NAKALABAS na ang aplikanteng kausap ni MJ ngunit nakatitig pa rin siya sa pintong nilabasan nito. Kumurap siya ng ilang beses saka ipinilig ang kanyang ulo. Anong nangyayari sa kanya? First time niyang maka-encounter ng ganoong klaseng babae. Maliban kay Lian, wala pang babae na nakakuha ng buong atensyon niya. Ngayon pa lang nangyari na may babaeng hindi lang atensyon niya ang napukaw, natibag din ang ang pananaw niya sa mga kababaihan. Wala pang babaeng naglakas-loob na makipag-bargain sa kanya bukod kay Lian. Pero iyong babaeng kausap niya kanina, tinalo pa yata ang asawa niya sa galing nitong makipag-argumento sa kanya. Siya namang siraulo ay pumayag na gawin iyon ng babae sa kanya. Wala namang kakaiba sa babae maliban siyempre sa weirdo nitong pananamit at pag-aayos sa sarili. Hin

