Chapter 31 - Aftermath of Disaster

1726 Words

NAALIMPUNGATAN si MJ. May kung anong kumikiliti sa leeg niya. Pinilit niyang magmulat. Napakurap siya ng ilang beses nang tumambad sa kanya ang hubad na katawan ni Lian na nakapatong sa mismong katawan niya. Alam niyang si Lian iyon dahil naaamoy niya ang pamilyar nitong pabango. Bukod pa sa kabisado ng katawan niya ang katawan ng kanyang asawa. Sa buong buhay niya, wala ring ibang babae na nakasama niyang natulog maliban kay Lian. Kapag nakikipag-one night stand siya, iniiwan niya ang babae pagkatapos niyang pagsawaan ito kahit ano pa ang oras, gabing-gabi man iyon o madaling araw. Iginala niya ang paningin sa buong kuwarto. Wala sila sa sarili nilang bahay. Mukhang nasa isang hotel room sila. Bakit sila nandito? Naka-full blast yata ang aircon dahil nanunuot ang lamig sa katawan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD