Chapter 22 : Descend

1632 Words

Bumalik siya sa impyerno. Bumalik siya sa lugar kung saan nagsimula ang lahat, hindi man niya nais ngunit wala siyang maisip na ibang paraan. Nang makarating doon, hinihingal siyang tumayo sa pinto. Tumitig muna siya sa kabuuan ng sariling tahanan at naalala ang mga masalimuot na karanasan. Isinusuka niya ang pinagmulan, subalit ano pa ba ang kaniyang magagawa? Kapag inamin niya kay Dalisay ang tungkol dito at sumama ang guro sa kaniya, siguradong mapapahamak si Aya. Hanggang ngayon ay inuusig si Kenjie ng kaniyang konsensya, sapagkat nadamay ang dalagita sa kaniyang pansariling problema. Kung ang makakapagligtas kay Aya ay ang pagbabalik niya sa bahay, gagawin niya sapagkat iyon ang nararapat. Hinawakan niya ang busol ng pinto at unti-unting binuksan iyon. Ang una niyang nakita ay ang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD