Mandy POV "Can you be my...girlfriend?" "What the hell are you talking about Palermo?" Singhal ko. Nandidilat pa ang mata ko. Pumupuro na sa'kin ang maharot na lalaking 'to eh. "Hahahahahahaha." Nakahanda na ang heels ko. Ihahampas ko talaga 'to sa ulo nyang si Palermo. "What's funny?" "Ang epic ng mukha mo, s**t! Gulat na gulat ka ah. Sigurado ang puso mo halos 'di maka-pintig sa sobrang kilig. Hahaha." "AWWWW!" Napahawak si Luke sa ulo nya pagkahampas ko ng heels. Daming alam. Sarap plaster-an ang bibig. Dami pang sinasabi. Paksh*t na lalaki. "Sobra ka naman Mandy! Awwww!" Sabi nya habang hawak pa din ang ulo niya na sigurado akong nasaktan. "You deserved it. Kulang pa 'yan. Ang lakas din ng trip mo 'no? Kung manti-trip ka lang, 'wag ako! Baka mamaya 'di na kita matantiya Palermo!

