Chapter 17

2228 Words
“Ganon ba.” Wala sa sarili akong kumuha ng mga sangkap sa ref at nagsimulang maghiwa.. Hindi na ako nag-abalang tumingin pa kay Gloria. Matinding takot ang nararamdaman ko sa mga sandaling ito. Hindi ko pa kayang iwan si Leo. “Paano ang usapan natin?” pilit ang pagkakatanong ko nang ilagay ang kawali sa burner. “Wag mo munang tuldukan, pwede ka pang manalo,” “Gloria wag na tayong maglokohan, alam kong alam mong hindi na ako lalaban. At walang pamantay ang lakas ko sa lakas ni William. Bukod doon ay nangako akong hinding-hindi na ako mananakit pa, siguro ay hanggang dito na lamang ako. Kabayaran sa buhay na nawala dahil sa akin,” “Wag mo nang isipin ang usapan natin,” “Alam kong mabuti ka Gloria,” panimula ko at iginisa na ang mga samyang ng lulutuin kong paborito ni William na pagkain. “Maaari bang pakisigurado na magiging ligtas at lalaki ng maayos si Leo? Malayo sa gulong ito.” “Annie, tumigil ka na. Hindi ako mabuting tao,” “Ipinagkakatiwala ko na sa’yo si Leo. At si William, manatili ka lang sa tabi niya, sagutin ang mga tanong niya, at huwag mo lang sukuan,” “Wag mo na akong asahan,” Bandang alas-dies nang matapos akong magluto. Punong-puno ang mesa nang hubarin ko ang apron na suot ko. “Tara manuod tayo.” “Matulog ka na lamang nang may lakas ka bukas kapag sakaling magharap kayo ni William,” “Dali na. Last na to eh,” Nananakit na ng sobra ang ulo ko. Sa sobrang sakit ay parang ano mang segundo ay tutulo na lamang ang mga luha ko. “Sige na, matutulog na ako. Kumain ka hangga’t gusto mo tapos matulog ka na,” Napairap ako at madaling dinampot ang tasa ng french fries na ginawa ko. Dinala ko na rin ang pinirito kong manok saka adobo. “Tara na, nood tayo!” pangungulit ko kay Gloria at sinundan ito hanggang kwarto. “Annie! Napakatigas talaga ng ulo mo,” “Please?” “Ah bwisit talaga! Sige, isang palabas lang,” sabi nito at nagmamartsang pumasok sa kwarto nito. Masaya akong sumunod at pagpasok ay agad na isinalang ang bala na aming papanoorin. “Wait lang po ah, kuha lang akong tubig,” pagpapalusot ko pa pero sa kwarto talaga ako ni William pupunta. “Model 2?” marahang bulong ko sa takot na mamaya ay magulat at masapak ako, lugi na agad ako sa laban bukas. “Ano yon?” Nakapikit itong sumagot sa akin. “Tawag ka ng lola mo,” “Bakit?” “Ewan?” “Singungaling. Kung gusto akong ipatawag ni Lola, iaalert niya ang chip ko,” “Tsk! Nagluto ako, kumain ka na at nang makainom ng gamot,” “Ayaw ko,” “Dali na,” “Magpapahinga na lang ako,” Napahinga ako ng malalim dahil sa tigas ng ulo nito, “Gusto mo masarapan?” Nagmulat ang mga mata nito agad dahhil sa sinabi ko. “Kaunti lang kakainin ko,” “Yan, dapat nga madaling kausap,” biro ko at tinulungan itong tumayo. Pagkarating sa kwarto ay ganon na lamang ang gulat ni Gloria nang makita si William. “Kala ko ba kukuha ka lang ng tubig?” sabi ng matanda na kumakain na pala. “Ang iba naman ho kung tayo lang ang mag-eenjoy di ba?” sagot ko at pilit na hinatak si William sa sofa katabi ni Gloria. “Akala ko ba kakain?” pabulong na giit ni William. “Kakain naman ah. May kasamang panonood. Masarap kasing kumain ng maraming kasama,” Nanlaki ang mga mata nito. “Traydor!” galit na sabi ni William pero kinindatan ko lang ito. “Anong traydor?” sabat ni Gloria. “Wala po. Kuha lang akong tubig, pwede niyo na hong simulang manood at kumain,” Dali-dali akong tumakbo palabas ng kusina at kinuha ang pitsel ng tubig. Pagbalik ay tumabi ako sa kabilang gilid ni Gloria at nakikain na rin sa dalawa. Habang nanonood ay hindi ko mapigilang pagmasdan ang dalawa. Tunay ngang naging makasarili ako dahil ang inisip ko lamang ay ako lang ang nasasaktan. Hindi ko naisip na bawat tao ay may kani-kaniyang dalahin na problema. “Masarap ba ang adobo?” tanong ko dahil talagang nagiging emosyonal na ako at matindi na ang sakit ng ulo ko. “Sssh!” Sabay pang awat ng maglola. “Nagtatanong lang eh,” “Kumain ka na lang,” isnab sakin ni Gloria. Lumipas ang mga minuto at parang musika sa tenga ko ang tawa ni Gloria. Hindi ko rin mapigilang maging masaya sa mga nakaw na tingin ni William sa kaniyang lola, tingin na puno ng pagmamahal. Shet! Akala ko mararanasan ko pa ang matingnan ng kaganon. “Oy, paborito ko itong parteng ito,” sabi ko nang ang bidang babae at bidang lalaki ay nagsayaw. Tumayo ako at kinuha ang kamay ni Gloria, “Tara sayaw tayo?” “Nagbibiro ka ba? Isayaw mo ang sarili mo. Ang dami mong naiisipan imbes na magpahinga,” masungit na tanggi nito. “Pasensiya na, hindi kasi ako sigurado kung magagawa ko pang maging masaya bukas,” “Ibang klase! Si William ang yayain mo,” Tinulak nito si William patayo at kahit hindi ko magawang ngumiti, pilyo kong kinuha ang mga kamay nito at inilagay sa baywang ko. Nagsimula akong sumayaw at kahit nauwi sa pagtatalo ay masasabi kong hanggang kabilang buhay, tatatak ang gabi na ito sa akin. “Halika na, Gloria, sama ka na,” pangungulit ko at sa wakas ay nakisayawsyaw na rin ito. Mahaba ang parte ng masayang scene kaya pawisan kami nang sabay-sabay kaming umupo. Mahigit dalawang oras pa bago tuluyang natapos ang palabas kaya nakatulog na si Gloria. “Saglit lang, ihihiga ko lamang ang lola mo,” bulong ko kay William. “Ako na ang bahala sa sarili ko. Maayos-ayos na ang pakiramdam ko,” sabi nito at pilit na tumayo. Pinagmasdan ko itong lumabas ng kwarto at ramdam ko ang tensiyon sa kilos nito dahil sa dismaya. Malinaw naman sa akin na hindi masarapan sa pagkain ang sinang-ayunanan nito. “Ihihiga na po kita,” hirap kong sabi kay Gloria nang buhatin ko pahiga ng kama. Nang maihiga ko ang matanda ay nagligpit na ako. Pagtapos kong maghugas at maglinis ng mga ginamit, pinilit kong tinapos ang pangako kong water flow system sa garden ni Gloria. Kaunti na ang natitirang gagawin kaya wala pang isang oras nang matapos ko na talaga. “Wow, gumagana nga,” masayang sabi ko nang buksan ko ang gripo. Napahinga ako ng malalim at proud na proud na pinagmasdan ang nagawa ko. Pagkatapos ay nagtungo ako sa library at doon na talaga inubos ang oras ko para magsulat ng mga bilin. Alam kong tutuparin ni Gloria ang mga sinulat ko dito. Itanggi man ng matanda ay alam kong may malasaskit ito sa akin. Pagtapos na magsulat, kinuha ko ang isang sulat na para kay William. Marahan akong pumasok sa kwarto nito at inilagay ko sa ilalim ng kama nito ang sulat. Bahala na kung mabasa niya o hindi. “Bye, William. Salamat at nakilala kita.” Bulong ko pa at marahang yumukod para bigyan ito ng halik sa noo. Sayang lang at hindi na niya rinig dahil tulog na ito pero ok lang. Hindi rin naman niya alam ang rason kung bakit. Tumalikod ako para lumabas ng kwarto nang matigilan ako sa paghigit sa aking braso. “At saan ka pupunta?” tanong ni William sa akin. “Teka, dapat tulog ka na. Red na ang ilaw ng pinto,” “Nagagawan ng paraan iyan,” “Teka, bakit? Sumusuway ka ba sa patakaran?” “Hindi ko obligasyon na magpaliwanag sayo. Yong usapan natin,” “Ay iba rin. Masarap naman ang pagkain ah,” “Alam kong hindi yan ang tinutukoy mo kanina,” “Pwes mali ka nang alam. Bitawan mo na ako,” Nanlaki ang butas ng ilong nito at alam kong naguguluhan na talaga ito sa nararamdaman. “Sino ka ba talaga, Model 43? Bakit sa pagdating mo, nagulo ang lahat sa akin? Maraming lumalabas na imahen sa utak ko. Ikaw ang hanap ng aking katawan! Ikaw ang gusto kong nakikita. Sino ka?!” Nanlaki ang mga mata ko at napahawak sa pisngi nito, “William.” “Sabihin mo sa akin kung sino ka? Ano ang parte mo sa buhay ko?” Hindi ko alam ang sasabihin ko. Kung sasabihin ko naman ay para saan pa? Mamamatay na ako bukas. “Wala. Wala akong parte sa buhay mo at hindi mo na kailangan pang malaman. Kung ano man ang sinabi sayo, yon na lang ang isipin mong ako. Sige, sasagutin ko ang mga tanong mo, umupo ka. Kumalma ka lang,” Sumunod naman ito at kinuha ko ang swivel chair sa desk na katabi ng kama. “Kapag masaya, ngumingiti ang isang tao. Ganito oh,” sabi ko at pinisil ang pisngi nito saka itinaas para mangiti siya. “Oh diba, ang gwapo mo.” “Kailan nagiging masaya?” “Maraming dahilan para maging masaya. Nasayo na yon pero kadalasan kapag may nagagawa tayong tama o gusto natin. O kaya naman isang tao na nagbibigay ng kakaibang pakiramdam sayo. Yong tipong kalmado ka, at panatag sa taong yon.” “Masaya akong kasama kita,” sabi nito. “Ako rin,” tugon ko rito. “Yong ginawa mo sa bibig ko ano yon?” “Halik ang tawag don. Ginagawa yon pag masaya ka at gusto mong iparamdam sa taong nagpapasaya sayo na masaya ka,” “Parang ganito?” sabi nito at mabilis na inilapit ang mukha para halikan ako na mas kinagulat ko. Pero ang mas ikinagulat ko ay ang inaakala kong simpleng halik at saglita lamang, mali ako. Iginalaw nito ang kaniyang mga labi na tila ba sanay na sanay humalik. “Hu...ang bilis mo naman kausap,” sabi ko nang bumitaw ito sa halik. Kung sa normal na pagkakataon ay baka naglupasay na ako sa kaba at kilig pero ang hirap makaramdam ng kilig kung ang taong humalik sayo ay wala manlang emosyon ang mukha pero masaya raw. “Naramdaman mo ba ang saya ko?” “Ah oo, sobra,” alanganin kong tawa rito. “Nasagot ko na ba lahat ng tanong mo?” “Hindi pa,” “Teka yon lang ang tanong mo na hiningi mo ang sagot. Matutulog na ako,” Tumayo na ako at baka hindi ko na mapigilan pa ang sarili ko. “Masaya ako noong nasarapan ako,” sabi ni William dahilan para manghina ang tuhod ko. “Ah oo, oo. Tama ka doon,” yumukod ako at inilapat ang kamay ko sa dibdib ni William. “Ganito, kung ito na ang huling pag-uusap natin, tandaan mo na lagi mong pipiliin kung saan ka masaya. Nauunawaan mo ba? Alam kong marami ka pang tanong pero hayaan mong ito ang laging maging sagot. Maniwala ka, marami pa sana akong gustong ituro pero baka di na abutin. Sige, bukas na lamang ulit,” sabi ko at tumakbo na ako palabas ng kwarto. *** Kinabukasan ay ramdam ko ang bigat ng pakiramdam ko pero kailangan ko nang tanggapin ang kapalaran ko. “Annie— “Salamat po ng marami, Lola Gloria,” putol ko kay Gloria at niyakap ito. “Ikaw na po ang bahala sa lahat. Hindi ko man natupad ng buo pero may kaunti na akong nagawa para kay William. Natapos ko na ang water flow sa garden mo. Pakisabi kay Leo, mahal na mahal ko siya kahit hindi ko alam kung paano magmahal. Salamat sa lahat ng mga tinuro mo sa akin. Masaya ako na ikaw at si William ang kasama ko sa huling araw ko. Mag-iingat ka po.” Bumitaw ako sa yakap at pinahid ang luha nitong nilalabanan. Hindi na ito nakapagsalita. Pero mas mabuti na rin na hindi ko marinig ang sasabihin nito. “Bye, Lola!” sabi ko pa at kumaway pagbukas ko ng pinto. Isinara ko ang pinto at nagtungo sa Treidon. Matindi ang takot na nararamdaman ko pero alam kong ito ang mas ikabubuti ng lahat. “Model 43, ikaw ang haharap sa huling laban para malaman ang final ten prototypes na magwawagi,” sabi ni Zenith sa unahan. Sagad ang pagkasabik nito pero hindi ko naman siya masisisi. “Pumasok ka na model 100!” 100? Sinundan ko ng tingin ang pumasok at parang tumigil ang paghinga ko nang pumasok si Charlie. Marahan akong humarap kay Zenith at nakangiti ito nang napakaganda. Alam niya ang lahat. Hindi ito maaari. Patibong ito! Kung alam na niya ang lahat, ibig sabihin ay nasa panganib si Lola Gloria. Hindi! “Model 43, handa ka na ba?” mapanuksong tanong ni Zenith. Tuso siya! Kumuyom ang mga kamay ko at hirap na sumagot, “Handa na.” Pagkasabi ko niyon ay sumugod si Charlie sa akin. Tumakbo ako palayo at kumuha ng baril sa lagayan ng mga armas. Labag man sa loob ay kailangan kong magsakripisyo dahil hindi ko kakayanin na may mangyaring masama sa ang anak ko. Dahil sa oras na mapatunayan nilang depektibo ako, katapusan na ng lahat. “Patawad, Charlie.” Pinutok ko ang baril habang nakatingin sa malungkot na mga mata ni Charlie.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD