Ang Lalaki sa Barko

487 Words
Maraming paraan ang ibinigay sa kanila para lumikha ng isang kwento. Isa na roon ang paglalakbay, dahil dito makakagawa ka ng maraming balangkas. Sinunod nila ang payo, hindi nila pinalampas ang pagkakataon para makapunta sa ibat'-ibang lugar. Sa pamamagitan nito makakalikha sila ng mga ideya. Isa sa kanilang kasamahan na manunulat na si Sheena ay inibintihan silang sa isang handaan. Pumayag naman ang lahat at bumili na rin sila ng ticket para sa kanilang paglilibot. Isa sa amin ang maysabi na gusto niya daw magkaroon ng nobyo sa lugar na iyon. Sa panahon ng kanilang paglalakbay sakay ng barko, nahiwalay sa kanila si Danica, kaya pinayuhan siya ni Sheena na hanapin ito sa taas ng kubyerta. Doon nakita niya si Danica na may kausap na isang lalaki, ngunit ito ay isang bungo sa halip na mukha. Binati niya si Danica at ipinakilala siya sa lalaki. Nung nakipagkamay na sa kanya ang lalaki,.ang bungo ay biglang nagbago at naging isang guwapong mukha. Hindi niya kontrolado ang panlalamig ng kanyang kamay nung inabot niya ang kamay dito, at ipinakilala nito ang sarili bilang si Dave. Sinabi niya sa lahat ng kasamahang manunulat, ngunit sa halip na paniwalaan, ay sinabihan siyang meron na kaagad siyang balangkas ng katatakutan. Nung narating na nila ang bahay ni Sheena ay maraming nakahandang pagkain para sa kanila. Sa sumunod na araw, pagkatapos nilang kumain. Nakita niya si Danica a may hawak ng kapirasong papel at alam niyang address yon ni Dave. Nakiusap si Danica sa kanya sa samahan ito, pero tinanggihan niya ito. Pagsapit ng tanghali pinilit siya ni Danica na ito ay samahan, hindi na siya makabigay ng idadahilan para tanggihan ito, kaya napilitan siyang samahan ito. Nanghiram sila ng sasakyan para makasigurado sila na sila ay makakauwi. Dahil sa palagi nilang pagtatanong ay narating din nila ang bayan nila Dave. Tinanong nila ang kung saan ang tirahan nito. Ngunit nakita nila ang kakaibang reaksiyon pagkabanggit nila sa El Greco Estate. Kinakailangan pa nila na dumaan sa magaspang na daan bago marating na El Greco Estate. Huminto sila sa isang maliit na bahay, malayo sa pinagtirikan ng bahay ni Dave at may nakita silang isang matandang babae na lumabas sa bahay. Ipinakita ni Danica ang larawan ni Dave sa matanda, at tinanong kung saan nila ito makikita. Sinabi ng matanda ang tungkol kay Dave, na ang anak nilang lalaki na si Dave na may-ari ng El Greco Estate ay matagal ng namatay sa barko, at ang nasabing ay barko ay inihandog na sa gubyerno. Dagdag pa nito na marami na itong nakilalang mga babae na naghahanap kay Dave, sabi ng mga ito na nakilala daw nila ito sa barko. Habang nakikipag-usap sila sa matandang babae, may nakita silang babae na kumakaway sa sementeryo. Natakot naman si Danica at pinaharurot ng mabilis ang sasakyan. Napakagaspang pa ng daan at nagkamalay silang dalawa sa hospital na may balangkat o plaster sa kanilang kamay at paa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD