TAHIMIK lang si MJ habang pinanonood si Lyrica na nakikipag-usap sa Production Manager at sa QC Manager. Hindi na siya sumabad pa. Mukha namang mas may laman ang mga sinasabi ng bago niyang designer kaysa sa sinabi niya sa dalawa kanina noong siya ang makipag-usap sa kanila. Hindi rin naman nagrereklamo ang dalawang kausap nito. Tumatango lang ang dalawa at paminsan-minsan nagpapaliwanag din kapag tinatanong ni Lyrica. Inabot ng halos kalahating oras ang pag-uusap nina Lyrica. Nangako ang dalawang manager na susundin ang suhestiyon ng designer. “How did you do that?” nagtatakang tanong ni MJ nang pabalik na sila sa opisina ni Lyrica. “Ang alin?” balik-tanong naman nito sa kanya. “Paanong napapayag mo silang sumunod sa suggestion mo kahit ngayon mo lang sila nakaharap?” Nagkibit-bali

