Sa gitna ng pag-uusap nila, bigla na lamang nakaramdam si Hiraya ng pagkahilo. Tila umikot ang buong paligid at agad siyang napasapo sa noo. Natigilan sina Mayumi at Oscar sa pagkukuwento nang mapansin ang pag-inda niya. "Ayos ka lang, Aya?" nag-aalalang tanong ni Mayumi na humawak sa kaniyang kanang balikat. "Alam mo napansin ko na pumuputla ka." Iniwas ni Hiraya ang paningin at hindi pinakinggan ang sinabi ng kaibigan. "P-Pupunta lang ako sa C.R." At dahil ayaw nang bigyan ng alalahanin ang mga ito kaya naisipan muna niyang pakalmahin ang sarili sa banyo. "Samahan na kita," wika naman ni Mayumi na nag-aalala pa rin. "Hintayin ko na lang kayo rito." — si Oscar. Tumango lamang siya at sabay silang naglakad ni Mayumi papunta sa palikuran ng mga babae. Inaalalayan siya ng dalagita haban

