Isang Kaibigan
Si Lisa ay nag-aaral sa CMU. Ang kanyang mga magulang ay nasa probinsya, habang siya ay nasa dormitoryo na malapit lamang sa kanyang paaralan. Ang kanilang landlady ay napakabait sa mga nangungupahan na natutulog dahil sila ay ginigising nito sa oras ng na ng kanilang pagrereview para sa kanilang nalalapit na exams.
Napakahirap maging isang Dean's Lister na katulad ni Lisa dahil may pinapanatili siyang matataas na marka. At itinatatak niya sa kanyang sarili na nagpapakahirap ang kanyang mga magulang upang siya ay mapag-aral lamang.
Handa na siyang pumasok sa paaralan ng pagsabihan siya ng kanyang landlady na may bago siyang makakasama.
Ang kanyang iskedyul ay buong araw sa kanilang paaralan, kaya nakaligtaan niya ang ibinilin sa kanya ng landlady. Pagdating niya sa kanyang kwarto ay nagulat siya dahil merong mga bagahe.
At kanyang naalala na meron pala siyang makakasama na bagong mangungupahan kaya ang ginawa niya ay naglinis, para mabigyan ng pwesto ang kanyang bagong roommate. Sinalubong ni Lisa ng pagbati ang bagong roommate, pero hindi na ito nag-abala pang lumingon sa kanya. Nalaman lang ni Lisa na Jean Dela Rosa ang kanyang pangalan mula sa librong nakalatag sa higaan. Si Jean ay mahiyain at tahimik. Napag-isip ni Lisa na si Jean ay mapagmataas na tao at mayabang.
Si Jean ay isang masipag na estudyante. Ang dalawa ay palaging nag-aaral at palaging nagpupuyat sa gabi para magreview kung may exams.
Naging masaya si Lisa na makilala si Jean. At katulad din niya na nagpapakahirap ang mga magulang ni Jean para ito ay mapag-aral.
At sumapit na ang kanilang semestral break. Gustong umuwi ni Lisa sa kanilang probinsya para makasama niya ang kanyang pamilya. Tinanong niya si Jean kung uuwi din ba ito sa kanila, pero sinabihan siya nito na namatay na ang kasintahan at hindi niya gustong maalala pa ito. Si Jean ay gumawa ng sulat para sa kanyang mga magulang at hiniling niya na si Lisa ang maghatid. Ang paglalakbay ni Lisa ay naging mabuti at sinulit niya ang pagkakataon na makipag-usap sa kanyang mga magulang, kapatid at mga kamag-anak.
Sa sumunod na araw ay sinabihan niya ang kanyang Ina na meron siyang ihahatid na mensahe mula kay Jean. Pero pagdating niya sa lugar ni Jean ay nahirapan siyang hanapin ang tirahan nito.
Walang nakakakilala sa kanila. Nung ipinakita niya ang address ni Jean, may nakapagsabi sa kanyang na malayo-layo pa ito.
Pagkatapos ng maraming paghihirap, sa wakas nakita na rin niya ang tirahan ni Jean. Ang tirahan nito ay napakalaki na mayroong matataas na bakod at maluwang na bakuran. Walang nakakadinig sa kanyang pagtawag, kaya puwersahang kumatok si Lisa sa pintuan.
Tumagal ang kanyang pagkatok ng makita niya ang isang matanda at tinanong siya nito kung ano ang kanyang kailangan. Sabi ni Lisa napag-utusan siya ni Jean na maghatid ng mensahe para sa mga magulang nito. Ang matanda ay nasurpresa ng binanggit niya ang pangalan ni Jean dahil ang mga magulang nito ay matagal nang naninirahan sa Canada at si Jean ay matagal ng patay, dahil sa isang car accident
Ang sabi ng matanda ay noong maaksidente si Jean isang grupo ng mga tao na mula sa Cagayan ang nakakita na imbis na tumulong ay ninakaw pa nito ang mga gamit ni Jean. Kung nadala lang si Jean sa hospital ay sana naagapan at naisalba pa ang buhay nito.
Hindi makapaniwala si Lisa na ang kanyang itinuring na kaibigan ay matagal na palang patay. Siya ay nanginginig at walang masabi. At nagdesisyon siyang kuhanin ang mensaheng ipinadala sa kanya ni Jean sa kanyang bag, pero nagulat siya na isa lang pala itong tuyong dahon.
Si Lisa ay nalilito kung ano ang nangyari. Ang sabi ng matanda si Jean ay maaring sinubukang maghanap ng totoong kaibigan. Sa kanyang pag-uwi sa kanila, ay nakaramdan siya na siya ay parang lumulutang dahil sa pangyayaring kanyang naranasan. Isang malakas na hangin ang umihip sa mga tuyong dahon na nasa kanyang mga paa at nakita niya ang puntod ni Jean.