"Jayzel sayo na itong sing-sing, bilang simbolo ng aking pag-ibig, sana ay magustuhan mo ito, " sabi ni John.
Naniniwala ang lahat sa kanilang relasyon na patungo ito sa kasalan dahil sa taas ng kanilang pinagsamahan at kanilang ugali ay magkasingkatulad.
Isang araw naimbitahan si John ng kanyang kaibigan na si Patrick para samahan na sunduin si Anne na pinsan nito.
Pumayag naman si John dahil alam niyang kailangan nito ng tulong lalo na sa mga bagahe na dala ng pinsan nito at tiyahin.
Dahil sa ginanap na welcome party na hinanda ng mga magulang ni Patrick, Hindi agad nakauwi si John sa kanilang bahay.
Dahil sa tulong ni John sa pagsundo sa kanila kahapon sa airport, pinaghanda ito ni Anne ng almusal kinaumagahan, na nagpasaya kay John. Hindi siya makapaniwala na si Anne ay marunong magluto kahit na sa London ito lumaki.
Mas naging masaya pa si John tuwing naalala niya si Anne higit Pa kay Jayzel.
Dahil sa paniniwala ni John na si Anne ay liberated na babae, nagkamali siya ng inaakala dahil binasted siya nito dahil alam nitong siya ay may kasintahan.
Tinanggap naman ni John ang katotohanan, ngunit ang kanyang sinabi na pag-ibig kay Anne ay mas matibay at matatag pa kaysa nararamdaman niya kay Jayzel, kaya hindi siya titigil hanggat hindi niya nagiging kasintahan si Anne.
Isang araw inimbitahan ni John si Jayzel sa mall para makipagkita at doon siya nakipaghiwalay, sinabin din niya na meron na siyang minamahal na ibang babae.
Sinabi naman ni Jayzel na mas makakabuti kung hindi sila maghihiwalay at bigyan pa ito ng isang pagkakataon, baka nalilito lang siya.
Ngunit sabi naman ni John na hindi na nila kailangan pang lokohin ang kanilang mga sarili, hindi pa kailan man nararamdaman ni John ang labis-labis na pagmamahal sa ibang babae kaysa kay Jayzel na dating kasintahan.
Dahil sa sakit na nararamdaman ni Jayzel agad itong tumakbo palabas ng mall hanggang sa umabot ito sa daan, kasunod niyon ay ang rumaragasang sasakyan. Ang mga sigaw ng mga tao at ang tunog ng pagpreno ng mga sasakyan ay umalingawngaw sa kalye.
Agad namang tumakbo si John para alamin ang kaguluhang nagaganap.
Nakita niya doon ang duguang katawan ni Jayzel na nakadilat pa ang mga mata. Si Jayzel ay patay na.
Dahil sa kanyang gulat agad niyang niyakap ang patay na katawan ni Jayzel at humihingi ng tawad, ngunit maririnig pa kaya siya nito?
Palaging nagdadalamhati si John gabi-gabi sa dati niyang kasintahan, ang hindi alam ng lahat ay nagkahiwalay na sila, kaya ang palaging sinasabi ng mga tao ay "nalulungkot sila para kay John, dahil iniwanan na siya ng kanyang kasintahan!"
Noong inilibing na si Jayzel ay hindi pa rin siya makatulog at makakain ng maayos.
Palaging ligalig si John sa aksidenteng nangyari sa kanyang dating kasintahan at nakaligtaan niya na umalis na si Anne, pabalik na sa London.
Palaging humihingi ng tawad si John kay Jayzel.
Madaling araw na ng maamoy niya ang pabango ni Jayzel na palagi nitong ginagamit noong ito ay nabububay pa at isang malakas na ihip ng hangin ang kanyang naramdaman na naging sanhi ng pagkahulog nang plorera at ang bulaklak ay nagkalat.
Alam niyang pinapalaya na siya ni Jayzel dahil isinauli na nito ang kanyang sing-sing.