Kiara
Tuscany, Italy
Isa-isang binasa ni Kitkat ang mga mensahe ni Gab sa mobile phone, habang naka-upo siya sa park mag-isa. She tried not to be emotional dahil makakasama sa kaniya. Ang sabi pa naman sa kaniya ng kaniyang ina, mararamdaman ng kaniyang baby yung feelings niya.
No! Ayokong maramdaman mo yung pakiramdam ko na guilt dahil nagdesisyon akong lumayo sa daddy mo. Ayoko din na maramdaman mo na nasasaktan ako habang ginagawa ko ito, dahil mahal na mahal ko ang daddy mo. Ipapaliwanag ko naman sa’yo soon, baby, na lumayo tayo kasi alam kong magpupumilit ang daddy mo na makita tayo, makasama tayo, maging isang pamilya tayo, kahit pa ikakapahamak niya yung pagsasama namin.
Hay, baby! Matigas kasi ang ulo ng daddy mo, eh. Ipaglalaban niya kung ano ang gusto niya, kahit pa may nasisira in the process. Halimbawa na lang nang gustuhin niyang sumali sa boyband. Your lolo told your daddy na unahin ang pag-aaral, pero sinuway niya. Ngayon naman he wants to be with us, pero paano? Madami pa siyang kailangan tapusin na kontrata. Madedemanda siya at maaring ikasira iyon ng credibility niya sa industry that he so worked hard for to be on top with his fellow Infin8 band members. Ayaw natin yun para sa daddy mo, baby, diba? He obviously loves his career and he worked hard for it, pero tama ang sinabi ni Nonno Utt. Your dad is no ordinary person. He is famous! And your daddy and I must accept his reality and the corresponding effects of our actions. Ayoko mag-boomerang sa daddy mo yung ‘I-don’t-care-what-they-think’ and ‘against-all-odds’ na principle naming dalawa. Maraming nadadamay, nasasaktan, at baka mabawasan pa ng trabaho kapag wala ng ‘demand’ for your daddy. Although there are many other artists out there, the demands for Infin8’s performances are phenomenal. Nagke-create ng jobs, creates money and salary for many people. Their being famous helps the economy because fans are willing to purchase tickets, fly to wherever location Infin8 may be, helps tourism of different countries, and most especially, they give happiness to many.
Napabuntong hininga siya. Simula kasi ng pinaliwanagan siya ng kaniyang daddy sa impact ng maaring downfall ni Gab ay mas lalo pa siyang na-convince na maling ipilit nila ang kanilang sitwasyon ng daddy ng kaniyang baby.
I should think what’s best for your daddy to protect him… and to protect you.
“Ipapakilala ko din siya sa’yo soon, baby.” She promised to her still flat stomach. “Hindi lang ngayon kasi delikado para sa kaniya at para sa atin. Maraming obsessed sa daddy mo, eh. Gusto nila i-bash, tapunan ng itlog, kamatis, and the worst was muriatic acid si mommy. Mabuti na lang napigilan ng bodyguards natin. Ayoko malusaw, baby!” She felt goosebumps at the thought of her skin melting.
Sumimangot siya at napahawak sa kaniyang tiyan habang naalala niya kung sino ang nagbalak gumawa ng masama sa kaniya- si Cynthia na pumalit sa kaniya bilang General ng Infin8 soldiers. Hanggang ngayon ay hindi siya makapaniwala na gagawin iyon ni Cynthia. Humingi pa kasi siya ng tulong kay Cynthia noon na balitaan siya tungkol sa sitwasyon ni Gab dahil paalis na siya at tutungo na sa Italy. Bakit pa kasi sinagot niya ang tanong ni Cynthia noon kung anong oras ang flight niya, at nagtiwala siyang pupunta ang mga kaibigan niya sa Infin8 soldiers para magba-bye sa kaniya. Ang pinapunta pala ni Cynthia ay yung mga mismong galit na fans sa kaniya, kabilang na si Cynthia doon.
“Matatanggap ko pa yung itlog at kamatis, baby. Puwede kasi gumawa si mommy ng omelette!” Napapangiti niyang hirit sa kaniyang tiyan, sa pag-asang maramdaman din ng kaniyang baby ang kaniyang sense of humor. “Pero muriatic acid…” she felt the shiver down her spine. “Anyway,” huminga siya ng malalim at bahagyang nag-stretching ng mga braso habang hawak ang kaniya mobile phone. “Kaya natin ito, baby.” She said and clasped her hands. She stood up and did a Tree yoga pose. “I promise you na kahit anong mangyari, poprotektahan ko kayo ng daddy mo, kahit na magsakripisyo ako. Kaya magpapalakas si mommy.” She sat down again. “Una, I will obey your nonno and nonna because they know what’s best for us. Tatapusin ko muna ang pag-aaral ko. Mage-MBA na lang si mommy dito sa Italy, instead na kumuha ng MA sa Interior Designing. Yung apartment natin sa US, ipapa-lease na lang natin para may extra-income si mommy. Pag-graduate ni mommy, magwo-work si mommy sa family business natin. This way, mommy does not need to apply for other companies where I am not sure there will be no bashers. Pag sa family business natin, kahit papaano, we can be protected from being recognized by the public. Kapag kaya nang tumayo ni mommy sa sarili niyang mga paa, then we can tell daddy about you. By that time naman siguro, kahit na i-accept ng daddy mo o hinde tayong dalawa, we will not be scared because we do not need to rely on your daddy for anything, because mommy will be stable, independent and empowered woman—sana. Basta, magsusumikap si mommy, for you, okay? Kaya palakas ka lang dyan sa house mo inside mommy’s tummy, ha?” napapangiti na siya habang kausap ang kaniyang baby sa kaniyang flat na tyan.
“Kitkat!” Tawag ng pamilyar na boses sa kaniya. Napalingon siya sa direksyon nito at naaninag ang paparating niyang kababata na si Quitos Ortiz na half- Filipino and half - Spanish. Nakilala niya isang summer vacation noong sampung taon gulang pa lamang siya dahil magkapitbahay lang sila.
Naalala niya ang sabi ni Gab sa isa sa mga mensahe nito na ginugoogle daw nito ang bahay nila dito sa Italy at parang palasyo daw. Kung tutuusin, totoo naman na palasyo ang iyong bahay nila. Regalo kasi iyon ng kaniyang ama para sa kanyang ina. May katabi din itong isa pang palasyo, na binili naman ng pamilya ni Quitos noon kaya naging mag-kapitbahay sila.
Since then, they would always meet up every summer. Kinawayan niya ang kaniyang kababata na mas matanda lang sa kaniya ng ilang buwan.
“Kamusta ka Quitos?” masaya niyang bati sa binata.
“I think I should be the one to ask you that.” He smiled and sat beside her in the bench.
“I think I’m okay.” Kibit balikat niya, at awtomatikong nilagay ang kaniyang kamay sa kaniyang tiyan. “Kailan ka pala dumating?”
“Last night,” Quitos answered as if studying her face. “I missed you, Kitkat.” He smiled. “What have you been up to? I saw the news it says you’re GP of Infin8’s woman… and that you’re pregnant. I know they’re all lies---” iling nito.
“Quitos,” she shyly cut him. “I’m pregnant with GP’s baby.”
Napa-awang ang bibig ni Quitos at namula. She saw disappointment in his eyes. Nakaramdam siya ng pagkapahiya dahil pakiramdam niya ay hinuhusgahan na siya ni Quitos.
“Why? What happened?” malungkot nitong tanong sa kaniya.
Napakagat labi siya. “Kailangan ko ba mag-explain sa’yo?” naiiyak niyang tugon. “It’s not exactly what we should be talking about after two years of not seeing each other.” She commented.
Napabuntong hininga si Quitos. “I’m sorry,” napahilamos ito ng mukha. “Alam mo naman, diba? I told you before I went to South Africa that I love you.”
“Yeah,” she shyly answered. “And I said I love you too, as my boy best friend. I thought we’re okay with that…”
He sighed. “I know,” he answered defeated. “But I was hoping that we could have a chance when I return… if you’re still free.”
“Quitos, please? I am so excited that you’re here, but please don’t make it awkward for us?” pakiusap niya. “Isa pa may pinagdadaanan ako ngayon. I’m pregnant and hiding from GP and the whole world. Puwede bang kahit kaunti, aliwin mo naman ako. Take my mind off things, please?” malambing niyang pakiusap sa kababata na ang turing niya ay parang kapatid na niya.
“Then, love me instead. It would take your mind off things.” He replied. “I’ll marry you and be the father of your baby.”
Napatitig siya kay Quitos at hindi niya malaman kung ano ang isasagot dito. Kahit pa napaka- noble ng alok ni Quitos ay hindi niya magawang pumayag sa sinasabi nito. Hindi niya magagawang ipa-ako sa iba ang anak nila ni GP, lalo na hindi hihigit sa pagiging kapatid ang turing niya dito. Gusto na niyang umisip ng mga tamang salita upang marahang tumanggi sa binata.
“I’m just joking,” may lungkot sa mga matang sabi ni Quitos. “Basta nandito lang ako para sa’yo.” He reached out for her hand and gently squeezed it. “And when I said nandito lang ako, it also means literal na nandito ako sa Italy at magi-stay na ako dito. I will continue my studies here so that we can go to the same university this coming school year.”
Napangiti siya at napayakap kay Quitos. “Sobrang saya ko, Quitos! It helps that you’re here lalo na sa pagpasok sa school this year. Pero teka pala, paano mo nalaman na maga-aral ako dito?” taka niyang tanong.
“I dropped by your home before coming here. Nakausap ko si Tita Kat at nabanggit niya na dito ka na mag-aaral. Kaya, yehey! Schoolmates tayo!” He was trying to cheer her up. “Don’t worry. I will protect you from those bashers and mean people. They don’t have the right to do that to you.”
“May bodyguards naman akong kasama so hindi mo na ako kailangan i-protect, no!” Napapangiti niyang sabi.
“Here goes Ms. Independent again.” Napapatawang sabi ni Quitos. “Pero kapag inaway ka naman iiyak-iyak ka.” Anito.
“True! Pero magpapaka-brave na ako. Magiging nanay na kaya ako.” Sagot naman niya.
Napangiti sa kaniya si Quitos, at napatingin sa kaniyang tiyan. “If you don’t mind me asking, how long before you’re due?”
“Well, it’s my third month and going to fourth…” she said.
He mentally counted. “So, you will give birth before the first semester ends?” tanong nito.
Namula siya sa tanong ni Quitos. “Bakit mo tinatanong, ha?”
“Well, to be prepared… saan kita dadalin na hospital kung sakaling abutan ka sa class niyo.” He thoughtfully said.
Napangiti siya sa sinabi ni Quitos. “Alam mo, kungdi lang ang turing ko sa’yo ay kapatid, kikiligin ako sa’yo.”
“Eh kasi naman, huwag mo na akong tratuhin na kapatid.”
“ Huwag na kase ipilit…” natatawa niyang pakiusap.
“Fine.” Tugon ni Quitos, nang biglang tumunog ang kaniyang mobile phone.
Si Gab ang tumatawag.
Nanlaki ang mga mata niya at napatingin si Quitos sa mobile phone.
“Is that GP?” malungkot nitong tanong. “Bakit hindi mo sagutin?”
Umiling siya at nagsimulang lumuha habang nakatitig sa mobile phone na nagri-ring. “Gab, I’m sorry…” naiiyak niyang sambit.
Quitos grabbed her phone from her and turned it off.
“Bakit mo ginawa yun?” nagulat niyang tanong.
Napabuntong hininga si Quitos sa kaniya at niyakap siya. “Tahan na. Nalulungkot ako pag nakikita kitang umiiyak ng ganyan.” Hinimas nito ang likod niya. “I may not understand what happened or what you’re going through, but I know this situation is hurting you, and he’s the cause of the pain you’re undergoing, kaya I hate him.”
“Mabait si Gab… si GP,” she wanted to correct his notion.
“Sweetheart, I don’t care if he is, because he did that to you. He got you pregnant, but he’s not here.” Aniya. “Then, he failed. He lost his chance.”
Hindi siya nakakibo dahil napansin niya sa maamong mukha nito ang galit.
“Let’s go, Kitkat.” Tumayo na ito at inilahad ang kamay sa kaniya.
“Saan tayo pupunta?” taka niyang tanong.
“Ihahatid na kita sa car mo, dahil naghihintay na yung driver mo sa’yo. You go home and take some rest. Then tomorrow, I’ll pick you up and let’s go to school together. This is the start of a new life for you and your baby with his/her Tiyo Quitos.”
Napatawa siya. “Tiyo Quitos…” napangiti siya. She liked the idea of Quitos being in her and her baby’s life. Umakbay na si Quitos sa kaniya at binagtas na nila ang path papunta sa kaniyang kotse.
“MBA din ba ang kukunin mo?” curious na tanong niya dito.
“Ikaw?” balik tanong nito.
“MBA.” Sagot niya.
“Then, MBA din ako.” Kibit balikat nito.
“Huh? Ano bang klaseng sagot yan? Paano yung mga subject that you took in South Africa?”
“Let’s see tomorrow, baka puwede i-consider ng school. I don’t mind being an irregular student, if ever. That’s just fine with me as long as it would delay me from working in our family business.”
“Yan pala ang dahilan kaya ka nandito. Akala ko pa naman dito ka maga-aaral para sasamahan mo ako.” She jokingly said.
“Well, if I tell you that you’re the reason I transferred here, I am sure hindi ka maniniwala. Kaya, itong next reason ko na lang ang sinabi ko.” Hirit ni Quitos.
“Naku! Bolero na ngayon si Quitos.” Natatawa niyang sagot.
“Halika nga dito, babae ka!” Mas pinalapit siya ni Quitos at ginulo ang kaniyang nakalugay na buhok, bago nito hinalikan ang kaniyang noo. “Mahal kita kaya nandito ako.” Kaswal nitong sabi, bago siya inalalayan yumuko at ma-upo sa loob ng kotse na binuksan naman ng kaniyang driver.
“I love you, too, Quitos!” Nakangiti na niyang sambit.
“Agape love, I know.” He nodded his head with acceptance.
“Thank you! See you tomorrow. Wag ka male-late kungdi ilibre mo ako nge gelato!” Hirit niya.
“Gelato for you and this baby here?” he pointed to her tummy. “Sure!”
Kinabukasan ay sinundo siya ni Quitos at tinungo na nila ang business school upang mag-enroll for the first semester. Takot ang naramdaman niya nang bumaba siya mula sa passenger’s seat ng sasakyan ni Quitos. Natatakot siyang baka may makakilala sa kaniya at tapunan na naman siya ng itlog, kamatis, o kung ano man na puwedeng itapo sa kaniya. Agad niyang pinrotektahan ang kaniyang tiyan habang naglalakad sila sa hallway ni Quitos papunta sa registrat’s office.
Laking pasasalamat niya kay Quitos dahil pinaupo na lang siya nito sa balkonahe sa tapat ng registrar’s office habang ito ang nagsa-submit ng lahat ng mga requirements upang makapag-enroll sila.
May isang subject na magkaka-klase sila kaya naman laking tuwa niya, at hindi niya iyon naitago kay Quitos. Inalok tuloy ni Quitos na a-attend din ito ng subjects na katulad ng sa kaniya upang may kasama siya sa klase. Agad naman siyang tumanggi at nagpasalamat sa effort na ginagawa ni Quitos para sa kaniya.
***
There was an excitement she felt as soon as Quitos informed her that she was already officially enrolled in the business school. For her, it meant that there’s something in her life right now that is falling into place. May isa na siyang matutupad sa kaniyang plano at ito ay ang mapagpatuloy ang pag-aaral na niya na tanging hiling ng kaniyang magulang.
Naiiyak pa nga siya ngunit pinipigilan lang niya dahil ayaw niyang mag-aalala si Quitos sa kaniya. At ayaw din kasi niyang isipin ni Quitos na ang pagluha niya ay dahil na naman kay Gab.
Partly, she was crying because of Gab. But more than that, she was crying deep inside because she felt guilty because her parents quietly suffered due to her own doing, and because she felt guilty for leaving Gab in thin air.
Nang makarating na sila sa bahay niya ay may inabot na paper bag si Quitos sa kaniya. She asked what it was and peered inside the paper bag. She saw the latest iPhone model and got confused.
“Para saan ‘to? I have my own phone.” She said and pulled the mobile phone that Gab gave her, which was the latest Samsung model. “I just turned it off, pero this is brand new. It was given to me by Gab…”
“Haist! Kaya nga dapat palitan mo na. Change your mobile number and mobile phone, as a start of a new beginning.” Anito.
Napatawa siya. “Ganun? Sayang naman yung mobile phone.”
“Alam mo Kiara Mayumi D. Romualdez, ikaw ang crazy rich asian na umaaktong mahirap. Bakit nasasayangan ka diyan when it gives you bad memories?”
“Basta! Ililipat ko na lang yung new number dito sa mobile phone ko. Saka, I prefer this phone kasi gamay ko na. I will explore pa this Iphone you gave me, if ever. Pero thank you so much!” Kitkat hugged Quitos. “Saka huwag ka na magalit. I guess I am just crying a lot because of my hormones. Alam mo na, pregnant ako.”
Tinitigan siya ni Quitos ng magandang mata nito. Napagmasdan tuloy niya lalo ang mukha nito, matangos na ilong at mapulang labi.
Guwapo si Quitos. Potential crush. Pero si Gab talaga ang gusto ko eh.
“Kailan pala ang check-up mo sa OB?” tanong nito.
“Wow ah! Balak mo ba ako samahan? Nagpa-practice ka na ba sa future mo kapag magkaka-family ka na?” she teased.
“Sasamahan lang kita kasi itatanong ko din sa doctor mo kung may gamut sa pagka-obsess kay GP of Infin8.” Sagot niya.
“Hay, naku! Walang lunas ito. Tanggapin mo na.” She smiled. “Thank you ulit,” aniya at hinila si Quitos papunta sa pintuan ng kanilang bahay. “Si Mommy ang kasama ko magpa-check-up. Ang awkward kaya kapag may lalaki sa OB, ‘no!” Aniya saka tinulak papalabas ng pinto si Quitos. “Ingat ka pauwi.”
“Parang ang layo ng bahay ko, a!” Hirit nito na nagpatawa sa kaniya. “Bye! Pahinga ka na.” Anito.
After having dinner with her family, she went up to her room to take a shower. When she passed by her study table, she remembered to get the new sim card in the paper bag that Quitos gave and decided to remove her old sim card from her Samsung mobile phone. She inserted the new sim card and turned on her new mobile phone.
This is safer. Hindi na ako matatawagan ni Gab sa old number ko.
Just the thought of it made her tear up again because it would make it more impossible for Gab to reach her.
Mahal niya si Gab at gustong-gusto na niya makita at makasama ito, pero hindi puwede. Baka pag nakita niya si Gab, ma-tempt siya na pumayag muli sa kung ano man ang sabihin nito. Magugulo na naman ang kaniyang mga plano.
Huminga siya ng malalim at pinilit na lang umisip ng ibang bagay upang huwag na siyang malungkot. Pero paano naman niya mapipigilan na hindi malungkot kung ang laman parati ng isip niya ay si Gab.
Kamusta na kaya siya? Kumakain kaya siya ng tama? Masaya n asana siya kasama yung mga hyungs ng Infin8 dahil marami silang projects at tours. Malilibang si Gab. Makakalimutan na niya yung mga sinabi niya sa akin na pupuntahan daw niya ako dito at maguusap kami.
Habang nakatitig sa kaniyang mobile phone na nakabukas ay na-tempt siyang mag-view sa Google ng mga events patungkol kay GP at sa Infin8. As she scanned for updated news about him, she stumbled upon Infin8’s reality online tv show in Palawan that just recently finished.
Pinanood niya ang reality tv show. Umere pala ito ng 2ng lingo at tungkol ito sa teambuilding activity ng Infin8. Tuwang tuwa siyang makita si Gab na masaya at tumatawa habang nakikipagkulitan sa mga miyembro ng Infin8.
Masayang masaya ang puso niya na makita na magaling na si Gab. He looked very healthy and his usual handsome self. Kinilig siya habang pinapanood si Gab.
Baby, this is your daddy! Napahawak siya sa kaniyang tiyan habang pinapanood si Gab.
She was happy for him, yet she was feeling sad. Unintentionally, she recalled the intimacies she shared with him. She missed him a lot and viewing him again brought back feelings she has been struggling to suppress.
Bad idea, Kiara Mayumi! Back to square one ka na naman!
***
Lumipas ang ilang mga araw na mabigat pa din ang pakiramdam niya. Kahit pa nandyan si Quitos at panay ang bisita sa kaniya ay hindi pa rin mabago nito ang kaniyang pakiramdam.
Para sa kaniya, maling-mali talaga na nag-Google pa siya para malaman ang kalagayan ni Gab. Sinumpa niya sa sarili na hindi na niya ulit gagawin iyong hanapin si Gab sa Google o tingnan man lang ang mga pictures nito sa net, para hindi siya mahirapan ng ganito. Pakiramdam niya ay makita lang niya si Gab ay tatalunan niya at yayakapin niya ito ng mahigpit na mahigpit. Hindi na siya lalayo dito.
Kaya tama talagang lumayo siya dito, para bumalik na siya sa tamang pag-iisip.
Two weeks passed. She surmised, based on the news about Infin8, that they were back in South Korea for their rehearsal in preparation for their concert tours. She also learned from the news about Gab’s recent achievement. He passed all his assessments and was declared a graduate in college at South Korea.
May video pa nga siyang napanood na sinorpresa si Gab ng mga ka-miyembro at pinagsuot ng toga. Binigyan din si Gab ng cake bilang selebrasyon nila sa achievement ni Gab, ang maknae ng grupo.
“Baby and I are so proud of you, love.” She whispered as tears shed from her eyes while she hugged the giant Teddy bear on her bed, which she had arranged to be shipped from her US apartment to Italy.
***
A week has passed, and it was already the start of her first semester. She felt so excited and looking forward to the new school year. A new chance for her to make things right—keep her promise to her parents, let go of Gab for his own good, and focus on herself and their baby.
As she and Quitos walked in the corridor hall of the business school, they both noticed that there were people running towards the registrar’s office. Tila nagkakagulo ang mga tao at naririnig nila ang mga tilian ng mga kababaihan. Pinigil ni Quitos ang isa sa mga lalakeng nagmamadaling pumunta sa direksyon ng registrar’s office.
“Excuse me. What’s going on?” Quitos asked.
“Haven’t you heard?” the Italian student said in English.
“Heard what?” Kitkat felt curious.
“GP of Infin8 is enrolled in our business school!”