Si SPO4 Delos Reyes ay nakatanggap ng plaka ng rekognasyon na binigay ng mga nakakataas sa kanya.
Madalas niyang napapabayaan ang kanyang pamilya dahil sa kanyang kasipagan sa kanyang trabaho, kaya palagi silang nagtatalo ng kanyang asawa na si Jessa.
Pauwi na siya sa kanilang bahay ng naisip niya na magagalit na naman ang kanyang asawa dahil ang tagal niyang umuwin. Nakita niya si SPO3 Natividad na nakaupo sa backseat ng kanyang sasakyan. Biglang siyang prumeno dahil sa pagkakatanda niya ay patay na si SPO3 Natividad.
Nang tumingin siya muli sa backseat ng kanyang sasakyan ay wala na ito.
Tatlong bala ang tumagos sa dibdib ni SPO3 Natividad, kung saan binawian agad ito ng buhay.
Malungkot si SPO4 Delos Reyes, tuwing gabi dumadalaw siya sa lamay nito at pinangako niya sa asawa ng kanyang kaibigan na hindi ito titigil hanggang hindi nahuhuli ang salarin.
Pero masyado siyang matalino dahil hindi siya nagbilin ng kahit na anong palatandaan o ebidensiya sa naganap na pagpatay.
Sabi naman ng nabalong asawa ng kaibigan," Kayong mga pulis palagi niyong sinasabi, na ang salarin ay palaging babalik sa pinangyarihan."
Kamakailang lamang ay palagi niyang naririnig si SPO3 Natividad na tinatawag siya. Mula sa araw na iyon palagi nalang nakikita ni Delos Reyes ang biktima sa backseat ng kanyang sasakyan, kaya palagi niyang nararamdaman na siya ay inaabala.
Dahil dito naaapektuhan ang kakayahan sa paglilingkod ni SPO4 Delos Reyes.
Isang araw sinabi sa kanyang superior na bibigyan siya nito ng bagong makakasama, dahil lubha siyang apektado sa pagkamatay ni SPO3 Natividad.
Sinagot naman ni SPO4 Delos Reyes ang kanyang superior na, "Gusto niyang usigin at ipagpatuloy ang imbestigasyon sa kung sino man ang pumatay sa kanyang kaibigan.
Sinabihan siya ng kanyang superior na ang kanyang bagong makakasama ay padating na, nang biglang bumukas ang pintuan at isang pulis ang pumasok at sumaludo sa kanilang superior.
Nagulat at natakot si SPO4 Delos Reyes kaya napasigaw ito ng, "Diba patay ka na, dahil pinatay na kita."
"Alam kung matatakot ka na harapin ang taong pinatay mo. Meron na akong hinala o ideya na ikaw ang pumatay sa kasama mo."
Inamin ni SPO4 Delos Reyes na siya ang pumatay sa kanyang kasama, dahil alam nito na siya ay sangkot sa pinagbabawal na gamot o illegal drugs.
Wala talagang sikreto na hindi mabubunyag.