Ang mga bata ay takot umuwi dahil malapit ng dumilim. Isang mahabang tulay ang itinayo na nagkokonekta sa kanilang bayan at karatig lugar.
Isang kuwento ang sinasabi na may kinalaman sa pinatayong tulay. Preskong dugo mula sa mga kabataan ay pinaniniwalaan nilang ibinubuhos para mapagtibay ang nasabing tulay. Dahil dito ang mga magulang ay takot na takot kapag sumasapit na ang dilim.
Pinagtawanan lang ni Nicole at Shyra an nasabing kwento. Ang mga ito ay nagmula sa Camiguin at pumunta doon upang magbakasyon.
Hindi sila naniniwala sa mga kwentong multo. Para sa kanila ito ay isang palaisipan.
Hindi nila inaasahan na makakakuha sila ng imbitasyon mula sa kanilang kaklase nila noon para sa get together nila. Nahihiya sila kung hindi nila tatanggapina ng nasabing imbitasyon, kaya dumalo sila. Pero kailangan na din nilang umuwi para sa gaganaping kaarawan ng papa ni Shyra.
Maghahating gabi na sila naglakbay pabalik sa Camiguin. Malapit na sila sa may tulay na tinayo, nung naalala nila ang kuwento tungkol sa tulay. Sinabi nila sa kanilang sarili na panakot lang ang kuwento patungkol sa tulay, upang matakot ang mga bata at hindi na sila maglalaro pa doon.
Nasa paanan na sila ng tulay, nung bilang nasira ang sasakyan. Ninais lumabas ni Shyra upang tingnan kung ano ang sira, nang bubuksan na sana niya ang pintuan ng sasakyan ay hindi ito bumukas.
Sa kanilang pagtataka may nakita silang bata na dugaan na lumulutang sa hangin.
Ang dugaang bata ay huminto sa harapan ng kanilang sasakyan. Umakyat ito sa sa hood ng kanilang sasakyan. Maraming beses nilang sinubukang paandarin ang sasakyan pero nabigo sila.
Ang mga duguan katawan ay lumapit sa kanilang windshield. Habang nanginginig sila sa takot, sinubukan nilang paandarin muli ang sasakyan at umandar naman ito. Pinaharurot nila ng mabilis ang sasakyan at agad namang naglaho ang duguang kaluluwang ng bata. Hindi hininto ni Shyra ang sasakyan hanggang nakaabot sila sa expressway.
Hindi sila makapaniwala sa kanilang nakita. Sinabi nila sa kanilang mga magulang ang kanilang karanasan. Ang kanilang mga magulang naman ay nagbigay ng opinyon, baka daw iyong batang nagmumulto ay iyong bata na pinatay at inialay sa ipinatayong tulay.