"Na-miss mo ba ako?" nanunukso nitong anas. Natauhan si Kenjie at nanumbalik ang utak sa kasalukuyan. Nais niyang tanungin kung paano nakuha ng ina ang selepono ni Aya. "Paano —" ngunit bago pa niya mabigkas ang tanong sumingit na si Jovena. "Huwag kang magsasalita, Kenjie. Makinig ka lamang sa lahat ng sasabihin ko. Kapag nalaman ni Dalisay na ako ang tumawag, papatayin ko ang batang babae na ito!" Namilog ang mga mata niya at nakaramdam ng hilakbot. Naunawaan niya ang pinupunto nito. Nagpawis agad ang kaniyang ulo dahil sa pangamba, tinakasan ng kulay ang kaniyang mukha. Umurong ang kaniyang dila. "Tama 'yan. Huwag kang magsalita. Kapag ako nabanas totodasin ko itong babae mo. Makinig ka sa akin kung gusto mo pa siyang mabuhay!" Napansin niya si Dalisay na nagtatakang nakatingin sa

