Chapter 16

1964 Words
Maaga akong nagising kinabukasan. Balak kong ipagluto si William ng paborito nitong pagkain kagaya ng nasa album. Baka sakaling kumain ito. Pero bago tuluyang nagtungo sa kusina ay dumaan muna ako sa kwarto nito para silipin ito. Kaso wala ito sa kwarto. “Nasaan iyon? Eh ang aga-aga pa,” iyamot na bulong ko habang sinisipat pa ang kwarto. “Ehem! Ang aga mo naman ata,” turan ni Gloria sa aking likuran. “Si William po, saan siya nagpunta?” Rinig ko ang paglakad nito palagpas sa akin, “Kasama rin sa usapan natin na hindi ka pwedeng mahulog sa apo ko,” “Alam ko po,” sabi ko. “Hinahanap ko lamang po at balak kong lutuin ang paborito niyang pagkain, malay po ba natin, di ba?” “Samahan mo na ako sa kusina,” Wala na akong nagawa kundi ang sumunod kay Gloria. Pagdating namin sa kusina ay tahimik akong nagluto habang itong kasama ko ay abala sa pagbabasa ng libro. “Alam kong galit ka,” basag ko sa katahimikan. “Ang mahalaga ay hindi mo itinuloy,” sabi nito na hindi pa rin ako tinitingnan. “May napagtanto ako kagabi,” sabi ko at tumigil ito sa pagbabasa. “Ano yon?” “May isang emosyon na hindi nakokontrol ang chip,” “At ano iyon?” “s****l desire,” Huminga ito nang malalim at bumalik sa pagbabasa. Napabitaw ako sa kutsilyong hawak ko at natigil sa paggayat ng mga panamya sa lulutuin kong ulam. Madali akong naglakad palapit kay Gloria at yumukyok sa harapan nito, “Alam mo?” Hindi ito sumagot at umakto na wala ako sa harapan nito. “Huwag mong sabihin sakop naman ng chip iyon pero sinadya mong alisin ang samin ni William?” “Magluto ka na at ako ay nagugutom,” “Inalis mo nga! Bakit?” pangungulit ko rito. “Wag ka mag-isip ng kung ano-ano, pahirap yon para sayo,” “Tsk! Gusto mo ako no? Pwede mo naman sabihin eh. Sa kabila ng mga sinabi mo at ginawa mo sa akin, hindi ako galit sayo,” sabi ko at tumayo na ako. Itinuloy ko ang paggagayat ko at naisipang magsalita ulit. “I never meant to hurt Isaac. Kailangan ko lang talagang lumayo kasi sinaktan niya ako.” Bumasag na ang boses ko dahil sa mahabang panahon ay wala talaga akong pinagsabihan ng mga pinagdaanan ko dahil pakiramdam ko wala naman gustong makinig. Tapos, wala rin akong oras noon dahil abala ako na isipin ang kinabukasan naming mag-ina. “Unang beses ko nakita si Isaac noon sa tabing-dagat. Alam ko, malinaw sa akin na may balak talaga si Isaac na magpakamatay noon, nagawa ko lang pigilan. Unang kita ko pa lang sa mga mata niya, kita ko ang lungkot at sugat na hindi niya nasasabi. Simula noon ay madalas na kaming nagkakausap. Mabait at masayahin siya, sa totoo lang. Marami kaming napapagkasunduan.” “Iyon lamang noong nararamdaman ko nang nagugustuhan na niya ako, kahit alam kong masasaktan ko siya, kinailangan kong lumayo. Hindi dahil sa si Charlie ang gusto ko noon, kundi alam ko sa sarili ko na hindi ko kaya. Malinaw sa aming dalawa na magkaibigan kami pero hindi yon tinanggap ni Isaac. Kaya noong nilagyan niya ng drug ang inumin ko noong gabing may mangyari sa amin, kinailangan kong lumayo. Para sa akin at sa batang nabuo dahil hindi ko maaatim na mabuhay ang anak namin sa isang environment na magulo.” “Tapos ka na?” sabi ni Gloria at pabagsak na binaba ang libro sa mesa. “Wala kang magagawa para baguhin ang isip ko. Ikaw ang pumatay sa apo ko.” “Hindi ko naman sinabi ang mga ‘yon para baguhin ang isip mo. Sinasabi ko lang na nasaktan din ako at kung ano ba talagang nangyari. Hindi ko gustong saktan si Isaac,” “Gusto mong maawa ako sa’yo?” “Hindi. Sarili ko ngang ina, hindi naawa sa akin,” Hindi ito nakapagsalita at naglakad na palabas. Umiling na lamang ako at tinapos ang pagluluto saka sumunod rito sa labas dahil maaga pa naman talaga. Paglabas ko ay abala na si Gloria sa pag-iintindi ng kaniyang mga halaman. Naglakad ako palapit rito at kinuha ang pandilig, “Alam kong alam mo na nabuhay kami sa pagtatanim.” “Oh anong gagawin ko?” “Pwede kitang gawan ng water flow dito, para kahit wala ka, ayos lang ang mga halaman mo,” “Itigil mo na. Huwag mo nang ipilit,” “Ok, gagawan pa rin kita. Madali lang ito, pero masarap sana na may mga dramang pwede mapanood pag nagpapahinga. Tutal, ilang araw na lang naman ako dito,” “Ang tigas ng ulo mo!” Iyamot itong umupo sa kawayang upuan na may payong. “Kaya rin ako umalis at lumayo kay Isaac dahil alam kong hindi naman ako talaga ang kailangan niya,” Tinapos ko ang pagdidilig at sinimulang sukatan ang buong pananiman. Kaya naman bago pa sumikat ang araw ay nakapaghukay na ako. “Eto nga pala ang mga materyales na kailangan. Dalawang araw lang ito kung may materyales na bukas,” sabi ko kay Gloria bago ako magtungo sa Treidon. Nang makarating roon ay nagulat pa ako na hindi ako ang nakipaglaban. Habang naglalakad pauwi ay hindi ko maiwasang isipin ang kakaibang katahimikan sa Treidon. Kadalasan ako ang pinag-iinitan doon at ang hindi paglitaw ni William. Anong nangyari don? Pagdating sa bahay ay nagluto lamang ako at nagtungo na sa garden ni Gloria. “OYYYY!!! Ayos to!” sabi ko nang makita ang mga inaayos nitong mga bakal at tubo na hiningi kong mga materyales. “Ako na, hindi ka dapat nagbubuhat.” “Hindi ko ginagawa ito dahil sa sasama ako sa inyo. Napagisip-isip ko na kung mamatay man ako, hindi ako mag-aalala sa kanila,” “Sige, nauunawaan ko. Luto na ang pagkain, kumain ka na. Hindi naman ako pagod ngayon kaya itutuloy ko na ang ginagawa ko rito,” Naglakad na si Gloria pabalik ng bahay at naiwan ako sa garden. Bandang alas-nueve na ata ako natapos at pagpasok ko ng bahay ay laking gulat ko nang pagpasok sa kwarto ay samu’t-saring mga dvd ng magagandang palabas ang naroon. Gusto kong magtatalon at magsasayaw sa saya pero hindi naman magagawa ng katawan ko. Madali akong nagpalit ng damit at tatalon-talon na nagtungo sa kwarto ni Gloria. “Busy ka?” “Matutulog na ako,” mataray nitong sabi. “Ang lungkot manood mag-isa,” “Umaabuso ka na. Binigyan na nga kita eh, magpapasama ka pa,” “Ayon. Tara manood, maganda itong mga napili mo. Grabe naman, kilalang-kilala mo na talaga ako.” “Annie!” “Isa lang. Tapos bukas, pagtapos ko ulit magtrabaho, nood naman tayo ng iba,” “Doon ka sa kwarto mo,” “Ayaw!” Kinuha ko ang headset para walang marinig na ingay at binigay ko kay Gloria saka tumabi rito nang magsimula ang palabas. Noong una ay aayaw-ayaw pa pero hindi naglaon at mukhang mas nag-enjoy pa ito kaysa sa akin. Hindi na halos natapos ang palabas at nakatulog na ito. Pinatay ko na rin ang tv. “Good night, Lola Gloria. Salamat po,” bulong ko at hinalikan ito sa noo. Gusto kong umiyak dahil miss na miss ko na si Lola pero hindi ko naman magagawa. Nagtitisod-tisod pa ako papunta sa kwarto. Bagamat lamang ang saya sa aking dibdib, pakiramdam ko ay may mali talaga o masamang mangyayari. Pagbukas ng pinto ay parang tumigil ako sa paghinga nang humarap si William na kakaiba ang tingin sa akin. Hinablot ako nito sa baywang at tinitigan ng tingin na ni minsan ay hindi ko pa naranasan sa kahit na kanino. “W-Will...Model 2, anong ginagawa mo dito?” “Kukunin ang sagot mo,” “Sagot?” Pinasok nito ang kamay sa aking suot na sando at diretso sa loob ng aking bra. “Anong nararamdaman mo?” tahasan nitong tanong. Hindi ko nagawang sumagot. Masaya ako na makita na narito pa rin ang William na una kong nakilala. Ipinatong ko ang dalawang braso ko sa magkabilang balikat ni William at bumulong rito. “Mahirap ipaliwanag kung anong saktong nararamdaman ko, pero masarap. Pwedeng hindi ka tumigil.” Sinuksok ko ang mukha ko sa leeg nito at inipit ang mahihina kong ungot. “Ha! Hmmm!” Naghahanda na akong masapak dahil sa sinabi ko pero laking gulat ko nang ipasok nito ang isang kamay at marahang inilakbay sa kurba ng aking katawan pataas sa kabila kong dibdib. Jusko, nanghihina ako. Napapikit ako pero hindi ko sinasadyang maitulak ito palayo nang bumalik ang mga alaala noong gabing nagmamakaawa ako kay Isaac na wag gawin. “Sorry...sorry, hindi ko sinasadya,” aligagang sabi ko rito pero umalis na lamang ito. Wala akong naging tulog buong gabi. Nagising na lamang ako na napakasama na ng pakiramdam. “Aba, mukhang iba ang gising mo ngayon,” mapanginsulto pang sabi ni Gloria. “May masamang panaginip lang,” matamlay kong sagot at naglakad na papunta sa kusina. “Nakaluto na ako. Kumain ka na,” “Aba, ang bait mo ngayon,” “Manahimik ka. Kailangan kong magluto ng maaga dahil inaapoy ng lagnat si William,” “Po? Bakit? Paano?” “Alalang-alala?” “Tatanong lang po,” “May procedure na ginawa sa kaniya kahapon, normal na ito na nilalagnat siya pagtapos,” “Kumain na po ba? Nakainom na ng gamot?” “Oo. Wag mo nang isipin, magtungo ka na sa Treidon,” “Pwede bang dumito na muna ako? Gusto kong alagaan siya,” “At gusto mong mabuking tayo?” “Tsk! Sige mamaya na lamang,” Madali akong kumain at nagtungo sa Treidon pero kagaya kahapon ay hindi ulit ako sumalang. Bumalik ako sa bahay na talagang napupuno na ng pagtataka. “Ay teka, si William!” Patakbo akong nagtungo sa kwarto at tiningnan ang lagay ni William. “Model 2? Buhay ka pa ba?” “Naiihi ako,” ungot nito. “Ano? Nilalagnat ka pa ba?” Hinawakan nito ang kamay ko at hinigit palapit saka bumulong, “Naiihi ako.” “Ahh! Ha?!!! Oh eh di umihi ka,” “Tulungan mo ako,” “Na? Umihi? Paano?” “Tulungan mo akong tumayo,” “Ahhh! Sige, sige!” Inalalayan ko ito tumayo at papunta sa c.r. pero ang hindi ko inaasahan ay pagkarating namin doon hindi pa rin ito bumibitaw sa aking balikat. “Hoy, lalabas na ako,” “Hindi ko kayang ibaba ang pantalon ko,” “Ano?!” “Ibaba mo na, maiihi na ako,” “Ayaw ko!” reklamo ko at pilit na kumawala sa pagkakaakbay nito pero hindi talaga ako pinakakawalan. “Oh ang lakas mo pa tapos hindi mo kaya ibaba ang pantalon mo?” “Gawin mo na. Nasarapan ka kagabi, ikaw lang?” Ramdam ko ang pag-init ng buong katawan ko dahil sa sinabi nito. "Ay bwisit to!" Madali kong ibinaba ang zipper nito at pikit-matang ibinaba ang pantalon. "Ha! Jusko po," singhap ko nang tumama ang mainit na balat ng alaga nito sa aking kamay. May anak man ako pero hindi pa talaga ako nakakakita ng ar* ng live action at matingo ang isip. Nang matapos itong umihi ay madali ko itong inasikaso at inalalayan pabalik sa kama. Inalagaan ko na rin ito hanggang sa makatulog. Malalim na rin ang gabi nang lumabas ako ng kwarto nito at nagtungo sa kusina para magtingin ng makakain. "Mag-uisap tayo," sabi ni Gloria mula sa aking likuran. "Ano?" pilit na pagkakalmang sagot ko. "Nalaman kong hindi ka sumasabak sa laban ngayon," "Oo. Pakiramdam ko ay may mali," "Sa tingin ko...baka kayo ni William ang magtapat."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD