“SAANG planeta ka ba nanggaling, Miss? Bakit ganyan ang suot mo? Kulang na lang ng putong sa ulo mo at magmumukha ka ng madre! O baka naman madre ka nga at tumakas lang sa kumbento?” sarkastikong tanong nito. Napalunok si Lian. Napamura na rin siya sa kanyang isip. Buwisit ka, MJ! May kasalanan ka na nga sa akin, nanlalait ka pa! Tiningnan niya ang kanyang suot na damit. Nakasuot siya ng long sleeve na puti at nakasara ang butones hanggang leeg. Naka-tuck-in ito sa palda niyang itim na umabot hanggang bukung-bukung ang haba. “Wagas ka namang manlait, sir. Hindi naman po ako madre at lalong hindi ako galing sa kumbento,” nakaismid niyang sagot dito. Napakunot ang noo ni MJ. “Okay. Kung hindi ka galing ng kumbento, bakit ganyan ka manamit? Saan ka ba nanggaling?” Napaisip si Lian sa t

