"Nakakakaba ngunit nakakatuwa, ngayon ang ika-labing walong kaarawan ko ngayon how I wish na sana narito si mommy kasama ko sa aking kaarawan.
'Di ko akalain na sa pagdaan ng panahon mas lalo akong napapalapit sa mga Guerrero mas lalo ako nilang minahal at pinahahalagahan kaya wala akong karapatan na saktan sila.
Maraming nangyari sa buhay ko dito ako nabuo dito ko naramdaman na kompleto ako , Hindi maganda ang ugnayan namin ni kuya pero hindi pa rin iyon naging hadlang upang maranasan ko ang buong pamilya.
Masaya kong pinagmamasdan ang sarili ko sa salamin habang inaayusan ako ng pinakasikat na make-up artist, magaling nga ito dahil ako mismo parang hindi ko na makilala ang aking sarili dahil sa mga kulay na nilalagay nito hindi naman masyadong makapal ang nilalagay nitong make-up sa aking mukha dahil ayaw ko rin naman ng ganoon ngunit malaki pa rin ang pagbabago ng mukha ko , nakakahiya man siguro pero pakiramdam ko'y naging maganda ako ngayong gabi.
"Oh my God, napakaganda mo!" tili ng make-up artist sa akin kaya hindi ko mapigilang pumula 'di ko nga malaman kung dapat ba akong mahiya.
"Pero mas lalo kang gaganda pag nasuot mo na itong gown mo," tukoy nito sa eleganteng gown na kulay pastel pink, napakaganda nito kaya hindi ko mapigilang mag-alinlangan suotin dahil baka madumihan o masira pero sa huli napagpasyahan ko nang pumasok sa loob ng fitting room para isuot iyon.
Nang maisuot ko na ang aking gown halos umabot sa aking tainga ang aking ngiti , gusto kong purihin ang aking sarili para akong tunay na prinsesa dahil sa magarbong disenyo at sa yabong nito, sobrang napakabagay sa akin lalo na sa kutis kong mala-gatas ang puti , hapit ito sa katawan ko kaya bumakat kaunti ang di kalakihan kong dibdib half-shoulder rin ito , mas lalo pang dumagdag sa pagkaelegante ang kumikinang kong gloves na lagpas-braso.
"Sabi ko na nga ba, napakanda mo talaga kunti lang naman inayos ko sa'yo," puri sa akin ng make-up artist, ayaw ko sanang maniwala sa sinabi nitong kunti lamang ang inaayos sa akin, pero napansin ko naman na ilang pang-ayos lang ang inilabas nito.
Nagulat pa ako nang may nilagay ito sa ulo ko , napagtanto kong korona mapala iyon na gawa sa crystal na may diamante sa gitna , pakiramdam ko'y mas lalo akong kakabahan maglakad baka mahulog, hindi ko rin mapigilang mapangiti sa harap ng salamin bagay nga sa akin lalo na at mataas na ang aking buhok,dahil maikli kasi ito noon.
Sa totoo lang kagabi ko pa sinabi sa mommy na sana kung may plano silang handaan ako sa aking kaarawan hindi sana ganito ka-garbo ngunit wala na akong magawa dahil si papa na ang nagsalita ginatungan pa ni ate kaya tuluyan na talaga akong hindi nakapagprotesta.
Pagkatapos ng pag-aayos sa akin , hindi ko na masukat ang nararamdaman kong kaba nang lumabas na ako para pumunta sa venue, narito kami sa hotel ng mga Guerrero kung saan gagawin ang aking kaarawan dahan-dahan akong naglakad sa red carpet kaya mas lalo pang dumoble ang kaba ko , lalo na nang makita ko si mommy na karga si Zevadia na isa sa mga triplets si papa naman karga rin si Zaidan at Zabdiel ang cute nilang tignan sa kanilang mga sout nakita korin si ate nakangiting nakatingin saakin .
Parang hindi sila makapaniwala sa kanilang nakikita, maraming tao ang dumalo simula sa mga kakilala ni mama at papa. Narito ang mga kaklase ni ate maging ang mga kaklase ko rin ay kasamang dumalo, lalo na sa kaibigang ko na si Ladylyn na kumaway pa sa akin. Ngunit bukod kay mommy, pakiramdam ko may nais pang hagilapin ang aking mata. Gusto kong pagalitan ang aking sarili dahil umaasa akong darating ito sa aking kaarawan kahit ayaw naman nito sa akin.
"Ang ganda mo, anak," puri ni mama sa akin. Ngumiti lang ako dahil palagi naman akong pinupuri ni mama.
Marami pang pumuri sa akin, hindi ko naman halos kilala ang iba. Ngumingiti lang ako at nagpapasalamat. Hindi ko mapigilang mamangha sa magarbong disenyo sa paligid ko, puno ng crystal katulad ng pangalan ni mama na kumikinang, pati ang disenyo ng chandelier crystals ay hindi rin nagpapahuli sa mga kandilang nakikita ko sa bawat lamesa. Ang mas lalo pang gumanda ang decoration dahil sa mga petals sa aking tinatapakan, para ko silang tunay na mga magulang, napapaisip rin ako kung nasa mga kamay ako ni mommy magiging ganito ba ka-garbo ang debu ko?.
Hindi rin nagtagal, nagsimula na rin ang 18 roses ko. Napangiti ako dahil sasayawin ko si papa, pinatakan na ako ng halik nito sa noo bago kami magsimulang sumayaw.
"You're so beautiful, my little princess," senserong saad ni papa kaya mas lumawak ang ngiti ko, nakakataba ng puso sana ito nalang talaga ang tunay kong magulang kong pwede lang humiling ng ganitong bagay matagal ko na sanang ginawa.
"Thank you papa," nagyakapan na kami ni papa bago natapos ang aming pagsasayaw. Nakita ko sina mama na nakangiti pa rin hanggang ngayon.
Ang sumunod kong kasayaw ang mga triplets. Kanya-kanya silang halik sa pisngi ko at bati sa akin. Maging ang mga triplets napalapit na rin sa akin kaya palagay ko hindi ko kayang saktan ang pamilya nila.
May iba akong kilala na aking kasayaw, miron ding hindi dahil kaklase ni ate yong iba. Kung minsan nagbebero ang aking mga kasayaw para ipabatid nila sa akin na hindi dapat ako mahiya at maging komportable.
Napapatanong rin ako sa aking sarili kung bakit may nararamdaman akong kaunting lungkot. Kanina pa ako pasimpleng tumitingin sa paligid baka sakaling makita ko si kuya. Hindi ko rin matukoy kung bakit ako ganito, siguro nasanay ako na palagi kong nakikita ang seryoso nitong mukha.
Mas lalo akong naramdaman ng pagka-desmaya dahil ang ka-sayaw ko ay ang president ng school. Hindi ako nadismaya sa aking ka-sayaw, kundi dahil panghuli na ito at wala nang susunod pa. Hindi talaga ako importante sa kanya. Ano bang sinasabi ko, kailan man hindi ako naging importante rito.
"Bakit malungkot ka, hindi ka ba masaya na ka-sayaw ako?" napabaling ang atensyon ko sa president bigla tuloy akong nakonsensiya dahil sa sinabi nito.
"Hindi naman sa ganon," pilit ko pang ngumiti rito.
"Ruchel," biglang anas nito na pinagtataka ko.
"Im Ruchel," ulit nito ngayon kulang nakuha na nais pala nitong ipakilala ang sarili. Hindi ko naman talaga alam ang pangalan nito. Kilala ko lamang ito bilang president ng eskwelahan.
"Kilala muna seguro ako, 'di ba?" aniya ko rito. Palagi kasi itong may hawak ng attendance namin kaya imposible hindi ako kilala nito.
"Pano naman hindi makikilala ang pinakamaganda sa school natin," sagot nito bago ngumisi. Bigla atang nag-init ang aking pisngi dahil sa sinabi nito.
Marami kaming pinag-usapan ni Ruchel, mabait ito. Hindi ko lang talaga magawang hindi ito layuan dahil kay kuya.
Pagkatapos ng 18 roses ko, agad na akong umupo. Nag-salita na rin ang emsi at nagsimula na rin itong magpalaro. Pero wala doon ang aking atensyon kundi sa lalaking gusto ko sanang puntahan.
"Mama, si kuya po?" Hindi ko na napigilan ang aking sarili sa pagtatanong. Hindi man kami close ni kuya pero nais pa rin ng aking diwa na pumunta ito.
"Hindi raw makakapunta ang Kuya mo, tumawag siya sa akin may mahalagang gagawin daw siya anak," paliwanag saakin ni mama kaya ngumiti ako dito ng matipid. Narinig ko rin kay papa na magsisimula na si kuya na pamunuan ang kumpanya ng mga Guerrero.
Nagpaalam si mama sa akin saglit dahil papatulugin niya ang triplets kaya inaliw ko na lang ang aking sarili sa panonood sa mga bata na naglalaro.
Lumalim pa ang gabi at wala talaga akong nakitang zyro na dumalo. Nais ko nang malungkot at pagalitan ito ngunit sino ba ako.
.