Ang Salarin

431 Words
Si Kris ay napakasikat in Malaybalay. Halos lahat ng mga opisyales ay kinukuha siya bilang ambassador sa Kaamulan Festival. Si Kris ay may gwapong pagmumukha, makinang na mata, matangos na ilong at magandang kutis. Si Kris ay maraming tagahanga, pero sarado pa ang kanyang puso. "Anong gusto mong gawin para mahalin mo lang ako?" Si Angel ay nagsusumamo, isa siya sa tagahanga ni Kris. Marami sa kanila ang nabigo ngunit ginawa lahat ni Angel para lang mapa-ibig ito. Si Kris ay naanyayahan sa malayong lugar sa Surigao. Dahil sa taglay niyang kakisigan, marami ang gusto siyang makita. Isa na doon si Mae na anak ng kilalang angkan. Si Mae ay kilalang bilang isang mayabang, basagulero, laki sa layaw at laging nakukuha ang lahat. Tulad ng inaasahan si Mae ay agad na nagkagusto kay Kris at sinusumpa niya na maging asawa si Kris. Nagbigay siya ng babala sa mga nagkakagusto kay Kris. Lumipas ang isang buwan, merong hindi inaasahang pangyayari. Isa sa mga nagkakagusto kay Kris ay namatay. Na may tama sa dibdib, dahilan ng pagkamatay nito. Ang pangyayaring iyon ay naulit na naman. Ang krimen ay masyadong perpekto, na hindi man lang ito nagtira ng kahit ano mang ebidensiya. Pinaniniwalaan nilang si Mae ay may gawa. Lumipas ang panahon ang mga nagkakagusto kay Kris ay nabawasan. Dalawa na lamang ang natira, sila ay Mae at si Angel. Sinabihan ni Kris si Angel na huwag na muna siyang bisitahin para maiwasan ang masamang pangyayari. Ngunit hindi pumayag si Angel na kahit ikamatay pa niya ito. Marami ang humanga kay Angel dahil sa magandang katangian nito. At nabighani naman ang puso ni Kris. Isang hapon ang dalawa ay magkasabay na dumating sa bahay ni Kris. Ngunit ang dalawa ay nagtalo, plinano ni Mae na barilin si Angel. Sinunggaban ni Angel ang b***l, pero isang putok ang kanilang narinig. Nagluksa si Kris sa pagkamatay ni Angel, labis na kalungkutan ang nadarama nito, mas lalong lumubha ng gumawa ng palatandaan si Angel sa kanyang presensiya. Naniniwala ang lahat na si Mae din ang pumatay sa mga nagkakagusto kang Kris. Pero sinabi ni Mae na walang siyang alam sa kamatayan ng mga nagkakagusto kay Kris. Ngunit plinano ni Kris na tumayo bilang saksi laban kay Mae. Isang gabi habang natutulog si Kris ay nanaginip siya. Nakita ni ang magandang imahe ni Angel na unti-unting nawawala. Nakita niya ang isang kapirasong papel na may mapa. Ipinapakita sa mapa ang bakuran ni Angel. Nakita nila doon ang b***l, na ginamit sa pagpatay sa kanyang mga tagahanga. Si Angel ang salarin, na naging hadlang sa kapayapaan ng pamamahinga nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD