Kiara
Kitkat couldn't stop worrying because she overheard that Gab's dad was engaged on the phone and mentioned her father's name--- Utt Romualdez.
Nakahara man ang cubicle curtain divider mula sa kaniyang kama, sigurado niyang ang boses na naririnig niyang nagsambit ng pangalan ng kaniyang ama ay si Gerard Ponce.
"Utt Romualdez is Kitkat's father? I don't understand! Why would Utt allow Kitkat to work as a caretaker or helper at Gab's condo?" She heard Gerard say, which made her more tense.
Marahil ay sinubukan nitong tawagan si Dominique, bilang ito ang pangalan at numero na nilagay niya sa contact person in case of emergency sa data sheet. Sinadya niya talagang ilagay ang numero ni Dominique dahil natitiyak niyang out of reach ngayon ang best friend niya. Hindi ito makokontak at walang ibang matatawagan na numero kungdi kay Gab lamang. Ngunit, hindi niya naisip na baka ang ama ni Dominique ang tatawagan ni Gerard Ponce, dahil mag-pinsan ang mga ito. Batid niyang concerned lamang si Gerard Ponce sa kaniya, kaya ito tumawag kay Pyke Ponce na ama ni Dominique.
Dada and Mom might find out about my pregnancy! What should I do?
Kinakabahan siya kaya mas lalo pa tuloy siyang nagkakaroon ng contraction. She tried to relax and tried to dial Gab's number.
Gab answered immediately. "Love, are you okay?" she heard the worry in Gab's voice.
Sa pagkarinig pa lang sa boses ni Gab ay nakaramdam na siya ng comfort knowing that kakampi niya si Gab, at alam niyang naiintindihan ni Gab ang takot na nararamdaman niya.
"Love, come quickly..." napapahikbi siya. " Yung baby natin... tapos yung Dad mo... baka tinawagan niya sila Tito Pyke... baka tawagan ni Tito Pyke yung parents ko... hindi nila puwede malaman..." napapahikbi niyang sabi dito.
"Okay, Love. Calm down. I will call Dad now and tell him not to inform any of your family."
"Yes please... and please come quickly." Pakiusap niya habang naiiyak.
"Love, I am driving as fast as I can. Please relax for our baby's sake." Malambing na pakiusap ni Gab sa kaniya. "Breathe in... breathe out..."
Gab's voice comforted her, and she tried to relax.
"Are you trying to relax?" he gently inquired.
"Y-yes..." hikbi niya. Naalala niya na napa-hikbi siya ng ganito noong bata pa siya at takot na takot. Ang magulang niya ang nag-comfort sa kaniya at nakaramdam siya ng security at safety.
Nami-miss niya tuloy ang magulang, ngunit hindi siya maka-hingi ng tulong sa mga iyon ngayon dahil sila ang pinagtataguan niya. Masakit man para sa kaniya ang maglihim sa mga ito, hindi pa siya handa na makita sila, marinig ang masasakit na sermon nila na tiyak naman niyang para sa ikabubuti niya, at ayaw pa din niyang makita ang mga ito dahil tiyak din niyang kapag inutos ng mga ito na makipag-hiwalay kay Gab ay may posibilidad na sumunod siya sa mga ito, kahit labag man sa loob niya.
"Love, hindi ka pa nagre-relax. Tahan na, okay? " malambing na sabi ni Gab sa kaniya.
"Okay..." she nodded her head as if Gab was just in front of her. "I love you, Gab." Aniya.
"I love you too, Kitkat. Everything's going to be okay." He assured, her but she heard a screeching sound at the other end of the line, and it seemed something slammed so hard.
"L-Love? What was that?" she asked but Gab was not responding. She could only hear people asking for help. "Love? What's happening? Are you okay?" natatakot na siya sa hindi pag-sagot ni Gab.
She tried to dial his number again, but he wasn't answering.
Pinilit niyang tumayo mula sa hospital bed, at lumakad papunta sa kortina ng ER cubicle, upang puntahan ang Dad ni Gab. Napatigil siya saglit nang maramdaman ang pagkirot ng kaniyang puson, kaya naman pinilit niyang huminahon.
"Walang nangyaring masama kay GP." She said to herself and tried to breathe in and out. "Walk slowly and just ask to be sure. Walk slowly." She reminded herself.
Maingat na hinakbang ni Kitkat ang mga paa palabas ng cubicle, habang nakalapat ang kaniyang mga kamay sa kaniyang puson. Nakita niya ang Dad ni Gab na may kausap sa mobile phone at tila tungkol kay Gab ang pinag-uusapan sa mobile phone.
Hindi pa man nakakatapos makipag-usap sa mobile phone si Gerard Ponce ay lumapit na siya dito. Napatingin ito sa kaniya na may lungkot ang mga mata. Gusto na sana niya mag-usisa, ngunit naramdaman niya na may humawak sa kaniyang braso.
"Ma'am, bawal po kayo tumayo." Paalala ng nurse. "Kailangan niyo pong bumalik sa bed." Tinuro nito ang wheelchair na dala nito upang paupuin siya dito. "Dapat po naka-bed rest po kayo. Bawal tumayo o maglakad. Maupo na po kayo dito at dadalin ko kayo sa bed niyo."
Sumunod siya sa nurse na inalalayan siyang umopo.
"Pero teka lang, nurse, I just need to talk to him." She referred to Gerard Ponce. Pumayag naman ang nurse dahil naka-upo na siya sa wheelchair.
Malungkot na nakatingin si Gerard sa kaniya habang nakikinig sa kausap nito sa phone, at halata sa Adam's apple nito na napalunok ito at nagbaba ng tingin ng mata.
"Sir, I'm sorry to disturb you. May nangyari po ba kay Gab?" naiiyak niyang tanong.
"Gab got into a car accident." Malungkot nitong balita matapos makipag-usap sa mobile phone. "I have to attend to him, Kitkat..." he informed her.
"Yes, please po. Puwede po ba ako sumama sa inyo?" Aniya.
The doctor approached them. "I'm afraid that's not possible, Ms. Romualdez. Makakasama na matagtag ka. You are having threatened abortion. Maari pong malaglagan kayo ng dinadala niyo sa sinapupunan kung hindi natin ito maagapan."
Lalo siyang kinabahan sa pagkarinig ng abortion at napatingin sa duktor.
"Yung tatay po kasi ng anak ko naaksidente po..." sinubukan niyang ipaliwanag habang nanlulumo at nanghihina. "Kailangan ko po siyang puntahan..." naiyak na siya ng tuluyan at tinakpan ang kaniyang mukha sa magkahalong emosyon, at sa hiya niya na narinig ni Gerard ang pag-amin niya.
"Hindi ka puwede mag-travel Kitkat. Masama para sa'yo." Payo ni Gerard "I have also called your Tito Pyke and Tita Rori to attend to you because I have to go to Gab. Your Tito Pyke decided it was best to let your parents know about your situation. They'll be here via helicopter with your parents." malungkot na sinabi ni Gerard. "I'm sorry. Gab told me earlier not to tell anyone about your condition. However, with the situation now... I'm worried to leave you here by yourself, but I also have to go to Gab. I hope you understand."
"Naiintindihan ko po," naiiyak niyang tugon. "Hihintayin ko na lang po sila, Sir." Nahihiya niyang sagot. "P-pero si Gab po? Can I please know how he is?"
Napabuntong hininga si Gerard. "Gab had head trauma, but I am not sure how severe. The helicopter ambulance is on its way to bring him to a hospital with complete facility for assessment and immediate treatment."
Napatakip siya ng mukha at napahagulgol. Hinimas ng nurse ang kaniyang likod at pinaalalang makakasama iyon sa kaniya.
Gerard knelt down to see her eye to eye. "Anak, lakasan mo ang loob mo at magdasal para sa kaligtasan ni Gab. Subukan mong pakalmahin angiyong sarili para sa baby niyo. Para sa apo ko." He softly advised.
Gab's dad is treating me like his daughter. And he treats my child as his grandchild.
Ibinaba niya ang kaniyang mga kamay upang tingnan si Gerard. The welcoming words he said comforted her and gave her a glint of hope that everything was going to be fine.
Her throat felt coarse and dry, but she managed to respond. "Thank you, Sir. May I call you po to check on Gab?" she pleaded.
"Of course, iha." Tugon ni Gerard at hinawakan ang kaniyang kama. "I assure you that I will update you about Gab's condition." He said and stood up to talk to the doctor and nurse. He said he was going to leave one of his bodyguards to assist her while waiting for the arrival of her guardians; and that they must get her a suite, charged to his account.
"Thank you, Mr. Ponce. We're sorry about what happened to GP, and if there's any help needed, we are ready here in Makati Med." Offer ng doctor.
"Thank you," Gerard responded, before turning to her. "Kitkat, anak, I have to go." Paalam nito sa kaniya. "Please relax. I'll make sure Gab will be okay so that we can talk again soon about you, Gab, and my grandchild." He smiled.
Batid niya sa ngiti ni Gerard na tinatago nito ang pag-aalala, para sa kapakanan niya.
Hindi siya kaagad nakapagsalita dahil nahihiya siyang naririnig ng duktor at nurse na kasama nila ang kanilang pinagusapan.
It seemed that Gerard understood and turned to the doctor and nurse. "Doc, I know that the hospital protects the patient's privacy here, right? This is a sensitive issue within our family, and I hope this be kept ultra-confidential."
"Yes, Sir. Makakaasa po kayo na hindi po makakalabas ito sa publiko." Ani ng doktor.
"Salamat," Gerard said and looked at her. "Kitkat, take care, anak." He reminded again before he walked away.
Napagtanto niyang tunay ngang mabait ang ama ni Gab. Naalala pa nga niya ang napag-usapan nila noon ni Gab tungkol sa kabaitan ng ama.
Gab placed his arm around her and pulled the blanket to cover her shivering body.
"Do you think your parents will accept our situation, Love? Will they accept our baby, especially that I'm the daughter of Utt and Katniss Romualdez? " nahihiya niyang tanong kay Gab.
"What's wrong about you being the daughter of your parents?"
"Well... kasi... uhm... my Dad was first to fall in love with your Mom. Then, your Dad married your Mom. Then, my Mom fell in love with your Dad when she was working as a campaign manager for your Dad. And then, my Dad and Mom met and they fell in love..."
Napangiti si Gab sa kuwento niya. "They've got a crazy but cute love story, don't you think? Fate has a way of making lives more entertaining with twists and turns..."
"Yeah, and now, here we are. The kids of our parents having a baby..." she sighed. "I don't know if I will feel happy or scared. I feel like we're in trouble..." she confessed.
"Don't be, Love. Between us, I'm the one who is in trouble and yet I'm not scared."
Napaangat ng ulo si Kitkat at hinarap si Gab. "Lagot ka ba sa Dad mo? " nag-aalala niyang tanong.
"Lagot, yes. Lagot ako sa Dad mo!" Natatawa nitong sabi sa kaniya. "At sa mga kapatid mong lalake." He hugged her. "Pagtanggol mo ako ah?" Lambing pa niya.
"Ako din, pagtanggol mo ako sa Dad and Mom mo ha?" hirit niya.
"Wala kang magiging problema sa magiging in-laws mo." He said that made her heart smile. "Mabait sila. Ako ang lagot... sa Dad ko. Kasi, hindi na nga ako nakatapos ng pag-aaral tapos malalaman niya magiging tatay na din ako. Pero mabait si Dad. Ako lang talaga ang sensitive at matigas ang ulo." Pag-amin ni Gab sa kaniya. "Ngayon na magiging Dad na rin ako, I've realized what Dad meant when he said he only cares about my welfare. And I want to be as good as a Dad as my father is." He admitted.
Napangiti si Katniss sa sinabi ni Gab because she felt that he was truly preparing himself to be a good father. It meant a lot to her.
The nurse did not bring her back to the cubicle. Instead, she was advised that she would be transferred to the suite as instructed by Gerard Ponce.
As she was transferred to the suite, she immediately used the remote control to turn the tv on. She hoped that she would find any news about Gab's situation.
To her shock, there was a media coverage of the car crash. Bumangga pala ang sasakyan ni Gab sa isang puno, samantalang may mga nakakalat na mga gulay sa isang kariton. It seemed iniwasan ni Gab ang tumatawid na kariton ng gulay sa highway. Mabilis kaagad kumalat ang nangyari kay Gab sa buong local and international news dahil sa pagiging miyembro nito ng international boyband na Infin8.
Nakuhaan din si Gab na inilalagay sa stretcher at duguan ang mukha. Sinabi ng reporter sa balita na kinuha si Gab ng helicopter ambulance at dadalin sa isang ospital na may kumpletong facility upang masuri at kung kailangan ay ma-operahan.
"No!" Napahawak siya sa kaniyang mukha at tiyan habang umiiyak. She was stressed out, trying to calm down, held her chest as she had a hard time breathing, and while her abdomen was contracting.
Agad na pumasok ang stationed nurse at pinakakalma siya.
"Nurse, is there a way para malaman kung saan dinala si Gab?"
"You mean po ba si GP of Infin8?" pagklaro ng nurse na tila naiiyak din.
"Oo, siya nga." She nodded her head.
"Hindi po, pero gusto ko din po malaman kasi idol ko po iyon. Grabe po ang pagmamahal ko kay GP ko." Naiiyak na sabi ng nurse.
Si Gab ko yon, 'no! Gusto niyang sabihin pero kinagat na lang niya ang labi at pinilit pakalmahin ang sarili.
Napahigit siya ng hininga sa sinabi ng nurse. Gustuhin man niyang maki-sympatiya sa nurse bilang fan ito ni Gab, ngayon lang niya na-realize na nagseselos na rin siya dahil maraming gustong umako na sa kanila si GP.
Ipinakita sa news ang mga nagi-iyakan na mga fans, at ang iba pa nga ay nagsasabing mahal nila si GP at sa kanila si GP.
Napahiga siya sa stress sa mga nangyayari. It was expected that GP's fans would be affected like this, and it was also expected that there would be fans claiming ownership of GP, like her. She even recalled being one with the fans, a.k.a Infin8 soldiers, as they wore t-shirts asking their idol to marry them.
Napansin niya sa news sa TV na nire-report kung bakit daw na aksidente si GP. Napabalitang mabilis ang takbo ng sasakyan nito dahil nagmamadali itong pumunta sa ospital dahil nakunan ang babaeng aksidenteng nabuntis ni GP dito sa Pilipinas.
Napabuka ang bibig niya at namula. Ang nurse naman na kasama niya ay tumingin sa kaniya ng masama.
"Ikaw iyon ano, Ma'am?" Matalim na titig sa kaniya ng nurse. "Ikaw ang may kasalanan kung bakit nabangga si GP ko?" naiiyak na sabi nito at iniwanan siya sa kuwarto.
Lalo niyang naramdaman ang kaniyang contraction. Mabuti na lang at may pumasok kaya humingi siya ng tulong, ngunit napatulala siya ng makita na pumasok ang magulang ni Dominque at ang kaniyang magulang. Bakas sa mga mukha nito ang paga-alala para sa kaniya.
Napaiyak na siya at napatingin pababa.
"I'm sorry, Dada and Mommy..." she humbly bowed down.
"Baby," mabilis na binagtas ng kaniyang amang si Utt ang pagitan nito sa kaniya at niyakap siya. Yumakap na din siya sa kaniyang ama at humagulgol.
Hindi kaagad nakalapit ang kaniyang mommy dahil kausap nito si Richard na kanilang driver. Inirereport nito na may mga tao daw na nagpupuntahan sa ospital at sinasabing kasalanan ni Kitkat ang nangyari kay GP.
"Sorry po sa abalang nagawa ko po..." iyak niya.
"Wala kaming gusto kungdi ikakabuti mo at kaligtasan mo anak." Naiiyak na sambit ni Utt. "Please anak sumunod ka naman sa amin ng Mommy mo..."
Ang kaniyang Tito Pyke naman ay nilakasan ang news sa tv upang malaman kung ano ang sinasabi sa balita. Ipinakita sa news ang photo niya na nakasuot ng "Marry me, GP" shirt at ngiting ngiti. Sinabi sa news ang tungkol sa background niya na anak siya ng isang shipping tycoon sa Pilipinas. Tila sinasabi sa balita na nag-iisang anak siyang babae kaya spoiled brat siya. Ipinakita din doon ang video nila ni GP na yakap siya nito habang nakahiga sa kalsada dahil iniligtas siya nito noon sa muntik nitong pagkabangga sa kalye. Tila sinasabi naman ng reporter na may suicidal tendencies siya, making it appear that GP was a hero. Ipinakita pa sa interview na nag- waitress siya sa isang posh restaurant at sinabing nagta-trabaho siya noon sa lugar na iyon upang hindi malaman ng magulang ang plano niyang pag-abort ng pinagbubuntis niya. It sounded like she was obsessed with GP, a disobedient daughter, wild, and seduced GP that was why she became pregnant, and now she planned to abort their baby that was why GP was rushing to stop her.
"We will go to Italy as soon as your condition is stable anak." Garalgal na sabi ng kaniyang ama habang yakap siya ng mahigpit. She felt that her father was being protective of her.
Ngayon lang niya nakita ang isang side ng ama na ganito kaya nanlambot ang kaniyang puso. Gusto niyang sumunod sa magulang ngunit ibig sabihin ng kaniyang pag-alis ay mapapahiwalay siya kay Gab.
"I'm sorry, Dad. I can't go to Italy." Tanggi niya. "Si Gab... paano si Gab?" naiiyak niyang sabi, nang biglang nabasag ang salamin ng kaniyang bintana na ikinagulat nilang lahat.
Pinrotektahan siya ng kaniyang ama sa maaring tumalsik na bubog.
"Anak, GP's fans are starting to gather here in the hospital in anger. Sinisisi ka nila sa nangyari kay GP. We want you to be away from all of these. Hindi makakabuti sa'yo at sa baby niyo." Mahinahong paliwanag ng kaniyang Mommy sa kaniya.
Napatingin siya sa magulang ni Dominique na tila sumasang-ayon sa desisyon ng kaniyang magulang.
"Gab..." she whispered as tears fell from her eyes.
***
Gabriel
Gab answered Kitkat's call immediately.
"Love, are you okay?" nagalala niyang tanong kay Kitkat. Halos nakalimutan na nga niyang huminga sa takot na makarinig ng masamang balita.
"Love, come quickly..." narinig niyang humihibi si Kitkat. " Yung baby natin... tapos yung Dad mo... baka tinawagan niya sila Tito Pyke... baka tawagan ni Tito Pyke yung parents ko... hindi nila puwede malaman..." nanginginig ang boses ni Kitkat. Alam niyang takot na takot ito.
My love... His heart wanted to leap out of his chest and wanted to go to Kitkat. He wanted to touch her, comfort her, kiss her already.
Pinilit niyang pakalmahin ang sarili, at mag-focus sa pagda-drive habang kausap ang pinaka-importanteng tao sa kaniya.
"Okay, Love. Calm down. I will call Dad now and tell him not to inform any of your family." He assured her.
Nagkaka-chest spasm ako dahil ayokong umiiyak ka... Please don't cry anymore, Love. It makes me panic that I want to fly there already to be with you.
"Yes please... and please come quickly." Mahinang pakiusap ni Kitkat habang humihikbi.
"Love, I am driving as fast as I can. Please relax for our baby's sake." Masuyo niyang pakiusap kay Kitkat. "Breathe in... breathe out..." he tried to guide her.
Hindi sumagot si Kitkat ngunit naririnig niya na ang paghinga nito. It seemed she was following him, and it comforted him to know that she was cooperating with him.
Thank you, Love. We're a team. We will go through this together. I'm here for you.
"Are you trying to relax?" he gently inquired.
"Y-yes..." hikbi nito.
"Love, hindi ka pa nagre-relax. Tahan na, okay? " malambing na sabi niya.
"Okay... I love you, Gab." Sabi ni Kitkat.
"I love you too, Kitkat. Everything's going to be okay." He assured, but as he said those words, he noticed a man crossing the middle of the highway with a vegetable cart.
Gab quickly maneuvered his car away from the man and pressed the breaks to stop, but his speed was too fast to halt immediately. His car slammed on a tree and he hit his head forward.
Saglit siyang nawalan ng malay, ngunit nagising siya nang marinig niya ang boses ni Kitkat.
"L-Love? What was that?" He heard Kitkat on his mobile phone. He knew she was starting to get scared. He tried to reach out for his phone that fell on the floor. However, the movement made him dizzier and he passed out.
He woke up from the sound of a helicopter, and the voices of me trying to ward off swarming people who were screaming his boyband name 'GP'. Those people sounded worried, and some were crying. He knew it was his fans. He wanted to comfort them too and said he was going to be fine. But mostly, he wanted to take advantage of the media coverage hoping it would reach Kitkat to show that he would be fine and not to worry. But he kept passing out.
"Sir, we are going to lift you now." One of the medical staff informed him, as he tried to reach and pull them towards him, while they carried the stretcher inside the helicopter ambulance. "Mr. GP, you must calm down."
"Take me to Makati Med please..." halos pabulong niyang pakiusap, hanggang mawalan siya muli ng malay.
"We're sorry, Sir, but we have to bring you to the nearest hospital and that's St. Luke's. Baka maubusan po kayo ng dugo o mapasama sa inyo lalo kung hindi kayo mate-treat kaagad."
"I need to be with Kitkat, please, Sir." Pakiusap niya at muling nawalan ng malay.
Nagising siya na nasa hospital suite na siya. Naroon ang kaniyang ama sa kaniyang tabi at tulog sa isang couch.
Ang kaniyang ina naman ay tila kakadating lang at nagbibigay ng instructions sa helper kung saan ilalagay ang mga dala nitong pagkain, damit ng kaniyang ama na suit at isang maleta. Tila doon natulog ang kaniyang ama sa kuwarto niya kaya dito na ito maghahanda papunta sa meeting nito ngayon araw na ito.
"Mom," his voice was hoarse.
Agad na napalingon ang kaniyang ina sa kaniyang direksyon. Nagising din ang kaniyang ama at lumapit sa kaniya.
"Bunso!" Lumakad papunta sa kaniya ang kaniyang ina at humawak sa kaniyang kamay na naiiyak.
"Kamusta na nag pakirdam mo, anak? " Tanong naman ng kaniyang ama.
"Thank you, Dad and Mom, for taking care of me, and I'm so sorry to make you worry." Agad niyang sinambit habang naluluha.
Walang sinabi ang kaniyang magulang. Ngumiti lang ang mga ito, ngunit nakita niya ang pagluha ng mga mata nito.
Lalo siya nakaramdam ng awa at pagkakonsensya dahil sa tahimik na sakripisyo ng kaniyang mga magulang para sa kaniya sa kabila ng katigasan ng kaniyang ulo, at ngayon sa inabot ng mga ito na pagaalala at takot. He should have driven safely, but he wanted to be at his location fast because he was also needed there.
"Kitkat!" Nasambit niya. "Dad, Mom...si Kitkat, how is she?" Napa-upo siya at napasapo sa kaniyang ulo na benda. He winced at the pain and heaviness that he felt on his head.
"She's okay, anak." His Dad assured and assisted him to sit up. "So many people want to see you anak." Tila iniba ng kaniyang ama ang usapan. "Bumisita ang mga miyembero ng Infin8 dito sa ospital at nagkagulo ang mga tao. Iba talaga ang presensya ng inyong grupo."
"Are they coming back to visit me?" he inquired. He was happy and humbled by the thought that the Infin8 members came to visit him.
"They are all staying in our rest house right now, and your Uncle Pyke has arranged a vacation tour to Palawan for them to be with you soon when you get discharged here."
He was happy with the news, but the most important news he wanted to ask was about Kitkat.
"How about Kitkat? Have you met her? Has she met them? I'm sure she would be so excited. How about our baby?"
"Kitkat's condition is stable." Sagot ng kaniyang ina. "We've met her, too. She's so beautiful and I like her, son!" His mom warmly expressed.
Ewan ba niya ngunit tila na may hindi sinasabi ang kaniyang ina sa kaniya.
"What is it you're not telling me, Mom?" he asked his mom because he knew his parents will never lie to him. It wasn't their nature to lie.
Napatingin si Shayla sa asawa nitong si Gerard.
Gerard heaved a sigh. "She's with her parents now... in Italy."
"What? She didn't want them to know about her pregnancy!"
"Yes, but things got out of hand. Your Uncle Pyke decided it was best for her parents to know about your condition because we had to attend to you. At that time, your fans were already swarming around Makati Med. They blamed, hated, and bashed her for what happened to you."
Napahilamos siya ng mukha. Alam niyang nangyayar ito sa mundo na kaniyang pinasukan na tila ba paga-ari siya ng lahat.
"Nagalit po ba ang magulang ni Kitkat sa kaniya nang malaman po nila na we're in a relationship and having a baby?" he asked.
"I don't know, son. But your Uncle Pyke told me that her parents informed them that... we lost the baby of our family." Naluhang sabi ni Gerard. "My first grandchild..." humigit ng hininga ang kaniyang ama.
Tuluyan na siyang naiyak. Naawa siya sa anak niya, kay Kitkat, sa kaniyang magulang na tila excited pala sa magiging unang apo sana nila... at sa sarili niya.
Nawalan tayo ng anak, my Love, at ngayon ay magkalayo tayo. Gusto kitang puntahan, Kitkat, kahit nasaan ka pa. Hintayin mo ako. I love you and our baby very much.