“ANONG ginagawa po ninyo rito, sir?” nagtatakang tanong ni Lian. Napabuntunghininga ang kausap niya. “Tinawagan ako ni Jak dahil kailangan daw nila ng posas kaya narito ako. Akala ko nga noong una, kriminal ang lalagyan ko ng posas. Iyon pala si Melvin ang tinutukoy nilang poposasan ko,” napapailing nitong sagot. Kumurap-kurap si Lian habang nakatitig kay MJ. Naninikip ang dibdib niya habang pinanonood itong nahihirapan. Pakiwari niya pati rin siya kakapusin din ng hininga. “Anong gagawin ko ngayon? Hahayaan n’yo na lang ba na ganyan ang kaibigan ninyo? Wala ba tayong puwedeng gawin para mawala o mabawasan man lang ang epekto ng ininom niya?” Isa-isang sinulyapan ni Lian ang mga kaibigan ni MJ. Maliban kay Xyrus, ngayon lang niya nakita ang mga ito. Hindi rin naman kasi nagkukuwento

