HINDI sinasadyang napasulyap si Lian sa salamin na nakasabit sa dingding habang sinusuklay niya ang mahabang buhok. Napangiwi siya nang muling makita ang hindi pamilyar na mukha. Nadatnan na ni Lian ang salamin na iyon sa bahay na inuupahan. Gusto sana niyang alisin iyon ngunit hindi naman puwede. Nakakabit kasi ang salamin na iyon sa tokador kung saan siya naglalagay ng kanyang mga damit. Kaya nga iniiwasan niyang mapatingin sa salamin hangga’t maari dahil ayaw niyang makita ang mukha na mayroon siya. Hanggang ngayon hindi pa rin niya matanggap ang pagbabago ng kanyang mukha. Oo nga’t hindi naman pangit ang mukhang taglay niya pero hindi pa rin niya gusto ito. Hindi siya makabalik sa dati niyang buhay dahil sa mukhang ito. Ang pinakamahirap pa nito kinailangan niyang magpanggap para la

