Thirteen Part One

4306 Words
Gabriel "Gab, nasa labas lang kami kapag ready ka na." Sabi sa kaniya ni Tata Ed bago ito lumabas ng kaniyang kuwarto sa loob ng hospital suite. He sensed that Tata Ed was feeling uncomfortable. Nag-leak out sa mga media at fans ng Infin8 na ngayon siya lalabas ng ospital. Tata Ed felt tensed knowing that the media and fans had already flocked to the lobby of the hospital, and his responsibility as the main security head was to protect him. He was used to protecting politicians like his father, Gerard Ponce, but he was not used to flocking media and screaming fans. "Tata Ed don't worry. Magpapadala ng back-up ang Royal Entertainment and MM Management Agency." He assured. “Tawagan mo ang dad at mommy mo. Naga-alala sila dahil napapanood nila ngayon sa news na nagdagsaan na ang mga tao sa lobby at sa labas ng ospital." “Opo, Tata Ed. Tatawagan ko lang si Kitkat. Nag-ring yung phone niya, Tata Ed!” Excited pa niyang balita. Napabuntong hininga naman si Tata Ed. “Sige, anak. Sana magkausap kayo.” Anito. Batid niyang malungkot ito dahil hindi ito sang-ayon sa ginawa ni Kitkat na hindi pagkamusta sa kaniya habang siya ay nasa ospital. Naiintindihan niya si Tata Ed, ngunit naiintindihan din niya si Kitkat. Maaring ang dahilan nito kung bakit ito nagpatay ng mobile phone ay dahil sa mga tinatanggap nitong pamba-bash at masasakit na salita sa mga netizens. Gab tried to call Kitkat’s number every day, but it was always out of reach. Days passed that he had been messaging Kitkat through her sss messenger, since she was out of reach, and even though she appeared to be offline in sss messenger. Nawawalan na nga siya ng pag-asa na sasagot si Kitkat, ngunit patuloy pa din ang mensahe niya dito. "Love, I heard the news from Dad and Mom. It's not easy for me to accept that we lost our baby. But I could imagine how it is for you, too. I just want you to know that I am here for you. I love you and miss you." "Good night, love. I hope to hear your voice. Please call me. Or, at least let me know where I can contact you. I love you and miss you." “I had a video chat with my older sisters, Gwen and Bree (twins) and Milly. They were sad when they learned the news of our loss. They are scolding me because they said they didn’t get to meet you when we were in Malibu. They said to tell you, ‘welcome to the family, sis-in-law. I hope that it gives you a hint of what I plan and ought to do the moment I see you. I love you.” "Good morning, love. I wonder what you're doing today. Have you been well? Please be well, for me. It's my third day in the hospital. I'll be out in the hospital by the fifth day. I hope you can read my message to you. I miss you! I love you. Please wait for me. I will go wherever you are, to be with you. I learned from Dad and Mom that you're in Italy. Please give me a sign that you're okay with me going there to be with you." "Love, my Infin8 hyungs/ brothers visited me today. The moment I saw them, I broke down and cried like a baby. If you were here, you would probably tease me... or maybe be turned off by my crying? I just missed them so much and seeing their faces reminded me of our brotherhood and our good times together. I was their youngest member, and they were always there to cheer me up when I felt down, remind me of my strengths, and guided me on how to face challenges. They would keep telling me to never give up. It's been quite a while since I heard their reminders to me. I have talked to them about the US. They told me not to let go of you... but give you time... give you space. Is that what you need from me right now, love? Do you need time away from me?" "Hi, love. It was a good day today. After the members of Infin8 visited me and caused a commotion at the hospital lobby with the fans, MM Agency visited me with Lez. You've met Lez once when he went to our condo to get additional clothes for me for the extended shooting. They told me that they spoke to my Infin8 hyungs and proposed a concert tour soon. They agreed and said it would be good for me. In truth, I am not sure anymore that it’s good for me. All I want to do now is go there in Italy and be with you. " "Hi, love! I miss you! I hope you have been eating well. Magpalakas ka, Love. I also want to update you that MM Agency is following up on my decision. I delayed my response because I was hoping that you would respond and so I could consult you if I should accept the offer. If I do, it means I would have to travel a lot. What do you think, Love? Would you like to come with me? Or are you going to continue with your studies? I hope you can share your plans with me, so I can align my plans with yours--- for us. I love and miss you. Good night! Sweet dreams, love." "Good morning, love. Have you eaten breakfast? I hope you are well. I also hope you will be able to read my messages to you. I love you, Kitkat!" "Love, how are you? Where are you? Can I go to you? Just tell me to go, and I will take the first flight to go there. " "Love, I've been trying so often to call you, but your number was always out of reach. Nagpalit ka ba ng mobile number? Ayaw mo na ba yung mobile number na binigay ko sa'yo? Sana i-message mo ako. I love and miss you!" "Love, I said yes to the proposal of MM Management Agency, for the sake of my hyungs. Although MM Management Agency could be vicious and is really exhausting its talents with the many plans and tons of projects for their careers, especially that they would profit. Kung sa bagay, business is business for them. I think they are still a great agency because of their creative ideas on how to make talents famous and a brand marketable globally." "By the way, Dad and Mom surprisingly did not object this time. They even encouraged me, which was odd. But, I have no complaints. In fact, I am very thankful for their support. I hope you can support me in this decision, love. Sana mag-reply ka naman sa akin. Sana kamustahin mo naman ako, love. Good night." Gab browsed through Kitkat's sss account and realized why she must have avoided being online especially in her sss. Pati sa sss account pala nito ay bina-bash ito dahil sa nangyari sa kaniya. Pero ang nakakapagtaka para sa kaniya ay ang hindi nito pag-deactivate sa account nito. He was thankful for that. He thought it would be an opportunity for him to let Kitkat know that he was recovering well. Naga-upload kasi ang MM Management Agency ng mga photos niya na nagre-recover sa ospital, at sa mga miyembero ng Infin8 habang nagbabakasyon dito sa Pilipinas ang mga ito. Marami din effort na ginagawa ang MM Management Agency upang mapaganda ang photo shoot niya habang narito sa ospital, at ito ang ginagamit ng agency bilang update at publicity patungkol sa kaniya. "Good morning, love. The doctor said I can be discharged by tomorrow. As soon as makalabas ako dito, Love, magbu-book ako ng ticket. Pupunta ako dyan sa Italy. Sana papasukin ako ng parents mo sa bahay niyo. I checked in the map kung nasaan yung location ng bahay mo. Parang ang laki! Tama ba yung nakita ko na parang castle yung bahay mo dyan sa Italy? I'm excited to see your place, and of course, I am excited to see you. Tour me around please. Love you and miss you!" Wala pa din siyang nakukuhang reply kay Kitkat kaya panay din ang rin niya sa mobile phone nito. Kahit pa nawawalan na siya ng pag-asa. "Good evening, love. Bukas na ako madi-discharge. Sana makausap na kita. I love you and miss you." "Love, I'm about to check out the hospital. Tata Ed is picking me up, and I'll go straight home. The other members of Infin8 are also there waiting for me. I wish you are here so you can meet my hyungs/ brothers. I miss you, Love. I hope we can talk soon. Mahal kita. Je'taime. Saranghae. Ti amo." He hoped Kitkat would receive all his messages. Gab missed Kitkat’s voice. He missed the scent of her hair, her skin, and the feel of her close to him. Simula nang magkasama sila at ngayon na magkahiwalay sila ay napatunayan niyang totoo pala ang nararamdaman niya para sa dalaga. Mabigat ang mga paa na tumapak siya palabas ng kaniyang hospital bedroom. Nasa may living room area na ang mga staff at entourage ng Royal Entertainment ant MM Management Agency na nag-aabang. Pinaupo na siya ng mga ito sa harap ng salamin upang ihanda siya sa kaniyang unang appearance matapos ng kaniyang aksidente. Habang inaayos ang kaniyang buhok at nilalagyan ng lipgloss ang kaniyang labi ay inoorient naman siya ni Lez sa mga commitments na kailangan niyang matapos sa linggong iyon, bago siya pumunta sa Palawan kasama ng ibang miyembro ng Infin8 para sa kanilang reality teambuilding show. "What's our timetable to finish everything, because I have to fly somewhere?" tanong niya habang hindi makaka-kilos sa kaniyang inuupuan dahil inaayusan pa din siya. "It will take maximum two weeks. 1 week para matapos mo ang shooting kasama ni Liza, at 1 1/2-week naman para sa reality show niyo ng Infin8." Paliwanag ni Lez. Napabuntong hininga siya. Gusto na niya matapos ang lahat ng commitments niya para mapuntahan na niya si Kitkat sa Italy. Matapos ang pagme-make up sa kaniya ay tumayo na siya sa make-up chair. Inayos ng stylist ang kaniyang suot na itim na Ralph Lauraen Polo jacket, puting Gucci t-shirt, tattered jeans, at Nike Air Zoom bilang brand model ng mga ito. Kasama ang kaniyang entourage ay lumabas na siya ng hospital suite at may naka-abang nang elevator na exclusive para sa kaniya at para sa team. Agad siyang pinagitnaan ng mga bodyguards sa loob ng elevator. Kada bukas ng elevator at naaninag siya ng mga taong naroon sa floor na ito ay nagtitilian ang mga ito at nagkikislapan ang mga camera sa kaniya. He forced a smile and waved at them. It was his little way of showing how much he appreciated the attention and adoration that they were giving him. “Ground floor na tayo lumabas please. “ Pakiusap niya kay Lez na kasama din sa elevator. “Gab, we can’t change the plan. Sa basement one ka lalabas dahil doon nakaabang ang sasakyan na maghahatid sa’yo sa bahay niyo.” Paliwanag ni Lez. “But, Lez, nakita mo ba yung mga tao sa bawat elevator, tuwang tuwa sila na makita ako. What more yung mga naghihintay kanina pa sa initin ng araw?” paliwanag niya. Napa-irap ang RR Entertainment manager niya sa kaniya, bago humugot ng mobile phone at tumawag upang i-coordinate na sa Lobby sila pupunta at ang exit point nila ay sa fire exit papunta ng Basement 1. “Thanks, Lez.” Inakbayan niya si Lez. Kahit galit ito ay hindi na nito magawang sumimangot sa kaniya. Pagbukas ng elevator sa Ground floor level ay agad nagtilian ang mga tao. Nagkislapan ang paligid dahil sa mga cameras. He stepped out of the elevator and waved his hand. He clasped his hand together and bowed as his gesture of saying thank you to those who waited to see him. Gab heard in the audio speaker that there was a man facilitating the crowd. The man explained that Gab had to leave because he is not fully recovered, but he wanted to show up at the lobby to say thank you for all the fans’ get-well wishes and prayers. Alam niyang ang RR Entertainment at MM Management agency ang naghanda ng mensaheng iyon para sa kaniya. Napangiti siya dahil sa ganitong tulong ng dalawang malalaking company na nagma-manage ng career niya—ang RR Entertainment para sa kaniyang acting career at MM Management agency para sa kaniyang boyband career. He knew any talent would be in good hands with those two companies. He just wished they would be considerate of his love- Kitkat. I just wish they would be considerate of Kitkat. Sa panlabas ay nakangiti siya at kumakaway sa lahat, nagba-bow down upang magpasalamat, at gumagawa ng flying kisses sa era habang sinisigaw ng mga fans ang kaniyang pangalan na 'GP'. Ngunit sa loob-loob niya ay naiiyak siya. Nami-miss na niya si Kitkat. Nababaliw siyang isipin kung ano na kaya ang nararamdaman at kalagayan ni Kitkat ngayon. Nalulungkot siyang isipin na kahit ang mga fans niyang mahal na mahal din niya ang nagbigay sa kaniya ng lahat ng kaniyang mabubuting tinatamasa ngayon, ang kapalit naman nito ay ang nasasaktan ay yung isang taong hindi niya inaasahan dadating sa buhay niya at magpaparamdam sa kaniya ng ligaya na hindi kayang bilhin ng pera o kayang palitan na lang ng materyal na bagay o maging bilyon na taga-hanga ni GP. *** “Welcome home, Gab!” Pagbati sa kaniya ng kaniyang pamilya, mga kamag-anak at ng Infin8 members na sina Nam, Agus, Nij, Seph, Mij, Luv, at Vinci. Sina Nam, Agus, Nij, Seph, Mij ay mga South Korean. Pero marunong mag-ingles at tagalog sina Nam, Agus, Mij at Seph dahil nag-aral ang mga ito sa Pilipinas nung kabataan nila. Si Nij lamang ang hindi marunong mag-ingles at tagalog sa kanila, ngunit marunong itong mag-Japanese. Si Luv naman American citizen at patuloy ang paga-aral ng mga languages para sa kanilang mga concerts. Siya naman at si Vinci ay parehong marunong mag-ingles at korean. Matapos ang mga photo opportunity ng kaniyang mga magulang, mga kapatid, kamag-anak, staff sa bahay, opisina ng kaniyang daddy, bodyguards, at mga Executives at staff ng RR Entertainment agency ay saka pa lamang siya nakapagkuwentuhan sa kaniyang mga kamiyembero sa Infin8. Ang bungad kaagad nina Nam, Nij at Luv sa kaniya ay ilakad daw ang mga ito sa kambal niyang mga ate na sina Gwen, Bree, at kay Milly. Sina Agus at Seph naman ay nakiki-udyok lamang dahil may mga fiancée na ito na hindi nalalaman ng publiko. Napatawa siya sa hinihirit ng mga ito. While he could trust them with his sisters, he was not sure that they were his sisters’ type of guys. “Dude, I love you all, but my sisters… well,” he carefully thought about how to explain it to his hyungs. “One of my sisters like a bad boy kind of guy, one just recovered from a heart-break, and the other one seems to love fattening her brains out with studying, rather than pay attention to men. So, you are on your own, should you want to proceed. Good luck!” Aniya at iniwan ang mga ito. “Enjoy the Filipino way of partying.” He tried to escape them because he knew they would insist on asking which among his sisters he was describing. Gab proceeded to the direction of his parents and siblings. He kissed his parents and hugged them, then his siblings. Drew never spoke of what happened in Malibu with Kitkat—the helicopter, hospital, their date in their beach house, the noise that he and Kitkat made which Drew confessed to have heard, and even their return to the Philippines. Nakatayo lamang ito at nasa tabi niya habang niyayakap, kinukurot at hinahalikan siya sa pisngi ng kaniyang mga babaeng kapatid, na kinakainis niya. “Baby boy namin! Miss na miss ka na namin! Ang tangkad mo na, at sobrang guwapo mo! Nagpa-nose lift ka ba? Bakit parang ang perfect ng ilong mo” Tuwang tuwang sabi ni Milena. “DNA siyempre, Ate Milly.” Napapatawa niyang sagot. “You know what, because of the international news about your accident, and because Dad’s name was mentioned in the news, my friends in school realized that you’re our brother. And now all of them suddenly wanted to be ‘our’ best friends. They’ve been asking us to get an autograph or personal video message from their favorite Infin8 member through us.” Sumbong naman ng kaniyang Ate Bree sa kaniya. Napakamot siya ng ulo. “I’m sorry, Ate Bree.” “Oh, don’t apologize, baby Gab. We’ve got it handled.” Assure naman ng kaniyang Ate Gwen na kakambal ng kaniyang Ate Bree. "Ate..." he muttered under his breath. It annoyed him that his elder sisters were still calling him baby. Naiisip niyang nakakahiya iyon kapag narinig ng mga ka-miyembro niya sa Infin8 lalo na ni Vinci. Higit pa doon, nahihiya siyang marinig din iyon ni Kitkat. Nang matapos sila magkuwentuhan tungkol sa aksidente ay pinayuhan siya ng mga kapatid na mas mabuti kung puntahan niya si Kitkat sa Italy. His sisters and brother even offered to accompany him, but he declined. *** Hotel Centro, Palawan Infin8 Workshop "GP, gising na!" Narinig niyang sabi ni Vinci na lead dancer, sub vocalist at visual ng kanilang grupo ina Infin8, habang nakadagan sa kaniyang likod. Mas lalong bumigat ang naramdaman niyang nakapatong sa kaniya. "GP, gising na!" Narinig niyang ginaya ni Nij si Vinci. Napatawa silang dalawa ni Vinci dahil alam nilang hindi naiintindihan ni Nij ang ibig sabihin niyon. Si Nij ang pinakamatanda sa lahat ng miyembro ng Infin8 at ito din ang sub-vocalist and visual ng Infin8. Napalingon siya sa dalawang lalakeng nakadagan sa kaniya at nagreklamong mabigat ang mga ito. "Tumayo ka na! May roll call sa may swimming pool. Ang mahuli sa roll call at hindi makasagot sa tanong, ihuhulog sa pool." Ani Vinci. "Weh! Totoo ba yan?" papungas pungas niyang sabi at umalis na sa pagkakadagan sa kaniya ang dalawang mga kapatid niyang ituring sa Infin8. Kahit pa antok ay tumayo siya mula sa kama. "Oo nga!" Sagot ni Vinci. "Wag kang lalabas nang walang suot. Iniintay na tayo ng camera man para sa video shoot. "Okay," hikab niya at nag-inat ng katawan sa harap ng mga ito kahit pa wala siyang saplot sa katawan. "The first to answer a while ago was Nam and Agus. Then, me and Vinci here." Pagbalita ni Nij habang humilata ito sa kaniyang kama. Nakahubad siyang natulog kagabi pagdating nila mula sa Manila kaya naman tinulungan pa siyang magsuot ng pajama ni Vinci at pinasuot siya ni Nij ng natagpuan nitong long sleeves na nakakalat sa sofa ng kuwarto niya. Hindi na siya nahihiya sa mga ito dahil tinuturing siyang bunsong kapatid ng mga ito. Gab was seventeen years old when he trained with the members of the group, and he was assigned to be the main vocalist, lead dancer, sub-rapper and center of the group. "Hurry!" Itinulak siya palabas ng kuwarto ng mga ito at sinundan papunta sa elevator. Nakasalubong naman nila sa hallway sina Seph na main dancer, sub-rapper at sub-vocalist. Kasama nito si Nam na kanilang leader at main rapper sa grupo. "Agus went to sleep again?" tanong ni Nij kay Nam na ang tinutukoy ay ang lead rapper ng kanilang grupo. "Yeah. I'm accompanying Seph and watching who's going to be punished." Tugon ni Nam. "Is Mij already at the swimming pool?" hikab niyang tanong na ang tinutukoy ay ang isa pa nilang main dancer at lead vocalist. "Yes, he's with Luv. They couldn't answer the questions so there's till there attempting to escape being punished this early morning." Natatawang kuwento ni Nij patungkol sa pang-8 na miyembro na si Luv na composer, lead vocalist, at sub rapper. Nang sumakay na silang lahat sa exclusive elevator para sa kanila ay tinanong niya ang mga ito kung nakapag-breakfast na sila. Unang araw kasi ng mga ito sa Hotel Centro na pag-aari ng pamilya nila kung saan ang kaniyang ama ay ang Presidente, samantalang ang kaniyang Uncle Pyke na ama ni Dominique ang CEO ng lahat ng Ponce Hotels sa Pilipinas, Singapore, Hong Kong, Japan, at Indonesia. "Hindi pa. Hinihintay ka namin para sabay sabay sana tayo mag-breakfast." Sagot ni Nam. "That is if you won't be punished." "Wow! Sweet!" He teased and was about to kiss Nam on the cheek, while Nam tried to move away from him. Nagtatawanan naman ang iba nilang mga kasama. "Let's make sure that our hotel host won't get wet in the pool so he could already lead us to the buffet area later." Suhestyon naman iyon ni Nij. *** "Waaaaah!" Sigaw niya habang hawak siya sa magkabilang kamay at paa ng kaniyang mga tinuturing na kapatid sa Infin8. Ihahagis siya ng mga ito sa pool matapos niyang matira sa pila dahil hindi niya masagot ang tanong kung ano ang lyrics ng kanilang kanta na parte ni Agus kapag nagpe-perform sila on stage. "Hindi ko matandaan kasi naaksidente ako!" He tried to make an excuse as they were swinging him in the air, before they threw him into the pool. Nagtawanan ang lahat ng mga crew habang vine-video record ng production team ang kanilang mga activities para sa day 1 ng kanilang workshop. *** Nagmamadali siyang nagpalit ng tuyong damit sa exclusive na bathroom and changing area sa swimming pool area dahil naghihintay ang kaniyang mga tinuturing na pitong kapatid sa buffet area ng hotel. Habang nasa buffet ang Infin8 sa isang mahabang lamesa ay vine-video shoot sila ng production team. Tuloy sila sa kuwentuhan at kulitan, ngunit ni minsan ay hindi pinagusapan ng grupo ang tungkol sa nangyari sa kaniya sa harap ng camera. He was thankful to them for protecting him and Kitkat that way. Nabanggit lamang ng mga ito ang tungkol sa mataas na marka na nakuha niya sa exam at ang pagbigay ng mga ito ng cake upang ipagdiwang ang kaniyang pagtatapos ng college. Sa camera ay nagpapanggap siyang masaya, ngunit ang laman ng isip niya ay si Kitkat. Pinag-igihan niya ang pagre-review at nagpaturo pa siya kay Nam at Nij upang pumasa sa kolehiyo para kay Kitkat at sa naging baby nila. He secretly heaved a sigh as he felt impatient waiting for Lez's update to him regarding his leave request from MM Talent Agency. Matapos kasi ang teleserye niya ay kinuha niya si Lez na maging manager at executive assistant niya. *** The day went well and Infin8 enjoyed day 1 of their workshop. Si Gab mismo ay nag-enjoy. Spending time with his group sincerely helped him to manage the ache he felt for the loss of his baby and for not being able to contact Kitkat, at least for that day. The following day, he received news from Lez that MM Talent Management Agency did not grant his request for a 1 week leave. Katwiran ng agency ay halos isang buwan na-delay ang production ng Infin8 workshop at ang mga tours ng grupo nang maaksidente siya. It made him furious that Lez and his brothers in Infin8 had to talk sense out of him. "Magkaka-breach of contract ka kasi, Gab." Paliwanag ni Lez. "The company might sue you, brother." Paliwanag naman ni Luv sa kaniya. "We understand you want to be with Kitkat already, but the agency is right. If we keep delaying the tours, the Soldiers who have already paid their tickets would be mad at us." Paliwanag naman ni Mij. Napaiyak siya sa sinabi ni Mij. Mahal kasi niya ang kaniyang mga fans dahil utang na loob niya sa mga ito ang success ng kanilang grupo. Kung wala ang mga fans ay pihadong hindi magtatagal ang Infin8 at watak-watak na silang walo ngayon. "Brother, " hinawakan ni Nij ang kaniyang balikat habang umiiyak siya sa sofa. "We know how important your leave is for you. And we wouldn't mind if we will lack one member in our dance rehearsals. Right, brothers?" "Right!" Sumang-ayon naman si Mij. "Perhaps that's what we should propose to the management." Dagdag pa nito. Nag-practice ng gabing iyon ang kaniyang mga ka-grupo at nag-present ang mga ito sa mga bossing sa pamamagitan ng Zoom presentation. Ito ay para pumayag ang management na makapag-bakasyon siya ng isang linggo at makita si Kitkat. Subalit, hindi pa din pumayag ang mga ito. Nagpasalamat siya sa kaniyang mga hyungs dahil sinubukan ng mga ito na tulungan siya. Nagpaalam din siya sa mga ito na kung aabot sa demandahan ang kaniyang planong pagbabakasyon ay baka kailangan na din niyang mag-resign sa pagigign miyembro ng Infin8. Malungkot man ang mga miyembro ng Infin8 ay sinabi nilang naiintindihan nila. "Hindi nagtatapos ang ating brotherhood sa Infin8 kahit pa kailanganin mo na mag-resign, brother." Nam, as the leader of the group, assured. Sinabi niya na ayaw sana niyang mag-resign at may naiisip pa siyang ibang paraan at iyon ay lumapit at huminga ng tulong sa kaniyang mga magulang. Sa kaniyang tingin, tunay ngang mainam na lumapit sa magulang at sa pamilya kung may kinakaharap na problema. Dahil sa paghingi niya ng advice sa kaniyang magulang ay naka-isip ng paraan ang kaniyan ama kung paano siya matutulungan. Kinaumagahan ay tumungo sa Palawan ang kaniyang mga magulang upang kausapin ang kaniyang Uncle Pyke. Matapos ang meeting ng mga ito ay nalaman na lang niya kay Lez na nakipag-meeting kaniyang ama at uncle sa MM Management Agency, at malaki ang shares ng Ponce Group sa kanilang talent agency. Hindi na siya made-demanda at maari na siyang pumunta sa Italy upang makarating kay Kitkat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD