaibigan at mga kakilala niya na die-hard fan siya ni GP. Pati nga sa t****k ineedit niya ang mga photos niya para mag-imagine na sila na ni GP. "Hay Lord! This is my last chance na makita si GP bago ako umuwi ng Tolosa for vacation. And then papadala na ako ng magulang ko sa Amerika. Sabi ni Dom papupuntahin niya dito si GP. Pero pa-hopia naman itong si Dom! May jetlag daw? Huhu!" Malungkot niyang sambit habang tuloy sa pag inom ng wine at akap ang isang bote para mag re-fill. Mag isa siyang umiinom sa may swing. "Sis?" Tawag sa kaniya ni Dominique. Batid niyang kanina pa siya hinahanap nito, ngunit ayaw niyang makipag usap dito dahil nagtatampo siya sa kaniyang best friend. "Sis!" Ulit ni Dominique. Hindi niya iyon sinagot. Naramdaman na lang niya na tinapik siya nito sa braso. "Sis! Lasing ka na ba? Umayos ka nga!" Pasimpleng bulong nito sa kaniya. "May ipapakilala ako sayo! Matutuwa ka!" Excited na sabi pa nito. "Si GP ba yan?" matabang niyang tanong. Sumilip siya sa bandang likuran ni Dominique at nakita ang isang lalaki na naka- hoodie at makapal na glasses. Sinipat niya ito from head to foot and did not react. Bumaling siya kay Dominique. "Tingin ko naman guwapo yang friend mo."Pasuplada niyang sabi. "Pero sis naman... alam mo naman si GP lang ang gusto ko. Wala ng iba!" "Sis, makikipagkuwentuhan lang naman yung pinsan ko sa'yo. Choosy ka pa? Ha? Umayos ka nga! Pagkakataon mo na! Ngayon ka pa talaga mawawala sa tamang wisyo? Aysus! Akin na nga yang hawak mong bote." Mahina ang boses nito ngunit pansin niyang parang kinukumbinsi siya nito na hindi niya mawari. "Uhm... Gavin? Meet Kitkat. Kitkat si G...Gp-Gavin, pinsan ko!" Tila may gusto ipahiwatig sa kaniya si Dominique ngunit hindi niya tiyak dahil lasing na siya. Ang naintindihan lamang niya ay pinakilala ni Dominique sa kaniya ang pinsan na si Gavin. Hindi na siguro gumagana ang isip niya pero natitiyak niyang walang ibang pinsan si Dominique na nagngangalang Gavin. Lasheng ka na kasi, ghorl! Paalala niya sa sarili. Ito naman si Dominique ay halos itulak siya papunta sa pinsan na naka-hoodie at hindi halos makita ang mukha sa dilim. Tila mahiyain ito. Ang tangi lamang niyang naaninag ay ang mala-goggles nitong salamin sa mata. "Nice meeting you, Kuya." She extended her hand and shook his hand. "Pardon me Kuya ha but siguro mataas ang grado ng mata mo 'no? Bakit hindi ka kaya magcontact lense? Si GP ko nagko-contact lenses kasi mataas yung grado ng mata niya." Tuloy-tuloy niyang daldal. "GP mo?" Yun ang unang binitawan salita ni Gavin. Tila pamilyar ang boses nito para sa kaniya. Kahimig ng boses ni Gavin si GP. Pero ano pa ba ang maasahan niya eh malamang naman na ka-DNA ni GP sina Dominique at Gavin? Napaisip siya kung ito ba ang dahil kaya siya tila parang nirereto ni Dominique sa bagong dating na si Gavin? Regardless, Gavin is still not GP. So, no! Don't like it! X mark! "Oo, GP ko." Tugon niya. "Bakit, Kuya? Gusto mo din ba siya? Don't worry. Hindi naman ako makikipag-agawan. In fact, I want to let go na." Napapahikbi niyang sambit. "Pero kapag naiisip ko siya... bumabalik yung feelings ko. Shocks! Nababaliw na ako! Huhu!" Napahawak siya sa ulo niya. "Pero alam mo... pinakabagay na contact lense sa kaniya... gray. Ang pogiiiii!" Kinilikilig pa niyang sabi. "Sarap i-rape nung abs! 1-2-3-4-5-6-7-9!" Bilang pa niya sa kamay. "Ay, hindi yata pantay. 8 yata yung pandesal niya.... yung isa yung tootoot! Shhhhh! Bawal yun! Mahalay yun! Bad ka!" "Lasing ka na, Kiara Mayumi!" Sita ni Dominique. Tinakpan nito ang bibig niya. "Sis, dalagang Pilipina tayo." Paalala pa nito. "Okay, okay. Sorry. Sareeeh!" Natatawa niyang sabi. "Bakit nga pala naka-jacket ka? Malamig ba?" tanong pa niya. "May athritis ka ba? Ako nga eh naka-spaghetti strap, o? Kasi ang init. Namamawis na nga kili kili ko. Tingnan mo?" itinaas ni Kitkat ang kamay upang ipakita ang kili kili niya papalapit kay Gavin. "Get a hold of yourself, Sis!" Hila ni Dominique sa kaniya. Natawa naman siya. "Baket? Mabango naman kili kili ko ah? Nag-deodorant kaya ako. Saka maputi yan no! Muntik na nga ako maging commercial model ng deodorant, no!" Aniya. "Baba mo na yang kamay mo." Inabot ni Dominique ang kamay niya upang ibaba, at pinapuwesto siya malapit kay Gavin. "Magpicture taking na kayo ng matapos na ito." "Game!" Aniya saka nag-Sailor Moon posing. Si Gavin naman ay bahagyang naka-distansya sa kaniya at tila naaliw na panoorin siya. "Hello! Nandidiri ka ba sa akin? Lumapit ka kaya?" Aniya saka pagewang gewang siyang lumapit kay Gavin. "Come to Mama!" Aniya saka niyapos si Gavin na parang baby at itinaoat pa sa dibdib niya. Agad namang hinawakan ni Gavin ang hoodie nito habang pinipikturan sila ni Dominique. "Okay, smile!" Ani Dominique. " Kunwari Sis si Gavin si GP. Pose na!" "Kunwari si GP?" nasambit niya at hinarap si Gavin. "GP..." nasambit niya saka pinakawalan ang nararamdaman. " I love you, GP!!! Marry me! Woooooh!" Sigaw niya saka inangkla ang mga braso kay Gavin. "Naku, lasing na lasing na ito! Hindi naman usually ganyan si Kitkat. Pag nalalasing lang nagpropose kay imaginary GP na paksalan na siya." Paliwanag ni Dominque kay Gavin. Bumaling ito sa kaniya. "Tara, Sis. Mag sleep over ka na dito sa bahay." Anito. Kinuha nito ang goblet at bote na nasa damuhan malapit sa swing, at humingi ng tulong kay Gavin na alalayan siya maglakad patungo sa loob ng mansion. As they passed by the pool, Dominique heard broken glasses. "Hey! Inom lang. Walang basagan ng mga goblets!" Paalala ni Dominique. Ngunit tila may nagaaway na sa mga lasing na bisita nito. "Wait cousin. Puntahan ko lang yung mga nagkukumpulan group don. Pakidala na si Kitkat sa guest room." "Okay, pero after I leave her sa room, aalis na ako ah? Sorry. " "Yes. Sure. Sorry din ha kasi hindi ka nakapag enjoy at chill here." May naka-pansin sa kanila ng mga kaibigang lalaki at nag-volunteer na kargahin na siya sa loob ng bahay. Ngunit tumanggi si Dominique. "Bakit mo tinanggihan, Dom? Sila na kaya ang bumuhat dito sa best friend mo." "Those boys, I cannot trust with my bff here especially at her state na parang lahat ng lalaki ang tingin niya si 'GP' sila. They might take advantage of her when I'm not around. But you... I know you'll take care of her. "Nagmamadaling lumakad papalayo si Dominique. Siya naman ay umiikot ang paligid. "Kaya ko naman. I can manage, Kuya." Aniya nang muntik na siyang sumubsob. "Kitkat, ok ka lang?" Tanong ni Gavin sa kaniya at kinarga na siya. Hindi niya sinasadyang mapahilig sa may bandang kuwelyo ni Gavin at naamoy niya ang pabango nito. "Bvlgari Omnia Paraiba..." nasambit niya. "Ganyan ang ginagamit na pabango ng Love ko." Kilig niyang sinabi. Napangiti si Gavin at napatigil sa paglalakad. "Pareho pala kami ng favorite perfume kung sino mam yung love mo." Tipid na sagot ni Gavin. "Idol mo din ba yung Love ko kaya ginagaya mo yung pabango niya?" Tanong naman niya. "Personal choice ko lang. Wala akong ginagayang idol." Ani Gavin at ipinasok na siya sa guest room. "Maupo ka muna. I'll just get you coffee and water." "Merci! Gracias! Grazie!" She said in French, Spanish, and Italian. "De rien! De nada! Di niente...Prego..." kibit balikat na sagot ni Gavin sa kaniya. "Huwwaaaaw! Sei come il mio migliore amico Kit!" Humilata siya sa kama at sinalat ang kalambutan ng bed sheet. She did not mind that she might appear to be seducing the man by watching her. "Oooh! Soft!" She moaned as she let her hands caress the soft fabric of the bed sheet. Hindi na niya inalintana kung naka-angat na ang kaniyang damit at kita na ang kaniyang black underwear at mga hita. Bahagyang napatalikod si Gavin at tila nataranta. "You mean I am like your male friend named Kit?" "Yes, he's so intelligent he can speak different languages." She felt proud of her best friend whom she hadn't seen for almost four years because she left Italy to study here in the Philippines. "I'm just going out to get you coffee." Sabi ni Gavin na tila hindi interesado sa kaniyang kuwento. Nang bumalik ito ay may dala na itong tubig at pinainom siya. "Sorry, I couldnt find where to get coffee. But water should help you hydrate so that you won't have hangover tomorrow." Anito. Kumuha pa ito ng kumot upang takpan ang kaniyang bewang pababa. "Aww! Gavin, you're such a gentle man. Merci, monsieur!" Natatawa niyang sambit at muling humiga sa kama kahit tila nagro-rollercoaster ride ang pakiramdam niya. Napansin niyang binuksan ni Gavin ang air con. Siya naman ay napansin ang alak sa may wine cellar sa loob ng mala-suite na kuwarto. Hindi napansin ni Gavin na pagewang gewang siyang tumungo sa wine bar. Tamang tama na bukas na ang wine kaya hindi na mahirap para makainom siya ng direkta sa bote. "Hey!" Narinig niyang sita ni Gavin at kinuha sa kaniya ang alak. "Tama na Kitkat. Bakit ka ba naglalasing?" She sensed concern in his voice, and she disturbingly found it soothing. "Because...I'm grieving." Aniya habang pagewang gewang na naglakad pabalik ng kama at muling humiga na parang sirena. Inangat pa niya ang suot na bistida para makaramdam ng hangin sa kaniyang nga hita mula sa air con. "Why? Kaya ka ba naka itim ngayon?" tanong ni Gavin sa kaniya na tila hindi makapaniwala. "Yes!" Sinipa niya ang kumot papalayo sa kaniyang mga paa at gusto niyang tumayo ngunit nahihilo siya. Lumapit si Gavin at muling tinakpan ang mga hita niya ng kumot. "Yes. Im grieving dahil disbanded na ang Infin8 bago pa ako nagkaroon ng pagkakataon na makapila at makapagpa-pirma ng autograph nilang lahat!" Aniya. Tahimik na nakinig sa kaniya si Gavin. "Shet! Ang tagal ko nag-ipon para sa trip ko to South Korea just to see their concert, but they disbanded! Naisip ko, okay lang kahit hindi na lahat, basta si GP na lang. Kahit si GP na lang!" She said and felt awkward admitting that to Gavin who was definitely related to GP. She grabbed the bottle from Gavin and drank from it, but Gavin took it again from her. "You know, it's better to express how you feel than drown yourself with this." Anito, ngunit ito naman ang uminom sa bote. Napasimangot siya sa sinabi nito. "Wow! How about you walk your talk?" Sabi niya at sinubukan kunin ang bote kay Gavin, ngunit hindi na siya pinayagan nito. She slouched from the bed and looked at the ceiling. Umiikot na ang kaniyang pangingin. "I tried everything as in all the means possible... but I failed!" Naiiyak niyang tinakpan ang mukha at nahiga. "Failed what?" Tanong ni Gavin. "I didn't get to meet my Love..." "Your Love? You mean Infin8?" "Not just Infin8. Bonus na sa akin kung makita ko silang lahat. Pero...pero si GP! Siya yung pinaka-love ko sa kanilang lahat! Lahat na ginawa ko para mapansin niya ako. Nagtayo ako ng fans club dito sa Pilipinas. Ako ang President/ General ng mga soldiers. Nagpapa- event ako... nqgre-raise ng funds para sa grupo...because of him!" She screamed in frustration. " My gahd! I saved my allowance to buy tickets and go whichever country he and Infin8 was, but never... never had the chance just to even see him close...touch his hand just like their other fans... tapos ngayon disbanded na sila!" She pounced on the bed. "Nagpamantra -mantra pa ako!"Inis niyang sabi. "Huwag ka magalala makukuha rin kita... makukuha rin kita...GP..." sa sarili niyang kanta ay tila nahele siya at nakatulog."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD