Ang Pagkawala

546 Words
Ang lahat ay naabala sa bahay ni Mang Jose. Si Roel ay palakad-lakad at nagtatanong kung nacontact ba nila si Bernard sa Japan. Sabi ni Joseph na patuloy lang na tumutugtog ang telepono, ngunit walang sumasagot. Dagdag pa niya na baka tatawag si Bernard mamaya. Si Bernard ang kaisa-isang anak na lalaki ni Mang Jose- na nasa bingit na ng kamatayan, ninais niyang maka-usap ang kanyang anak. "Nasa trabaho ako nung ikaw ay tumatawag at sinundo ko naman ang aking anak sa paaralan. Kumusta kayo? "Gustong makipag-usap ang iyong Papa kanina, pero ngayon ay namatay na siya." Tugon ni Joseph. Sabi naman ni Bernard na uuwi sila kasama ang kanyang anak habang humihikbi. Dumating ang asawa ni Bernard galing sa palengke at nakita siya nitong labis ang kalungkutang nadarama, kung kaya ang hinuha nito baka may nangyari sa Pinas. Pinayuhan ni Dianne si Bernard na dapat iproseso na ang lahat ng mga dokumento para sa kanilang paglalakbay. Sa sumunod na araw si Bernard at Dianne ay hinanda at binili ang lahat ng mga gamit na kailangan nila para sa kanilang paglalakbay, dahil mga apat na taon na ang lumipas nang dumalaw siya sa kanyang Papa. Naging maganda ang ang kanilang paglalakbay at dumating sila mga bandang hapon nung lumapag na ang eroplano sa airport. Dahil alam ni Bernard na hindi sila masusundo ay sumakay nalang sila ng taxi papunta sa bahay ng kanyang Papa. Naging madali ang kanilang paglalakbay dahil walang trapiko na nangyari. Tinulungan nila Roel at Joseph si Bernard sa kanyang bagabe, at inatupag naman ni Dianne ang kanilang anak. Sa pagitan ng kanyang pag-iyak sabi niya "Papa patawarin mo ako sa aking pagkukulang at pagbibigay ng labis na pighati nung ikaw ay nabubuhay Pa!" Dinagdagan ni Dianne ang dekorasyon at naghanda ng mga pagkain para sa lamay. Pagsapit ng gabi ang lahat ay okupado nung dumating na ang mga tao para sa lamay. Nakatulog si Raven sa sofa at dinala naman ni Bernard ang kanyang anak sa dati niyang kwarto nung bata pa siya. Pinagpatuloy niya ang pag-aasikaso sa mga bisita at malapit ng mag 2:00am sa umaga, nung maisipan niyang dalawin ang kanyang natutulog na anak. Papunta na sana siya sa silid ng kanyang anak nung nilapitan siya ng kanyang mga kamag-anak upang magpaalam dahil nagmula pa ito sa butuan. Nung narating na niya ang silid, nawawala si Raven. Nilibot niya ang buong silid,sa banyo, sa higaan baka nahulog ito sa ilalim. Pero wala ito roon. Kaagad siyang lumabas sa silid at hinanap si Roel at Joseph, para itanong kung saan si Raven. Pero sabi nila masyasdo silang maraming ginagawa isa na doon ang pagluluto at nakaligtaan nilang dalawin si Raven sa silid nito. Alam ni Bernard na masyado pang bata ang kanyang anak para kumilos ito ng mag-isa at naniniwala siyang may kumuha dito. Masuring niyang hinanap sa lahat ng dako ng bahay at tinanong din ang lahat tungkol kay Raven. Napagpasyahan ni Bernard na pumunta sa silid ng kanyang Papa, kahit alam niyang nakakandado ito. Pero sa kanyang pagtataka nakita niyang nakabukas ang silid at nakita si Raven na natutulog sa silyang tumba-tumba na para bang may yumayakap dito. Para sa kanyang Papa na pumanaw at hindi man lang nakita ang kanyang pinakamamahal na apo nung ito ay nabubuhay pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD