Pinsan

310 Words
Hindi maintindihan ni Melanie kung bakit palagi siyang naaabala sa mga nagdaang araw. Sa kanyang pakiramdam ay mukhang may nagmamasid sa kanya. Nanatili siya sa pinamanang bahay sa kanya ng kanyang lolo. Hindi siya makapaniwala na tinatakot siya ng kanyang lolo dahil sa pagkakaalam niya ay mahal siya nito at kinagigiliwan. Isang gabi malakas na ihip ng hangin ang kanyang naramdman na naging sanhi ng pagkahulog ng kuwadro. Pagkalipas ng ilang sandali nakarinig siya ng tinig ng bata sa attic. Isang tumatalbog na bula at yabag ng mga paa na papalapit sa kanya. Lumipas ang ilang sandali ay nakita niya ang isang hilam na mukha na basa ng tubig na agad ding nawala sa kanyang paningin. Hinipo niya ang sahig at nalaman niyang nabasa ito. Sumunod na araw ay kinontak niya ang isang real estate agent para ibenta ang naturang bahay. Bumili siya ng isang unit ng bahay, ngunit pagkalipas ng isang araw, alam niyang sinusundan siya ng multo. Naalala niya ang kanyang pinsan na nahulog sa balon noong sila ay mga bata pa. Naglalaro sila ng "tagu-taguan" na nangyaring nagtago ito sa lumang balon na tinatakpan lamang ng kahoy, sa di inaasahang pagkakataon ay nasira ang takip na kahoy at ito ay nahulog. Nung plinano ni Melanie na iligtas ang kanyang pinsan, ay nahulog na ito sa lumang balon. Humingi ng payo si Melanie sa kapit-bahay at nalaman niyang may "third eye" pala ito, na puwedeng makipag-usap sa multo. Sinabi ng multo na siya ay pinsan ni Melanie na namatay sa balon at sinabi niya na galit siya kay dito, dahil hindi siya nito iniligtas at hindi nito binibisita ang kanyang libingan. Sinabi ng kapit-bahay ni Melanie na dapat itong humingi ng tawad at mangako na bibisitahin nito ang puntod. Tinupad ni Melanie ang lahat ng kanyang pangako at pagkatapos ng isang buwan ang multo ay hindi na nang-aabala.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD