Ang Iyak

384 Words
Si Suzy ay madaling nagustuhan ang bahay pagkakita palang niya. Hindi kalakihan pero pasok sa gusto niya. Malawak na bakuran na maaaring pagtaniman ng mga gulay at meron pang mga punong kahoy na nakapalibot sa paligod, na maganda para sa gustong magpahinga. "Kailangan ka lilipat?" tanong ni Mr. Reyes ang real estate agent na nagbenta ng house and lot sa kanya. "Baka sa susunod na sabado," sagot ni Mark. "Okay, sa sabado ay nakahanda na ang bahay." Masayang sabi ni Mr. Reyes. Ang mag-asawa ay talagang nagustuhan ang bahay. Maganda, maluwang at malapit lang sa opisina kung saan nagtratrabaho si Mark. Ang kanilang mga anak ay lumipat din ng pag-aaral sa nasabing bayan. Maaring magamit ni Suzy ang bakuran upang taniman ng mga bulaklak na maaaring maibenta. Pagdating ng sabado ang mag-asawa ay pagod na pagod sa pagsasaayos ng kanilang mga gamit. Ang kanilang palamigan, telebisyon, sopa at higaan ay nasa maayos ng lugar. Ang mag-asawa ay masaya dahil meron na silang sariling bahay. Nung dumilim na ay, nagplano ng matulog ang mag-asawa, ng meron silang marinig na pag-hikbi. Sa pag-aakalang ang kanilang bunsong anak na nanaginip, pero pagbukas nila sa pintuan ay nakita nila itong mahimbing na natutulog. Mga hatinggabi na sila nakatulog. Pagsapit ng linggo nakalimutan ng mag-asawa ang kanilang narinig noong nakaraang gabi dahil sa mga gawaing bahay. Ang kanilang mga anak ay masayang naghahabulan sa maluwang na bakuran. Pagsapit ng gabi si Suzy ay naghahanda ng mga damit ni Mark para gagamitan sa susunod na pasukan sa trabaho, ng meron siyang narinig na pag-iyak. Sinikap niyang alamin kung saan nanggagaling ang ingay. Alam nilang mula iyon sa pader. Idinikit nila ang kanilang mga tainga malapit sa pader. At nakumpirma nila na mula iyon sa pader ang naririnig nilang umiiyak. "Ano tong umiiyak sa loob? Buksan kaya natin ang loob para makita. Kumuha si Mark ng palakol para makagawa ng butas sa pader. Pero natakot sila pagkakita sa buto ng isang sanggol. Walang masabi na kahit ano ang agent at wala din itong alam na impormasyon sa dating may-ari ng bahay. Pinabinditado nilang ang buto ng sanggol at ito ay inilibing. Mula noon ay wala na silang naririnig na ingay mula sa pader. Ang kaluluwa ng sanggol ay nabigyan na ng katahimikan at nabigyan na din ito ng marangal na libing.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD