“BREATHE!”
Unti-unting nagmulat ang mga mata ko dahil sa mainit na hiningang pumapasok sa aking bibig.
Kanina lamang ay parang wala akong kakayahang huminga pero ngayon ay damang-dama ko na napupuno ang aking baga ng sapat na hangin.
Malabo man ang aking mga mata sa unang pagmulat ay sigurado akong si William itong pilit na nagsi-cpr sakin.
“Wake up!” gigil na sabi nito at muli ay papalapit para bigyan ako ng hangin sa bibig.
Nangiti ako at nang maglapat ang aming mga labi ay ipinilupot ko ang dalawa kong braso sa likod ng leeg nito at hinalikan ito.
Ramdam ko ang gulat nito.
Wala na akong takot na masapak ulit, hindi ko alam pero gusto ko ang ginagawa ko.
Tinukod nito ang mga kamay sa lupa at hinayaan ako sa ginagawa ko.
Hindi na ako nagtaka na hindi ito sumasagot sa mga halik ko, dahil kung totoong ako ang first kiss niya, malamang hindi talaga siya marunong.
Nang matapos ako ay marahan akong tumigil at inalis ang mga braso ko sa leeg niya.
“Ayos ka na ba?” tanong nito.
Tumango naman ako. Pero gusto ko mang magsalita ay hindi ko kayanin dahil sa sakit na dumadaloy mula sa aking balikat.
“Naalis ko na ang bala, kailangan mo na lamang makainom ng gamot para maiwasan ang impeksiyon,”
Tumango ako.
“Alam kong mahirap pa magsalita, bubuhatin na kita,” sabi nito at hinayaan ito na pasanin ako sa likod.
Tahimik lamang kami habang naglalakad si William.
Hindi naglaon ay nakarating kami sa bahay sa likurang bahagi.
Mukhang maliit lamang talaga ang lugar na kinaroroonan namin.
Mabilis ako nitong dinala sa kwarto nito at agarang ginamot.
“Tiisin mo lamang ang sakit,” sabi nito nang kunin ang isang box sa mesa sa harapan ng kama nito.
Tumango ako at nanlaki ang mga mata ko nang pinunit nito ang suot kong damit.
Pati pag-alis ng bra ko ay para ng wala lamang kay William.
“Sisimulan ko na,” sabi nito at idinampi ang bulak na basang-basa ng nilagay nitong gamot.
“HMMM!” paliyad na ungot ko at napahawak sa braso nito.
Sobra ang sakit! Ramdam ko ang pamamaga ng litid ko sa leeg.
“Isa pa,” sabi nito nang may isa pang ibinuhos sa sugat ko.
Sa pagkakataong ito ay napahawak sa magkabilang balikat niya ang mga kamay ko at halos itulak na ito sa sakit.
Pero kahit bumabaon na ang kuko sa balata nito ay hindi ito natitinag at nakatuon lamang ang atensiyon sa paggamot ng sugat ko.
“Tapos na, tapos na,” sabi nito na namamawis na ng sobra at mabilis na binidbiran ang sugat ko ng bandage.
“S-Salamat,” hirap kong bulong at pinunas ang pawis nitong tumutulo mula sa noo.
Pagkatapos na lagyan ng bandage ang sugat ko ay pinunasan nito ang mga dugong nagkalat sa aking katawan.
Nang mainom ko ang gamot na binigay ni William ay kumalma ang nararamdaman ko.
“Matulog ka na, dumito ka na sa kwarto ko,” sabi nito.
“Paano ka? Saan ka---ha!” natigilan ako sa pagsasalita nang mapaliyad ako.
Nagkatinginan kami dahil sa naging reaksiyon ko.
Kahit ako ay nagulat dahil matagal-tagal na rin simula nang makaramdam ako ng sensasyon.
Inulit ni William ang ginawang pagdampi ng bulak sa dulo ng aking dibdib at napapikit ako sa tumitinding sensasyon.
“Anong nangyayari?” tanong ni William habang nakakunot ang noo. “May masakit ba dito?”
Inulit na naman ni William at mas diniinan.
“Uhh!” singhap ko kasabay ng mahigpit na pagkapit sa bedsheet ng kama.
“Hanggang dito ang sakit? Ibig sabihin ay may natamaang ugat sa balikat mo na nakakunekta sa iyong dibdib. Maghintay ka, tatawagin ko si Lola,”
Hinawakan ko ang kamay nito at pinigil na umalis sa tabi ko.
“A-Ayos lang ako,”
“Pero halatang may nararamdaman kang sakit,”
“H-Hindi. Normal lang ‘to,”
“Hindi. Mas mabuti nang matingnan ka ng maayos. Baka magkaroon ka ng komplikasyon ay mapano ka pa. Isa ka sa mga pinakamataas na success rate na prototype,”
“Ok lang ako,” pagsisigurado ko rito nang mabalik ako sa realidad.
“Sigurado ka ba talaga?”
“Oo, magpahinga ka na. Salamat.”
Kinuha nito ang kumot at itinabon sa akin.
Inintay ko itong lumabas ng kwarto pero nanatili itong nakatayo.
“Kanina, ano ang ibig mong sabihin sa masaya? Nakangiti? At iyong ginawa mo sa akin noong nirerevive kita?”
“Bakit ka nagtatanong?”
“Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay pamilyar ako sa mga salitang iyon pero parang hindi. Parang may kakaibang nangyari ko sa katawan ko nang maging malikot ang mga labi mo sa bibig ko. Hindi ko lubos maunawaan,”
“Sikapin mong tulungan akong mapabilang sa tatanghaling sampong prototypes at paglabas natin, unti-unti nating tuklasin ang mga tanong mo,”
“Aasahan ko yan,”
“William, maraming salamat at pinagbigyan mo akong mabuhay. Alam kong nakaprogram kang patayin ako pero hindi mo ginawa,”
“Hindi ako si William. Ako si Model 2. Wag kang magpasalamat, sadyang marami akong tanong na alam kong sayo ko lamang makukuha ang mga sagot. Magpahinga ka na Model 43.”
Tumango ako at pinagmasdan ito habang papalabas ng kwarto.
Hindi ko alam kung paano at bakit, pero nang gabing iyon ay masarap ang naging tulog ko.
At sa kauna-unahang pagkakataon sa mahabang panahon ay nanaginip ako.
Kinabukasan ay maayos na ang pakiramdam ko.
Marahan akong bumangon at nagtungo sa aking kwarto.
Nagbihis ako at naghanda ng makakain namin.
Naisip kong isama si William dahil sa matagal ko nang napapansin na hindi ito nag-umagahan ni minsan.
“Sumusobra ka na,” reklamo ni Gloria nang madatnan ako sa kusina at nagluluto.
Iniangat ko ang tingin rito, “Bakit? Anong nagawa ko?” walang-interes kong sagot rito.
Wala pa akong sapat na lakas para makipag-away pa rito.
“Bakit mo hinalikan si William?”
“Ah, yon ba? Simula na iyon nang pagpapaalala ko sa kaniya. Alam mong mas mahirap magturo ng panibago kumpara sa ipapaalala na lang. Ako ang first kiss ni William at alam kong sa ginawa kong yon ay maraming cells sa katawan niya ang nabuhay dahil sa mga alaala,”
“Hindi ako sumang-ayon sa plano mong paibigin ulit ang apo ko sa’yo. Sabi mo, hindind-hindi ka na mananakit ulit,”
“Wag ka mag-alala, ipapaalala ko lamang ang mga naramdaman niya noon. Nakalimot man ang utak, alam natin na may alaala ang bawat parte ng ating katawan,”
“Manahimik ka!”
“Gloria, maalala man ni William ang pakiramdam pero hindi kung kanino. Pag dumating ang panahon na iyon, ikaw na ang bahala kung sino ang ituturo mo,”
Natahimik ito at tila ninamnam lahat ng mga sinabi ko.
“Umupo ka na at tayo’y mag-umagahan,” sabi ko pa nang ipaghain ito ng mainit na kape.
Nakita ko rin si William na kalalabas lang ng kwarto at handa na para magtungo sa Treidon.
“W...Model 2, mag-umagahan ka na,”
“Hindi ako kumakain,” sagot nito at nagsimula nang mag-ehersisyo kagaya ng nakagawian nito.
Umiling na lamang ako at napalunok nang maalala ang ginawa nito sa aking dibdib kagabi.
“Labing-lima na lamang ang natitira, ibig sabihin ay may limang araw na lamang ang natitira kaya pagbutihin mo,” sabi ni Gloria.
“Oo naman, sisikapin ko talaga,”
“Teka, parang may kakaiba sa boses mo,”
“Masaya ako, bawal ba?”
“An...MODEL 43!”
Kumindat ako rito at inihanda ang iniinom nitong vitamins.
“Palakas ka, Gloria. Makikita mo pa ang apo mong masaya.”
Yumuko ito at inalis na ang tingin sa akin. “Lumakad ka na sa Treidon.”
“Ok,” sabi ko at tumingin kay William. “Model 2, tara na.”
Hindi na ako nagulat na ako ulit ang pinaharap. Sa pagkakataong ito ay alam kong makasarili ako pero pipiliin kong makita si William na masaya balang-araw.
“Pasensiya na,” bulong ko sa kalaban ko at sinaksak ito ng manipis na patalim sa delikadong point sa leeg. “Ikamusta mo na lamang ako sa anak mo na matagal mo nang gusto makita.”
Labing-apat. Apat na lamang, at malapit nang makalaya.
Pag-uwi sa bahay ay hindi ko na pinansin si William.
Ang hirap tanggapin na kailangan talagang may isakripisyo para sa kasiyahan na hinahangad.
Nagtungo ako sa library at naghanap ng ilang mga libro na pwede kong basahin para mapag-aralan kung paano ba ang tamang pag-ibig.
“Ano namang kalokohan ito?” tanong ni Gloria na naglalakad palapit sa akin.
“Wala. Nag-aaral,”
“Ng?” nakataas pa ang kilay na tanong nito.
“Paano ba ang pag-ibig? Gusto kong pag-aralan ang puso at utak, kung paano ba nabubuo at nagsisimula ang pag-ibig,”
Umiling si Gloria at naupo sa harapan ko, “Kumain ka na muna.”
“Naks, salamat,”
“Apat na lamang, malapit na, hindi pwedeng sumuko ang katawan mo,”
“Alam ko, salamat ng marami,”
“Teka,” sabi nito at may kinuhang album sa drawer ng inuupuan ko. “Ito ang mga litrato ni William.”
“Anong gagawin ko diyan?”
“Tsk! Sabi sa pag-aaral, ang mga tao ay mabilis na napapamahal sa mga taong marunong tumuon sa maliliit na detalye. Tingnan mo ang mga litrato ni William mula pagkabata at ilista mo ang mga bagay na gusto niyang gawin,”
“Teka, mas marami ka pang alam sa akin pagdating sa ganito. Bakit hindi ikaw ang gumawa?”
“Ulit-ulit? Wag mong pinag-iinit ang ulo ko,”
“Sorry agad. Ah nga pala, paano kami sa labas?”
“Saka na, malalaman mo rin ang mga detalye paglabas ninyo,”
“Maiiwan ka ba dito?”
“Malamang,”
“Sumama ka sa amin,”
“Hindi pwede,”
“Tumakas ka, gawan mo ng paraan. Ayaw kong malungkot ka,”
“Sinong may sabi na malulungkot ako? Walang mag-aalaga sa mga halaman ko,”
“Gusto ko sanang ipakilala ko ang lola ko. Sa tingin ko talaga, magkakasundo kayo. Sige po, mauuna na ako,”
“Anong...nag po ka ba sa akin?”
“Good night po. Salamat sa pagkaing niluto mo para sa akin na puno ng pagmamahal,”
Tumakbo na ako papunta sa kwarto ko at laking gulat ko nang pagpasok ko ay nakahiga si William at tulog na tulog.
“Pagod,” bulong ko pa at naupo sa upuan katabi ng kama.
Itinaas ko ang paa sa kama at kumain habang binubuklat ang album ni William.
Nakakatuwang pagmasdan ang masayang mukha ng batang William.
“Haaa! Antok na,” bulong ko at namimikit na itinabi ang album. Pagkatapos ay pinagmasadan ko ang tila binabagabag na pagtulog ni William. “Ang hirap, William. Habang tumatagal ay parang nauunawaan ko na ang sentimyento ng ina mo. Kanina, labag na labag sa loob ko ang pagpatay kay Model 64. Pero base sa mga mata niya, parang ayaw na talaga niyang mabuhay at maramdaman pa ang mga sakit. Totoong, mas madali ang buhay kung walang dinaramdam.”
Napabuntong-hininga akos at ganon na lamang ang gulat ko nang dumulas sa kamay ko ang hawak kong mangkok ng mainit na sabaw.
“Ay potek!” taranta kong sabi nang pilit ko sanang sinalo ang tasa para hindi mabagsak.
Kaso ang lagay, nabuhos lahat ng tirang sabaw kay William.
“Ah ang engot ko pa din,” sabi ko at aligagang hinubad ang damit ko dahil wala akong makitang pamunas saka mabilis na pinunas ang sabaw na umagos sa katawan ni William.
“Sorry, sorry,” bulong ko pa at natigilan lamang nang sakmalin ni William ang braso kong may hawak ng damit.
“Anong ginagawa mo?” tanong nito.
Nanlaki ang mga mata ko at napayuko nang mapagtanto na pati ang tapat ng pribadong parte nito ay napunasan ko na.
“Ah, na-nabasa kita. Hindi ko sinasadya,”
Napalunok ako ng malalim dahil sa galit na mukha ni William.
Masasapak na talaga ako. Tanggap ko na.
Pumikit na ako at inintay ang sapak nito pero laking gulat ko nang hindi ako sinuntok.
Bagkus naramdaman ko ang kamay ko sa di dapat na lugar.
Nagmulat ako at sinubukang bawiin ang kamay ko mula rito pero nagmatigas ito.
“Bitaw, William,”
“Model 2,”
“B-Bitaw, Model 2,”
“Ano itong nararamdaman ko?”
“Ang alin? Malay ko sayo,”
“Ito,” sabi niya at marahang inihaplos ang kamay ko sa matigas nitong bataan.
Nakaramdam ako nang panghihina sa pagitan ng aking mga hita. “Tumigil ka, William.”
“Hindi ko pa ito nararamdaman kahit kailan,”
“Malamang. Virgin ka pa,”
“Anong virgin?”
“Ay bwisit! Ha!” singhap ko nang ang isang libreng kamay nito ay walang pasabing ipinasok sa suot kong bra at nilaro ang dulo ng aking dibdib.
Napayuko ako at napakapit sa hita nito.
“Anong nararamdaman mo?” tanong ni William.
Napatingala ako at gusto kong magwala dahil sa gusto ko talagang matawa pero malabo.
Inalis ko ang kamay nito sa aking ut—ng at binawi ang kamay kong nakalapat sa kaniyang alaga.
“Bukas...bukas na lang. Matulog na tayo."